"For all the students of Curse Academy, news are currently circulating around the campus about students who were found dead without any traces of evidence. The council doesn't have to do with this and we won't do anything to find out anything about this matter. We only want to inform you about the current events in order for you to be more careful. Students found dead were cold, freezing and their eyes wide open...no blood or anything. No such evidences on how they died"
.....
♡ Syden's POV ♡
Kasalukuyan kaming nakatayo sa harap ng building ngayon dahil pinatawag kami ng council para sa isang announcement na alam namin kung tungkol saan. Nitong mga nakaraang araw, mayroon ngang mga estudyante na natatagpuan na lang na patay na ngunit walang bahid ng dugo. Kaya mas pinipili na lang ng iba na huwag ng lumabas ng dorm at doon na lang magtago sa mga kwarto nila dahil sa takot. Walang nakakaalam kung ano talaga ang nangyayari. Higit sa lahat, hindi namin alam kung paano namamatay ang mga estudyanteng iyon. Masyadong mabilis ang pagpatay, ngunit sa ibang pamamaraan.
"It never happened in Chained School" narinig kong sabi ni Icah kaya napatingin ako sa kanya. Silang tatlo, nakatayo sa right side ko while the Vipers are just behind us.
"Do you mean, ngayon lang nangyari 'to?" tanong ko sa kanya, "Oo. Ngayon lang, kaya wala talagang nakakaalam kung sino ang gumagawa ng ganitong klasing pagpatay lalo na't wala namang nakikita na ebidensya"
"But I heard, there is this person roaming around the campus" sambit ni Maureen bago niya kami tinignan, "Many believed that he is the killer behind these events"
"Seriously? Bakit naman niya gagawin 'yon?" tanong ko sa kanya.
"Who knows? Wala naman talagang nakakaalam kung totoo nga. Well, that's just a rumor" sambit nito.
"If that's true, may nakakita na ba sa kanya?"
"This is another news. Pinaniniwalaan ng iba na nakita na raw siya ng ibang students. But unfortunately, lahat ng students na nakakita sa kanya, in the end, they were all killed"
Napatingin na lang ako sa harapan ng may pagtataka dahil sa mga sinabi ni Maureen, "Kung siya nga ang killer, then paano niya napapatay ang mga estudyante ng walang bahid ng dugo?" mahina kong tanong.
"No one knows" sagot ni Maureen.
Habang nakatayo pa rin kaming lahat sa harapan ng building na iyon, bigla na lang kaming nakarinig ng mga pagsabog kaya nagulat kami lahat at napasigaw ang iba. Hinanap namin kung saan nanggagaling ang pagsabog at nakita namin na galing ito sa entrance ng Academy. Biglang nagbukas ang entrance kung saan doon ipinapasok ang mga mga students mula sa Heaven's Ward High para mapunta sa impyernong ito. Bigla na lang naming nakita na may mga estudyanteng naka-uniform sa mismong entrance na iyon. Itinulak sila papalapit sa amin kaya nasubsob sila sa sahig. At sa mismong entrance na iyon, nakita namin si Mrs. Lim. Here we go again.
"Good Evening my dear students" lumapit siya sa harapan ng mga estudyanteng itinulak nila kanina papunta sa amin. Kung hindi ako nagkakamali, sila ang mga students sa Heaven's Ward at ipinasok sa impyernong ito bilang parusa. Katulad ng nangyari sa akin noon.
"From the population of 1000 students here in this Academy, expect more na madadagdagan pa kayo and here is another, not just 1, not just 2, but 50 students from Heaven's Ward High. Treat them well. Another free soul! Enjoy!" sambit nito at kitang-kita namin na nasisiyahan siya bago ulit nagsara ang malaking entrance at muli naming nakita ang electric barrier ng entrance na iyon.
Nagulat na lang ako dahil sa dami ng estudyanteng ipinasok nila sa Curse Academy. Noong ipinasok kami ni Raven dito, kami lang dalawa, pero ngayon, marami na sila. Ang mga reaksyon nila, katulad din ng reaksyon namin ni Raven noon. Gulat na gulat, natatakot at higit sa lahat, hindi makapaniwala. Nakatingin lang kaming lahat sa kanila at nakatingin din sila sa amin. Habang tahimik ang lahat, bigla kaming nakarinig ng isang napakalakas na pagsigaw sa likuran namin, kaya napatingin kaming lahat dito. Sa mga oras na nakita namin 'yon, napatakip kami ng bibig at hindi namin mapigilang mabigla dahil sa nakikita namin. May isang estudyante mula sa third floor ang nakabigti. Nanlalaki ang mga mata at nakalabas ang dila, habang nakatingin kami sa kanya, ang iba ay nagsusuka na. Napansin namin na mismong sa building na iyon, may nakasabit na malaking puting tela at ng humangin ng malakas, tuluyan itong bumukas at may nakasulat dito. Ang pansulat na ginamit dito ay dugo, at nakasulat ang salitang,
"They're back!"
Lalo pang nagkagulo ng makarinig kami ng mga malalakas na pagsabog. Hindi lang isa, hindi lang dalawa, kundi maraming mga pagsabog. Alam naming hindi normal ang mga pagsabog na iyon kaya nag-umpisa ng magkagulo at mas lumala pa ang sigawan. Nagsitakbuhan ang lahat at sinubukan kong hanapin ang mga kasama ko kanina, pero lahat sila nawala na sa paningin ko kaya tumakbo na rin ako para magtago. Hindi man namin alam kung sino ang parating, pero alam namin na may darating.
Tumakbo na lang ako ng tumakbo hanggang sa makapasok ako sa isang building na ngayon ko lang napasukan. Katulad rin ito ng mga iba pang building na napuntahan ko. Pagkahakbang ko pa lang, biglang tumigil ang mga pagsabog at pati na rin ang mga estudyanteng kasama ko, napatigil sa pagtakbo at napatingin kaming lahat sa labas ng building habang hinihintay ang mga susunod pang mangyayari. Walang ingay, walang padating at walang nagkakagulo. Mula sa napakaingay na pagsabog kanina, biglang natahimik ang buong campus.
Nag-umpisa na ulit silang maglakad, isang paglakad na tahimik ngunit nagmamadali. Tanging mga bulungan nila ang naririnig ko at mukhang natatakot pa rin sila. Karamihan, nagmamadaling maglakad para makabalik sa dorm nila at makapagtago. Nang ako na lang ang matira, nag-umpisa na rin akong maglakad ng dahan-dahan para mag-ingat habang inoobserbahan ang paligid.
"Ano bang nangyayari sa'yo?!" ng marinig ko ang boses na iyon ay napatingin na lang ako sa likuran ko ngunit malayo ng konti sa kanila. Napansin kong nagkabanggaan ang dalawang babae at mukhang nanginginig ang isa sa kanila na parang hindi mapakali.
"Nakita ko siya. Namumutla, nanlalamig at nanginginig" sambit nito at kitang-kita sa itsura niya na hindi siya mapakali.
"Ha sino?! Hindi ba ganyang klasing itsura ang mga narereport na estudyanteng namamatay ng walang bahid ng dugo?!" sagot naman ng kasama niya.
Nang marinig ko 'yon, lalo pa akong naganahan na makinig sa usapan nila, "Sino bang nakita mo?" dagdag pa nito.
Mukhang ayaw sagutin ng babaeng yon ang tanong sa kanya ng kasama niya ngunit pinilit niya pa ring magsalita kahit nanginginig siya, "S-si...Gwen" sagot nito.
Nakita kong gulat na gulat ang kasama niyang babae na parang hindi ito makapaniwala, "S-seriously?! Imposible yang sinasabi mo!"
"Sigurado akong si Gwen ang nakita ko!" sagot nito habang umiiyak. Aalis na sana ang kasama niya pero pinigilan niya ito.
"Saan ka pupunta?!" pahayag nito na sa kaibigan niya, "Tutulungan ko si Gwen!"
"But we can't help her!" sagot niya na ikinabigla nito, "Bakit naman? Naririnig mo ba ang sinasasabi mo?! We need to save her" pagpupumilit nito.
"Gusto ko rin naman siyang iligtas because she's our only friend. Pero kapag niligtas natin siya, baka matulad tayo sa kanya!"
"I don't care, ililigtas ko pa rin siya!"
"Nakita ko kung gaano siya kahina at nahihirapan, balak ko siyang lapitan at tulungan pero bago ko pa man magawa iyon, pinaalis na niya ako at sinabi niyang hayaan ko na raw siya. Huwag ko na raw siyang tulungan dahil baka ako naman ang susunod nilang patayin" naiiyak na sabi nito.
"Sino namang magbabalak na gawin 'yon?!"
"Hindi ko rin alam. Basta ang alam ko lang, nakita ko kung gaano siya kaputla, nanginginig na parang binabalutan ng yelo. Bago ako umalis, nahawakan ko ang kamay niya at sobrang lamig nito. Hindi ko alam kung sino ang gumawa nito sa kanya pero wala silang puso"
Nang marinig ko ang lahat ng 'yon, bigla akong napaisip kung paano nagagawa ng mga taong 'yon na pumatay ng walang dugo. Alam kong hindi sila gumagamit ng armas at may iba silang ginagamit para pumatay. Pero bakit?
Nag-umpisa akong maglakad para hanapin ang babaeng pinag-uusapan nila kanina. Pinaalis raw siya nung kaibigan nilang Gwen ang pangalan kaya may pag-asa pa ako para makita at maabutan siya kaya binalak kong hanapin ang babaeng 'yon at nagbabaka-sakaling matulungan ko siya at malaman ko kung sino ang nasa likod ng ganitong klasing pagpatay.
Binuksan ko lahat ng pintuan at hinanap siya sa lahat ng classrooms na nadadaanan ko. Habang hinahanap ko ang babaeng 'yon, nagulat ako sa biglaang pagbukas ng isang pintuan at mula doon, ay may isang babaeng mukhang kakagising lang at halata naman dahil kinusot-kusot pa nito ang mata niya habang tinitignan ako. Pero parang may mali sa kanya.
Nang mag-umpisa na itong humakbang, nawalan siya ng balanse at napahawak sa pader kaya dali-dali ko siyang tinulungan. Napatingin na lang ako sa kanya ng maramdaman kong mataas ang lagnat nito dahil sa sobrang init niya.
"Mataas ang lagnat mo, gusto mo ba dalhin kita sa clinic?" tanong ko sa kanya.
"Kaya ko na. Okay lang ako" sambit nito. Inalis niya ang pagkakahawak ko sa kanya at naglakad papalayo pero hindi siya makapaglakad ng maayos at mukhang hilong-hilo ito kaya nilapitan ko siya ulit.
"Tulungan na kita. Hindi mo kakayaning pumunta doon ng mag-isa" sambit ko sa kanya kaya napatingin siya sa akin at binigyan ako ng matipid ng ngiti.
Bago kami tuluyang makalayo sa lugar na iyon, tumingin ulit ako sa likuran ko. Hindi ko siya nakita at ano na kaya ang nangyari sa kanya? Kay Gwen....
.....
Nang makarating kami sa clinic, agad ko siyang dinala sa may nurse para sabihing mataas ang lagnat niya. Pinainom nila siya ng gamot at pinahiga sa kama para makapagpahinga. Aalis na sana ako pero minabuti kong hintayin munang maging maayos ang pakiramdam niya lalo na't wala siyang kasama, hindi ko rin alam ang pangalan niya at kung sino ang mga kasama niya.
Umupo ako sa gilid habang inaalala ang narinig ko kanina. Kung nahanap ko si Gwen, baka natulungan ko rin siya at natanong ko sa kanya kung sino ang gumawa noon. Pero ngayon, ni hindi ko alam kung buhay pa ba siya o hindi. Pero umaasa akong makakaligtas siya. Sa mga oras na ito, masyadong mabilis ang mga pagpatay at hindi mo alam kung anong oras ka nila pupuntiryahin.
Sandali akong napatingin sa babaeng kasama ko at nanlaki ang mata ko ng biglang may isang bagay na pumasok sa isipan ko. Hindi kaya siya si Gwen? What if siya yung babaeng hinahanap ko?
Pero hindi siya nanlalamig bagkus nilalagnat siya, kaya naisip kong baka hindi siya si Gwen. Susubukan ko siyang tanungin at swerte ko na lang kung siya nga ang hinahanap ko.
"Bakit ka pa nandito?" dinig kong sambit ng babaeng tinulungan ko.
Nilapitan ko siya at umupo ako sa tabi niya na mula sa pagkakahiga ay umupo kaya inalalayan ko siya, "Kailangan mo pang magpahinga" sambit ko.
Tinignan niya ako at bahagyang ngumiti, "Pasensya na at naabala pa kita pero hindi mo naman ako kailangang tulungan. Kaya ko naman"
"Hahayaan na nga sana kita pero mukhang hilong-hilo ka kanina kaya no choice ako at tinulungan kita" sagot ko naman kaya lalo pa siyang ngumiti, "Ano bang ginagawa mo sa loob ng classroom na iyon?" dagdag ko pa.
"Doon ako nagtago ng magkagulo kanina dahil sa mga pagsabog, kahapon pa masama ang pakiramdam ko at dahil sa sakit ng ulo ko kanina, minabuti kong matulog na lang. Pero pagkagising ko, hindi ko naman inakala na lalo pa lang lalala ang pakiramdam ko" pahayag nito. Dahil sa sinabi niya ay nawawalan ako ng pag-asa na isiping siya yung hinahanap ko.
"Kaya pala. Buti na lang at nakita agad kita. Ano nga pa lang pangalan mo at pwede mo bang sabihin sa akin kung sino ang mga kaibigan mo para naman masamahan ka nila dito?" tanong ko sa kanya at napansin kong mukhang nagulat siya sa tanong ko at higit pa doon ay natulala siya. May mali ba sa mga tanong ko?
"May problema ba?" tanong ko sa kanya.
"W-wala naman" maikling sagot nito.
"Btw, I'm Syden" sabay abot ko sa kanya ng kamay ko kaya napatingin siya dito na parang gulat pa rin, something is strange about her or dahil lang siguro ngayon ko lang siya nameet?
Bago niya inabot ang kamay ko ay tumingin siya sa akin, "Leigh" sagot nito. She's not really the person I'm finding.
Tinignan ko siya ng maayos at medyo napangiti ako, "Is that really your name?" tanong ko. Masyado lang talagang bago sa akin ang pangalan niya kaya ko naisipang itanong 'yon.
Ngumiti ulit ito bago nagsalita, "I know it's strange" pareho na naming ibinaba ang mga kamay namin, "Then Leigh, pwede mo bang sabihin sa akin kung sino ang mga kasama mo. Sorry pero...kahit gusto kitang samahan, hindi ako pwedeng magtagal. I will just find your friends para masamahan ka nila dito" sambit ko habang tinitignan ang buong clinic. Tumayo ako pero nabigla ako ng hawakan niya ang braso, "H-huwag na" ani niya, "B-bakit naman?" tanong ko dito na halatang hindi mapakali.
Napansin niyang nakahawak siya sa braso kaya binitawan niya ito at napayuko siya, "Sorry. I mean, hindi mo naman kailangang magtawag ng makakasama ko dito"
Dahil sa sinabi niya, napakunot ang noo ko, "Seryoso ka ba? Bakit naman?"
Dahan-dahan siyang tumingala at tumingin sa akin, "I don't have any friends at kaya ko namang mag-isa"
Another brave girl who thinks she can handle all things by herself.
To be continued...