webnovel

Chapter 2

Magandang umaga sa mga taong naging Paraluman at nakahanap na ng Tahanan. 

Maganda ba gising nyo? Well ako,.. nagising akong maganda, sana kayo din. 

Dahil wala kaming pasok today magiging abala ako sa paghananap kung san ako mag-aapply as a working student. Hindi naman ako mayaman at sapat lang ang kinikita ni Tita sa bookshop para makasurvive kami sa araw-araw. Maraming sideline si Tita kaya lahat ng kailangan kong gamit sa school ay nabibigay nya. 

" Ta, san may okay na pasahod?" seryosong tanong ko kay Tita habang nakatingin pa din sa Laptop ko.

" Naku, tumigil-tigil ka Gabriella ha. Bakit naghahanap ka? Di ba ang usapan natin ay magfofocus ka sa pag-aaral mo? Gusto mo ba ulit mangyari yung dati na pinagsabay mo ang trabaho mo at studies mo?" seryosong tanong nito habang naghahanda ng almusal namin. 

" Never na mauulit yun Tita" paninigurado ko dito.

" Bat nagbago isip mo?"

" Gusto kong makatulong sayo Tita. Alam ko naman na di ka nagrereklamo pero ayoko din naman na saluhin mo lahat ng obligasyon mo sakin" 

" Kumain na tayo at maaga ako magbubukas ng bookshop natin ngayon " pag-aaya nito. 

Walang salitang lumabas sa bibig ni Tita hanggang sa pag-alis nito ng bahay.

Kapag ganun si Tita ay hindi ito pumapayag sa gusto kong mangyari. 

Tinawagan ko si Sophie para magtanong-tanong san ako pwede magpasa ng resume. 

" Akala ko ba ayaw ni Tita? Paano kung mangyari ulit yung dati? Naku, Gabriella Corin sinasabi ko sayo ha, dapat magkakasama tayong gagraduate walang maiiwan."

" Kaya ko naman na, Sophie" maiksing sagot ko dito. 

" You know naman nandito kami para tulungan ka"

" Marami na kayong nabigay na tulong at nagpapasalamat ako dun. Gusto ko din naman may magawa ako para sa sarili ko. So, please help me na lang. Back-up lang naman lalo na kapag naconvince ko si Tita" 

" Okay, sure. I'll ask Kuya, alam mo naman mas maraming alam yun." 

" Salamat, Sophie. Call ko din sila Thea and Mia, Love you" at binaba ko na ang telepono.

Agad akong nagpunta sa mga soc med ko hanggang sa may nakita akong family picture. At dun na naman sumagi sa utak ko yung mapait na alaala na ayoko ng balikan. Ang dahilan ng lahat kung bakit napabayaan ko ang pag-aaral ko at muntik ko ng di makuha ang scholarship ko ngayon.

~

flashback 

" Please Ma, isama mo ko. Wala akong pakialam kung ayaw sakin ng bago mong pamilya. Basta isama mo ko" pagmamakaawa ko kay Mama. Balak nya kong iwan sa kapatid nya dahil lilipat na sila ng tirahan ng napangasawa nya. Buntis kasi si Mama at ayaw akong isama ng asawa nito. 

" Anak, dadalaw-dalawin din naman kita. Kukuhanin kita kapag okay na ang lahat. And isa pa nangako sya na pag-aaralin ka nya pero ang condition nun ay dito ka muna sa Tita mo. Alam mo naman na di kaya ni Mama pag-aralin ka di ba?"

" Ma, isama mo naman ako sa pagbuo mo ng bagong pamilya. Wag mo kong iwan. Pati ba naman ikaw, Ma? Bakit pati ikaw? Di pa ba sapat na inayawan ako ni Papa nung nasa sinapupunan mo? Ma, ikaw lang ang meron ako. Alam mo yan, ikaw lang ang kakampi ko Ma, ikaw lang... kaya please don't do this to me. Wag mo ko hayaang masaktan ng wala ka sa tabi ko. Hindi ko kaya, Ma. Hindi ko kaya " iyak na sabi ko dito. Ang sakit-sakit na yung naging kakampi ko sa loob ng mahigit na 16 years, hinahayaan na akong masaktan ng ganito. 

" Anak, di ka naman pababayaan ni Tita Rose mo e. Makinig ka sakin. Para rin sayo 'to. Kapag nailabas ko na tong kapatid mo, mag-uusap ulit kami para makasama ka sa bahay, pangako yan anak. " sabay hawak sa kamay ko. Iwinaksi ko ang mga kamay na yun. Hindi ko kilala kung sino man ang sinasabi nyang si Tita Rose. Buong buhay ko ay siya lang naman ang nakasama ko. At di ako pumapayag na maiwan dahil di ako sigurado kung tutupad ba sila sa mga pangakong sinasabi nila sakin.

" Paano naman ako, Ma? Ako din dapat di ba? Anak mo din ako. Please, Ma. " nanlalabo na ang paningin ko dahil sa mga luhang kumakawala sa mata ko. 

" I-I'm sorry, anak." sabay yakap nito habang umiiyak. Saglit lang ang yakap na yun dahil umalis na rin agad ito. At ako? naiwan na namang nakatanga at nagtatanong sa sarili kung ano bang mali sakin at iniiwan ako ng mga taong minamahal ko. Una, si Paulo at ang mga kaibigan ko, ngayon naman si Mama. Wala ba talagang kayang magmahal sakin ng di ako sinasaktan, nang di ako pinapaluha.? Is there really someone out there for me? someone who knows how to stay..

end of flashback

---- 

" Is something good on these days?" nagtatakang tanong ni Mia kay Sophie dahil sa dami ng inorder nitong food. Nandito kami ngayon sa Happy Grill, ang paboritong resto ng barkada. 

" Hmmm wala naman. Maliban sa may bagong transferee daw sa department natin." nakangiting sagot nito.

"Ay wow, grabe ang source mo ha. Babae ba or lalaki?" curious na tanong ni Thea.

" Not sure if true. Dapat daw kasi ngayon sya ipapakilala sa class kaso di daw pumasok" sagot nito bago isubo ang kanina pang hinihiwang steak. 

" Halos 3 weeks na yung lesson natin ah, makakahabol pa ba yun?" nagtatakang tanong ni Thea.

" Anong ginagawa ng mga notes ni Gab?" sagot ni Mia sabay tingin sakin na para bang naghihintay ng sagot. 

"Pwede naman, notes lang naman pala eh" I agreed.

"Anyway, may nahanap ka na bang part-time? Kasi may inaalok ang friend ko need nila ng isang staff sa Cafe nila, Moon Cafe. " singit ni Thea.

"Sige, pag-isipan ko" maiksing sagot ko kay Thea.

" Nagbago ulit isip mo?" nagtatakang tanong ni Sophie.

" Well, si Tita kasi di pa din sya pumapayag. Pero pipilitin ko pa din sya. Ayoko lang na magtalo kami kapag pinilit ko yung gusto ko" paliwanag ko sa kanila.

"Sabagay. Pero, yung Mama mo bigtime na pala ha. One time kasi nagpunta ako sa office ni Dad, then nakita ko dun Mama mo. Ngumiti lang sya sakin siguro nakilala nya pa din ako. Pero grabe ha, di ka nya nagawang itanong sakin, wala man lang kam--" hindi na naituloy ni Thea ang sasabihin nya ng sitahin ito ni Mia. Nanatili akong tahimik at tinuloy lang ang pagkain. 

" S-sorry. Kasi naman naiinis lang ako na bak--"

" It's fine. Sanay naman na ko, tatlong taon na din naman simula ng iniwan nya ko dapat sanay na ko dba?" at ngumiti ako sa kanila. Alam kong mahahalata nilang peke yung mga ngiting yun. Ngunit anong magagawa ko, ayoko naman magmukhang mahina sa harap nila. Oo sanay na ko pero di ibig sabihin nun ay di na ko nasasaktan. Mayaman naman talaga ang napangasawa ni Mama kaya di na ko magtataka kung naging bigtime sya. Hindi na din ako umaasa na pupuntahan nya ko sa bahay at tutuparin ang pangako nya. Mali,..umaasa pa din ako kahit kaunti, cause that words stay with me at ito ang dahilan kung bakit nasasaktan pa rin ako.

" Gab?" mahinahong tawag sakin ni Mia na para bang sinusuri ako if okay lang ba talaga ako. 

"Yes? Wag mong sabihin kulang pa yung mga food sayo ha" pag-iiba ko ng topic.

" Sa bahay ka matulog. Ipagpapaalam kita kay Tita" pag-aaya nito sa akin.

" Hindi pwede. Ako kasi muna papalit kay Tita dun sa pagbabantay sa bookshop nya. Hindi kasi gaano maganda yung sales ng mini bookshop nya kaya nagbawas si Tita ng tao" 

" Ganun ba. Sige sa susunod na lang. Marami pa naman next time eh" masayang sabi ni Mia. 

" And bago ko makalimutan. May gmeet tayo sa mga tropa ko. Nandun yung kaibigan ko na gusto nyo din makilala. Wag na kayo magtaka if puro boys, alam nyo naman na kayo lang girl-friends na pinagkakatiwalaan ko." mahabang litanya nito sa amin.

Minsan na kasi ito naloko ng tinuring nyang bestfriend kaya hindi na ulit ito nagtiwala. Kung hindi nagkaron ng group project sa class namin ay di kami mabubuo. 

" Kelan ba yan? Mamaya may mga commitment kaming lakad eh" mabilis na sabi ni Sophie. 

" Next Saturday. Baka naman pwede nyo ko isingit sa sched nyo" 

"Okay, make sure nandun forever namin ha" biro ko kay Mia na ikinagulat nito. 

"Kung di ka ghoster, why not?" bawi nito sakin sabay tawa. 

"Tsaka alam nyo may mga jowa na talaga dapat tayo e, kung nagpapaligaw lang tayo" bawi naman ni Thea. 

" May point ka naman but it's getting too late na." ani ni Sophie at tinawag nito ang waiter para kuhanin ang bill. 

Isa-isa kaming hinatid ni Sophie kahit na nagsabi kami na magtataxi na lang kami pauwi. Ayaw nya daw kaming isipin if nakauwi ba kami ng maayos habang nagdadrive sya dahil nakakabaliw daw sa part nya yun. 

Pagkauwi ko ng bahay ay naabutan ko ng tulog si Tita. She really looks tired. Dumiretso na ko sa kwarto at humiga muna bago magpalit ng damit. 

---

Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ko at ininstall ko ulit ang dating "dating app" kung san ko nakilala si Grey. Dalawang taon na ang nakalipas ngunit tila bangungot pa rin sakin ang pag-iwan ko sa kanya..

Hinanap ko agad ang profile nya ngunit walang lumalabas. Sabagay, bakit ba ko umaasa na makikita ko pa sya sa app na to. Kainis!!!! Inuninstall ko din agad ang app dahil ayoko din malaman ng barkada kong nag-install ulit ako nun.. 

Walang araw na hindi ko hiniling na makausap ko ulit sya. Kung bibigyan man ako ng pagkakataon na makita ko sya in person ay gagawin ko talaga ang lahat makahingi lang sa kanya ng sorry . Kung kinakailagan kong kulitin 'to ay gagawin ko maging close lang ulit kami. Ngunit kung may girlfriend naman sya ay iiwasan ko na lang sya at magpapanggap na di ko sya kilala. Bakit pa eh masaya naman na sya? Habang ako eto, iniisip ko pa rin sya? Pesteng isip naman to, acads dapat iniisip ko e, hindi sya.. 

Pero seryoso ba? Kapag may girlfriend di na ko hihingi ng sorry???

Right mind - "Yes. As you should. Regardless if may girlfriend yung tao, may mali ka pa rin no, walang excuse excuse dito duh."

Left mind - " No need to apologize kasi baka mamaya isipin nya nagpapacute ka sa kanya o di kaya hindi ka na kilala nung tao edi napahiya ka pa" 

Ughhh!!!! You're driving me crazy, Grey. 

Nasaan ka na ba kasi? Pwedeng magparamdam ka naman kahit na galit ka sakin, kaya ko yun tiisin wag lang yung ganito na nawala ka talaga ng tuluyan. Binabaliw ako ng mga late night talks natin, namimiss ko yung boses mo, yung pagtawa mo, lahat ng sayo. Ikaw mismo...