webnovel

SOMEONE'S SPECIAL

'Family should love each other' pero paano kung isa sa pinakamamahal mo ang sisira sa salitang 'pamilya'. May darating at meron ding aalis. Ano kaya ang mangyayari sa buhay ni amira? Lalaban ba siya o hahayaan silang abusuhin siya?

Deeeeym7 · วัยรุ่น
Not enough ratings
71 Chs

CHAPTER 43

AMIRA'S POV

Nakaupo lang ako dito habang hinahayaan si mr.linc na iligpit ang mga gamit ko. I still can't believe what happened to my face. This will remind me of sadness and pain, she gave me a remembrance. Should I forgive her? 

"Are you really okay mr.linc? You can go home and rest. Nandyan naman sina yaya kaya pwede mo naman akong hindi bantayan?"

"You don't want me to be with you?" narealize kong tama siya--that I am too dangerous. Pati siya nasugatan, nasaktan dahil sa akin.

"Hindi naman sa ganun" hinawakan ko ang pisngi at tulala lang sa kawalan.

Sa bagong bahay namin kami uuwi. Wonder what it look like. May fountain pa rin ba? Malalaking pader? Tree house? Tumingin ulit ako kay mr.linc na busy sa paglalagay ng damit sa loob ng bag. Tumingin siya sa akin kaya umiwas ako.

"Do you need something?"

"No" sagot ko at tumingin na lang sa labas ng bintana habang nilalaro ang rose na kanina ko pa hawak. Pagkagising ko hawak ko na to kaya baka kay mr.linc to galing, ayaw niya lang sabihin.

"Let's go?"

"Where's ate zaira mr.linc?"

"She's at home"

"Why she did this?" tumigil siya sa ginagawa at humarap sa akin. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya dahil nahihiya ako. Hinintay ko ang sasabihin niya pero tahimik lang siyang nakatingin sa akin "Will they still recognize me with this?"

"Of course, they will" hindi ko alam kung kailan gagaling to dahil kahit kakagamot lang ni mr.linc mahapdi pa rin.

"I wonder will ace still recognize me?" mahinang tanong ko at huminga ng malalim. Paano kaya kapag makita niya ako? Baka magpasalamat pa siya na hiniwalayan niya ako dahil sa itsura ko. I'm not sad or what--I just wonder.

"Are you thinking about him?" tumingin ako sa kanya at tumawa ng konti.

"Kanina lang" biro ko pero napaisip talaga ako. I should stay positive and forgive ate zaira!! I should!!

Ilang minuto lang kaming nagtitigan kaya nawala na ang tawa ko. I was just trying to cheer the mood.

Inangat ko ang kamay para hawakan ang sugat niya. Medyo sa dibdib nga niya yun tumama! Buti hindi talaga sa puso! Pero yung sa kanya ang bilis naging peklat. Sa akin parang lumobo nga ng konti ang kaliwang pisngi ko dahil sa benda. 

"Do you think someone will see me with my scar?" pinaikot ko ang hintuturo sa maliit niyang peklat na pabilog kaya napatingin din siya doon.

"There is" nakatitig lang ako sa balikat niya dahil namamangha ako. Ang bilis lang gumaling sa kanya!

"I'm ashamed that my scar will just make me more uglier. I'm jealous that you only had small scar that we can't see here"

"It's still a scar" hinawakan niya ang kamay kong nasa dibdib niya kaya nagsalubong ang tingin namin "How big or small. It's still a scar that people can see, what they can't see is inside but still feel it when you show them more than your scar"

"Mr.linc?"

"And if you feel ashamed, don't be because I will still look at you" nilapit niya ang mukha sa akin habang nakatitig sa labi ko. Sinandal pa niya ang isang kamay sa gilid ko.

Hindi ako gumalaw kahit ang lapit na ng mukha niya sa akin. Tumigil ako sa paggalaw ng daliri sa peklat niya at pinakiramdaman siyang nakatitig sa labi ko na parang nagdadalawang is--

"L-linc" nanatili lang akong dilat nang dumikit na ang labi niya sa akin. I-is this really h-happening?!! H-hindi ko naramdaman to nung hinalikan ko siya sa b-bear house. My heart. My gad. Ilang beses akong napalunok habang tinitigan siya.

Hinawakan niya ang kamay kong may rose dahil muntik ko na yung mabitawan. You can't blame me. H-h-he's kissing passionately while making sure that he won't hit my burn. Unti unti akong napapikit a-at s-sinabayan siya.

Naramdaman kong mas lumapit at dumiin pa siya sa akin kaya sumandal ako sa pader para makaupo siya ng maayos sa harap ko. T-this is the f-first time that we are both a-aware w-with t-the same--feelings? Anong ibig sabihin nito?

*click* mabilis akong dumilat nang bumukas ang pinto at nakita agad si ace na tulalang nakatingin sa a-amin. Tinulak ko ng konti si mr.linc kaya nagtataka siyang lumingon sa tinitignan ko.

"Ace? W-what are you doing here?" napatingin ako sa hawak niyang rose at sa hawak ko. Hindi ko alam anong gagawin kaya sinundan ko lang siya ng tingin.

Lumapit siya at inabot ang rose. Tinanggap ko naman agad habang hinihintay siyang magsalita. Nakatitig lang siya sa akin kaya napalunok ako nang tumalikod na siya at iniwan kaming dalawa ni mr.linc. S-sa kanya galing???

Nagkatinginan na kami ni mr.linc kaya naalala ko na naman ang paghalik niya. Nilapit niya ulit ang mukha kaya napakamot na ako sa batok dahil sa hiya. Natigilan naman siya at binaba ang kamay na nakahawak sa likod ng ulo ko.

What should I react?! What was that mean?! We just KISSED and he is planning to do it again?! I think I am blushing!!! Kinuha na niya ang bag at naunang lumabas ng kwarto.

***

Tahimik lang kaming bumabyahe papunta sa bagong bahay namin. I don't know where we are going but that took MINUTES! Hanggang ngayon bumabyahe pa rin kami at lampas 30 minutes na. Nandito lang ako sa likod habang si mr.linc ang nagmamaneho. Tumingin ako sa labas habang nakahawak pa rin sa dalawang rosas.

Kissed. Napapikit ako at dinikit ang noo sa likod ng upuan. Sumilip ako kay mr.linc at nakita siyang nakasandal ang isang siko sa may bintana habang nakahawak sa bibig niya.

Nakakakilig! Humarap ako sa kabilang direksyon na hindi niya nakikita para itago ang malaking ngiti!! Napakamot ako sa batok dahil hindi ko na alam paano pigilang hindi magwala!!! Wooo! Kaya ko to!

"Miss amira, do you need something?"

"No" umayos ako ng upo at tumingin sa kanya na siya namang agad na ikinaiwas ko. Sa bulaklak ko na lang tinuon ang pansin dahil lumalabas talaga ang ngiti ko!!

Inikot ikot ko ang bulaklak habang nakangiting inaalala ang nangyari. Hindi naman yun ganoon ka grabe yung kiss namin sa bear house ah?

Napaayos ako nang papasok na kami sa isang malaking gate. Medyo lumaki pa ng konti! Nakita ko ang mga yaya ko na naghihintay sa labas.

Maya maya pa ay pinagbuksan na ako ni mr.linc kaya tinanggap ko ang kamay niya at naglakad papasok ng baha--

"Ma, siya na ata yun!" mabilis akong tumalikod pero bumangga lang ako kay mr.linc. Tumingin ako sa kanya na nagtataka. Hinawakan ko ulit siya sa kamay para sana hilahin pero mukhang nakadikit na ang mga paa niya!!

"Kilala mo si bea diba? Nandyan siya sa loob!" tarantang sabi ko. Kinulong niya ako sa mga braso niya kaya napatigil ako.

"Why? Do you have any problem?"

"P-papayag ka na ba na makipag-usap ako sa kanya?" nakatingin lang siya sa akin kaya tinuro ko ang pisngi. Huminga siya ng malalim at tinignan ako ng mabuti "Nakakahiya mr.linc, tignan mo! Bakit ngayon ka pa papayag??"

"What did I told you?" teka yung kiss ang naalala ko eeehh!! Napansin niya atang wala akong balak sumagot kaya nilapit pa niya ng konti ang mukha sa akin "Do you want me to do it again so you can remember?"

"No!" tumingin ako sa baba kaya umayos siya ng tayo. Hindi naman ako mapakali "Y-yes"

"H-hmm?" parang nagulat siya sa sinabi ko kaya mabilis kong winagayway ang mga kamay sa harap niya.

"N-no!! Yes!! I-I-I mean oo naaalala ko!!!"

"Amira?" lumingon ako habang nakatakip ang kamay sa pisngi nang marinig ang boses ni bestfriend.

"B-bestfriend??"

"Mukhang maayos ka na nga amira!"

"Mr.linc itour mo ko mamaya ha" pahabol ko at yumuko tsaka dinaanan sila ni nanay. H-hindi ko alam kung saan ako pupunta dahil natataranta na ako!!

"Bestfriend ihatid na kita sa kwarto mo" mabilis akong tumalikod kay bea nang tumabi siya sa akin!! Mas nataranta ako dahil nakikita ko na sina dunkan at ace na papasok ng bahay!!!!

"H-huwag na no" sabi ko at naglakad na sa kung saan--wala sila! Napatigil naman ako nang may pumigil sa kamay ko.

"Anak umiiwas ka ba sa kanya?"

"H-huh?!!" mabilis akong napalingon kay bea at hinawakan siya sa braso.

"Ha?"

"D-di po nay!!--halika na nga! Tagal mo!!" hinila ko si bea habang tinatago pa rin ang mukha ko.

"Anak dahan dahan!" sigaw ni nanay. Tinignan ko lang si bea na nakahawak sa tiyan niya. Masakit ba tiyan niya?!! Haaays!!

"Saan dito kwarto ko?!" pagkatapos niyang ituro yung pinto ay pumasok agad kami at nilock yun.

"B-bestfriend" hinihingal na tawag niya sa akin. Hinila ko ulit siya paupo sa higaan at tumabi sa kanya.

"Madami akong ikukwento sayo!! Ngayon na! Makinig ka!!!" natawa lang siya ng konti kaya sinimulan ko na. Yung kay mr.linc muna ang sasabihin ko!!! Yung kanina yaaa!!