webnovel

So many walls

LovelY_King24 · หนังสือและวรรณกรรม
Not enough ratings
48 Chs

chapter 30

Naglakad na kami papalapit sa altar at patuloy na nagbubulung-bulungan ang mga tao. Ng malapit na kami sa first row ng mga upuan, nakita ko si Ate Corrs. Humahagulgol at nasa tabi niya at pinapatahan siya ang fiancée niyang si Kuya Arnulfo.

"Ate Corrs…" Napatingin siya agad sa akin at tumayo sabay yakap sa akin ng mahigpit. "Thia… Thiara…" Hinagod ko yung likuran ni Ate Corrs. Akala ko mas matapang pa siya sa akin, mas iyakan na pala siya sa akin.

"Tama na Ate…"

"Hindi… Parang… Kasi…" Alam ko ang gusto niyang sabihin, tulad din kasi ng iniisip ko. Binitawan ko siya at hinayaan munang umiyak kapiling si Kuya Arnulfo habang naglakad ako papunta sa may kabaong.

Huminga ako ng malalim… Kaya ko eto…

Kinagat ko ang labi ko ng makita si Papa nakapikit. Parang mahibing lang na natutulog at walang anuman bakas ng pagkalungkot sa mukha niya. He's face resembles a peaceful and loving person.

Mukhang masaya ka na Papa… Masaya na rin po ako para sa inyo… Alam kong sobrang pagod na pagod na kayo sa pagtulong sa maraming tao. Sa pagligtas ng kapwa nyo… Sa pagsugpo sa mga Abu Sayyaf… I'm so proud that you're my father. Papa, kung naririnig mo man ako please help us to ease the pain. Masakit pero alam namin na kinuha ka niya dahil nagawa mo na yung misyon mo. Nagawa mo na po ang matagal mo ng pangarap na nung bata pa kami ay pinagmamalaki mo sa amin na maabot mo. Ang pagiging heneral na inuuna muna ang kapakanan at kaligtasan ng mamamayan Pilipino. Papa… Namimiss na po namin kayo… Lagi mo pong tatandaan na mahal na mahal po namin kayo…

Napatingin ako sa mga picture frames na nakapatong sa salamin ng kabaong. Ang huling picture ni Papa na masayang nakangiti na nakasuot na ang uniform niya at napaiyak ako bigla ng katabi nito ay picture namin…

Ang huling picture ni Papa during my debut. He is my first dance.

Am I in love? (Decisions)

Am I too young? (Decisions)

I know my life has just begun.

Does he set me free? (Decisions)

Or put me in chains? (Decisions)

When did my life get rearranged?

Do I hold on? Do I let go?

I know I can't escape tomorrow.

Do I live for him? Or live for today?

Suddenly the sky looks far away.

-The Beu Sisters

"Sa wakas makakapagpahinga na talaga ng tuluyan si Papa..." Napatingin ako kay Ate Corrs, tulad ko hindi na siya umiiyak. Katatapos lang ilibing si Papa at nagsi-alisan na rin agad ang mga tao. Natira lang ako, si Ate Corrs, si Kuya Tux at si Mama.

Oo tama si Ate, makapagpapahinga na rin si Papa. Nagulat ako ng biglang nagring ang cellphone ko.

"Excuse me…" At naglakad ako palayo sa kanila. "Hello."

"Thiara… Hija…"

Napangiti ako ng marinig ko ang boses sa kabilang linya. "Mrs. Lacey..."

"Condolence hija.."

"Salamat po…"

"Alam kong nakakaabala ako hija pero gusto kong magpasalamat sa iyo sa lahat ng ginawa mo para sa akin at sa anak ko."

Napangiti ako sa sinabi ni Mrs. Lacey. Kumusta na kaya si Keanne? Isang linggo na pala ang nakakalipas at hindi ko yun napansin.

"Wala hong anuman yun..."

"Hija, I've just decided one thing." Hindi ako sumagot kaya nagpatuloy si Mrs. Lacey sa gusto niyang sabihin sa akin. "I think it is really the time for you to continue you're real life."

"What do you mean Mrs. Lacey?"

"From now on, you will not be Keanne's nurse/physical therapist."

Pagdating ko sa kotse, nakaupo si Mama sa may passenger seat at nakatingin sa akin.

"Thiara…"

Lumiwanag ang mukha ko dahil hindi na galit si Mama. Lumapit ako agad sa kanya at niyakap niya ako. Napaiyak ako hindi sa lungkot kundi sa tuwa!

"Mama… I'm sorry po…"

Ngumiti siya at binatawan ako bago napatingin sa akin. "Ang sabi nga nila, hindi talaga makakatiis ang isang ina sa kanyang anak. Alam mo bang sumama talaga ang loob ko sa iyo ng ginawa mo yun?" Napasinghap ako, naiintindihan ko kung bakit niya naramdaman yun.

"But your father, Wulfric told me that you're happy and you're okay with your patient, I felt safe and glad. And he made me understand that you did that for Alaine and I realize that I should be very proud of you. Parehas talaga kayo ng Papa mo mas inuuna ang kapakanan ng iba…" Malungkot na ngumiti si Mama.

"And you're Papa died because of protecting and serving the people. Hindi ko sila sinisi, in fact wala nga akong sinisisi pero Thiara, I'm requesting one thing."

Kinakabahan ako bigla dahil mukhang tulad ng kay Mrs. Lacey lubhang ikagugulat ko eto.

"I want you to resign being a nurse to your patient and please stay with me in our house."

Kadarating ko lang sa bahay at dumiretso agad ako sa kwarto ko.

Napaupo ako sa kama at inisip ko ang mga nangyari sa araw na eto.

Ang tungkol sa sinabi ni Mrs. Lacey at ni Mama.

Huminga ako ng malalim bago dahan-dahan na napapikit.

I guess I made my decision…

This is the right time, once in a lifetime

Keep it going, let's not lose it, feel the flow

Oh! Flying free in a fantasy, with you I'll go

This is the right time, once in a lifetime

Now something has entered my mind

Shattering all of my thoughts

It's no good; it's just one big waste of my time,

But what can I do to recall

-Corrs

"Halika na…" Napatingin ako sa dalawang taong kitang-kita sa kinaroroonan ko at napangiti ako. Binitawan ko ang hawak kong ballpen at nag-unat ako. Hay nakakapagod pala ang maging… Accountant in an instant!

Dalawang buwan na ang nakakalipas mula namatay si Papa at binitawan ko na ang responsibilidad bilang nurse/physical therapist ko kay Keanne. Nahirapan akong magdesisyon nun pero I think I've decided now for myself. I accept the proposal of my mother; I will stay with her and be her accountant. I admit at the very first I handle the new job, I have doubt in myself. Kalokohan na ngang naging nurse at physical therapist ako ngayon naman accountant? Buti na lang andiyan si Mama at yung bagong sekreatarya ko na si Mish, dalawa silang tumutulong sa aking mag-adjust. And they said the two boutiques in which mother handled became more progressive dahil andun daw ako. Swerte nga daw ako sa negosyo. Well it's good that I've survived but these two people will not survive from me.

"Kuya Tux and Pola what are you two doing here?"

Napatalon si Pola at agad na napatingin sa akin samantalang si Kuya nag-sign sa akin na tumahimik.

"Thiara, andiyan ba si Mama sa loob ng office niya?"

"Bakit? Anong kailangan mo sa kanya Kuya?" At napangiti ako, etong dalawang eto akala nila hindi ko alam yung balak nilang gawin.

Nalaman ko kasi last month na eto palang si Kuya Tux at si Pola ay in a relationship! Nagulat at natuwa ako sa nalaman ko, sobrang unexpected sa part ko yun. Hindi ko inakalang ang malapit kong kaibigan at ang aking kapatid ay may lihim na palang pagtingin sa isa't-isa.

"Ipapakilala ko na sana si Pola sa kanya." Hindi pa kasi alam ni Mama na may girl friend na si Kuya. Napangiti naman ako sa sinabi niya. "Andiyan siya sa loob ng office..."

"Let's go Pola." At mahigpit na hinawakan ni Kuya Tux yung kamay ni Pola. Napangiti si Pola at tumango sa kanya. Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin kasi bigla kong naalala ang mukha ni Keanne. Umiling ako agad, I know he is fine now. I should not think about him, it's for my own good. Pilit ko na kasing kinakalimutan si Keanne dahil alam ko yun talaga ang dapat gawin ko. Madalas kasi pagnag-iisa ako parati ko na lang siyang naisip, minsan nga nakatunganga na lang ako at inaamin ko sobrang nami-miss ko na siya but I realize one thing, I should not think about him anymore. Wala rin naman kasing mangyayari dahil magkaiba ang takbo ng buhay namin, our roads had crossed at alam kong hanggang dun lang yun.