webnovel

Kabanata 4

Nang makalabas ako sa coffee shop ay nag-abang kaagad ako ng masasakyan. I checked my phone and found out Morthena and Lola Rita have a message.

Morthena:

Baka naman makakadalo ka na sa wedding ni Atifa. Imo-move na raw. Happy ka na?

Psh. I rolled my eyes at her message. Binasa ko nalang ang kay Lola Rita bago ko pa maisipang ibato itong cellphone ko.

Lola Rita:

The wedding was moved. Nagkaroon ng aberya.

Kumunot ang noo ko sa mensaheng iyon. Anong klaseng aberya kaya ang tinutukoy ni lola? Did they finally realize marriage is just a title? Na hindi naman talaga ito mahalaga?

I typed my reply. Gusto kong malaman kung anong klaseng aberya ba iyan at sobrang tagal naman ng wedding. From February to May? Three months pa ang hihintayin nila?

As soon as I sent my reply, nilibot ko ng tingin ang buong paligid. Bilang nalang ang mga taong nakikita ko. Some of them are couples, some are families or with friends and the others are single. Kabuong buwan ng mga puso ang lamig?

Sabi nila, for you not to feel lonely is to have a partner. Iyong ka-vibes mo sa lahat ng bagay. Pero kapag ba ganyan, makakasiguro kang masaya lang lagi? O iisipin ko nalang na parang roller coaster ang pag-ibig?

I don't know much about love. I don't even know how it feels and what is it. I just know you love the person because you care and you give them your time. Kapag hindi, hindi mo sila mahal. You won't waste your life for nothing. Maraming bagay na dapat gawin rather than spending your half life to those people who mean nothing to you. Pero kapag tunay 'yong nararamdaman, you make them your world. Your life only revolves to them which I think is not good kasi ang sabi nila, 'wag mong gawing mundo ang tao lang. At kapag magmahal ka, mahal lang, huwag 'yong mahal na mahal para kapag masaktan, masakit lang, 'di sobrang sakit.

Kung ano man 'yang pag-ibig na 'yan, diyan nalang 'yan. Wala pa akong oras para diyan. Loving the other half is kissing the dust. And there's no way you can escape from it.

I checked my wristwatch and found out it's getting late. It's 10:00 in the evening. I felt so tired na halos bumabagsak na ang talukap ko. My brain was also shutting down.

This is my fault. No. This is his fault. Kung hindi ba naman siya aroganteng tao, edi saka kapiling ko na ang kama ko. Siguro may happy ending na ako pero heto ako ngayon, nag-aabang ng masasakyan. 'Di ko nga alam kung makakauwi pa ako sa mga oras na 'to. It's my very first time to go home late. Kasalanan 'to ng kumag na 'yon.

Lumingon ako sa kaliwang banda ng highway at sa kanan naman. May papalapit na sasakyan na mukhang hihinto sa harap ko. Kumalabog kaagad ang puso ko. Balita pa naman ngayon na may nangunguha ng bata. Alam ko namang hindi na ako bata pero baka lang madiskitahan ako. Mahirap na at baka wala ng Luca Nadella sa mundo.

I cleared my throat. Hindi nga ako nagkamali. Huminto ang sasakyan sa harap ko. I stepped back, lalo na nang bumukas ang pinto ng driver at may lumabas. But to my surprise, it was him... the annoying arrogant bastard.

"I told you I should bring you home. Nagmatigas ka pa kasi kaya tuloy nandito ka pa rin." Dismayado niyang sabi. Inirapan ko lang siya at tinalikuran. Sino ba siya para sermonan ako at sa ganitong oras pa talaga.

"I told you I don't need your help." I mocked and rolled my eyes. Naiirita ako sa lalaking 'to. Para siyang alcohol na pinaligo sa sugat.

"Why are you so hard-headed, Luca? Mabuti nga at nagmagandang loob na 'yong tao. You think everyone is kind to you?"

Napatunganga ako sa sinabi niya. Alam ko naman iyon. Hindi lahat ng tao ay mabait sa akin. Hindi lahat ng tao ay kayang maging mabait sa akin.

Tinapunan ko siya ng masamang tingin. I saw how he stepped back like a prey. I tilted my head at him at kung wala akong dala, pinagkrus ko na ang braso ko.

"And you really think 'yong mga taong nagmamagandang loob ay malinis ang intensyon? Come on, sir! Stop playing around. I'm too tired for your games." Tamad akong umirap at tumalikod muli sa kanya. Nanahimik na ako at maging siya. Baka naintindihan niya 'yong sinabi ko.

Kung sa ibang tao ay ganito siya, hindi siya uubra sa akin. He can't treat me the way he treated others. And the mere fact na nahambugan ako sa kanya simula't sapul at hanggang ngayon, 'di na magbabago ang pagtingin ko sa kanya. He's annoying like an itchy wound.

Habang tumatagal, mas lalo akong nababagot kahihintay ng taxi o kahit anong masakyan. This place wasn't perfect at all. Sana 'di na ako makabalik pa rito lalo kung andito rin siya.

It's 10:15 in the evening but still nag-aabang pa ako ng masasakyan. Si Ximi naman ay kanina pa nakaalis. 'Di ko alam ang takbo ng isip niya at wala na rin akong pakialam doon. Bahala siya sa buhay niya.

I pulled out my phone and dialed Herana's number. It's getting dark and cold. Wala pa naman akong jacket and to think nakaheels pa ako. Sobrang saya talaga mabuhay grabe!

"Oh, Luca?" Bungad ni Herana nang sinagot niya ang tawag ko.

"Busy ka ba? Pakisundo naman ako rito oh." Sabi ko. Nangangati na ang balat ko at nangangalay na rin ang mga binti.

"Huh? Eh, asan ka ba ngayon?"

I roomed my eyes around. Mabilis naman akong nakarating dito kanina pero pahirapan pala ang pag-uwi lalo kung walang masasakyan. 'Di ko rin inakalang mangyayari 'to.

"Nasa Magallanes ako ngayon." Sagot ko.

"Ha?! Anong ginagawa mo diyan?" Inilayo ko ang speaker sa tainga ko dahil sumigaw siya. "Dis-oras ng gabi, Luca, ha? May ka-date ka? Ba't di mo sinasabi sa aking may bebe ka na pala? Ang daya mo!"

"Gaga." Tanging nasabi ko sa sobrang haba ng kanyang sinabi. "Sunduin mo na ako puwede ba?"

"Ayaw mo mag-jeep? Gaga ka rin, ano? Magcommute ka!"

"Hay naku." Umirap ako. "'Di ka nakakatulong, Herana."

"Teka, bakit ka nga nandyan? Saan na 'yong ka-date mo?"

"Wala akong ka-date! Napaka-OA mo talaga mag-isip." Napairap ako.

Palibhasa puro lovelife nasa isip. Sabi niya kasi masaya raw may partner sa buhay. Bakit ako masaya naman kahit walang ganoon?

"Eh malay ko ba sa'yo. 'Di ka na kasi nagkukwento sa'kin."

"Wala naman akong maikukwento kung 'di trabaho lang. Jusko naman, Herana. Alam mo namang wala pa sa isip ko 'yan."

"Oo na. Oo na. Tama na. Sunduin nalang kita diyan. Magdadala ako ng sasakyan."

"Mabuti naman. Bilisan mo ha? Napapagod na ako."

"Ay wow ang lakas makareklamo." Sarkastiko niyang bulalas. "Sige na. Apat na kilometro lang naman ang layo mula sa bahay 'yang kinatatayuan mo."

"Sige sige. Mag-ingat ka. Text ko nalang sa'yo ang exact address."

"Okay, sige. Ikaw din mag-ingat ka dyan. Alam mo namang walang sinasanto ang mga adik." Humalakhak siya at natawa na rin ako sa sinabi niya. Baliw talaga.

I sent her my location at nagreply naman siyang malapit na siya. Mabuti nalang talaga at lagi kong maaasahan si Herana. Aside from my cousins and family, siya lang ang nagtatiyaga sa ugali ko.

Makalipas ang labinlimang minuto ay dumating na ang sasakyan ni Herana. I thanked God for sending me this kind of angel. Hinding hindi ko makakalimutan ang araw na ito.

"Sino ba ka-date mo?" Bungad niyang tanong nang nakapasok ako sa kotse niya.

"I already told you I don't have a date. It was just part of my work." Sagot ko while fixing my seatbelt.

"Eh kung babae ka-meeting mo. What if lalaki?"

Kinunutan ko siya nang noo. Talagang interesado siya kung sino 'yong ka-meeting ko kanina.

"The arrogant bastard." Sabi ko at umirap.

"Sabi na eh!" Bulalas niya. "May gusto 'yon sa'yo, Luca! Hindi mo ba napapansin?"

"Ang alin ba ang kailangan kong pansinin? Saka mag-drive ka na nga. Hindi ako interesado sa mga pinagsasabi mo."

"Napaka-kill joy mo talaga!" Bumusangot siya. Nginiwian ko lang ang babae.

While driving home, hindi pa rin siya tumitigil sa katatanong sa akin kung sino ba ang lalaking iyon. Gusto niya raw makilala para makilatis. Hindi naman bago sa amin ang nakikipag-meet up sa kliyenteng lalaki pero sabi niya ay kakaibang enerhiya ang nararamdaman niya kay Ximi. I haven't told her his name yet dahil 'di pa naman niya tinatanong.

"This is your very first time kasi na umabot sa ganitong oras dahil lang sa trabaho." She reasoned out. "May nakakausap ka namang kliyenteng lalaki pero 'di nagtatagal dahil they entrusted you the project. At sino bang magtatiyaga sa'yo kung 'di ako?"

"Hoy grabe ka magsalita." Sinamaan ko siya ng tingin.

"Oh tignan mo. Ang sama na naman ng tingin mo sa'kin. You think boys will like that kind of stare? E dinaig mo pa mga nanay nila!"

Naglihis ako ng tingin at bumaling nalang sa labas. Oo nga naman. Sino ba ang magtatiyaga sa akin? And maybe boys will always see me like a monster dahil lang sa kung paano ako tumitig sa kanila.

Kasalanan ko ba kung may ganito akong mata?

"Boys won't chase girls unless they want something." Bigla niyang sabi. "They won't waste their time for no account."

Napatingin ako sa kanya. Seryoso siyang nagmamaneho. Ang kanyang mata ay diretso lang sa daan.

"Paano mo nasabi?" Tanong ko.

"Been there than that." Simple pero malaman niyang sagot.

Naglihis muli ako ng tingin. Siguro tama ngang 'experience is the best teacher'. Wala ka namang masasabi kung 'di mo naranasan ang isang bagay unless kung gusto mo lang magbida. Hindi ka magsasalita tungkol diyan kung 'di mo minsan naramdaman.

'Di na ako umimik pa. 'Di na rin naman siya nagsalita. Binalot ng nakabibinging katahimikan ang buong biyahe. Pero kabaliktaran iyon sa utak ko. Kung kanina ay inaantok ako, ngayon ay halos 'di na ako makatulog kaiisip sa sinabi niya.

I bid my goodbye and goodnight nang nakarating sa tapat ng condo. From here, tanaw ko na ang basement or the lobby. Nandoon din ang desk girls na ang isa ay bago pa lang.

The moment I got inside my unit, dumiretso ako sa kusina para kumuha ng baso at makainom ng tubig. The lonesome ambient was not good at all. Ngayon ko lang naramdaman ito. The frigid sensation made my soul froze for a moment.

Maraming bagay ang tumatakbo sa isip ko. Una sa lahat, si Herana. Pangalawa si Ximi at pangatlo pero 'di huli, ang kasal ni Atifa. Sa sobrang okupado ng isip ko, para akong nalulunod sa malalim na dagat, helpless.

It's past midnight pero 'di pa rin ako dinadalaw ng antok lalo na't nagkape muna ako. I took a shower earlier at nagpalit ng pantulog na damit. No matter what I do, kahit magpatugtog ng nakakaantok na musika, still wala itong epekto sa akin.

Huminga ako nang malalim at napag-isipang kumuha ng canvas pad, easel stand at mga kailangang gamitin para sa pagpipinta. I needed time to relax at tanging pagpipinta lang ang alam kong paraan. Sa paraang ito, malilihis ang iniisip ko.

I dipped my paint brush sa itim na acrylic paint. Dahil sa nangyari kanina, nagkaroon ako ng inspirasyon sa pagpipinta.

Alas tres na nang natapos ko ang ginagawa ko. I named it "Highway of Regret". It's a lonely street kahit maraming establishment ang nakatukod, lalo na ang coffee shop. May crescent moon, may mga bituin, city lights in different shades at may isang babaeng nakatayo sa gilid ng kalsada, waiting for nothing.

I smiled in awe at napahikab. Dinalaw na ako ng antok kaya naman nagsimula na akong magligpit ng mga gamit. Mabuti at washable na paint ang ginamit ko para 'di gaano mahirap maglinis ng katawan. And after that, natulog na ako.

Nagising ako nang maaga kahit ilang oras lang ang tulog ko. Hindi muna ako kaagad naligo. I grabbed a sotanghon cup noodles. Ito nalang muna ang kakainin ko. Doon na ako kakain nang marami sa workplace.

"Shit!" Bulalas ko nang naalala kong 'di ko nagawa ang card kagabi. Sana pala 'yon nalang ang pinagkaabalahan ko.

Ano kaya ang magiging reaksyon ng lalaking iyon kung malaman niyang 'di ko nagawa ang trabahong iyon? Magagalit kaya iyon?

Eh ano naman kung magagalit siya sa akin? Saka next month pa naman ang debut. No need to rush everything.

"Tama, Luca. Relax ka lang." Pampalubag loob ko sa sarili. I took a deep breath at pumikit. Kailangan kong mag-relax ngayon lalo na't ilang oras lang ang tulog ko. 'Wag ko lang sana makita ang pagmumukha ng lalaking iyon kung nagkataon, sira na naman ang araw ko.