KABANATA 2
-AMANDA-
"SALAMAT SA Diyos at nabawasan ang sakit ng ulo ng mga teacher sa college," bulalas ng isa sa mga co teacher ko habang nag-iinat.
Kasalukuyan kasi kaming nasa loob ng faculty room. Lunch break ng mga bata sa Senior High School kaya siyempre pahinga rin kaming mga teacher. Dalawa nga lang kami dito na nagshe-share ng room. Dalawa lang naman kasi kaming Accounting Teacher sa buong Senior. Ang faculty kasi namin ay base sa kung ano ang subject na tinuturuan namin.
"Bakit may nagdrop out?" nagtatakang tanong ko na kina-iling naman ni Teacher Mina.
"Nabawasan ang mga lalaking kahit oras ng klase ay nakikipaganuhan," sagot niya na may malaking ngiti at animo'y nanalo sa lotto.
It's really a relief. Masyado na kasing mapupusok ang mga kabataan. Gaya ng nangyari samin.
Dala ng kapusukan na hindi na dapat maulit. Dala ng kapusukan kaya kailangan kong mas patibayin ang depensa ko. Pero papaano? Kung sa tuwing dadampi ang mga labi niya ay nawawala ako sa wisyo. Sa tuwing lalapat ang mga kamay niya sa katawan ko ay nawawasak ang depensa ko. Nawawala ako sa katinuan. Nakakalimutan ko ang salitang mali. At nasasarapan ako sa mali.
Ipinilig ko ang ulo ko para iwaksi ang makasalanang nasa isip ko. Mali ito. Mali ang lahat Amanda. Sa simula palang mali na. Kahit hindi siya ang nobyo ng kapatid ko ay mali pa rin. Labag sa panuntunan bilang isang guro.
"Laking pasasalamat talaga ng mga teacher sa college diyan sa kapatid mo," rinig kong pahayag pa ni Teacher Mina.
"Kapatid ko?" takang tanong ko pa rin.
Hindi na ata ako updated sa mga nangyayari sa school.
"Oo! Simula kasi ng maging sila ni Cee nagtino ang bata," tuwang tuwang tugon niya dahilan para mas lalong sumikip ang dibdib ko.
Ganito pala ang pakiramdam kapag nagi-guilty ka. Bukod sa hindi ka makatingin ng maayos sa kausap mo parang may kung ano pang tumutusok sa puso mo. You can feel the uneasiness.
"Siguro takot ma bad shot sa Ate kaya nagpapakatino," komento pa niya at ngumiti lang ako.
May dapat ba akong sabihin? Nakakahiya ang ginawa ko paano ako magkakalakas ng loob sabihin? Siguro mas mabuti ng manatiling lihim ang lahat at dapat ay hindi na masundan. Hindi kasi ibang tao ang masasaktan kapag nagkabukingan. Kapatid ko. Kapatid ko ang masasaktan.
"Si Prime nagtino na?" pag-iiba ko ng usapan.
Baka kasi mas lalo lang akong ma-guilty kapag nagpatuloy pa kami sa pag-uusap.
"Si Prime? Ang batang yun! Halos ipangalandakan na sa buong mundo na mahal niya ang kapatid ni Cee pero kung makabilang ng babae wagas. Kaya hindi pa siya sinasagot ni Kestrel eh," iiling iling na tugon ni Teacher Mina.
Natawa nalang ako sa sinabi niya. People change themselves. They don't need another people. Kasi mas maganda ang pagbabago dahil sa sarili kaysa para sa iba. Paano na lang kung mawala ang dahilan ng pagbabago mo? Mawawala na rin ang ipinagbago mo? That doesn't count as change. Isang kaplastikan. Isang kahangalan.
"Paano ba yan mauuna na akong maglunch sayo Teacher. Maaga akong papasok sa susunod kong klase," paalam sa akin ni Teacher Mina saka tumayo at binitbit ang wallet niya.
"Maya maya na ako may inaantay pa akong text," sabi ko naman sa kanya.
Sasagot pa sana si Teacher Mina pero may biglang kumatok sa pintuan. Pinagbuksan niya muna ito at tumambad samin ang isang lalaki. Chasel Chaser Callejo.
"Mr. Callejo, how can we help you?" tanong nito sa kanya.
Hindi ito ngumiti gaya ng lagi niyang ginagawa kapag kausap niya ang mga teacher. Seryoso lamang ang mukha niya na isang maling galaw mo lang ay makasakit siya. Nag-away ba sila ni Veatrice?
"I came for Teacher Amanda," sagot nito.
"Pasok ka na lang sa loob. Tutal inaantay naman niyang mag-text ang Mr. Right niya" nanunuksong saad niya na ikinalaki ng mata ko.
Wala naman akong sinabing ganun ah?
"Teacher Mina, kung ano anong pinagsasasabi mo," nahihiyang saway ko sa kanya pero tinawanan lang niya ako.
Nahihiyang napayuko nalang ako pero hindi ko naiwasan ang matatalim na titig ni Cee. Nakatuon lang ito sa akin. Walang emosyon. Matalim at blangko lamang ito.
"Hala sige. Mr. Callejo kung kakausapin mo si Teacher Amanda pasok ka na. Maiwan ko na kayo," paalam niya na tinanguan ko na lang.
Agad kong ibinalik ang paningin ko sa ginagawa kong lesson plan. I need to distract myself. Mamaya may kung anong kalandian na naman ang pumasok sa isip ng batang ito.
"What do you need Mr. Callejo?" I asked to break the silence.
Sarado na ang pinto at kaming dalawa na lang sa loob ng faculty na ito.
Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. May kung anong nangyayari sa puso ko. Parang bumibilis ang pintig niya na hindi ko malaman.
"You Mrs. Callejo," he said in his cold voice.
Napapikit na lang ako sa naging sagot niya. Hinarap ko siya at muling nagtama ang mga mata namin. Gusto kong umiwas pero huli na ang lahat. My eyes were now locked on him.
"Cee. Kung ano man yang nasa isip mo alisin mo na. Ayoko na. Nasa school tayo. Respect me as a teacher," mahinahong utos ko sa kanya.
"I don't care. How can I erase what's on my mind if you are the only one who kept running in this head of mine?" matigas niyang pahayag.
Hindi pa rin nawawala ang matatalim niyang titig sakin. May ginawa ba ako?
"Hay" I sighed. "I need to take my lunch. Kung wala kang sasabihing matino aalis na ako," paalam ko sa kanya at saka tumayo.
Pipihitin ko na sana ang pinto ng muli siyang magsalita.
"You're not waiting for Mr. Right 'cause you're waiting for Mr. T, right?" tanong niya na nagpatigil sakin.
What is he talking about?
Agad akong lumingon sa kanya. Nakakrus ang dalawang braso niya. Hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon niya. Mas lalo atang nagdilim ang aura niya.
"Am I right Amanda?" pagkukumpirma niya.
"Saan mo naman nakuha 'yang balita na 'yan?" manghang tanong ko sa kanya na napalakas pa ata ang boses ko.
"Who is Mr. T?" hindi niya sinagot ang tanong ko bagkus ay muli siyang nagtanong.
"None of your business," tugon kasabay ng isang iling.
Tumalikod na ako ulit para muling buksan ang pinto nang marahas niyang hilahin ang braso ko at isandal sa mismong pinto. He's angry. I know for sure. This is not how his hands felt during our intimate time. Pero kung bakit siya galit ngayon hindi ko alam.
"It's my business. Ayokong may ibang lalaki kang kinahuhumalingan. Ako lang. Ako lang dapat!" sigaw niya at mas lalong humigpit ang pagkakahawak sa braso ko.
"Ano ba nasasaktan ako!" daing ko pero parang hindi niya ako narinig.
"Then who is Mr. T?" paguulit niya sa tanong niya.
Saan naman niya nalaman iyon? Wala akong matandaang naikwento ko iyon sa batch nila.
"He's just a friend," pilit kong sagot sa kanya habang iniinda ang sakit na nadarama ko habang hawak hawak niya ako.
"A friend? Then why are you smiling everytime you are talking about him? Is he better that me? Can he make you moan louder than I can?!"
"Paano kung sabihin kong oo?" sigaw ko pabalik sa kanya pero hindi siya natinag.
Sumosobra na siya. Hindi ba niya alam kung nasaan siya? Kung wala siyang pakialam pwes ako meron!
Sumilay ang mga ngisi sa labi niya bago nagsalita. "You're lying," he stated as he leaned closer to my face. I can now smell his fresh breathe.
Ito na naman tayo. Madadala na naman ako sa tukso.
Gusto kong lumingon sa ibang direksyon pero hindi ko kaya Masyadong nakakahipnotismo ang mga titig niya.
"I got you first," aniya na may nakakalokong ngisi sa mga labi.
Yes it's true. He got me first pero wala pa rin siyang karapatan na mangialam sa buhay ko. Wala pa rin siyang karapatan para pagbawalan ako. Wala pa rin siyang karapatan para sabihin ang mga bagay na iyon. Sa madaling salita, wala siyang karapatan sa akin.
T is a friend of mine who never forgot to treat me like an important lady. Madalas ko siyang ikwento sa estudyante kong mga babae kapag may libreng oras kami sa klase. Hindi ko kailanman naikwento sa batch nila Cee ang tungkol sa kanya kaya paano niya nalaman?
"Wala ka pa ring karapatang pagbawalan ako," mariing sabi ko sa kanya.
Hindi pa rin niya inaalis ang mga kamay niya sa magkabilang braso ko. Nakasandal pa rin ako sa de kahoy na pinto ng faculty. Ang tanging nagbago lang sa kanya ay ang ekspresyon ng mga mata niya.
Hindi seryososo. Hindi blangko. Hindi galit. Parang may kung ano na hindi ko alam. Malungkot ba siya? Nasasaktan? o ano?
"But I already owned you," mahinang pahayag niya.
"Yes. Nakuha mo na ang katawan ko pero wala ka pa ring karapatan sa buhay"
Unti unti niyang niluwagan ang pagkakahawak sa akin. Lumayo ang ulo niya sa akin.
I sighed. Hindi ko na kailangang pigilan ang paghinga ko.
"What should I do to have rights on your life?"
Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko. Para siyang bata na nagmamakaawa at nanghihingi ng limos. Ang kinaibahan nga lang ay pagmamahal ang nililimos niya.
I fought the urged to hold his cheeks. Kailangan kong ipakita na wala lang siya. Kailangan kong ipakita na hindi ako naaapektuhan sa presensya niya kahit na ang totoo pati ako nasasaktan.
"You need to choose. Ako o si Veatrice? You can't have both. Hindi rin ako papayag na masaktan ang kapatid ko so please choose her," nakangiti kong sabi sa kanya.
"I want you Amanda. I love you," garalgal ang boses niya habang sinasabi iyon.
"Then break up with my sister," hamon ko sa kanya pero hindi siya nakasagot.
See? He doesn't love me.
"You can't right?"
This time tuluyan na niya akong binitawan. He just need me for his lust. Ganun nalang siguro ang halaga ko.
Kailangan ko na talagang tapusin ang tagpo namin dito. Kahit bawal nasasaktan ako.
Hindi ko alam kung bakit.
"Amanda..."
"Asses yourself. Hindi pwedeng dalawa kami. Kasi isa samin ang mahal mo. At sigurado akong hindi ako yun."
-XXX-
....