KABANATA 19
-AMANDA-
HINDI NA ako nag-abala pang magpalit ng damit dahil pupunta lang naman ako roon bilang isang sekretarya. Ayos na ang isang kulay black na pencil skirt at puting blouse. Hindi na rin naman na nagpalit si Sir Rigel kaya ayos lang naman na siguro ang suot ko.
Tinawagan ko na rin si Cyvix na hindi ako makakauwi ngayong gabi. Ang sabi nga niya ay kasama niya si Leox. Gusto ko mang pagsabihan si Cyvix na huwag maglapit lapit kay Leox at baka kung ano ng kalokohan ang ituro nito sa bata ay hindi ko magawa. Close sila na para bang magkaibigan. At normal lang sa kanya ang pagsagot sagot kay Leox.
Sumakay kami sa isang private plane na nirentahan ni Sir Rigel. Ilang oras lang naman ang naging biyahe at nakarating na kami sa Pilipinas.
Kung wala akong tinakasan dito baka nasabi ko rin ang kataga nilang 'It's nice to be back'. Iyon nga lang ang pagbabalik ko dito ay para na ring pagbabalik ng samu't saring alaala. Masaya man, malungkot o hindi kanais nais.
"Have you called the chauffeur?" baling sa akin ni Sir Rigel habang naglalakad kami palabas ng airport.
"Yes sir. Actually he's already here," I answered as I showed him his text message.
"Good," tanging nasambit ni Sir saka mas binilisan ang paglalakad.
Mukhang may hinahabol siya. Mas tamang sabihin na may gusto siyang makita kaagad. Kung siya gustong makita kaagad ako naman ayaw pang makita. At kung maaari nga lang ay hindi na makita.
"Are you Mr. Streus? The one who called for a driver?" salubong sa amin ng isang lalaking may katandaan na. Matigas ang pag-eenglish nito na katunayan na hindi ito sanay sa lengwaheng ginamit.
"Opo manong, siya nga po iyon," ako na ang kuma-usap sa matanda. Iyon naman kasi ang trabaho ko bilang sekretarya niya.
"Ahhh," tatango tangong aniya. "Marunong ka naman pa lang magtagalog ine. Mabuti naman at hindi ako mahihirapang makipag-usap sa inyo," nagaalangang wika niya na napakamot pa sa buhok niyang halatang halata na ang mga puti.
Nginitian ko lang siya at saka sinabing nagmamadali ba kami. Kita ko na kasi ang iritasyon sa mukha ni Sir. Kaagad naman niyang pinagbuksan ng pinto si Sir Rigel sa backseat. Inalok pa nga ako ni Manong na tumabi na doon ngunit tumanggi ako.
Secretary lang ako matuto dapat akong lumugar. Katulad ng mga kabit ngayon na dapat alam ang lugar nila.
Pumuwesto ako sa may passenger seat. Nagsimula nang mag-drive ang driver. Tahimik at walang imik ni isa sa amin sa aming biyahe. Kanya kanya kami nang iniisip. Mukhang si Sir Rigel ay nalunod na sa iniisip niya. Ako naman ay mababaliw na sa mga iniisip kong maaaring mangyari. Piping nagdarasal din ako na sana ay wala siya doon sa event na iyon.
Ano ba kasing malay ko na baka kaibigan pala niya ito. Ayon sa napag-alaman ko ay ang may-ari ng Seis Perfume ay artista na under contract sa company ni Red na pinsan ni Cee. Kaya baka may posibilidad na pati siya ay maimbitahan. Ang kailangan ko lang gawin ay ang umiwas sa lugar na madali akong mapapansin.
Sa kalagitnaan ng biyahe namin ay sabay sabay na naputol ang malalim na pag-iisip namin nang biglang huminto ang kotse. Kaagad akong lumingon kay Sir Rigel na mukhang nagpipigil na nang pagkainis.
Kung nangyari lang ito six years ago malamang sobrang init ng ulo ni Sir.
"Ano pong nangyari, Manong?" kaagad na tanong ko sa driver na pinipilit na i-start ang kotse.
"Mukhang nasiraan po tayo Ma'am," nagaalangang sagot niya sa akin. "Titignan ko lang po kung kaya kong ayusin," paalam niya saka binuksan ang pintuan sa tapat niya at lumabas.
Naiwan kami ni Sir Rigel sa loob. Tinignan ko siya mula sa front mirror. Nakatitig lang siya sa relo niya na alam naman niyang walang kwenta dahil naka-set ang oras nito sa oras sa France.
"What time is it Amanda?" sa wakas ay nagtanong na siya.
"15 minutes before seven, Sir," I answered glancing on my phone which I converted to Philippine time. "Shall we just take a cab, sir?" I suggested.
Baka kasi nagmamadali na siya.
"No, I'll wait 'til he's done fixing it," he responded.
Lumabas na rin ako ng kotse para tanungin si Manong kung maayos niya ang kotse. Nadatnan ko siya sa labas na may kausap na sa cellphone. Base sa pinag-uusapan nila ay mukhang nagpapasunod siya ng isa pang kotse.
Hindi niya kayang ayusin ang kotse.
"Manong ilang minuto po ba ang aabutin ng susunod na kotse?" tanong ko matapos niyang ibaba ang tawag.
"Kulang kulang trenta minutos Ma'am," sagot niya. "Pasensya na po talaga ako na ang kakausap kay Sir."
"Ayos lang po, hindi naman po nagmamadali si Sir. Ako na po ang kakausap," boluntaryo ko at saka muling pumasok sa kotse.
Sinabi ko ang napag-usapan namin ng driver. Pumayag naman siya na maghintay na lang. Hindi naman daw siya nagmamadali.
Hindi nagmamadali pero kanina pa nakatingin sa relo niya.
Makalipas ang thirty minutes na paghihintay namin ay nakarating na ang kotseng kapalit ng nasiraan naming kotse. Kaagad kaming sumakay dito at halos labing limang minuto rin ang itinagal ng biyahe.
Nakarating kami sa party ng fifteen minutes late. Marami rami ng tao at mukhang nagsimula na nga talaga ang party. Mula sa carpet hanggang sa mga chandelier na gamit ay halata ang karangyaan. Mukhang pinaghandaan ang party na ito.
Kasalukuyan kaming naglalakad ni Sir Rigel. Nakasunod lang ako sa likod niya. Hindi ko na iginala ang mata ko at baka makakita ako ng taong ayokong makita.
"Would you want me to call Mr. Reyes for you?" I asked Mr. Streus.
"No need. I don't chase. They'll come to me," he replied as he continued to walk towards the nearest table to sit.
I don't chase. I smiled keenly, I was chased but not until the end.
Naupo kami sa pinakamalapit na upuan. May waiter na nag-alok sa kanya ng wine at kaagad naman siyang kumuha. Inalok rin ako ngunit tumanggi ako. Inoobserbahan ko lang ang paligid nang may biglang nagsalita.
"Hey Mr. Streus!" a voice greeted him.
She sat down on the chair in front of Sir Rigel. She's smiling ear to ear. She has a white and straight teeth which everyone would envy.
"Nice to see you Ms. Zirco," Sir Rigel greeted back.
Nag-uusap lang sila at ako naman ay mataman lang na nakikinig. Ngunit mukhang ang amo ko ay lumilipad ang pag-iisip. Patunay ang ilang beses na pagtango ni Sir sa kanina pa salita nang salita na babae sa harap niya.
"I said there is a lot of food there why don't you try?"
"My secretary can go and get by herself. I am still full," pagdadahilan niya sabay baling sa akin.
Nakuha ko naman ang gusto nilang sabihin. Mukhang kailangan nila ng privacy.
Tumayo ako sa kinauupuan ko. Hindi ako dumiretso sa may buffet table. Pakiramdam ko kasi ay kanina pa may nakatingin sa akin. I can feel that someone is watching me not so far from me but I don't know who was it. I tried searching using my eyes and yet I can't still spot who was it.
Naglakad na lang ako patungong comfort room. Hindi ko naman ramdam na may sumusunod sa akin ngunit ramdam ko talagang may nakatingin sa akin.
Umiling na lang ako para walain ang kung anumang nasa isipan ko. Baka nga guni-guni ko lang iyon dahil na rin sa pagod.
Pumasok ako ng rest room at kaagad na isinarado ang pintuan. Inilabas ko ang foundation ko mula sa loob ng maliit na sling bag na dala ko. Pinahiran ko ng kaunting foundation ang mukha ko.
I hope this night would just end swiftly and no hassle.
I checked the time on my phone saka muling ibinalik ito sa loob ng bag ko. Inayos ko ang ilang hibla ng buhok ko na magulo saka isinukbit ang bag ko sa balikat.
Hinawakan ko ang door knob at saka dahan dahan itong pinihit para mabuksan. Slowly, I opened the door and was surprise to see the man standing in front of me.
His gaze was locked on me, the same eyes who captured my heart. Halo halong emosyon ang naglalaro sa mga ito. Tila ba hindi niya alam kung ano ang mas uunahin na ipakita.
"Amanda..." he whispered for my name.
Sunod sunod na paglunok na lang ang nagawa ko. Hindi ko na magawang ikilos ang mga paa ko. Bumibilis ang tibok ng puso na parang gusto nang kumawala sa loob ng dibdib ko. Hindi ko mawari kung takot ako na makaharap siyang muli o na-mimiss ko siya kaya ganito kalakas ang kabog ng dibdib ko.
Bakit ngayon pa? Hindi pa ako handa.
"Even if I'm drunk I can still identify you. I'm really glad," nakangiti niyang aniya. Ibig sabihin ay siya ang kanina pa na nakatingin?
Naging mas tahimik ang bugso ng mga emosyon sa mata niya. Naging mas banayad at malamlam. Pero ang puso ko ay hindi pa rin kayang kumalma.
Anong gagawin ko?
"A kiss as a welcome wouldn't harm, right?"
Before I can refuse the same lips who made me commit a sinful night had already caressed my lips. And without knowing, I am responding to him.
I felt his hand traveled on my neck up to my nape. Kakaibang pakiramdam ang lumupig sa aking sistema na hindi ko namalayan na nakasampay na ang mga braso ko sa leeg niya at muli na naman akong papasok sa banyo.
I need to stop... I need to stop...
But how??
-XXX-