KABANATA 17
-AMANDA-
"CYVIX" tawag ko sa anak ko na nakahiga sa kama. Magkatabi lang naman kami sa isang kama.
"Hmmm" ungol niya na tila ba ayaw magpagising.
Hinaplos ko na lang ang noo niya at saka yumuko para halikan ang noo niya. Hindi kasi siya nakaayos ng higa. Sakop na niya ang buong higaan idagdag pa ang malalaking unan sa magkabilang gilid niya.
Kakauwi ko lang galing sa opisina. Medyo ginabi ako dahil hinintay ko pa na makapunta sa opisina ang amo ko. Ngayon kasi ang balik niya mula sa dalawang linggo niyang pamamalagi sa Pilipinas.
Sabado ngayon at wala naman siyang pasok kaya mukhang inubos na naman niya ang oras niya sa panonood ng TV. Patunay ang bukas na TV sa harap niya. Mukhang nakatulugan niya.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama saka dumiretso sa cabinet para kumuha ng pamalit. Pumasok ako sa banyo at hindi na nagabalang mag-shower dahil sa lamig ng tubig. Pagod na pagod na rin ako at gusto ng pumikit ng mga mata ko.
Matapos kong magpalit ay kaagad akong bumalik sa tabi ni Cyvix. Inayos ko ang pagkakahiga niya at saka tumabi sa kanya. Binalot ko ang sarili ko sa comforter at yumakap kay Cyvix. Bahagyang gumalaw siya paharap sa akin kaya medyo niluwagan ko ang pagkakayakap.
My heart melted as his soft little hands brushed through my cheeks.
"Mom, where's my real dad?"
Bahagyang nakadilat ang mga mata niya habang nagtatanong. Hindi na niya ako hinintay na sumagot pa at muli siyang pumikit.
The kid's desire is to see his dad. His real dad.
Naramdaman kong may mainit na likido ang tumulo sa pisngi ko. Isang pagkakamali ang patulan ang ama niya pero hinding hindi ko siya tinuring na pagkakamali. Tinuturing man niyang tatay si T at tinuturing din siyang anak ni T but I know he's still longing for the presence of his father.
Hindi man niya sinasabi sa akin ng harapan but his subconscious told me a while ago. Hindi niya alam na ang ama niya ay karelasyon ni Veatrice. Natatakot ako sa maaaring mga tanong niya kung sakali man. Paano ko ipapaliwanag sa kanya na kabit ako. Masisira ang imahe ko sa kanya at ayokong mangyari iyon.
"MOM, DOES dad will come with us too?" tanong ni Cyvix na nakaupo sa upuan habang pinapanood akong maghanda ng mga pagkain na dadalhin namin para sa picnic namin.
Ipinangako ko kasi sa kanya na every Sunday ay pupunta kami sa park para mag-picnc. Kaya kahit pagod pa ako at kulang ako sa tulog ay maaga akong nagising para magluto ng mga dadalhin namin.
"May trabaho si T anak. Next time daw sasama siya." sagot ko sa kanya habang binabalot ang ginawa kong sandwich.
Bumalik ang atensyon niya sa gadget na hawak niya at hindi na muling nagsalita. Minsan kasi ay sumasama sa amin si T kapag wala siyang mission. At ngayon nga ang isa sa mga araw na hindi siya makakasama.
Naging mabilis ang paghahanda namin ni Cyvix. Hindi naman kalayuan mula sa bahay na tinutuluyan namin ang park kaya wala pang sampung minuto ng pagbiyahe sa cab ay nakarating na kami.
Tinulungan ako ni Cyvix na ayusin ang picnic blanket. Inilapag ko doon ang picnic basket namin at naglabas ng ilang pagkain.
"Eat this baby." pagaaya ko sa kanya.
Inabot ko sa kanya ang isang sandwich na ginawa ko pero imbes na kuhanin ay gumapang siya papalapit sa akin. He sat on my lap and took a bit on the sandwich at my hand.
"Mommy I love you." paglalambing niya.
Niyakap niya ako sa leeg at saka hinalikan sa pisngi. I can't help but to smile and reminisce the old times. Ang dami niya talagang nakuha mula sa tatay niya. His gestures, the way he talks back and a lot of his features. Callejo na Callejo ang hitsura niya. No doubt.
"I love you too baby." sagot ko sa kanya na hinagkan ang labi niya.
"Mom does my dad loves us too?" he asked looking innocently on my eyes.
Bata pa lang ay mulat na siya sa katotohanang hindi si T ang ama niya. I make sure not to keep my child on the dark. Alam niya na iba ang daddy niya. Pero tinuturing niyang tatay si T. That's the thing that I admire from him. Naintindihan niya kaagad ang sitwasyon ng mommy niya, though hindi ko pa kinukwento ang lahat sa kanya.
Noong una ay hindi pa siya nagtatanong kung sino ba talaga o kung anumang tungkol sa tatay niya. Pero wala na akong magagawa. Tumatanda na siya. The more the children gets old the more curious they tend to be.
Siyempre alam kong naghahanap lang din ng kalinga mula sa tunay niyang ama si Cyvix. That's normal for a young boy like him.
"Of course baby he loves us." I replied.
"Then why did he not choose you mom?"
Maski man ako ay nagulat sa tanong ng bata. Ni katiting na detalye ay wala akong naikwento sa kanya pero bakit ganito ang tanong niya.
"Sinong nagsabi sa'yo ng ganyan?"
"Tito Simoun. He said my father is a big jerk for not choosing you." sagot ni Cyvix na halata sa mga mata niya ang galit sa ama.
I knew it. Sometimes Simoun goes overboard. Ayokong lumaking may galit sa kahit na sino ang anak ko. Walang may kasalanan sa nangyari. We are all just a victim of destiny's playful game called love.
"Anak, don't say such things. Hindi lang talaga kami puwede ng daddy mo kaya hindi kami ang magkasama ngayon." pangangaral ko sa kanya.
Pero mukhang sarado ang isip niya para doon. Pinagkrus niya ang braso niya at saka ngumiwi.
"Basta! Once I grow up and find the woman that I love I am going to fight for her with my whole body, heart, mind and soul. Even if Destiny is our enemy." matigas at buong paninindigang saad ni Cyvix.
Ngumiti ako sa kanya at hinaplos ang ulo niya. Someday, I know, my child would grow into a fine man. Ang tanging hiling ko lang ay hindi maulit ang kapalaran namin sa kanila.
"And promise me no matter what the situation is never cheat on your girl." pagdadagdag ko pa.
Never cheat if you don't want to make things worst. That's Cee's lesson habang ang sa akin ay huwag pumatol kung alam ng mali.
"Of course mom! I will never ever do that! I'll make sure that I will only lay my eyes to the girl I love. So I can prevent myself from cheating."
"Ikaw talaga!" nawiwiling wika ko saka ginulo ang buhok niya.
If Cee's mind is the same as his child there would be no trouble. And if I was brave enough that time there would be no trouble too. Pero huli na ang lahat.
-TAUX-
"LEOX I can't go. Ikaw nalang ang pumunta mag isa." naasar na pagtanggi ni Virgaux.
I just took a deep breathe and began to face my paperworks again. Hindi natuloy ang misyon na dapat ay naka-assign sa akin pero may mga paper works akong dapat tapusin.
"Just in this case V." pangungulit pa rin ni Leox.
"Leox I'm Virgaux not V."
"Whatever. Titigil lang ako kapag sumama ka."
"Si T ang ayain mo."
"Nasama ako diyan?" kaagad akong sumabat sa usapan nila. Pareho silang napalingon sa akin at nakita ko naman ang napakalaking ngisi sa labi ni Leox.
Obviously this man is thinking something.
"Broken hearted si T huwag na nating istorbohin." Leox said while grinning ear to ear.
"Watch your mouth Leox." pagbabanta ko.
Kasalukuyan kaming nasa opisina ni daddy, sa head quarters, dahil dito rin nakapwesto ang office naming tatlo. Dad owns a secret agency, he built it when he retired as a general.
"By the way T, ilang beses ka na bang na-broken hearted?" pag-da-dagdag ni Virgaux sa pang-aasar ni Leox.
"Virgaux, I'm not in the mood." mahinang saway ko saka pinakita ang mga papeles na inaayos ko.
Hindi na nga ako makapag-isip nang maayos 'cause Amanda and Cyvix is running through my head. I can't focus on my work thinking that that kid might be sad. And also Amanda kept on occupying my mind.
Since the past years she barely smile. Ngingiti lang siya kung kinakailangan at kapag kaharap niya ang anak niya. I know Cee left a big space on her heart and I am willing to fill it for her but it seems that I am not the guy. Baka may plano ang tadhana para sa kanilang dalawa.
I can feel it. I know she's trying to give me a piece from her heart but I can feel that only a piece for friendship is all she can give. Wala namang kaso sa akin. I was the one who offered help. Dapat tanggap ko ang resulta kung anuman ang mangyari. Wala akong karapatang magalit dahil ginusto ko rin naman iyon.
"Magpi-picnic sina Amanda at Cyvix ngayon 'di ba?" tanong ni Leox na nagpabalik sa akin sa wisyo ko.
"Yes." maikling sagot ko.
"Call them T!" utos ni Leox.
"You have your phone Leox."
"Just call them!" pangungulit niya.
Napakunot noo na lang ako dahil sa inasta ni Leox. Hindi naman na niya ako kailangan utusan dahil may number naman siya ni Amanda. I wonder if he has a plan (plan which you wouldn't like) on his head.
I dialed Amanda's number. After the third ring she finally answered it. I turned on the loud speaker and put my phone on my table.
"Hello?" I greeted.
"I thought you were on a mission dad?" It was Cyvix voice.
"Hi Cyvix!" Virgaux cheerfully greeted.
"Hi Tita V!" he greeted back.
"Hey Cyvix baby!" bati rin ni Leox.
"Hey too Tito."
"Hey that's unfair! You call T dad while me, just a Tito?" reklamo ni Leox na kinuha pa ang cellphone sa lamesa ko.
"That's not unfair Tito Leox. Court my mom too then I'll give a second thought about calling you dad."
Ngumiwi lang si Leox saka ibinalik sa akin ang cellphone. Parang bata itong bumalik sa kinauupuan niya.
I looked at him and sneered. What a life. Do I really need to experience the same situation with the last girl that I loved?
-XXX-
Ang nakakaalala lang ng Truth or Dare nila T ang makakagets sa sinabi ni T😂😂. Sad to say ang balak kong 40 chapters ay hindi matutuloy😂😂😭 Baka nga 20-25 lang. Piniga ko ang utak ko para makapagisip ng ending and I'm so grateful kasi I came up with an ending that satisfied me. (But it means I have to write more stories😂😭). So ayun. Salamat sa pagbabasa😂