Pagdating ng dapit-hapon, umuwi si Emily sa kanilang bahay sa inaakalang nakauwi na rin ang kanyang Ate.
Pagpasok sa loob ng bahay, napansin ni Emily na hindi pa dumadating ang kanyang Ate at wala pa naman din si Ramon upang itanong kung bakit huli na itong umuwi.
Kaya kinuha ni Emily ang kanyang Android Phone mula sa kanyang bag upang itext ang kanyang Ate.
Ngunit nang makita ni Emily ang text na nagsasabing hindi ito makakauwi sa kanilang bahay, agad niya itong tinawagan at sinagot naman ng kanyang Ate ang kanyang tawag.
Emily: "Hello? Ate? Ba't hindi po kayo makaka-uwi sa bahay?"
Lucile: ["Pasensya na bunso. Eh may nangyari kasi kanina dito sa Shop. Kaya hindi pa muna ako makakauwi diyan.]
Emily: "Bakit po? Ano pong nangyari?"
Ipinaliwanag ni Lucile sa kanyang bunsong kapatid ang ginawang pangpapahiya ni Ramon sa kanya sa shop.
Kung saan, si Ramon naman ang napahiya matapos makialam ang isa pang customer.
Nakumbinsi naman si Lucile ng kanyang Boss sa trabaho na tumuloy muna sa bahay nito upang hindi pagbuntunan ng galit ni Ramon sa kanilang bahay.
Ngunit masama naman ang loob ni Emily sa kanyang Ate dahil hindi man lang siya nito inabisuhan sa Text at baka pagbuntunan naman siya ni Ramon.
Tila naisip ni Emily na sarili lang ng kanyang Ate ang inilalayo nito sa kapahamakan at hindi man lang iniisip ang kanyang kapakanan.
Kaya hindi maganda ang naging sagot ni Emily sa kanyang Ate matapos nitong ipaliwanag ang mga naganap sa shop.
Emily: "Ate? Ba't hindi niyo po sinabi na hindi kayo uuwi? Puwede niyo naman pong itext sa akin ng maaga na hindi po kayo uuwi at nang masundo niyo po ako sa School kanina."
Lucile: ["Eh bunso, nag-aalala din naman ako sayo kanina. Ano kasi.... Nagdadalawang isip pa kasi ako kung uuwi ba ako o hindi. Kaso napilitan akong huwag na munang umuwi dahil sa pangungumbinisi sa akin ni Boss."]
Emily: "Ate! Napakababaw naman po ng dahilan niyo! Kung talagang nag-aalala po kayo sa akin, eh di sana tinawagan niyo po ako kanina nang sumama na rin po akong makitulog sa tutuluyan niyo!"
Lucile: ["Bunso, pasensya na. Pero naguguluhan din ako sa kung ano ang gagawin ko. Tsaka natatakot na din ako sa kung anong pwedeng gawin ni Ramon sa akin kapag umuwi ako!]
Emily: "Natatakot po kayo sa kanya?! Pero hindi kayo natatakot sa anong pwede din niyang gawin sa akin?!"
Lucile: ["Emily, hindi sa ganon-"]
Emily: "Ate! Sabihin niyo nga po ang totoo?! Pabigat po ba ako sa inyo?!"
Nabigla si Lucile sa kabilang linya ng marinig nito ang tanong ni Emily.
Galit na nagpatuloy sa pagtatanong si Emily.
Emily: "Ate! Magsabi po kayo ng totoo?! Magmula ba nung mamatay sina Nanay at Tatay, pabigat na ba ako?!"
Bagamat naririnig ni Emily na tila umiiyak si Lucile sa kabilang linya, ayaw nitong sumagot sa kanyang mga tanong.
Tuluyan nang nagalit si Emily at nagtaas ng boses sa kanyang pagtatanong.
Ngunit nagulat naman siya nang marinig ang isinagot ng kanyang Ate.
Emily: "ATE! PABIGAT BA AK-!"
Lucile (mad): ["OO!"]
Nabigla si Emily sa isinagot ng kanyang Ate.
Hindi siya makapaniwala na magagawang sabihin ng kanyang kapatid na siya ay pabigat.
Nagsalita naman sa kabilang linya ang kanyang Ate at inilabas ang tunay nitong dinaramdam.
Lucile (frustrated in anger): ["Sawa na ako na lagi ko na lang iniisip yung mga sinasabi ng magulang natin na, Alagaan mo si Emily! Huwag mong hayaang magkasakit si Emily! Dapat unawain mo si Emily! Responsibilidad mo si Emily! Emily dito! Emily, diyan! PAGOD NA AKONG IKAW NA LANG ANG INAALALA KO!"]
Dumaloy ang mga luha ni Emily sa sobrang sama ng loob matapos marinig ang mga sinabi ng kanyang Ate sa kabilang linya.
Ngunit may dagdag pa ang kanyang kapatid.
Lucile: ["Wala na ba akong karapatan na sarili ko naman ang alalahanin ko?! Wala na ba akong karapatan na makapagpahinga man lang?! Alam mo ba?! Lahat na lang tinitiis ko! Pati na yan pambubugbog sa akin ni Ramon sa tuwing masaya kang nakiki-attend sa program ninyo sa School! Alam mo ba?! Sana, hindi na lang ako nagkaroon ng kapatid nang maranasan kong maging masaya!"]
Biglang pinatay ni Emily ang tawag nito sa kanyang Ate sa kabilang linya nang dahil sa sobrang sama ng kanyang loob.
At dahil sa maggagabi na, agad siyang nagluto ng kanin at ulam sakaling dumating si Ramon.
Nang sa ganun, hindi ito magreklamo dahil wala pang nalutong hapunan.
Matapos makapagluto, agad pumunta si Emily sa kanyang kwarto at doon nagkulong.
Iniisip ni Emily na baka siya naman ang pagbuntunan ni Ramon sakaling malaman nito na hindi pa umuuwi ang kanyang Ate.
Kaya kinuha ni Emily ang mga gamit sa Eskwela sa loob ng kanyang drawer, kasama na ang lahat ng kanyang School Uniform, ilan pang mga damit na pambahay at ilan pang mga kakailanganin niyang damit panloob.
Tsaka niya isinilid sa isa pa niyang bag.
Pero dahil sa mga sinabi ng kanyang Ate, hindi na umasa pa si Emily na babalikan pa siya ng kanyang Ate para kunin mula kay Ramon.
At nagsisimula ng mag-isip si Emily sa kanyang sarili kung siya ba ang dahilan ng lahat ng mga kamalasan sa kaniyang pamilya.
Maya't maya, nakatulog si Emily sa loob ng kanyang kuwarto, suot pa rin ang kaniyang School uniform dahil sa pag-iyak at sobrang sama ng loob.
Makalipas ang apat na oras, nagising si Emily nang marinig nito ang isang malakas na lagabog mula sa Sala.
Hinala niya, nakauwi na si Ramon mula sa kanyang trabaho, ngunit habang pinapakinggan ni Emily mula sa kanyang kwarto ang tunog galing sa Sala, may kakaiba siyang napansin sa malakas na boses ni Ramon.
Ramon: "<hic >..LUCILE!..<hic >..NASAAN KA! <hic >! Kailangan kita! Magpakita ka! <hic >"
Habang nakikinig sa kanyang kuwarto, napansin ni Emily na lasing si Ramon.
Ngunit nangamba si Emily matapos marinig ang mga sumunod nitong sinabi.
Ramon: "LUCILE!! <hic >! Nasaan ka?! Sayawan mo naman akong nakahubad!"
Kinilabutan si Emily ng marinig ito mula kay Ramon, hanggang sa lalo pa siyang natakot ng marinig ang mga sumunod pang sinabi ni Ramon.
Ramon: "LUCILE! <hic >! Ayaw mo magpakita?! Ayaw mo na ba sa akin?! <hic >! Shige! Si Emily na lang galawin ko! <hic >! Puntahan ko na shiya sha kuwarto niyah HA?!"
Agad ikinandado ni Emily ang pinto ng kanyang kuwarto nang marinig ang masamang pinaplano ni Ramon at narinig niyang mabagal na umakyat sa hagdan si Ramon.
Natakot ng husto si Emily nang maisip ang binabalak ni Ramon sa kanya.
Hanggang sa marinig niyang pilit binubuksan ni Ramon ang pinto ng kanyang kuwarto.
Ramon: "Emily! <hic >! Buksan mo ang pinto! Ayaw akong pagbigyan ng Ate mo! <hic >! Puwedeng gamitin kita kahit sandali! <hic >!"
Sa sobrang pagkataranta, nag-iisip na ng paraan si Emily kung paano niya matatakasan si Ramon at ang bintana ng kanyang kuwarto na lamang ang tangi niyang daan palabas ng bahay.
Ngunit natataranta na ng husto si Emily nang simulang sipain ni Ramon ang pinto.
Wala nang naiisip na paraan si Emily kundi ang lumabas sa bintana, dumaan sa bubong ng garahe at umakyat sa bakuran ng bahay nito.
Dahil sa takot na pagsamantalahan siya ni Ramon, ginawa na lang niya ang kaniyang naisip.
Kinuha ni Emily ang dalawa niyang bag na puno ng kanyang mga damit at gamit sa Eskwelahan, tsaka niya ihinagis ng malakas na umabot sa labas ng bahay. Nang makitang nasa labas ng bakod ang kanyang mga bag, agad lumabas ng bintana si Emily tsaka siya dahan-dahang naglakad papunta sa bubong ng Garahe.
Pagdating sa Garahe, bagamat may kataasan, lumundag pa rin si Emily, pagbagsak niya sa lupa, agad siyang umakyat sa bakod palabas ng bahay at nang makalabas si Emily, agad nitong pinulot ang kanyang mga bag at tumakbo palayo sa bahay ni Ramon.
Sakto namang, nasira ng lasing na si Ramon ang pinto ng kuwarto ni Emily at nadatnan nitong wala mismo si Emily sa loob ng kanyang kuwarto.
Lalo pa siyang nagalit ng makitang wala si Emily sa loob, ngunit pinili na lang nitong bumalik sa kanyang kuwarto para matulog.
Nang makalayo na si Emily mula sa bahay ni Ramon, naglakad na lang ito upang pawiin ang kanyang pagod. Ngunit nag-iisip naman siya kung saan siya makikitulog at naisip niyang tingnan ang kanyang android phone at tiningnan ang kanyang Messenger upang makita kung sino ang puwede niyang hingian ng tulong.
Alas onse na ng gabi at nakita ni Emily na offline na ang lahat ng kanyang mga kaibigan at kaklase, maliban sa isa.
Kaya agad tinawagan ni Emily ang gising pa niyang kaklase.
Emily: "H-Hello! Nina, puwede ba akong makitulog sa inyo?"
Nina: ["Ha?! Bakit? May nangyari ba sa bahay niyo?"]
Sandaling hindi kumibo si Emily, napaiyak ito habang naglalakad at tinatawagan si Nina.
Nang marinig ni Nina na umiiyak si Emily sa kabilang linya, agad niyang tinanong kung nasaan na ito.
Nina: ["Emily?! Nasaan ka ngayon?"]
Emily: "..Nandito ako ngayon sa Crossing papunta sa School..."
Nina: ["Emily, hintayin mo kami diyan ni Tatay. Pupuntahan ka na namin."]
Emily: "...O-Okay..."
Huminto sa mismong Crossing si Emily, alin sunod sa sinabi ni Nina sa kanya. Pagkatapos ng 15 minuto na paghihintay, dumating si Nina sakay ng Tricycle na minamaneho ng kanyang tatay.
Paghinto ng Tricycle, agad bumaba si Nina at pinuntahan si Emily.
Nina: "Emily?! Anong nangyari?!"
Emily: "Ni-Nina!"
Agad napahagulgol si Emily ng makita si Nina. Tsaka niya ito niyakap ng mahigpit.
Labis ang pag-iyak ni Emily na halos mapaluhod siya semento habang pilit siyang ini-aangat ni Nina mula sa semento.
Nang makita ito ng tatay ni Nina, agad nitong sinabihan si Nina na ipasok si Emily at ang mga dala nitong gamit sa loob ng Tricycle upang sa bahay ni Nina sila mag-usap.
Pagdating sa bahay ni Nina, agad pinatuloy ni Nina si Emily sa kanilang Sala at ipinagtimpla ng nanay ni Nina si Emily ng gatas na maiinom upang siya ay mahimasmasan.
Habang umiinom ng gatas, tinanong ni Nina si Emily kung ano ang nangyari at kung bakit ito lumayas sa kanilang bahay.
Nakinig din ang mga magulang ni Nina sa Sala.
Nina: "Emily, anong nangayari sa inyo? Ba't may mga dala kang gamit sa eskwela at iilang mga damit?
Emily: "..Nina.. Ga-Ganito kasi ang nangyari.."
Ipinaliwanang ni Emily ang tungkol sa pagtatangka ni Ramon na pasukin siya sa loob ng kaniyang kuwarto dahil sa sobra nitong kalasingan na bunga ng hindi pag-uwi ng kanyang Ate Lucile.
Masama man sa kalooban ni Emily na sabihin ang dahilan kung bakit hindi umuwi ang kanyang Ate, ikinuwento na rin niya ang kanilang pagtatalo habang sila ay nagtatawagan sa Android phone.
Hindi natuwa ang mga magulang ni Nina sa idinahilan ng Ate ni Emily at pati na rin sa pagtatangkang pagsamantala ni Ramon sa kaniya.
Gayun pa man, pinatahan ni Nina si Emily sa kanyang bisig dahil sa labis na pag-iyak habang ikinikwento ang mga nangyari.
Nina: "Emily, tahan na. Ligtas ka na dito sa amin."
Tatay ni Nina: "Iha, kung maari lang, ireport na natin sa mga pulis yung kasambahay mo sa inyong bahay.
Emily: "W-Wag na po. Kasi bahay naman po yun ni Kuya Ramon."
Nanay ni Nina: "Tsaka, mahal. Sabi ni Emily, may kaya din sa buhay yung dating nag-aalaga sa kanya. Baka bayaran lang niya yung mga pulis. At alam mo namang hindi tayo ganun kayaman."
Tatay ni Nina: "Oo nga. Pero hindi katanggap-tanggap sa moral ng tao ang ginawa nung lalaking iyon. Tsaka ang ikinasasama pa ng loob ko, yung basta na lang pabayaan ng kanyang Ate ang sarili niyang kapatid! Hindi dahilan ang sobrang pagod para pabayaan ang responsibilidad mo sa sarili mong kadugo! Anong klaseng kapatid ang hahayaan na lang ang bunso niyang kapatid na malagay sa kapahamakan?!"
Nina: "Tay! Mag-ingat naman po kayo! Nandito pa po si Emily!"
Tumahimik ang tatay ni Nina sa sinabi nito at agad naisip ang nais ipahiwatig ng kanyang anak.
Tatay ni Nina: "Pasensya na, Emily. Hindi ko man lang naisip na sariwa pa pala sa iyong isipan ang mga nangyari."
Nina: "Tay, mag-ingat naman po kasi kayo sa pananalita. Huwag po kayong nagpapadala sa nararamdaman niyo. Alam kong nakakainis ang mga nangyari, pero hindi niyo naman po kailangan ipagsigawan."
Tatay ni Nina: "Anak, pasensya na ulit. Mag-iingat na ako sa susunod. Pero sa ngayon, ano ang dapat nating gawin?
Nanahimik ang lahat at nag-iisip ng paraan kung ano ang maari nilang gawin para makatulong.
Hanggang sa nagsalita si Emily upang humingi ng pabor kay Nina at sa kanyang mga magulang.
Emily: "Nina, puwede bang dito muna ako makituloy? A-Ayoko nang bumalik pa sa bahay na iyon."
Nina: "Oo, Emily. Kung ako ang masusunod, puwede kang tumuloy dito sa amin. Pero depende kasi kila Nanay at Tatay kung patutuluyin ka nila."
Tumingin si Nina sa kanyang mga magulang na tila nagmamaka-awa siyang payagan ng mga ito.
Tinanggap naman ng kanyang mga magulang ang nagmamaka-awang tingin ni Nina at pumayag sa hinihinging pabor ni Emily.
Tatay ni Nina: "Sige. Pumapayag ako. Pero hindi ganun karangya ang buhay namin dito, Emily. Tricycle Driver lang ako at Tindera ng gulay sa palengke ang asawa ko. Tsaka, paano ang Tuition mo sa eskwelahan? Napag-isipan mo na ba kung saan ka hahanap ng pambayad sa iyong Tuition?"
Emily: "Wa-Wag na po kayong mag-alala sa aking Tuition. Nabayaran na po ni Kuya Ramon ng buo ang Tuition ko po hanggang sa pagka-Graduate noong simula palang po ng klase namin. Tsaka handa po akong tumulong sa mga gawaing bahay po dito. Kahit na anong ipatrabaho niyo po, gagawin ko po. Basta ayoko na pong bumalik sa bahay na iyon."
Tatay ni Nina: "Kung ganon, wala na pala tayong proproblemahin sa iyong Tuition. Tsaka hindi mo kailangan kumayod ng husto dito sa aming bahay. Tulungan mo lang si Nina sa pagdidilig ng mga tanim na gulay sa likod-bahay, ayos na sa amin yun. Maging Feel at home ka lang dito sa aming tahana."
Emily: "M-Maraming salamat po!"
Tatay ni Nina: "Tsaka lumalalim na ang gabi. Nina, ihatid mo na ang kaibigan mong si Emily sa iyong kuwarto. Ako na din ang magdadala ng kanyang mga gamit."
Nina: "Opo, Itay! Salamat po!"
At matapos mag-usap sila Emily, Nina at ang magulang nito, agad dinala ni Nina si Emily sa kanyang kuwarto at ipinakita nito kung saan ito matutulog.
Ngunit lumalabas na sa iisang kama sila matutulog at inilagay naman ng tatay ni Nina ang dalawang bag ni Emily sa tabi ng malaking Drawer ni Nina.
Tsaka sinabihan ni Nina si Emily na ilagay ang mga gamit nito sa loob ng Drawer.
Nina: "Emily, may bakanteng dalawang slot sa drawer ko. Dun mo na lang ilagay yung mga damit at gamit mo sa eskwela."
Emily: "Pe-pero Nina, nakakahiya naman sayo kung....."
Nina: "Okay lang, Emily! Kuwarto ko, kuwarto mo na rin. Gaya ng sinabi ni Tatay, feel at home ka lang dito sa amin. Tsaka huwag mo ng isipin ang mga nangyari kanina. Ligtas ka dito sa amin."
Emily: "Okay, sige. Salamat, Nina."
Nina: "Walang anuman, Emily. Basta ikaw. Tsaka magpalit ka na din ng damit. Mukhang kanina mo pa suot ang School uniform na iyan."
Emily: "Oo, Nina. Mabuti pa nga."
Matapos maisa-ayos ni Emily ang kanyang mga gamit sa drawer ni Nina.
Agad siyang nagpalit ng damit pantulog tsaka sila sabay na natulog ni Nina.
Bagamat, nakalayo na mula sa pader ni Ramon si Emily, iniisip pa rin nito ang mga masasakit na sinabi ng kanyang Ate at pakiramdam niya, siya ang puno't dulo ng kamalasan sa kanyang pamilya.