webnovel

Chapter I

"Hoy ano ba yan? Sino ba yun, Bakit ang baho?" Sigaw ng isang empleyado na malapit sa pinto.

"Ano ba yang amoy na yan, nakakahilo! Wahhk! Yuckkk" Sigaw nang empleyadong sobrang kapal ng make up na animo'y nasusuka.

"Sir Christian, Ma'am misty patawad po. Nandito po ako para magdeliver ulit ng resibo" Saad ni Seth habang buhat buhat ang mga resibong gagamitin para sa kumpanya

"Seth, araw araw ka naming sinasabihan na maligo ka araw araw at mag pahid ka ng deodorant. Nakaabala ka sa mga nagtatrabaho! Dahil yung amoy mo umaalingasaw. Yuck!!!" galit na galit na saad nang empleyado na nasa malapit sa pinto na si Christian.

Dahil sa buong araw na pag bilad sa araw hindi na bago sa kanya ang pag pawisan subalit mashado lang ine exaggerate ng mga taong nasa paligid nya.

"Wag kanang bumalik ah! Ayaw ka naming i-welcome back tol!" sigaw ni Christian na may kasamang pandidiri sa katauhan ni Seth.

Inilapag ni Seth ang mga resibo at aakmang aalis na nang biglang..

"OMFG! How dare you?! bumping your dirty and smelly shirt on my expensive coat!?"Saad ni Nolan

Si Nolan ay isang Vice president sa isa sa mga tanyag na kumpanya sa Mainland City.

"Naku po! Hindi kana sisikatan ng araw bata!" Saad ni Christian habang nakataas ang kilay

"Of all people, si Nolan pa talaga, ang lakas ng loob! Humanda ka ngayon! Magdasal dasal kana!" Nandidiring saad ni Missy.

Nagmamadaling tumayo si Seth at agad agad na lumuhod"Mr Nolan, patawad po hindi ko po sinasadya-"

Alam na alam ni Seth kung sino ang naka bangga nya at alam nya din na nasa masamang kalagayan siya

kaya agad siyang humingi ng tawad. Kilala si Nolan sa kumpanya dahil araw araw itong nabisita sa kumpanya para umakyat ng ligaw. Usap usapan na malakas ang impluwensya ni Nolan sa Mainland City at kaya nyang iligpit ang kung sino mang makaka laban nya sa isang pitik lang.

"Even if you pray 666 times the devil won't spare you! Men, beat him to death! "utos ni Nolan sa mga tauhan nya

"Yes Mr Nolan! Men, Attack!" sabay sugod ng 10 tauhan ni Nolan,

Sinubukang tumakbo ni Seth subalit na habol siya at sabay sabay na nag tamo ng suntok sipa ng mga tauhan ni Nolan

"What?! Did you just try to escape from me?!

"arghh" sigaw ni Seth

"Tama na po, Mr Nolan parang awa nyo na po." Saad ni seth na patuloy na nakakatanggap ng mga suntok at sipa sa kamay ng kanyang mga tauhan.

"You are already pitiful! But that doesn't mean I will stop! You deserve it! Do you know how much this outfit costs? 20 thousand dollars and yet you dare to offend me and dirtied my clothes! You can't even buy a decent meal on your own! So stop trying! "saad ni Nolan

"Mr Nolan, parusahan ang mababang nilalang na yan! Ang lakas ng loob na banggain ang isang Mr Nolan"

"Hahahaha. Hanggang san kaya kakayanin ng katawan mo ang 10 kataong bumubugbog sayo!"

"Nyahaha! Ang kaawa awang delivery boy"

"Tiisin mo kaya mo yan mababang nilalang."

sigaw ng mga emplyado na nag eenjoy sa eksenang napapanood nila.

"Chill ladies, I know what I'm doing" pagmamayabang ni Nolan

Sinusubukan ni Seth na ilagan ang suntok at sipa ng tauhan ni Nolan subalit ang kanyang lakas ay hindi sapat para sa 10 katao na umaatake sakanya at hindi lang yun. ang 10 lalaki ay trained sa martial arts kaya naman wala siyang kalaban laban dito. wala na siyang nagawa kundi saluhin na lang ang mga suntok at sipa nito.

Hanggang sa sumuka na ng dugo si Seth at patuloy paring nagmamakaawa na ihinto ang karahasang ginagawa sakanya ng mga tauhan ni Nolan.

"Itigil nyo yan!" sigaw ng boses na papalapit

Isang babaeng napaka ganda ang dumating na akala mo ay hulog ng langit ang mga balat nito ay sobrang kinis at puti at ang kanyang mga labi ay makikita mong napaka lambot at sumisimbolo ng isang kulay rosas. Ang mga suot nito ay saktong sakto sa kanyang magandang muka.

"You're so beautiful honey, that red dress suits you well!" Saad ni nolan na habang naka ngiti at kumi kinang ang mga mata

"Nolan, What happened? Why are you doing this to seth? You're so cruel" sabay taas ng kilay at tinuon ang atensyon sa mga gwardya agad inawat ng babae ang pang bubug bog ng mga gwardya sa kalunos lunos na sinapit ni Seth

"Okay ka lang ba? Kaya mo bang tumayo?" saad ng babae na awang awa sa sitwasyon ni Seth

"Okay lang po ako Miss Hayes pasensya na po naabala ko pa po kayo" saad ni Seth at akmang tatayo ng matumba ito.

"Hindi ka okay, tatawag ako ng ambulansya para maidala ka sa ospital" Saad ni Daphne

Si daphne ay isang Director sa kumpanya na pinag deliveran ni Seth. Madalas na nakakausap ni Daphne si Seth dahil humahanga si Daphne sa sipag, tiyaga at kabutihan ng puso ni Seth kaya na lang na hindi siya iba kay Daphne.

Hayes Corporation isa sa mga tanyag na kumpanya sa Mainland City. Siya ang dahilan kung bakit laging dumadalaw si Nolan dahil ang kanyang nililigawan ay walang iba kung hindi si Daphne

Subalit hindi gusto ni Daphne si Nolan dahil sa ugali nitong pagka arogante, ilang beses na itong nag propose kay Daphne at lagi nya itong hindi pina paunlakan.