webnovel
avataravatar

Chapter 2

HANGGANG ngayon hindi ko pa din matanggap na wala na ang magulang ko. At sa tatlong linggo na yun ay hindi pa din nakakabangon ang aming bayan mula sa digmaang naganap. Parang kailan lang ang saya saya ng buong paligid, ang mga taong masaya na nag kukwentuhan, ang mga batang nag hahabulan at masasayang tawanan na sa isang iglap lang ay nawala.

Ang buong paligid ay napakatahimik maging ang mga bahay, may mga ilang tao ang nakaligtas at nakatakas noong nagaganap ang labanan ay hindi masyadong lumalabas mula sa kani kanilang bahay sa takot na baka paslangin ulit sila. Ang mga bahay na nasira ay nananatili pa rin doon.

Matagal ng mag kaaway ang dalawang emperyo. Nais ng mga taga emperyo ng seikkin na sakupin ang buong emperyo ng shinamin, ang siyudad, maging ang kalapit nito na mga bayan kasama na ang shogasukan.

Ngunit ang emperador ng shinamin na si hayuto kiromono ay hindi pumayag sa kagustuhan ng emperador ng seikkin na si seichi tadashi na sakupin ang buong shinamin, ngunit sadyang matigas si emperador seichi at pinag patuloy pa din nya ang planong pag sakup. Binantayan ng mga kawal ng emperador ang hangganan ng shinamin at inatake ang bayan na malapit dito.

Nagalit ng husto si emperador hayuto sa ginawa ng mga seikkin kaya't nag padala din sya ng mga kawal upang mapigilan ang ginagawa ng mga taga sekkin.

Nag patuloy ang pag atake ng mga seikkin sa mga bayan na sakup ng shinamin upang sakupin ito at pinatay ang mga inosenteng tao na nakatira doon. Dahil sa galit, nag pahayag si emperador hayuto ng digmaan laban sa emperyo ng seikkin upang matigil na ang ginagawa nilang pag sakup.

At doon na nag simula ang madugong labanan sa pagitan nila. Naglaban ang dalawang emperador sa labas ng emperyo maging ang mga kawal nito, maraming sugat na ang natatamo ni emperador seichi gawa ng pag lalaban nila ngunit si emperador hayuto ay iilan lang dahil kumpara sa lakas ni seichi mas malakas at mas eksperto sa pakikipaglaban si hayuto.

Sa gitna ng digmaan, kaming mga nakatira sa shogasukan ay labis ang takot, pangamba at pag aalala ang nararamdaman namin na baka kami naman ang sunod nilang atakihin. At hindi nga kami nag kamali, dahil inatake nga kami, una nilang sinunog ang mga bahay dito at pag katapos isa isa nilang pinapaslang ang mga tao maging ang magulang ko, bago pa sila dumating nakapag tago na kami ni shimaru sa matagong lugar kung saan hindi kami basta basta makikita maging ang mga  katulad ko.

Pero dahil sa pag aalala ko sa mga magulang ko, pumunta ako doon ng nag iisa na hindi alam ni shimaru. Kitang kita ko kung nilalabanan ni ama ang kawal na umaatake sa kanya habang ang aking ina naman ay nag mamakaawa sa kawal, ngunit gayon na laman ang kanyang gulat ng makita nya ako kung kaya't agad nya akong sinagawan na tumakas na ako ngunit nag matigas ako at hindi umalis sa aking kinatatayuan.

At doon na nag wakas ang buhay ng mga magulang ko pati na din ng mga tao doon. Nabalitaan ko na lang na natalo ni emperador hayuto ang emperador na si seichi at hiniling na wag na muli pang manakop bagkus ay magkaroon ng kayapaan sa parehong emperyo.

Ng mawala ang magulang ko, ako na lang ang bumubuhay sa sarili ko, ang naiwang bukirin ng aking ama ay pinag patuloy ko pa rin, ako ang nag tatanim at nag aani. Kapag naani saka ko sya ibebenta upang may panggastuhin ako sa araw araw.

At sa araw araw na yun lagi kong kasama ang matalik kong kaibigan na si shimaru, na hindi nawala sa tabi ko. Palagi nya akong tinutulungan kahit na hindi ako mag sabi sa kanya, sya ang kasama ko kapag dumadating ang oras na ako ay nag iisa at nalulungkot. At nagpapasalamat ako dahil doon.

Katatapos ko lang sa aking ginagawa ng maisipan kong pumasyal sa may bundok upang tanawin ang magagandang lugar na malapit dito. Pero bago yun pinuntahan ko muna si shimaru sa kanyang bahay upang mag pasama sa aking pag punta sa bundok.

Ngunit bago pa ako makarating sa kanyang bahay may nakita akong karwahe na may lamang pasahero ata sa di kalayuan kaya naman tumigil ako saglit sa paglalakad at tumitig doon, ngunit napatingin ako sa mga nag kukumpulang mga taong nag uusap at nakatingin din sa karwahe. Nag taka ako sa nangyayari kaya naman lumapit ako sa mga taong nag uusap.

"Bakit may karwahe doon? anong meron?" tanong ko. Lumingon silang lahat sa akin.

"Ah yun ba?" tanong ng isa. Tumango ako sa kanya " ang karwaheng yan ay galing daw sa emperyo ng seikkin" sagot nya. Nag taka ako sa sinabi nya kaya naman napataas ang kilay ko.

"Hindi ba dating kalaban ng emperyong shinamin ang emperyo na yun. Anong dahilan at bakit sila nag padala ng karwahe dito sa ating bayan" tanong ko. Habang nakakrus ang aking mga kamay.

"Kukuha daw sila ng mga babae dito sa ating bayan at dadalhin doon upang manirahan sa harem ng emperador o di kaya'y sa heneral. Kapag nadala na doon, mamimili ang emperador at heneral kung sino sa mga babae ang gusto nila" paliwanag nya. Sa madaling salita, para maging babae ng emperador at heneral na makakapagbigay aliw sa kanila. Napaisip naman ako sa mga sinabi nya. Hindi kaya ito na yung pag kakataon para makapaghiganti sa kanila? pero paano ko naman yun magagawa?

"Hanggang kailan po yan?" tanong ko sa kanya.

"Bakit? nais mo bang maging babae doon ng emperador at heneral" tumango ako sa kanya habang nakatingin ulit sa karwahe.

"Oo" maikling sagot ko.

"Hanggang bukas na lang yan pero pwede din naman ngayo-teka saan ka pupunta?!" hindi ko na sya pinatapos pa sa kanyang pag sasalita ng bigla akong tumakbo papunta sa bahay ni shimaru.

knock!

"Shimaru!"

knock!

"Shimaru nandyan ka ba?!" malakas na tanong ko habang nag mamadali sa pag katok ng kanyang pintuan. Muli sana akong kakatatok ng mag bukas na yun at bumungad si shimaru na nagkakamot pa ng kanyang buhok

"Bakit kaba sumisigaw izumi? anong meron?" tanong nya habang napapakamot pa sa kanyang buhok " nakita mo yung karwahe na yun?" tanong ko habang nakaturo pa doon. Nangunot naman ang noo nya at napatitig doon " Bakit may karwahe dito? saan galing yan" tanong nya.

" Sa emperyo ng seikkin" sagot ko sa kanya. Napatingin sya sa akin na may pagkunot pa din sa kanyang noo.

"Ano? at bakit naman?"

"Doon tayo sa loob mag usap" sabi ko. Tumango sya at pumasok sa loob maging ako at saka nya sinara ang pinto.

"Ang karwahe na yun ang magdadala ng mga nakuhang babae dito papunta sa kabilang emperyo upang maging babae ng emperador o ng heneral. At maninirahan sa harem" paliwanag ko sa kanya.

"Ganun pala, pero bakit dito pa? eh pwede naman sa bayan na malapit sa kanila kumuha ng babae" nag tataka nyang anya.

"Hindi ko alam...pero shimaru ito na ata ang pagkakataon ko" masayang usal ko. Nangunot ulit ang kanyang noo.

"Anong sinasabi mo? teka binabalak mo bang gawin ang bagay na yun?" tanong nya.

"Oo..."

"Ano?!nababaliw ka na ba?! "

"Eto na yung pagkakataon ko para makapagplano shimaru. Para masimulan ko na ang pag hihiganti" parang baliw na saad ko habang nakangisi.

"Sa paanong paraan mo naman magagawa ha izumi?" tanong nya habang nakataas ang kilay at nakakrus ang pareho nyang mga braso. Tumalikod ako sa kanya at lumayo ng konti habang nakangisi.

"Simple lang, una kailangan ko munang pumunta doon, pangalawa kapag napili ako at napunta isa kanilang dalawa edi syempre maninirahan ako sa kanilang harem. Pangatlo paiibigin ko ang sinumang makapili sa akin at kapag nangyari yun matatali ko na siya sa leeg at ang panghuli doon na ako magpaplano para paslangin silang lahat. Magandang plano hindi ba shimaru?"

nakangising tanong ko matapos kong mag paliwanag at saka humarap muli sa kanya.

" Hindi madali ang pinaplano mo yang izumi, emperyo ang kakalabanin mo! paano kapag nalaman nila ang pinaplano mo? anong gagawin mo?"

"Tsk! ang ingay mo naman! syempre hindi ko hahayaan na mangyari yun. Bago pa nila malaman nakahanda na ako" Napatingin ako sa kanya ng bigla syang lumapit at hinawakan ako sa magkabilang balikat.

"Tigilan mo yan izumi...napakadelikado ng gagawin mo! masisira lang ang buhay mo dahil dyan sa ginagawa mo. Matagal ng nakalimutan ang nangyaring digmaan noon, wag mo na muli pang iungkat ngayon!" malakas na sigaw nya. Bakas na ang galit sa kanyang mga mata at medyo dumidiin na ang pag hawak nya. Napangiwi ako sa sakit ng dahil doon kaya naman pareho kong tinabig ng aking kamay ang mga kamay nyang nasa aking balikat at muli syang tinalikuran.

"Kayo oo, pero ako hindi pa. Hanggang ngayon hindi ko pa din matanggap na sa gayong pangyayari pa nag tapos ang buhay ng mga magulang ko..." saad ko. Nangilid ang mga luha sa mata ko dahil naalala ko na naman ang sinapit ng magulang ko. Suminghap ako ng malalim at saka sya hinarap.

"Izumi..."

"Sa ayaw man o sa gusto mo gagawin ko pa din ang plano ko. At wala ka ng magagawa pa doon"

"Kung yan ang desisyon mo bahala ka. Kapag nagkaproblema sabihan mo lang ako...at tutulungan kita" sumusukong anas nya habang nag bubuntong hininga at napapailing na lang. Matapos nyang sabihin iyon lumabas na ako para umuwi sa bahay ko.

Ng makarating, kinuha ko ang pinakamaayos kong kimono na kulay pink na may disenyong bukaklak sa ibaba at pag katapos sinunod ko din ang sandalyas na sa tingin ko ay maayos pa. Ng maayos na lahat naligo na muna ako at kinukuskos ng mabuti ang katawan ko.

Maputi at kutis porselana ang aking balat maging ang aking mukha, ang aking ilong naman ay matangos at matulis ang dulo, ang aking labi naman ay sadya na talagang mapula kaya hindi ko na kailangan pa itong pahiran ng kulay pula. Ang aking pilikmata ay mahaba at kulay itim naman ang aking mata.

At ang aking mahaba na buhok ay umabot na sa aking likod at kulay itim yun. Maliit ang aking bewang at medyo may kalakihan ang aking dibdib at ang aking tangkad ay abot sa balikat ni shimaru.

Matapos kong mag ayos, lumabas na ako sa aking bahay at nag madaling lumakad papunta sa kinaroroonan ng karwahe. Habang nag lalakad napapansin ko ang pag tingin sa akin ng mga tao, ang iba naman na may ginagawa ay napapatigil sa kanilang ginagawa at napapalingon sa akin.

Nag diretso diretso lang ako ng lakad at hindi na sila pinansin pa hanggang sa makarating ako sa karwahe. Agad kong nilapitan ang lalaking nakaupo ang siyang nangangabayo at napatingin naman sya sa akin.

"Anong kailangan mo binibini?" tanong nya.

" Nais ko din sumama sa inyo papunta sa emperyo ng seikkin upang manirahan sa harem ng emperador at maging babae nya" sagot ko. Tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa at saka sya tumango.

"Ang kailangan namin ay nasa tamang edad na...ngunit ano ba ang iyong edad binibini?" tanong nya.

"Labing walo na po ang aking edad ginoo. Maaari na po ba akong sumama?" pag sisinungaling ko. Ang totoo nasa labing lima palang ang aking edad ngunit ang aking tindig at postura ay parang labing walo na. Nag sinungaling ako para makapasok.

"Sige pumapayag na ako, sumakay ka na sa loob" utos nya.

"Maraming salamat po" pagkatapos nun ay agad akong pumasok sa karwahe at naupo doon. Matapos nun ay nag lakbay na kami patungo sa emperyo ng seikkin.

Matapos ang paglalakbay, nakarating na din kami sa siyudad ng seikkin. At napangisi sa kaayusan ng mga naninirahan dito.

Eto pala ang siyudad ng emperyo...

hindi na rin masama dahil maayos at disiplinado ang mga tao dito.

Maya maya lang nakarating na kami sa emperyo ng seikkin at pumasok na sa loob nito. Tumigil sa may gilid ang karwahe at saka bumaba ang lalaking nangangabayo kanina, pagkatapos lumapit sya sa akin.

"Bumaba ka na dyan binibini" utos nya sa akin. At dahan dahan akong bumaba sa karwahe at napatingin sa buong paligid. Hindi ko maiwasan ang mapahanga sa ganda ng emperyo ngunit niwaglit ko yun sa aking isipan. Napatingin ako sa babaeng naglalakad papunta sa akin at ng tumigil sya sa aking harapan. Tiningnan ako ng maigi mula sa aking ulo, mukha, katawan at paa. Pagkatapos tumingin sya sa katabi kong lalaki.

"Eto na ba sya?" tanong nya.

"Opo, yan na nga po sya" sagot nya. Tumango ang babae ang tumingin sa akin.

"Ilang taon ka na binibini?"

" labing walo na po" sagot ko. Pumunta sya sa harapan ng lalaki at may inabot dito na kung ano.

"Makakaalis kana" sabi nya. Yumuko sa kanya ang lalaki at nag lakad na ito papunta sa karwahe at maya maya lang umalis na sya. Ng makaalis ang karwahe, bumaling naman sya sa akin.

"Sumama ka sa akin, dadalhin kita sa harem. Aayusan kita para maipakita sa mahal na emperador" tumango ako sa kanya at saka kami nag lakad papunta ng harem. Panay ang aking tingin sa buong paligid ng emperyo maging sa mga kawal na nag babantay dito.

"ummm pwede po bang mag tanong?"

"Ano yun?"

"Ano po bang gagawin ko kung sakali ako yung napili ng emperador?" tanong ko sa kanya.

" Kapag napili ka ng mahal na emperador, kailangan lahat ng iutos nya sayo ay susundin mo, kailangan din mo syang aliwin" paliwanag nya.

"Ganun po ba...pero paano po kung hindi ako ang napili ano ang mangyayari sa akin?" tanong ko ulit sa kanya.

"Sa heneral ka mapupunta..." hindi na ako nag salita pa at tahimik na lang na sumunod.

"Nandito na tayo..." imporma nya ng tumigil kami. Napatingin ako sa harem na sinasabi nya, parang bahay ang itsura ngunit malaki naman kapag tiningnan mo.

"Dito ka muna hanggang hindi pa kita naihaharap sa mahal na emperador pero kapag napili ka ng isa sa kanila, doon ka na mananatili" paliwanag nya. Tumango ako sa kanya at sa kami umakyat. Pumasok kami sa loob at saka nya sinara ang pinto. Pumasok sya silid at ako naman ay naupo sa silya na katabi ko lamang. Napatingin ako sa pinto ng silid ng lumabas sya at may bitbit na damit.

"Eto ang iyong susuotin..." sabi nya at iniabot nya sa akin ang kulay pulang kimono. Tiningnan ko ito at nagandahan dahil sa maganda nitong disenyo, ang kabuuan nito ay kulay pink at may puting tela na nakalawit sa paligid ng leeg nito. Mahaba ang manggas sa magkabila at hanggang talampakan ang haba nito.

"Isinuot mo na yan..." sabi nya. Tumango ako sa kanya at saka pumasok sa silid upang doon mag bihis. Maya maya lang lumabas na ako na suot ang kimonong binigay nya at saka humarap sa kanya. Tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa.

"Bumagay sa iyo ang kimonong binigay ko, siguradong magugustuhan ka ng emperador kapag nakita ka. Napakakinis ng iyong balat at napakaganda din ng hubog ng iyong mukha. Ano bang pangalan mo?" tanong nya habang nakangiti.

"Izumi po..." sagot ko.

"Izumi aayusin ko na ang iyong buhok. Wag kang malikot"

"Sige po"

Inayos na nya ang buhok ko at nilagyan ng kung ano ano, ng matapos humarap sya ulit sa akin.

"Tara, pumunta na tayo sa mahal na emperador" lumabas na kami sa silid ng harem at nag tungo papunta sa loob ng emperyo.

"Kapag nasa harap na tayo ng emperador ayusin mo ang iyong postura at tindig maging sa pag sasalita. Naintindihan mo?" paalala nya.

Ng makarating kami sa pinto ng palasyo, binuksan ito ng kawal na nag babantay dito at saka kami pumasok sa loob. Tahimik lang ako nag mamasid sa paligid. Agad kaming lumuhod at yumuko ng nasa harap na kami ng trono ng emperador pag katapos tumayo kami at humarap sa kanya.

"Mahal na emperador nais ko pong ipakilala sa inyo ang babang ito na nakatira sa inyong harem"

" Izumi minamoto po kamahalan" sagot nya. Napatingin ako sa lalaking nakatayo sa may gilid ko habang nakatingin din sya sa may emperador.Tiningnan ko ang kabuuan nya, mahaba ang kanyang kulay itim na buhok na umaabot sa kanyang likod at nakatali sa itaas, ang kanyang mga mata ay singkit, ang ilong naman nya ay matangos din at matulis ang dulo, ang kanyang labi ay manipis ngunit mapula pula. Pero agad kong iniiwas ang tingin ko ng bigla syang tumingin sa akin.

"Ano ang iyong edad binibini?" tanong sa akin ng emperador. Napatingin ako sa kanya at agad syang sinagot.

" Walong taong gulang na po kamahalan" sagot ko sa kanya. Tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa pag katapos tumingin sya sa lalaking nasa aking gilid.

"Hirushima, ikaw gusto mo ba ang babaeng yan bilang iyong babae?" tanong nya. Tumungo na lang ako dahil napatingin ang emperador sa lalaking na sa aking gilid.

"Opo kamahalan, kung inyong mamarapatin gusto ko ang babaeng iyan bilang ang aking babae" sagot nya. Napatingin ako sa lalaking yun ng sumagot sya at napatingin din sya sa akin habang nakangisi.

"Kung ganun sa iyo na ang binibining yan. Sa totoo lang ayaw ko sa kanya dahil masyado pa syang bata sa aking paningin" tugon nya.

"Kung iyan ang inyong pasya kamahalan" sagot nya. Yumuko sya bilang pag galang at saka tumingin sa emperador. Pagkatapos lumapit sya sa akin at yumuko,

"Ako si hirushima takashi, ang heneral ng hukbo ng emperyong ito at ng mahal na emperador. Ikinagagalak kitang makilala binibining izumi..." pagpapakilala nya. Nanlaki ang aking mga mata ng mag pakilala sya sa akin at kaagad na yumuko.

"A-ako po si Izumi minamoto, ikinagagalak ko din po kayong makilala heneral" pagpapakilala ko din.

"Mag mula sa araw na ito sa aking tahanan na ikaw maninirahan, at lahat ng gusto at iutos ko ay susundin mo. Naintindihan mo?" mahinang tanong nya habang nakangisi sa akin. Tumango ako sa kanya at tumungo.

"Sumama ka sa akin, dadalhin kita sa aking tahanan..."

Doon na nag simula ang pamumuhay ko sa emperyo ng seikkin sa piling ni heneral hirushima takashi.