Izumi Pov
Maaliwalas at maliwanag na umaga ng magising ako, ngunit nag taka ako ng makarinig ako ng ingay na parang nag kakagulo. Kaya agad akong bumangon sa aking higaan.
Agad akong nag palit ng aking kasuotan pag katapos sinunod ko naman na isinuot ang aking balabal. Matapos nun ay lumabas ako ng aking silid. Paglabas ko palang nasa harapan ko na agad si shin na kaagad namang yumuko ng makita ako.
"Magandang umaga Lady Izumi..."bati nya. Ngumiti lang ako ng bahagya sa kanya at saka tumango.
"Nakarinig ako na parang may nag kakagulo, may nangyayari ba?"tanong ko.
" opo, lady izumi..."
"Anong nangyayari?"
"Mayroong pong pumasok sa emperyo at pinag tangkaang paslangin ang mahal na emperador"sagot nya. Nagulat ako sa aking narinig.
Sinong mangangahas na makapasok sa emperyo? Maraming tauhan ang nakabantay kaya paanong kay dali lang ito pasukan na kung sino lang
" Hindi ba maraming kawal ang nakabantay sa bawat lugar ng emperyo diba? Paanong nangyari yun?"tanong ko sa kanya.
"Hindi ko din po alam, kaya ngayon nag kakagulo ay dahil labis na nagalit ang emperador sa mga kawal at kay heneral. Ipinag utos nya na hanapin ang taong yun at dalhin dito upang parusahan, yung ibang kawal naman ay inutusan din na mas higpitan pa ang pag babantay para wala ng muli pang makapasok" paliwanag nya.
"Kung ganun, wala ang heneral dito?"
"Wala po, kasalukuyang nyang hinahanap ang salarin kasama ang iba pang mga kawal" sagot nya. Napatango ako at napabuntong hininga dahil sa ibinalita sa akin.
"Oo nga po pala, ipag hahanda ko na po ang inyong kakainin. Maaari lang po ay mag antay kayo sa inyong silid" anas nya. Tumango na lang ako, pag katapos ay yumuko ulit sya sa akin at saka umalis.
Ako naman ay muling bumalik sa aking silid at nag tungo sa bintana upang tumingin-tingin. Sumalubong sa akin ang hangin na pumasok sa aking bintana at nilipad-lipad nito ang mahaba kong buhok.
Ngunit napangisi na lang ako dahil sa aking mga nalaman, hindi ko aakalain na mayroong kaaway na makakapasok sa emperyo kahit mahigpit. Sa hindi malaman na dahilan ay parang natutuwa pa ako sa nangyayari.
Marahil dala ng aking pag hihiganti kaya nag bubunyi ako ngayon. Parang ang sarap sa tenga ang aking mga narinig, magaan sa pakiramdam. Alam kong paunti-unti na ring nag babago sa aking pag uugali. Nagiging masama ako.
Napailing iling na lang ako at saka umalis sa bintana at umupo sa silya. Sakto naman na pumasok na si shin sa aking silid at nag tungo papunta sa akin. Pag katapos ay inilapag sa mesa ang aking pag kain.
"Salamat Shin...kumain ka na ba?"tanong ko.
" opo Lady Izumi"sagot nya.
"Sige, makakaalis ka na" saad ko" Lumabas na sya ng aking silid, habang ako naman ay nag simula ng kumain.
Hindi rin nag tagal ay natapos na ako sa pag kain at saka tumayo na. Lumabas ako ng aking silid at nag tungo sa may pintuan palabas.
Paglabas ko ay agad akong nag tungo sa may emperyo upang tingnan ang nangyayari. Ngunit hindi pa ako nakakarating ng harangan ako ng kawal.
"Saan ka pupunta?"tanong nya.
" Titingnan ko sana kung anong nangyayari, narinig ko kasi na may nangahas na pumasok sa emperyo at pag tangkang patayin ang mahal na emperador" sagot ko.
"Bumalik ka na lang doon, hindi ka pwedeng pumunta lalo na abala kami sa nangyari. Baka magalit ang emperador"sabi nya.
" pero, si heneral?"
"Wala sya dito, kaya bumalik ka na lang doon" sagot nya. Wala na akong nagawa pa kaya napilitan na lang akong umalis at bumalik doon.
Parang titingnan lang eh!
Pag balik ko ay dumiretso agad ako sa aking kwarto. Nang makapasok ako sa loob ay nakita kong malinis na ang aking mesa pag katapos umupo ulit ako sa silya.
Nakakainip naman, ano kayang pwede kong gawin?
Napatayo ako ng may naisip ako, at saka humakbang patungo sa aking tukador at kinuha ang espadang kahoy na nakatago doon. Ibinigay sa akin ito ni shimaru para sa aking pag sasanay.
Nang hawak ko na ito ay lumabas din ulit ako ng aking silid at saka lumabas upang mag sanay. Napili kong sa may likod na lang mag sasanay para wala masyadong makakita.
Pag karating ay pumwesto ako, nakaposisyon na aking mga kamay habang hawak ko ang aking espadang kahoy. Pag katapos ay sinimulan ko na ang pag eespada mula sa una at pinaka huling estilo. Paulit ulit lang ang mga ginawa ko hanggang nakaramdam na ako ng pagod.
Mahabang oras din ang aking ginugol sa pag sasanay. At medyo nakakabisado ko na rin ang mga estilo nito. Pag katapos kong mag sanay ay bumalik na ako sa loob, at nag tungo sa aking silid
Nasa pintuan na ako ng mapansin ko si Shin na nasa tapat lang pinto, kaya humarap ako sa kanya at siya naman ay yumuko sa akin. At saka muling tumingin sa akin.
"Saan po kayo galing Lady Izumi"tanong nya.
" nasa may likod lang ako nag sasanay..."sagot ko.
"Sandali lang po, ikukuha ko kayo ng maiinum"sabi nya. Matapos nun ay umalis na sya agad.
Pumasok na ako sa aking silid at nag tungo sa may bintana upang mag pahangin. Huminga ako ng malalim dahil medyo hinihingal ako dahil sa pag sanay.
Maya-maya lang ay napalingon ako sa may pinto ng bumukas ang pinto at bumungad si Shin na may bitbit na inumin at pag kain.
Nang makapasok sya ay nag tungo sya agad sa mesa at saka inilapag ang kanyang bitbit. Lumapit naman ako at umupo ulit sa aking silya.
Pag katapos nya ay yumuko na sya at tumalikod upang lumabas ng silid. At nung lumabas na sya ay nag simula na din akong kumain.
Nang matapos kong maubos ang aking pag kain ay nag pahinga ako sandali upang bumaba ang aking kinain. Pag kalipas ng ilang sandali ay humakbang na ako patungo sa aking higaan at saka humiga upang mag pahinga.
Hindi ko pa man nagagawa ang aking mga binabalak ngunit nauunahan na ako na kung sino. Ngunit magandang balita ito para sa akin dahil hindi lang pala ako ang may galit sa emperyo na ito kundi may iba pa.
Napangisi na lang ako sa aking naisip at saka pumikit para matulog. Maya-maya lang ay nakatulog na din ako.
To be continued.