Haru's Pov
(New Character)
"Sya ba ang babae ni hirushima?" tanong ko sa mga taga sunod ko.
"Sya nga po mahal na prinsipe" sagot naman. nya.
"Hmm, interesado ako sa kanya" ngising anya ko habang nakatingin sa babaeng nakatayo sa terasa na malapit sa may ilog habang may kasama din sya sa kanyang likod
"Pero kamahalan, pag mamay ari na po sya ng heneral" Tumingin ako sa kanya ng nakakaloko bago ko ulit ibinalik ang tingin ko sa babae.
"Wala akong pakialam" Seryoso kong tugon. Hindi na sya nakapag salita pa at tumingin na lang sya sa kung saan ako nakatingin
"Anong kanyang pangalan?" tanong nya.
"Sa pag kakaalam ko, uzumi po ang pangalan nya kamahalan" sagot nya. Tumango tango ako, dahil sa interesado talaga ako sa babaeng yun ay nag lakad ako patungo sa kanya.
"K-Kamahalan, saan po kayo pupunta?" tanong nya. Hindi ko sya sinagot at nag tuloy tuloy lang ako sa pag lalakad.
"Teka! kamahalan!" sigaw nya. Napapikit ako inis dahil sa pag sigaw kaya inis din akong lumingon sa kanya.
"Kakausapin ko ang uzumi na yun, wag nyo akong susundan malinaw ba? dyan lang kayo at wag kayong maingay!" asar na saad ko. Muli akong nag lakad papunta sa may terasa habang nasa aking likod ang mga braso ko. Nang makalapit ako napatingin sa akin ang babae at nanlaki ang mga mata nya. Kaagad syang yumuko.
"K-kamahalan..." Napalingon sa amin si uzumi na may pag kunot sa kanyang noo at napatingin sya sa akin ng matagal, pag katapos sa kanyang tagasunod naman
"Teka sino sy- lady uzumi si prinsipe haru po, ang panganay na anak ng emperador" napalaki ang kanyang mga mata ng tumingin sya sa akin at ngumiti lang ako pero bigla syang yumuko.
"I-ipagpaumanhin nyo kamahalan, hindi ko po alam.
" Haha ayos lang" napaangat muli ang kanyang ulo at tumingin ulit sa akin " ako nga pala si haru, ang anak ng emperador" inilahad ko ang aking kamay sa kanya bilang pag kilala at ganun din sya. Pero napasinghap sya sa gulat ng mabilis kong hinila ang kanyang braso papunta sa akin. Inilapit ko ang aking mukha sa kabilang tenga nya at saka bumulong.
"Ikinagagalak kitang makilala, binibini" dagdag ko habang nakangisi. Lumayo na ako sa kanya at muling tumingin sa kanya habang sya naman ay nakatungo
"Patawad kamahalan, ngunit aalis na po ako. Kailangan ko na pong bumalik" anya nya. Tumango ako.
"Makakaalis kana" pagkasabi ko nun ay umalis na sya sa aking harapan at ako naman ay tumanaw sa paligid.
"Gusto pa kitang makilala ng lubusan uzumi... Dahil interesado ako sayo" bulong ko.