webnovel

Chapter 6

Mesaiyah's Point of View

Si lolang Maru ang katulong nila ang nagbukas ng pinto. Siguro 3-4 years na din siyang katulong dito.

"Ikaw pala Mesaiyah!" sabi ni lolang maru habang binubuksan ang gate.

"Magandang gabi po. Si Mark Angelo po?"tanong ko.

"Ahh. S-si Mark Angelo ba kamo?Ano kasi." sagot niya na hindi masabi ng diretso ang kanyang sasabihin.

"Mesaiyah. Ano kasi eh. Wag kang magagalit ha? Pinapasabi ni sir Angelo, wag ko daw sasabihin sayo kung asan siya." Napakunot ang aking noo.

"Ha? Bakit? Asan nga po ba siya? San siya nagpunta?" tanong ko subalit hindi siya makatingin sakin ng diretso.

"Sorry. Mesaiyah pero hindi ko masasabi sayo kung asan si sir, pasensya na." Isasarado na sana ni lola Maru ang pinto subalit pinigilan ko ito.

"Lola please. Asan siya ngayon? Kailangan ko po siya. Kailangan na kailangan ko siya ngayon." sabi ko at nagsisimula na namang tumulo ang aking luha.

"P-pero, hindi pwede eh."

"Lola..sabihin mo na please?" pagmamakaawa ko sa kanya.

"Sige na nga. Hindi kita matiis na bata ka. Si sir angelo ay nasa eroplano na ngayon kasama ang mommy at daddy niya."

"H-hah?A-ano po? Ano pong ibig niyong sabihin?"

"Mesaiyah. Si sir angelo kasama ang magulang niya ay pumunta nang ibang bansa para dun nalang tumira at dun nalang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral."

"SAAN PO?"

"Sa Italy. Dun na sila magtatayo ng bagong bahay at bagong buhay."

"S-SERYOSO PO BA KAYO? W-WALANG HALONG BIRO?P-PERO?" pero magkasama lang kami kanina?

"Teka, may sulat nga palang pinabibigay si sir sayo." she said at pumasok na sa loob ng bahay para kunin ang sinasabi niyang sulat.

"Eto oh. Sabi niya ibigay ko daw sa'yo 'to kapag pumunta ka dito o di kaya kapag nakita kita at yun sabi nga niya wag ko daw sabihin sayo kung asan siya." kinuha ko yung sulat na pinabibigay daw sakin ni angelo

"Sana naman maniwala kana na umalis na sila ma'am at sir papuntang italy." dagdag ni lolang Maru.

"Kung totoo po yang sinasabi niyo. Bakit po sila umalis?" tanong ko.

"Ganito kasi yan iha. May mga lalaking nagpunta dito na lahat sila ay nakablack tapos ayun, hindi ko alam ang kanilang pinag-usapan at maya-maya sinabi sakin ni ma'am Faith na aalis na daw sila at pupuntang Italy. Hindi sinabi kung bakit eh."

"Babalik pa po ba sila dito?" tanong ko ulit at tumutulo na ang luha ko.

"Wala silang nabanggit eh." sagot ni lola.

"Anong oras po sila umalis dito?"

"Kanina pa. Mga seven o'clock pero ang alam ko seven-thirty ang flight nila at sa mga oras ngayon, nasa eroplano na sila siguro."

"Salamat po." sagot ko.

"Oh, siya sige iha. Liligpitin ko lang ang mga gamit ko at aalis na din ako. Iiwanan ko na tong bahay kahit sobrang minahal ko ito ng lubos." nagpaalam na ako kay lolang Maru at umalis na ako sa bahay nila Angelo.

Bakit kailangan mangyari sakin ang mga bagay na'to? Bakit hindi siya nagpaalam sakin? Bakit ganun? Bestfriend kami diba? Bestfriend? Pero bakit hindi niya sinabi sakin na aalis siya.

Kung kailan kailangan ko siya, dun pa mawawala. Ano bang buhay ang meron ako? Ano bang malas ang meron ako sa buhay? Bakit parang walang katapusan ang nangyayaring kamalasan sa akin.

Tiningnan ko ang envelope na binigay sakin ni lolang maru. Binuksan ko ito ng mapatapat ako sa isang street light. Huminga ako ng malalim atsaka binasa ang kanyang sulat.

Mahal kong Mesaiyah,

Kung nababasa mo man ngayon ang aking sulat sana hindi ka umiiyak. Sorry kasi hindi ako nakapagpaalam sayo ng maayos, sorry kasi hindi kita kayang ipaglaban sa iba, sorry kasi hindi ko masasabi sayo ang tunay na dahilan kung bakit ako umalis. Dito ko na nga pala ipagpapatuloy ang pag-aaral ko sa Italy, gusto ko sana sabay tayong aakyat ng stage, sasabitan ng medalya pero siguro sa ngayon pangarap ko nalang yun kasi alam ko hinding-hindi na yun mangyayari at napakalabong mangyari dahil alam ko na hindi na tayo bestfriend sabay gagraduate. Alam mo Mesaiyah, marami akong mamimiss sa'yo lalong-lalo na ang maganda mong ngiti, malakas mong tawa kapag kasama kita, ang mga mata mo na walang ibang ginawa kundi ang lumuha at ang malambot mong palad na minsan ko ng nahawakan.

Sana kahit nasa malayo akong lugar at kahit wala tayong communication sa isa't-isa. Sana, huwag mong alisin sa isip mo ang mga happy, sad, embarrassing and other nakakakilig moments natin sa loob ng sampung taon na ating pagsasama. Sabi nga pala ni mommy sakin "huwag daw akong iiyak dahil bakla daw ako pag umiyak ako" eh sa umiiyak ako ngayon haaaayy! Nagawa pang magbiro ni mommy.

Mesaiyah, anlabo-labo talaga ng mundo. Tama nga yung sinabi mo sakin na hindi napapagod ang mundo sa kaka-ikot dahil sa araw- araw na ginawa ng Diyos, hindi pa ako nasanay parang tanga lang ako dito eh, umiiyak tapos tatawa, iiyak, tatawa.

Alam mo kung alam ko lang na last day na nating pagsasama ito sa isa't-isa, sana hindi nalang tayo umuwi, sana nilaan ko nalang ang buong araw ko sayo, sana sinabi ko na sayo ang dapat kong sabihin pero sana, sana, sana nalang yun eh. Ang pag- asa na yun ay wala na. Tama nga yung qoutes na binigay mo sakin. 'Chances won't wait for you forever if you let everything passed by, you'll never find out how how beautiful life can really be. Don't be afraid to try and try cause if you don't risk something, you'll never gain anything.' It's right?Chance. Chances, sana bigyan pa tayo ni Lord ng pagkakataon na magkasama pang muli. We can't erase of what we've done in the past, all we have to do is accept and move on.

Umalis kami kasi business..my parents got a problem in their business so they decided to moved in Italy with me..sa tingin ko, halos pitong taon kaming magtatagal doon. Sorry kung hindi ko man masabi sayo ang tunay na dahilan sa pagpunta namin doon.

I hope you're okay saiyah and I hope you will love your new husband. I let you go bestfriend. Huwag nating ikulong ang isa't-isa sa pagiging magbestfriend natin. I'm serious, kasi parehas lang naman tayong umaasa. Be there on his side Saiyah, I know you'll marry him soon. Mahal ka niya higit pa sa buhay niya, alam ko yun.

I hope you're happy of what you have right now..

I love you Saiyah,mamimiss kita ng sobra. L

I love you kahit na ang promises natin sa isa't-isa ay biglaan nalang nawala. I will never ever forget you.

That's all and marry him.

Infinite Love,

Mark Angelo

Pagkatapos kong mabasa ang sulat niya para sakin. Naiwan akong duguan, duguang puso, sa labas at loob. I was walking in the middle of the street, going nowhere. I feel like anytime mamamatay na ako right after knowing all of this shit. Tangina. Kung pwede lang saksakin ang puso ko ng maraming maraming kutsilyo para mamatay na ako at mawala na ang problema ko. Para wala na akong maramdaman. Kung pwede lang. Why all of you do this to me? Napaupo nalang ako sa gitna ng daan kasabay ang pagbuhos ng ulan.

I can't hear anything except the sound of heavy rain touching the ground like a falling star bouncing back and then suddenly. Napatingin ako sa kotse na tumigil para sa akin. Malakas pa rin ang ulan at basang-basa na ako.

Bumusina ulit ang kotse. Tumayo ako at humarap sa kotse at pumikit at naghihintay na bangaan ako subalit ilang sandali lang. Hindi ako binanggaan ng kotse kundi binigyan niya lang ako ng payong at umalis na.

No one here can save me. I decided to go back to our house at BAHALA NA kung ano ang sunod na mangyayari kinabukasan.

////////