webnovel

she loves her (gxg)

Isang babaeng nangangalang Megan Juxred na kilalang workaholic na tao. Sa sobrang dami niyang ginagawa sa trabaho na hindi na rin niya naaasikaso ang pagkakaroon ng kanyang lovelife. Sa palagay niya, maraming lalaki sa paligid niya kaya sinasantabi niya na lang ito. Paano kung naubos na ang mga lalaki na nasa paligid niya at natira na lang ang mga babae? Matatanggap niya bang magkakagusto siya sa kapwa niyang babae o handa siyang mag-isa habang buhay?! ABANGAN!

itsleava · LGBT+
Not enough ratings
49 Chs

Chapter 12

MEGAN

"Scarlet..." mahinahon kong tawag sa kanya.

"Handa ka na bang magperform mag-isa?" tanong ko sa kanya at nabigla siya sa aking sinabi.

"Ano po?" naguguluhang sabi niya sa akin. Okay na siya pero slow din ito. Masaya talaga pagtripan minsan 'tong si Scarlet.

"Handa ka na bang maging Solo Artists ko?" tanong ko ulit sa kanya.

Biglang namilog ang kanyang mata na nagpapakitang hindi siya makapaniwala.

"Ano po? Handa na ba akong maging solo mo?"

Napailing na lang ako dahil sa kanyang pinagsasabi.

"Maganda ka nga pero bingi ka." iritang sabi ko sa kanya. Hindi pa rin niya gets ang tanong ko.

Mygoodness, Cassie.

"I was planning a while ago na maging Solo artists ka at alisin sa Queen of Hearts." paliwanag kong sabi sa kanya.

Bumilog ang kanyang mata sa pagkagulat.

"A-ako?" hindi makapaniwalang tanong niya habang nakaturo siya sa kanyang sarili.

"Yes. I think maaga pa naman para gawin kitang Solo Artists ng EyeRed sa ngayon." sabi ko sa kanya biglang nagseryoso ang kanyang mukha.

"Bakit po?" tanong niya na medyo nawala ang excitement sa kanyang mga mata.

"I haven't see your true performance yet, Scarlet." sabi ko sa kanya.

"Gusto ko lang ng sapat na rason para ibigay ang oportunidad na maging karapat-dapat na Solo Artists ka ng EyeRed." sabi ko sa kanya at buntong-hininga na lang siya.

"Sige po." matipid niyang sabi sa akin.

May nasabi ba akong mali?

Bakit ganyan ang reaksyon niya?

Nawala ang kanyang excitement sa kanyang mata noong sinabi ko na masyadong maaga pa para maging solo artist siya.

Nadismaya ba siya dahil 'yon ang aking sinabi?

Tama bang hindi ko na lang sabihin para hindi siya umasa?

Dapat nga maging motivation niya 'yon para maging Solo Artists siya. Pero parang pinagsisihan ko na ngayon na sabihin sa kanya 'yon.

Tumingin na lang ako sa aking relo para tingnan kung anong oras na.

Alas singko na ng gabi.

Kailangan na niyang umalis dahil gutom na gutom na ako.

Gusto ko muna magpahinga sandali sa opisina. Baka mga alas syete siguro puwede na ako umalis.

"You may go na, Scarlet." utos ko sa kanya.

Binigyan niya ako ng matipid na ngiti at tuluyan na siyang umalis sa opisina ko.

"Wait!!!!"

"Scarlet!" tawag ko sa kanya.

Bago pa lang lumabas si Scarlet biglang may taong nagbukas ng pinto.

Napahinto ito.

Nagulat ako na nakita ko si Diego papunta sa akin. Yinakap niya pa ako nang mahigpit.

Nakita kong nakatingin si Scarlet sa aming dalawa.

Mukhang na-wi-wierduhan siya sa amin ngayon kaya pumiglas ako sa pagyayakapan namin. Tumingi nako kay Diego at sinamaan ko siya ng tingin.

"Di, bakit andito ka?" tanong ko sa kanya habang umupo ako.

Narinig kong sumara ang pinto ngayon. Mukhang umalis na si Scarlet. Buti naman.

"Meg, ayaw mo ba akong makita?" tanong niya sa akin habang nakakulong ako sa kanyang kamay sa aking bewang.

Hindi talaga ako komportable ngayon sa aming posisyon.

"Diego, hindi ako komportable sa posisyon natin. Para tayong magjowa. Nakakadiri." sabi ko sa kanya.

Binigay ko ang aking lakas para bitawan niya ako at umupo ako agad sa sofa.

"Megan, sa dami-dami ng babae na nakilala ko, ikaw pa ang nandiri sa akin." pagtatampo niyang sabi sa akin.

Ngayon, tumabi siya sa akin at lumayo ako sa kanya lalo.

Ayoko talaga dumikit sa kanya saka siya yung tipong sobrang touchy na lalaki.

Mahilig maglambing pero hindi talaga ako komportable 'pag ginagawa niya sa akin 'yon.

Ayokong mag-expect siya sa akin na may feelings ako sa kanya. Ayoko siyang umasa kaya minsan ako ang lumalayo.

Unang-una sa lahat, nirereto ni Mommy si Diego maging boyfriend ko. Boto talaga si Mommy sa kanya pero ayoko talaga sa kanya.

Even though childhood friend ko 'tong si Diego simula highschool ay matagal na rin niya akong nililigawan pero hindi ko talaga kaya siyang sagutin dahil sobrang busy ko sa work ko.

Wala rin akong time para magmahal ng iba.

Kahit sobrang perfect ni Diego sa mga mata ng iba, hindi talaga siya epektibo sa akin. Wala talaga kahit konting katiting lang. Wala.

Wala rin naman akong gana makipagrelasyon dahil nakatuon ako sa trabaho.

Bakit pa ako magsasayang ng oras para magkarelasyon kung wala sa kokote ko magkaroon ng boyfriend. Trabaho muna.

What if kung mayroon akong boyfriend ngayon?

Sinasabi ko sa inyo umpisa pa lang ng araw mukhang mag-aaway kami madalas dahil sobrang busy ko.

Ayoko magkaroon ng priority na hindi ko naman kayang tuparin diba? Ayokong masaktan siya kung mahal ko naman talaga ang pangarap ko kaysa sa kanya.

"Megan..."

Bigla akong kinabahan dahil seryoso siya sa pagtawag ng pangalan sa akin. Tumingin ako ng dahan-dahan sa kanya.

"I wan-" hindi natapos ang kanyang sasabihin, "Kain tayo sa labas."sabi niya at ngumiti siya sa akin.

Hindi naman ako manhid pagdating sa kanya dahil alam kong ano dapat niyang sabihin.

Alam ko na rin ang galawan niya.

Buti na lang hindi niya itinuloy ang kanyang sasabihin dahil natatakot siya na hindi tanggapin ko ang alok niya.

"Friendly date lang." sabi ko sa kanya. Binigyan niya ako ng ngiti at tumango na lang siya.

"May magagawa pa ba ako?" tanong niya at natawa na lang siya.

"Sabay na tayo, Meg. May dala akong kotse." sabi niya sa akin at tumingin ako sa kanya.

Ginulo niya ang aking buhok at binigyan ko siya ng matalim na tingin.

Matagal ko 'tong inayos, ginulo pa niya.

"Mauna na ako, Meg. Call me kung andyan ka na sa labas ng lobby." sabi niya sa akin at tumango na lang ako.

Napatingin siya sa akin at ngumiti siya.

Napansin ko na sobrang gwapo niya ngayon dahil nagshave ng bigote niya. Ma-appeal siya sa akin pero hindi ko siya talaga type.

Masyado siyang ma-alaga at mapagmahal kaya hindi ako karapat-dapat na maging girlfriend niya ako.

Wala akong panahon sa ngayon para magkapag-relasyon din.

Marami pa akong pangarap. Focus muna sa work.

Tumayo na siya at tuluyan na siyang umalis ng opisina ko. Kailangan ko muna maghanda para maging presentable naman akong tingnan.

Meron naman akong nakahandang damit sa closet ko. Just in case, na may lunch meeting, pwede na siguro suotin ang casual dress ko.

At saka mahilig si Diego magpareserve sa mga mahahaling restaurant kaya baka mapahiya pa ako kung formal office attire pa isuot ko.

***

Andito na ako sa lobby na nakaupo. Medyo nahihiya ako dahil naka off shoulder akong casual dress at kulay pastel pink ito.

Pinagtitinginan nga ako ng mga empleyado dito sa lobby pero taas-noo na lang ako para magpanggap na may natitira akong confidence sa aking sarili.

Ngayon, tinawagan ko si Diego para malaman niya naghihintay ako dito sa lobby. Buti na lang sumagot ito.

"Hello, Meg? Andyan ka na ba?"

"Yes, Diego. Bilisan mo. Pinagtitinginan na ako dito."

"Megan, hayaan mo sila. Maganda ka naman talaga kaya napapatingin sila sayo."

"You need to hurry up, Di."

"Give me 15 minutes. Mayroon akong inaayos dito. Saglit lang, Meg."

Napansin kong nakita ko sa labas ng lobby si Scarlet.

"Hello, Meg? Are you there?"

Mukhang may hinihintay si Scarlet ngayon at binaba ko na agad ang linya naming dalawa ni Diego.

Pumunta ako sa kinaroroonan ni Scarlet pero hindi naman niya ako napansin dahil nakatingin siya sa malayuan sa kanan niya.

Wala naman akong balak na pansinin siya dahil wala rin naman akong sasabihin sa kanya.

Kahit idolo niya ako, hindi pa rin magbabago ang isip ko na maging mataray at strict sa kanya. Huwag siyang mag-expect sa akin na mabait ako at magiging kaibigan kaming dalawa.

Hindi naman mangyayari 'yon.

"Hi, Miss Megan."

Nagising ang aking diwa habang nakatingin siya at masayang nakangiti sa akin.

Klinaro ko lang aking boses at tiningnan ko lang siya ngunit dinedma ko lang siya.

Kita ko sa aking peripheral vision na papalapit ito sa akin at napatingin ako sa kanya na napangiti sa akin.

Ngumiti siya sa akin, "Kamusta na po paltos niyo?" tanong niya sa akin.

Tiningnan ko siya ng seryoso, "Kausapin mo paltos ko. Huwag ako." pilosopong tanong ko sa kanya.

Napakamot na lang siya sa ulo niya dahil sa sinabi ko at ngumisi ito.

Umupo siya at may balak pa itong kumausap sa aking paltos na nasa paa.

She's too stupid. Nagpa-uto naman siya sa sinabi ko.

"Kamusta kayong dalawa? Sana huwag kayong parusahin pa lalo ni Miss Megan baka putulin ang paa niya kapag lumala kayo." nagulat ako sa sinabi at napatingin siya habang kinakausap niya pa rin ang aking paltos ko.

"Ano bang pinagsasabi mo dyan?" naiiritang sabi ko sa kanya at napatingin siyang nakatingala sa akin.

Tumayo siya sa akin at ngumiti sa akin, "Ingatan niyo po kasi sarili niyo." sabi sa akin.

Sino ba siya para pagbilinan niya ako dito? Tss.

Tiningnan ko siya ng maigi at sinamaan ko siya ng tingin. Naging dahilan ito ng pagkasimangot niya sa akin.

Tumingin ako sa mga sasakyang nagdadaan sa harapan namin ni Scarlet.

Biglang sumagi sa aking isip na sumimangot siya sa akin kanina noong sinabi ko na magiging matagal pa siya pagiging Solo Artists ng EyeRed.

Dahil hindi ko pa nakikita na worth it ang kanyang maging performance niya.

Hindi ko alam kung pinaramdam ko sa kanya na sobrang umaasa siya sa akin dahil akala niya na magiging Solo Artist siya basta-basta.

Gusto ko lang naman na paghirapan niya muna ang isang bagay para maging worth it ang kayang kapaguran sa buhay niya.

Kung pangarap niya talaga 'yon, magpupursigi siya. Kasi sa aking paniniwala, lahat ng bagay dapat pinaghihirapan.

"Miss Megan, andyan na po yung sundo niyo."

Nagising ang aking diwa dahil sa aking narinig na sabi ni Scarlet at mukhang nakatulala ako kanina.

Napansin ko si Diego na binuksan niya ang pinto sa unahan at pagkatapos, tumingin siya sa akin na binigyan niya ako ng ngiti sa kanya.

Sinuklian ko naman ito ng ngiti si Diego.

Napalingon ako kay Scarlet at napakurap siya sa akin na may kasamang blanko sa paningin niya sa akin, "I have to go, Scarlet." sabi ko sa kanya at nakita kong napatulala siya sa aming dalawa ni Diego.

Narinig ko ang pagtawa at dumeretso na ako. Inalalayan ako ni Diego sa pagsakay sa sasakyan niya.

Pagkatapos kong sumakay, sinarado na ni Diego ang pinto nito at napansin kong pasakay na rin si Diego sa tabi kong driver seat.

"Bye, Miss Megan! Ingat po!" rinig kong sabi sa kanya at napalingon ako sa kanya na nakangiti pa rin siya sa akin.

Napansin kong binuksan na ni Diego ang pinto at sumakay na ito.

Nagsimula na siyang magmaneho.

"Who's that girl?"

Nagulat ako sa tanong ni Diego sa akin kaya napatingin ako sa kanya ngunit ilang sandali lang napatingin na lang ako sa bintana.

Gabi na pala.

Gusto kong sumandal at umidlip muna.

Kaya ngayon, pinikit ko muna ang aking mga mata.

"She's nobody." na walang ganang pagsagot ko sa kanya.

Like it ? Add to library!

Don't forget to leave some votes and comment in my story.

if you have time, follow my social accounts below:

wattpad: @itsleava

twitter: @itsleava

This story is also available in Wattpad!

itsleavacreators' thoughts