webnovel

Her lips to mine

CLAUDE'S POV

Simula nong aminin ko kay Ren ang nakaraan ko at kung bakit ako ganito, hindi na ako nagpapakita sa kanya, iniiwasan ko siya. Alam kong hindi niya ako tanggap. Sa totoo lang, sa una, hindi ko gusto ang nararamdaman ko.

Ou, nagdadamit lalaki ako pero never akong nagkagusto sa katulad kong babae, sa puso't isip ko alam kong babae parin ako, but when Ren came, a sudden change of feeling has happen within me. Hindi ko gusto ang nararamdaman ko, but time passes, I became a princess who likes a priestess.

"Claude? Palagi ka nalang nagkukulong dito sa silid aralan? Bakit hindi ka muna lumabas? Hinahanap ka ni Ren sa'kin eh" sabi ni Rome na nag-aalala.

Ilang linggo kasi akong namalagi dito sa library para hanapin ang paraan para makabalik sila sa kani-kanilang mundo. Ayokong may mapahamak at madamay sa kanila, ayoko rin silang ialay para sa ikabubuti ng kaharian ko.

"Claude, ganito nalang ba ang gusto mong mangyari?" pagtatanong uli ni Rome dahil hindi ako umiimik, kaya tumigil muna ako at tumingin sa kaniya

"Ano bang dapat kong gawin Rome?"

"Harapin ang lahat Claude. Nasaan na ba ang Claude na kilala ko? Yung matapang na kahit anong pagsubok ay kayang lampasan?"

"Hindi ko alam ang gagawin ko Rome. Paano kung maghasik na naman ng kadiliman si Dark King? Pa'no kung dito sa Neo Verona ang isusunod niya? Hindi ko nga sya nakayang talunin. Natakot ako nung makaharap ko sya. Naaalala mo pa ba nung mamatay ang mga magulang ko? Ganun din yung kapangyarihan niya, ang pagkakaiba lang masyado pang bata iyon at nakaya syang talunin ni ama, ngunit ang nakakabagsik ay yong babaeng may kapangyarihan ng siyam na dragon, at yun ang kumitil sa buhay nila ama, at hindi ko makakalimutan iyon, maghihiganti ako Rome." sabi ko na mangiyak-ngiyak, agad akong niyakap ni Rome at pinapatahan

"Don't live with your past Claude; move on, you have your own life now. Sa tingin mo ba gusto ng hari at reyna na nakikita kang ganyan? We only live once Claude, forget the hatred and renvenge, live with full of love and joy. Set out the dakness aura in your heart."

"Paano Rome kung bumalik sila at si Ren ang kunin nila? Hindi ko kaya Rome, minsan na nga lang ako magmahal, sa maling panahon pa, at sa maling tao."

"Sinasabi mo bang mali na nakilala mo si Ren?"

"Hindi, iyon nga ang pinakamasayang araw ko sa tanang buhay ko, ang makilala siya"

"Eh, bakit mo sinasabing maling tao ang minahal mo?"

"Rome, im not like her, I belong here, she belongs to the other world I'm a book character sa mundo nila. Paano niya ako mamahalin kong isa ako sa gumaganap na bida sa isang libro at isa pa, we both have the same gender. We all know that it is against our world. I don't like to be like this Rome" sabi ko na tuluyan ng dumaloy ang luha na pinipigilan ko. See? Im still a girl, who cries out loud. But when im around with Ren, everything is perfect.

"Everything has its own reason Claude, siguro nga isa ka lang bida sa libro, at sya yung mambabasa. But what if someday, your world and her world would collide? Will you not grab it, the chance to be with her?" sabi ni Rome habang yakap yakap ako

"You know Claude, I love Juliet, we both love each other, we don't even think what will happen next, all we want to do is to spend time together while we have the chance. Dapat ganun rin ang gawin mo Claude." Sabi niya sabay punas ng mga luha ko sa mata. Tama sya, masyado lang kasi akong natakot. Dapat nga inilalaan ko ang oras na makasama ko si Ren kahit ayaw niya sa akin.

"Ou na tama kana, nano- nosebleed na ako eh, ano bang tinuro ni Cheska sa'yo? Hahaha"

"Hahaha ikaw talaga, ayan na oh. Yan ang Claude na kilala ko." sabi niya na nakangiti

"Ano ba kasi hinahanap mo dito at ayaw mong masinagan ng araw? Bampira ka na ba? Hahaha" pang-aasar ni Rome sa akin. Alaskador din ha.

"Naghahanap ako ng paraan para makabalik sina Ren sa mundo nila."

"Seryoso ka bang talaga sa ginagawa mo? Gusto mo nang pabalikin sila?"

"Ou, ayoko silang madamay dito Rome"

"at sinong may sabi na hindi kami pwedeng madamay?" napalingon ako sa nagsalita, si Ren pala kasama sina Kia, Cheska at Rowan

"Romeo! Andito kalang pala kanina pa kita hinahanap. Hindi naman tayo naglalaro ng hide and seek, ba't nagtatago ka rito." sabi ni Cheska na nakapameywang pa, lumapit naman sila sa kinauupuan namin

"Hindi mo man lang ba kami tatanungin kung gusto na ba namin bumalik sa mundo namin?"

"Ah…eh.." sabi ko

"Ou nga Claude, mas gusto na nga namin rito. Ang saya lang ng buhay dito." Tuwang tuwang pagkasabi ni Kia.

"Tsaka, ayoko pa malayo sa Romeo ko, diba Romeo ko?"

"Hahaha ou na, Juliet ko" at nagtawan silang lahat, ako lang yata di makangiti rito

"Wag mong sabihin na hindi kami damay rito Claude, simula ng mapadpad kami rito sa mundo nyo, kasali na kami sa istorya dito." Sabi niya na nakangiti at agad umupo sa lap ko. Nagulat ako sa ginawa niya.

"Ahemm!.. Maiwan na muna namin kayo." sabi ni Rowan at nagsialisan. Nagbago yata ihip ng hangin, alam ko kasing ayaw na ayaw ni Rowan kay Ren para sa akin, tutol siya sa nararamdaman ko. Si Rome nga lang kakampi ko. Kaya ang nangyari, kaming dalawa nalang naiwan sa silid aralan.

"Ah.. Ano kasi Ren, ayokong ma---" hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng siniil ako ni Ren ng halik. Hindi agad ako nakatugod sa mga halik niya, kaya humiwalay muna siya at nag salita.

"I love you too Claude" sabi niya at hinalikan uli ako but this time I response, I also kiss her with full of love like were hunger for the kiss of each other. Our kissed lasted for 5 minutes I guess, pareho kaming naghahabol ng hininga.

Hindi kami nakontento sa halik na ginawa namin kanina kaya we, again kissed each other, it was a passionate one. Bumaba ang halik ko sa leeg niya.

"hmmm…" sounds she uttered when I was kissing her neck warily. I was about to slide down her dress when a book lightens up that made the two of us stop for what we have been doing.