webnovel

Chapter 18:

[Symon/Z's POV]

It's been a week since X left us. We are now starting to accept the fact that he will never coming back. Death is indeed inevitable, we will never know when it will take us away from the people we love.

Today we have decided to have fun and take a break from the pain and loss, because we should continue our life even without him. But it doesn't mean that we will forget him.

We agreed to play arcade in the mall.

"tara sa basketball muna tayo.." yaya ni Belle.

"Sige ba" agree naming lahat maliban kay Angelique.

"Pass muna ako, doon lang ako sa National book Store, bibili lang ako ng libro." Ani ni Angelique,

"gusto mo samahan na lang kita Angelique?" nag-aalalang sabi ni Sia sa kaibigan. Alam namin na si Angelique ang labis na nasasaktan sa aming lahat.

"Hindi na Haley,, mag-enjoy lang kayo. Kaya ko naman ang sarili ko eh" ani pa ni Angelique sabay tipid na ngiti.

"Sure ka? Okay ka lang mag-isa?" tanong naman ni Belle.

"Hmm" Angelique sabay tango.

"okay sige, kita na lang tayo mamaya" sabi ni Sia kay Angelique.

Tumango na lang si Angelique sa umalis mag-isa.

"I'm worried about her.." Sia sabay tingin sa likod ni Angelique.

"Hayaan mo muna siya..maybe she need space and time alone. She will be okay, don't worry too much" pagpapagaan ko ng loob niya.

"tara na" yaya ni Dylan.

"Total apat tayo, bat hindi na lang tayo maglaro ng by partner para masaya" wika ni Dylan.

"Okay sounds fun" agree ni Sia at Belle kaya wala na akong nagawa pa.

Unang naglaro sina Sia at Belle. Naka-shoot ng 33 si Belle while 37 si Sia. Pagkatapos ay pumwesto na kami ni Dylan.

"Go Dylan galingan mo.." pag-checheer ni Belle kay Dylan.

"Galingan mo Sy.." cheer din ni Sia.

"Wohh go galingan niyo po" sigaw ng mga tao/. Hindi namin na pansin na marami pa lang nanood sa amin.

Nang naubos ang oras ay naka-shoot ako ng 56 at 55 naman kay Dylan lamang ako ng isa kaya kami ang panalo.

"Galing.." ani ni Sia sabay apir.

"Talo tayo kasalanan mo to.." sisi ni Belle kay Dylan.

"Anong ako lang, ikaw din naman kaya natalo ka kay Sia.." ganti ni Dylan.

"HAha yan na naman sila" natatawang sabi ni Sia. Natawa na lang kami sa dalawa.

Sunod naman naming pinuntahan ay sa dance revo. As usual talo kami parehong kaliwa ang paa ko eh. Nag laro din kami ng pacman, shooting game, racing at many more, pagod na pagod kaming lahat pagkatapos.

"Ice cream tayo." Magkasabay na sabi nina Sia at Belle.

"Ang takaw niyo sa Ice cream" pang-aasar ni Dylan.

"Edi huwag kang sumama, ikaw Sy sama ka?:" tanong ni Belle sabay tayo.

"Sige" sagot ko.

"Sama din ako.. nagbibiro lang naman ako eh" ani ni Dylan saka hinabol si Belle.

"Tara na Sia" yaya ko kay Sia.

[Third Person's POV]

Pumunta sa National book store si Angelique nadaan niya ang shelf na dating pinuntahan nila ni Cyril kaya napaiyak na lang siya. Naalala niya noong hindi niya maabot ang librong gusto niya kaya si Cyril na lang ang kumuha mula sa likuran niya kaya mistulang nakayakap si Cyril sa kanya.

Umalis na lang siya don, napadaan siya sa movie house, Bumili siya ng ticket na pang comedy at popcorn. Imbes na tumawa ay napahagulhol siya, naalala niya noong nanood sila ng sinehan noon. Habang kumakain ng popcorn ay nagkasabayan sila kay di sinasadyang nagkapatong ang mga kamay nila at nong nabilaukan siya ay pinainom siya ni Cyril ng drinks nito dahil sa taranta. Noong pumunta sila ng amusement park ay naalala niya nong pinakilala siya bilang girlfriend ni Cyril. Nong nakidnap sila ay niligtas din siya nito. Ang lahat ay isang alala na lamang dahil wala na ito.

$$$$$$

Habang nagkakasiyahan ang apat ay may mga matang masamang nakatingin sa kanila, sina Lance, Eddie at isang babae.(siya yong same girl sa amusement park noong nag triple date sila)

"Nagawa pa nilang magpakasaya kahit kakalibing pa lang ng kaibigan nila..tss At kung maka hawak naman sa kamay ni Belle ang Dylan na yan parang walang bukas. Nakakabanas. Humanda ka sa akin Dylan, mapapasaakin ka din Belle" Eddie,

"Ano bang meron ang Symon na yan at siya ang nagustuhan mo Haley.. Pinatay ng lalaking yan ang kaibigan ko at pinakulong din niya ang tatay ko.. BAkit hindi na lang ako Haley? Akin ka nalang.. akin ka lang!" Lance.

"kinuha mo na talaga sa akin lahat Sia, pati kapatid ko, tatay ko at ang lalaking mahal na mahal ko.. kung hindi ka lang gusto ng kapatid ko ako mismo ang papatay sayo.. lahat na lang ng atensiyon na sayo na. wala ka na talagang itinira.." Unknown Girl.