webnovel

Chapter 16:

[Third Person's POV]

Tuluyan ng nakapasok sina Agent Z and Y.

Pagbukas nila ng pintuan ay tumambad sa kanila ang dalawampung nakaitim na lalaki kasama sina Celle at Bobby. Hawak ni Celle si Sia na nakatali ang mga kamay at may nakatutok na baril sa ulo niya.

*clap..clap..clap.*

Palakpak pa ni Bobby.

"As expected of you.." Ani ni Bobby.

"Sia.." Ani ni Z/Symon.

"Sy.." Tugon ni Sia.

"Don't hurt her" may pagbabantang wika ni Z.

Nakatutuktok ang mga baril ng mga lalaki sa kanila.

"Don't worry I will not hurt her but I will use her against you.. I am brilliant right ?" Nakangising tugon ni Bobby.

"Should we start the game now? Naiinip na ako eh.." Ani pa ng kasintahan ni Bobby na si Celle.

"Okay.. First put down your guns or I will shoot her" pagbabanta ni Bobby.

Sumunod naman ang dalawa. Kinuha ng mga kasamahan ni Bobby ang baril nila Z at Y.

"Second don't fight back or else I will shoot Sia" banta pa nito.

"Waaggggg" sigaw ni Sia ng hampasin ng kahoy si Z.

Pero parang wala lang itong epekto kay Z. Hinampas din nila ng kahoy si Y.

Sunod naman na hinampas nila sa dalawa ay tubo. Pinagsisipa at pinagsusuntok din nila ang walang kalaban labang mga agents.

Duguan na at punk ng galos ang dalawa pero nakatayo parin.

"Please.. Parang away niyo na... Tama na Bobby...." Mangiyak-ngiyak na sigaw ni Sia.

"Lumaban kayo Symon.. Dylan..."Sigaw ulit ni Sia pero patuloy parin sila sa kanilang ginagawa.

*Bang...bang...bang...*

[X/Cyril's Pov]

Kasalukuyan akong nakikipagbarilan sa ibang miyembro ng BDG na nakakita sa akin.

"Lumaban kayo Symon.. Dylan..." Rinig Kong sigaw ni Sia kaya dali-dali akong tumakbo papasok.

*bang..bang..bang* sunod-sunod Kong pinaputukan ang mga kalabang una kong nakita.

"Cyril" nakangiting ani ni Sia.

Nagsitago ang iba kaya mabilis na kinuha nina Z and Y ang mga baril nila at tinulungan ako.

Nakita ko sa gilid ng mata ko ang ginawang pag-agaw at pagsuntok ni Sia sa babaeng nakahawak sa kanya. Pinuntahan ko siya at nagtago kami sa gilid.

"Ayos ka lang ba Sia?" Nag-aalalang tanong ko.

"Oo, pero sina Sy ." malungkot niyang sagot.

"Wag kang mag-alala Sia, ayos lang sila" pagpapagaan ko ng kalooban niya.

Nilapitan kami ni Z.

"X, ilabas mo na si Sia dito.. " ani ni Z.

Tumango ako sa kanya at hinawakan si Sia.

"Paano sila?" Nag-aalala niyang tanong.

" Mas mahalaga ang kaligtasan mo Haley... Halika na" ani ko saka siya hinigit.

*Bang..bang..bang *

Pinaputukan kami ng mga kalaban.

"Sia...." Rinig kong sigaw ni Z.

[Haley Sia's POV]

"Sia...." Rinig kong sigaw ni Sy.

Nabitawan pala ni Cyril ang kamay ko.

Tumalikod ako para harapin si Sy.

May bala palang paparating sa akin.

*togsh*

Bumagsak si Cyril habang yakap ako. Bakit may mga tao talagang sasaluhin ang bala para sa kaligtasan ng iba.

*Bang*

Binaril din ni Sy si Bobby.

"Cyril, bakit mo ginawa yon? Ha?" Ani ko.

"H-Haley ... Alam mo bang unang kita ko pa lang sayo ay nagustuhan na kita.. *cough* " Ani niya at may dugong lumabas sa bibig niya.

"Cy...hang on... Tulong..." Sigaw ko habang umiiyak.

"I-kaw l-lang ang n-nag-iisang b-babaeng...*cough* n-nagpapabilis n-ng t-tibok ng puso k-o... *cough*....I l-like y-you....."

"Cy..." I'm speechless.

"Y-you d-don't need to s-say a-anything .."

Dumating na ang mga pulis at ambulance. Pagdating nila ay Isinakay nila agad si Cy sa sa ambulansiya at idinala sa hospital.

Please be safe Cy.

To be continued....