webnovel

Ikaapat na Kabanata: Gamble

Napatigil ako sa paglakad-lakad ko. Napasulyap ulit ako sa kalendaryo bago kay Rhea na bakas ang kalungkutan sa kanyang mukha. Naramdaman ko na lang ang pag patak ng luha ko sa aking pisngi.

"Rhea, malapit na ang applyan. Kulang pa yung ipon ko..."Nakagat ko ang labi ko para pigilan ko ang pag hikbi ko.

Narinig ko ang malalim ng pagbuntong hininga nito.

"Wala talaga akong ipapahiram sayo."Tumango lang ako sa sa kaniya.

Kung hindi sana nawala ang pitaka ay sasapat na iyon para makapag-apply ako at pang medical. Humigpit na kasi ngayon ang mga hinihingi bago ka makapasok sa kolehiyo.

Gustong gusto ko kasi mag-aral eh. Ayokong habang buhay akong pagtatawan ng mga tao dahil mahina ako sa ingles.

"Rhe-Rhea..."umiiyak kong tawag sa pangalan niya.

Nakita ko ang awa nya sa akin. Si Rhea kasi ang may mga alam kung anong mga pinagdaanan ko simula ng maulila ako. Naramdaman ko ang mainit niyang yakap sa akin.

"Nandito lang ako, Zierra. Makakapag-aral tayo ngayong taon. Diba?"alo niya sa akin habang pinapahid ang mga luha na pumapatak sa pisngi ko.

"Ganda lang meron sayo! Pero wala kang utak!"napapikit ako dahil sobrang lamig ng juice na binuhos niya sa ulo ko.

Ang lamig!

Rinig ko ang mga tawanan at pangugutya ng mga estudyante sa buong canteen. Kinagat-kagat ko ang labi ko para pigilan ang pagkawala ng iyak ko.

"Bobo!"

Wala akong nagawa nang tadyakan ako sa sikmura ng isa kong kaklaseng babae. Hind ako makalaban dahil anak siya ng titser dito sa school. Nanginginig man ay pinilit kong tumayo kahit nanlalabo na ang paningin ko.

Napatigil ako sa pagtayo ng may naglahad ng kamay sa harap ko. Isang napakagandang babae na sa tingin ko ay mas matanda ito sa akin. Nakangiti ito bago inaalalayan ako sa pagtayo. Nanghihina man ay pinilit kong tanggapin ang kamay niyang nakalahad. Dito nagsimula ang aming pagkakaibigan.

Ngumiti lang ako upang pigilan ang pag-iyak ko. Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kaniya bago tumawa ng malakas.

"HAHAHAHAHAHA! Ano ka ba Rhea! Pinapaiyak mo ko!"akusa ko sa kaniya habang siya tahimik lang nakatingin sa akin.

Tinitingin tingin nito?

"Ano ba!"pagsusungit ko pa.

LUMIPAS ang isang linggo ay medyo nakakahinga na ako ng maluwag. Nasa kalahati na ang ipon ko. Kasalukuyan kaming nandito sa manjongan ng kaibigan ko.

Maingay na may kasamang tawanan at reklamo ang naririnig ko sa paligid ko. Nakalimutan kong banggitin ay rumaraket din kami dito.

"Oh bola bola!"malakas kong sabi sa mikropono habang nag bola bola. Tawa ng tawa sa akin ang katabi ko.

"Para sa huling numero, disye-syete!"

Narinig ko ang mga reklamo ng nasa paligid ko habang ang ilan ay parang natalo ng isang milyon. Ano pa bang aasahan niyo?

Sugal ito!

Kailangan mong sumugal kung gusto mong manalo. Wala namang nanalo ang hindi tumataya. Palakasan lang ng loob yan! Bawal maging mahina!

Napalingon ako kay Rhea ng maramdaman ko ang kalabit nito. Sinenyasan niya ako para sa susunod na raket namin ngayong gabi. Lumapit muna ako doon sa may-ari upang kunin ang bayad.

"Paano ba yan, Mang Isko? Sa susunod ulit ho!"nakangisi kong paalam bago isinuot ang sombrero ko.

"Sige, ineng. Sa susunod ulit!"Iyon lang narinig ko dahil mabilis akong lumapit sa kaibigan ko.

Brgy. Dimagiba.

Malapit na ang fiesta dito sa kanila kaya gabi - gabi ay nagpupuyat ang mga tao sa peryahan. Dumayo pa kami ng kaibigan ko sa kabilang barangay para dumiskarte ng pera.

"Tara dun, Zierra!"hila niya sa akin papunta kung saan may nag co-color game.

Kumpulan ang mga tao, bata o matanda ay naririto. May asawa o wala ay kanya kanya ang taya. Boom panis!

Napangisi ako dahil lagi akong sinuswerte dito. Minsan nga pinaaalis na ako ng may-ari dahil nalulugi siya. Malulugi talaga siya! Asahan na niya! Sugal ang pinili niyang negosyo.

"Oh, sino pa ang tataya bago ko hilahin ito."napatigil ito saglit ng makita kami ng kaibigan ko.

Namutla ito bago nagpatuloy sa pagsasalita. Pareho lang tayo kuya! Kailangan ko rin ng pera.

Seryoso akong tumaya ng isang daan sa kulay berde. Nakita ko ang panginginig sa kamay ni kuya. Naramdaman ko ang pag siko sa akin ni Rhea habang nakangisi.

Hindi pa nito nahihila ay mas lalong nanginginig ang kamay nito.

"Kuya, ayos ka lang?"

Narinig kong tanong ng isang binatilyo sa kaniya. Tumango lang ito bago hinila ang tali. Ramdam ko na ang pagkapanalo ko!

Shoot!

Lahat ay kulay berde ang lumabas. Narinig ko ang reklamo at mura ng mga kasama ko. Habang si kuya ay masama ang tingin na ipinipukol sa akin. Nginisian ko lang siya. Mga anim na tira bago ako umalis kami ng kaibigan ko.

Isang libo!

"Ikaw talaga ang lucky charm ko, Zierra!"masaya nitong sabi bago hinila ako sa may fishballan.

"Lucky charm, ampp!"habang nagtutusok tusok ng mga fishball at kikiam. Masarap talaga ang street foods lalo na kung bago luto at masarap ang sawsawan.

Sweet spicy!

Nakita ko naman ang kaibigan ko nagliliwanag ang mga mata habang bumili ng sampung malalaking kwek-kwek.

"Magkano kuya?"

"Isang daan sa kwek-kwek at beinte para sa binili mo." tumango lang ako bago binayaran ko ang akin.

KKB kami muna ngayon.

"Ang mahal naman kuya!"ungot ni Rhea. Mahina kong inaapakan ang paa niya para pigilan sya sa pagrereklamo.

Kilala ko kasi yan, pag nag reklamo yan ay umaabot kami sa barangayan. Hindi papaawat hanggat hindi sya nanalo. Nang matapos na kami ay saka dumiretso sa aming sunod na raket.

Ang raket na malaki rin ang kitaan. Konti na lang, Zierra. Matutupad mo rin ang mga pangarap mo.

Napangiti ako ng akbayan ako ng kaibigan ko. Mula nang tulungan niya ako noong grade 1 kami ay doon nag-umpisa ang pagkakaibigan namin.

Sugal man ang isa sa mga alam namin ng kaibigan kong trabaho pero alam namin na sa bawat pagtaya ay may hangganan.

•••

Life, love is a gamble. Yet, we need to choose what worth fighting for.

Like it ? Add to library!

theashandfirecreators' thoughts