webnovel

Chapter 20

Third Peson's POV

Habang sinusundan nila Rye at Levi ang mga tao na nakita nilang muntik na manloob sa kanila ay hindi napansin ni Rye na may paparating pala na truck

" RYE KABIGIN MO! "

Huling narinig ng binata bago sila nasalpok ng malaking truck, umikot ang kotse na sinasakyan nila pero ganon pa man ay nasalpok pa rin sila ng malakas.

Kasabay ng pagsalpok ng sasakyan ng dalawa sa truck ay ang pag papaharurot ni Zayden sa sasakyan nila na halos lumipad na ito sa kalsada

" Zayden magdahan dahan ka baka mamaya ay sumalpok pa tayo kung saan dahil sa sobrang bilis mo magpatakbo " hiyaw ni Xath mula sa backseat habang nakakapit sa may pintuan ng sasakyan

" Hindi tayo masasalpok nag iingat ako " sagot naman ni Zayden

Para silang tumatakbo sa walang hanggang sa tagal nilang nasa loob ng sasakyan

Maya maya pa ay nakatanggap sila ng tawag mula sa number ulit ni Rye

Dahil doon ay medyo nakahinga sila ng maluwag

Sinagot nila agad at ni-loudspeaker nila 'yon

Ngunit laking gulat nila ng hindi pamilya na boses ang narinig nila

" Sino 'to nasan si Rye? " agad na tanong ni Volker

" Sir Philippine General Hospital po 'to paki puntahan po 'yung kaibigan niyo dito " agad naman silang natahimik at nagulat

Kinabahan sila bigla at hindi napigilan mag isip ng hindi maganda

" Sige salamat papunta na " sagot ni Zayden ng mabilis at pinatay ang tawag

Hindi naman sila kalayuan sa hospital kaya mga ilang minuto lang ay nakarating na sila doon

Agad namang dumiretso si Raven sa front desk upang ipagtanong si Rye

Mabuti nalang at kabisado ng dalaga ang pinuntahan dahil sa laki nito ay hindi imposibleng maligaw sila pag nagkataon

Nang malamang nasa emergency room ang mga kaibigan ay agad naman silang nagtungo doon

Tinakbo na nila ang distansya sa sobrang pag aalala ay halos maka bunggo na rin sila ng mga dumadaan

Nang makarating sa tapat ng emergency room ay sinalubong sila ng iba't ibang pasyente at karamihan ay agaw buhay

Umaasa naman sila na hindi ganon ang lagay ng dalawa dahil hindi pa sila ganon nakakabangon mula sa pagkamatay ni Madi at hindi pa gumagaling si Vlaize

Baka hindi na nila kayanin kung may mangyari pang matindi sa dalawa

" Tatawag lang ako sa bahay " paalam ni Xath bago lumayo sa mga kasama at tinawagan si Astra

Habamg kausap ni Xath ang mga kaibigan na naiwan nila sa bahay ay nag uusap naman ang tatlo

" Ven sa tingin ko ay maganda kung hindi muna sa bahay natin tutuloy si Ej, masyadomg delikado para sa bata yung lagay natin ngayon " paliwanag ni Volker

" Tama, bakit hindi muna natin siya dalhin sa rest house mo sa tagaytay? tutal nandoon naman 'yung nag alaga sa'yo noon diba? " dagdag pa ni Zayden

Kahit ayaw ni Raven sa mga suggestion ng kaibigan ay alam niyang tama naman ang mga ito

Kaya imbis na makipag talo pa ay tumanggo nalang ito dahil alam niyang 'yon ang pinakamagandang gawin lalo na sa sitwasyon nilang kinahaharap ngayon

Ang tagal na nilang nakatayo sa tapat ng emergency room pero wala pa rin silang balita

Ilang sandali pa ay bumalik na si Xath

" Hindi sila makaka sunod kailangan ng bantay ni Vlaize, Ej at nung bahay eh " paliwanag ni Xath

" Maiinintindihan naman 'yon nila Rye, mahalaga pag gising nila ay may makita silang nandito " sagot ni Zayden

Ilang minuto pa ang lumipas ay may lumabas na doctor mula sa emergency room

" Kayo ba yung relative nung na car accident ka kanina? " bungad sa kanila ng doctor at agad naman silang nagsi tanguan

Sa kabilang banda naman ay nag aalala rin ng sobra ang mga kaibigan nilang naiwan sa bahay

" Sana pala pinabalik nalang natin sila agad imbis na pinabayaan natin silang habulin pa ang mga 'yon " tila nagsisisi na sabi ni Gio

" Hindi naman natin inaasahan na aabot sa ganito, magdasal na lang tayo na maging maayos ang lahat " pagpapagaan ni Astra ng loob ng mga kaibigan

" Sobrang unpredictable talaga ng mga bagay " buntong hininga ni Azure

" Sana ay huli na 'to, kailan kaya matatapo 'tong problema natin " tila nawawalan ng pag asa na sabi pa ni Gio

Binabalot sila ng lungkot at pag aalala para sa mga kaibigan ma nadisgrasya

Akala nila noon ay si Vlaize na ang huling mapapahamak

Pero tila hindi talaga matatapos ang problema nila dahil sa tuwing makakaramdam sila ng konting katahimikan at pag asa na matatahimik na talaga sila ay biglang nagkakaroon ng pangyayari na hindi nila inaasahan

Kaya kung minsan ay parang ayaw na nilang maging masaya dahil palagi itong nagkakaroon ng kapalit na lungkot at pighati

Hindi sila mapakali dahil wala pa rin silang balita tungkol sa lagay ng dalawa hanggang ngayon

Ayaw nilang isipin na nag aagaw buhay ang mga ito o baka wala na nga sila dahil kagagaling lang nila sa pagluluksa

Napakatinding sakit at lungot ang idudulot nito kung muli nanaman silang magluluksa at luluha dahil sa kaibigang namayapa

Tahimik na tinignan nila Volker ang doctor bago sila nagsimulang magtanong ng magtanong na halos hindi na makapag salita ang doctor

Sobra ang nararamdaman nilang pag aalala para sa dalawa

Lalo pa at madalas na sanhi ng pagkawala ng buhay ang car accident

" Doc sabihin mo ano na bang nangyari sa kanilang dalawa, maayos na ba sila, napuruhan ba sila o ano? " mabilis at sunod sunod na tanong ni Zayden sa doctor

" Napakaraming dugo ang nawala sa isa sa kanila kaya kailangan niya ng blood donor sa lalong madaling panahon " panimula ng doctor

" Hahanap agad kami doc "

" May mga factures din sa iba't ibang parte ng katawan dahil sa sobrang lakas ng impact at hampas ng sasakyan sa kanila " dagdag pa ng doctor

Napansin naman nila na hindi naglilinaw ang doctor kung kaninong lagay sa dalawa ang kaniyang tinutukoy

" Sa ngayon ay critical ang lagay nito " buntong hininga ng doctor

" Doc dalawa sila, kamusta yung isa? " tanong ni Zayden

" Sino din sa kanila ang tinutukoy mo doc, pakilinaw dahil nalilito kami " dagdag pa ni Volker

Malungkot silang tinignan ng doctor, huminga ito ng malalim bago sinagot ang mga katanungan nila

Ngunit ang sagot pala na 'yon ay ang muling maglulugmok sa kanila sa matinding kalungkutan

" One of them was brought in dead " tinignan muna sila nito bago ng patuloy

" Miss Leviona "