webnovel

Chapter 14

Rye's POV

Umalis si Raven kanina at agad din siyang bumalik

Hindi niya sinabi kung saan siya pupunta pero ang alam ko ay sinundan siya ni Zayden at Xath

Buti nalang at bago dumating si Raven ay nakauwi na yung dalawa

Lutang lutang isip niya mula ng maka uwi siya galing sa pinuntahan niya

She's so preoccupied

" Penny for your thoughts " napa lingon naman siya ng mag salita si Astra

" Wala may naiisip lang ako " mabilis niyang sagot

Ilang weeks na rin ang nakalipas mula ng macoma si Vlaize

At hanggang ngayon ay wala pa rin siyang malay

Hindi ko maiwasang mag isip ng negatibo dahil sa mga nangyayari

Pero sana ay maging maayos na ang lahat

Nakakapanibago rin dahil medyo tahimik at walang maingay

Walang high blood sa araw araw dahil sa pag huhugas ng plato

Lahat kami ay naghihintay ng pag gising ni Vlaize

Tinitignan ko isa isa ang mga kaibigan ko, nakakatuwa lang isipin na kahit nagkakaganito ay hindi parin kami mga nagbabago.

Pero pansin ko ang madalas na pananahimik ni Gio

Kung sabagay ay nagluluksa pa rin siya panigurado

Yung baby naman na napadpad sa pintuan namin na inampon ni Raven ang kinaaliwan naming lahat dito

Pero hindi maiwasang sumagi sa isip ko na baka hindi rin 'yon magkaroon ng tahimik na buhay kagaya namin

At halos kada linggo ay may nababalitaan kaming karumaldumal na nangyari

" Guys look at this "

I was snapped out of my thoughts when Zayden spoke

Ipinakita niya sa amin ang laptop niya

May article doon about sa ex ni Azure na si Yexanna

" Bakit may article nanaman " takang tanong ni Azure ng buksan ni Zayden ang article

' Ilang linggo mula ng matagpuan ang bangkay ni Yexanna Millers ay may mga nagsabing hindi raw ito si Yexanna, isang palaisipan ngayon ang bagay na ito sa lahat. Kung hindi si Yexanna ito ay sino ang babaen 'yon at nasaan si Yexanna Millers '

" Puta " tanging salitang nasabi ni Azure

" Pre minumulto ka yata " biro ni Xath kaya sinamaan siya nito ng tingin

" Nakakataka naman masyado 'yan " dagdag ni Levi

Posible ng bang buhay pa si Yexanna?

Ngunit kung buhay pa 'to, sino ang natagpuang 'yon?

Ang daming tanong na tumatakbo sa isip ko

" Napakagulo " buntong hininga no Zayden

Matapos mabasa ang article pansin ko ang pagka balisa ni Azure

Hindi ko mawari kung natatakot ba siya o ano

Kahit ganito ang lagay namin ay nagtatrabaho pa rin kami, dahil kailangan namin ng pera

Nagbibigay ako ng impormasyon ng iba't ibang kilalang tao kapalit ng pera

Hindi man legal atleast malaki ang kinikita ko

May raket kami ng sama sama at mayron din namang kaniya kaniya

Naawa ako ng medyo sa batang ampon namin dahil kalalakihan niya ang mga illegal na gawain namin

Sana lang ay maging matino pa rin siya kagaya namin

Dahil gabi na at inaantok na ako ay napag desisyunan kong matulog na

Nakapag hugas naman na ako ng plato at wala akong kaaway dahil tulog si Vlaize ng matagal

Saktong pag pasok ko ng kwarto ko ay may nagtext sa akin

Kailangan niya raw ng tulong

Sa tingin ko ay panibagong pagkakaperahan nanaman ang isang 'to

Magulo man ang buhay namin ay masasabi kong sinuswerte parin kami kahit paano

Inentertaim ko naman siya dahil nga pagkakakitaan 'yon

Kaya napuyat ako dahil sa kaniya

Pag kagising ko kinabukasan ay nakaramdam ako ng gutom kaya bumaba ako kaagad

Sinalubong naman ako ng amoy ng pagkain, siguro ay nakaluto na sila

Hindi kami kunakain ng hindi kumpleto kaya kahit gutom na ako ay hinintay ko parin ang iba

" Pupunta daw siya mamaya " napalingon ako ng marinig ko ang boses ni Azure

Tumango naman si Raven sa kaniya

Sino naman kaya ang pinag uusapan ng dalawang 'to

" Bilisan niyo gutom na ako " reklamo ko sa kanila dahil baka mag usap pa sila

Napailing naman sila at dumiretso na sa mesa

Matapos kumain ay as usual naghugas ako ng plato

Pagkatapos ay naisipan kong manood ng tv, sayang naman tv kung hindi namin gagamitin diba

Dumiretso ako sa living room at binuksan ang tv

At sa kalagitnaan ng panonood ko ay may istorbong nagdoorbell

Tumayo naman si Levi para pag buksan 'yon

Maya maya ay bumalik siya kasama si Zurich

Mukhang mamimigay nanaman siya ng nakalap niyang impormasyon

Tinawag naman ni Azure yung tatlo na nasa taas at nag aalaga yata ng bata

Maya maya pa ay bumalik si Azure kasama ang tatlo at hindi naman nila kasama yung bata, siguro ay tulog

Tumayo si Zurich at nagulat kaming lahat sa sumunod na nangyari

Sinalubong siya ng malakas na sampal ni Raven

Tangina aray

Ang bigat pa naman ng kamay niyan

" Ven! " napatayo kami bigla at nagtaka sa ginawa niya

" Liar " iling niya kay Zurich at may inihagis na folder sa center table namin

Nagtataka namang binuksan 'yon ni Xath

The folder has tape recorder and pictures

Kinuha ko ang pictures at tinignan isa isa

I gasped when I realize what the hell is that

" Z-zuich bakit? " hindi makapaniwalang tanong ni Levi sa kaniya na tila ay sobrang dismayado

Lahat kami ay nadidismaya

Hindi ko akalain na siya pa ang loloko sa amin sa dami ng tao

" Magpapaliwanag ako " pagsusumamo niya

Pero mukhang ni isa sa amin ay walang gustong makinig

" Wala ng dapat pang ipaliwanag " kontra ni Zayden sa kaniya

" Hindi ko sinasadya, maniwala kayo natukso lang ako " paliwanag niya

Kahit na nagpapaliwanag si Zurich ay biglang tumalikod at umalis si Raven

" Umalis ka na " pagtataboy ni Astra sa kaniya

" Kung may konti ka pang hiya sa amin ay umalis ka na " dagdag pa ni Azure

Tila hindi nag sisink in sa utak ko ang nangyayari ngayon

" Makinig kayo-- "

Hindi niya na natapos ang sasabihin ng sakupin ng boses ni Xath ang buong living room namin

" UMALIS KA NA! "

Kahit na tila nagulat sa inasal ni Xath at yumuko ito at umalis na

Nang makaalis siya ay napabuntong hininga kami

At wala sa sarili niyang nagsalita si Levi na para bang hanggang ngayon ay loading siya sa nangyayari

" Si Zurich ang hudas sa atin "