webnovel

14

KABANATA 14: His cyclone

THE day didn't end up good. We're in the same roof but don't see each other often, nagkikita lang kami kapag nasa sala siya at lalabas ako para umihi. May kubeta sa kusina, ngunit ang paliguan ay nasa ibaba kaya naman hindi ko alam kung ano'ng pwede kong gawin upang payagan niyang lumabas upang maligo.

Sa huli'y hindi na lamang ako naligo, hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin gayong parehas na maiinit ang ulo namin. Maghapon niyang hawak ang cellphone dahil maya't maya ay may tatawag, mukhang mayroon na naman silang kasamaang gagawin.

Kasamaan nga ba?

Why do I still judge him even though I've seen his goodness already? I admit, mali ang ginawa ko. I ruined the mood but I can't be blamed, I was deeply ached and those memories keeps on haunting me. Hindi ko napigilan ang pagbugso ng aking damdamin, I was hurt and I just exploded.

He was one of those goons, how could I keep myself shut? Whenever I see him at sumasabay ang takot ko, I reminisce the dead bodies scattered around our mansion including my family.

Tiniis ko ang maghapong hindi niya pagpansin sa akin, nagkulong ako sa silid. Maya't maya ay sisilip sa bintana, papanuorin siyang may kausap sa cellphone habang iritado ang mukha. He doesn't look happy about his job either, siguro'y napilitan lang siyang sumama sa killing gang na kinabibilangan niya.

I think it's a big organization, hindi mapapasok ng ganoon ang bahay namin kung hindi malalaking tao ang nag-utos o nagplano. Someone powerful is behind the massacre. Tila ako kinonsensya sa mga nasabi ko sa kaniya, gusto ko siyang puntahan at humingi ng paumanhin. But I also have my pride, I have the rights to get mad since he was also there that night doing something bad.

Sumapit ang dilim. Napansin kong hindi siya mapakali, nang lumabas ako sa aking silid ay naghahanda siya ng kaniyang mga gamit. Tila aalis na naman siya.

Hindi na ako nakapagpigil, inunahan ako ng takot na maiwan dahil alam kong aalis siya, "W-wait!"

He didn't even bothered to gaze at my direction.

"W-where are you going? Gabi na!" Sigaw ko na parang galit na asawa.

"I'm going to settle things up."

Iyon lamang ang kaniyang sinabi pagkatapos ay mabilis siyang lumabas sa pintuan.

"Do whatever you want. I won't stop you anymore." Sigaw niya.

Pakiramdam ko'y piniga ang aking puso ng sabihin niya iyon. All this time, he was just worried about me. How foolish of me to ignore his efforts. Bakit ngayon ko lang naisip ang mga bagay na ginawa niya para sa akin? Is it my conscience? Or am I just worried he might lose his care for me?

What the heck! Gusto kong makawala sa mga kamay niya, ngunit hindi ko rin maisip ang aking sarili oras na iwan niya ako!

Ngayon ay para akong tinaga nang iparating niyang wala na siyang pakialam sa akin kaya gawin ko na ang gusto kong gawin. Did he really mean those words? Wala na ba talaga siyang pakialam sa akin?

"Lyreb..."

All this time, I only know his name. Aside from that, I know nothing. How foolish of me to judge him. Pinakiramdaman ko ang aking puso, mali, hindi maganda ang aking naiisip. Bakit ko sinisisi ang aking sarili? I should be mad, I even planned to have revenge! Bakit ganito ang aking nararamdaman? Bakit pumapabor ako sa kaniya?

What the heck is happening to me?

Umalis nga si Lyreb, hindi ko siya napigilan. Ako naman ang hindi mapakali. Nagsisimula na namang pumasok ang takot ko, hindi ito maganda.

I suddenly gazed at his room. May nag udyok sa akin upang puntahan iyon. Mabilis kong nabuksan ang pintuan, hindi iyon naka lock. How could he forgot to lock his door? I'm a human, sana'y maintindihan niyang likas akong malikot at hindi basta-bastang napipigilan ang sarili kaya pinasok ko ang kaniyang silid.

Wala naman akong napansing kakaiba, maliban sa drawing na nakasabit sa dingding ng kaniyang kwarto. Guhit iyon na naglalaman ng limang tao, it looks like a family picture ngunit kulay lamang ang ginawang pangguhit. Hindi maganda ang pagkakaguhit, tila iyon iginuhit matapos makita ng isang beses.

Is it his family? Of course, he had his family before. Siguro nga'y kailangan ko na talagang manahimik bago magsalita ng anuman laban sa kaniya. I didn't saw how he battled his storms, I must not judge him. Again, I felt sorry. Pareho lang kaming biktima rito, ngunit paano siya babangon kung sumama na siya sa kasamaan?

Is it his way of living? Maybe, I don't know... should I ask him?

We're not in good terms and it's my fault. Hindi ko alam kung bakit kinakalaban ko na ang aking sarili at mas kinakampihan ang lalaking kumuha sa akin.

Hindi na ako nagtagal pa sa loob ng silid. Binuksan ko ang lahat ng ilaw sa lumang bahay. Handa akong salubungin ang mga sermon niya sa akin, hindi ko lang talaga alam kung malalabanan ko ang aking takot sa dilim.

Hindi pa ako tuluyang nakalabas ay mabilis akong bumalik dahil sa aking napansin. Isang gamot ang nakita ko sa ibabaw ng mesa sa tabi ng kaniyang kama. Bigla akong kinilabutan. Is he sick? Hindi pamilyar sa akin ang gamot, ngunit sa tingin ko'y medisina iyon para sa sakit ng ulo.

"Is he sick?" Bulong ko. Marahan kong tinakpan ang aking bibig dahil sa gulat.

Kailan pa sumasakit ang kaniyang ulo? Pakiramdam ko'y matapang ang gamot, ibig sabihin ay hindi basta-bastang sakit ng ulo ang kaniyang nararamdaman.

"ARGH!"

Naitapon ko ang gamot sa kung saan at patakbong lumabas ng kwarto matapos makarinig ng sigaw.

He came back, with pain in his eyes and face.

"Lyreb..."

Umakyat ang kaba sa aking dibdib ng makita siyang namumutla habang hawak-hawak ang kaniyang ulo. Shit! Hindi siya mahinto sa pagsigaw, mariin ang pagkakapikit ng kaniyang mga mata, tila pilit na nilalaban ang sakit na kaniyang nararamdaman.

Napalunok ako, hindi malaman kung ano ang gagawin.

"Lyreb, what's happening?"

"Go away!"

"Tell me, what's happening? Are you okay?"

Hindi ko na napigilan ang aking sarili. Hindi maganda ang hangin na namagitan sa amin kanina ngunit hindi rin kaya ng konsensya ko ang pabayaan siya. He looked exhausted and under the weather.

"I said go away!" Sigaw niya at itinulak ako palayo saka nagmartsa patungo sa kaniyang kwarto.

Hindi siya natuloy sa kaniyang pupuntahan dahil sumakit ang kaniyang ulo. Naghuramentado ako nang mayroong kumalabog sa kaniyang kwarto. Mabilis akong tumakbo papunta roon, gayon na lamang ang gulat ko ng makitang dumudugo ang kaniyang ilong.

"Fuck, fuck, fuck!"

Paulit-ulit ang kaniyang malulutong na mura. Siya ang nakakaramdam ng sakit ngunit ako ang nagpatulo ng luha.

Hindi ko na kinaya pa ang aking nakikita, wala na akong pakialam kung magkaaway kami kanina. Tila nawala ang galit ko sa kaniya, napalitan ito ng awa. Bigla ay gusto ko siyang alagaan bilang kabayaran ng mga ginawa niya sa akin.

After all, I realized... he saved me.

"Lyreb!" I yelled.

Tumakbo ako patungo sa kusina. Kumuha ng bimpo, nilagyan ng mainit na tubig galing sa thermos ang planggana at mabilis na bumalik sa kwarto.

Sunod-sunod na pumatak ang aking luha ng makitang nagkalat ang dugo sa kaniyang kama.

"WHAT IS HAPPENING TO YOU?!"

I immediately run towards him. Iniangat ko ang kaniyang ulo upang patigilin ang pagdudugo ng kaniyang ilong.

Nagtama ang aming paningin, nakita ko ang gulat sa kaniyang mga mata. Tila nagtatanong kung bakit ako umiiyak, kung bakit ko iniiyakan ang isang tulad niyang kanina lamang ay kinamumuhian ko.

"Lyreb... I'm sorry, please, please stay... what is happening to you?" I whispered as I hugged his head and softly caressed it with care.

I rested his head in my chest and fondled his back. Sa muling pagkakataon ay nakaramdam ako ng takot at pangamba. I felt scared again, I don't want to lose another person in my life, I don't want to lose him.

"Hold on, please,"

"My head hurts!"

Nadurog ang puso ko nang makita ang mga luha sa kaniyang mga mata. For the first time, I saw excruciating pain in his eyes and I know at that moment he's suffering too much. I saw how hard was it for him to handle the pain. I couldn't do anything but to give him peace and solace by my warm embrace.

"Please, please, I'm sorry for everything I've said to you earlier... I'm sorry," I whispered as I fondled his pale face, "I'm sorry, you have to hold on. Stay awake, stay with me, that's all I ask, Lyreb. Stay with me."