"Are you two together?"
"No! We're not, friends lang po kami ma! Friends lang," pag tanggi ko. Tama naman! Friends lang kami. Ngumiti lang siya at napailing sa sagot ko, tumunog ang cellphone niya kaya naman sinenyasan niya kaming ipag patuloy ang pag kain. "Isa pang daldal mo sa nanay ko, hindi ako sasama sa paskuhan na sinasabi mo!" saad ko kay Yvo na may halong pag kainis.
"E di pag papaalam kita sa Mommy mo," walang alinlangan niyang sagot. Napairap nalang ako sa sinabi niya.
"Subukan mo lang."
Patuloy lang kami kami kumain ng tahimik hanggang sa umingay ito nang bumalik ang nanay ko. Nag kwentuhan pa sila habang ang tenga ko naman ay bukas sa mga sinasabi nila. Nang matapos kaming kumain ay nag prisinta akong mag hugas ng pinggan dahil naiingayan ako sa boses ni Yvo.
Napatigil lang ako sa pag sasabon ng pinggan sa tanong ni Yvo, agad ko siyang tinignan. "Ah Mrs. Jimenez, pwede ko po bang mahiram si Avery sa paskuhan sa U.S.T?" Ngumisi siya nang tumingin siya sa akin, ang kapal talaga ng mukha niya para mag tanong ng gan'yan. Akala niya naman papayagan siya ng nanay ko na makasama ko siya. Tumalikod ako dahil alam ko naman na ang sagot.
"Hmm, yes iho. Why not diba?" Muntik ko ng mahulog ang platong hinuhugasan ko, pinayagan niya ako?
"Thank you po," magalang na saad ni Yvo.
"Okay, I'm out. Ruth, take care of your visitor, okay? Let him feel at home." Napaawang ang labi ko sa sinabi niya kaya naman nang makaalis siya ay agad akong tumingin ng masama kay Yvo. Nakangiti siya sa'kin, inaasar niya talaga ako!
"Siguro ginayuma mo yung nanay ko kaya nag kaganon 'yon!"
"Hoy! Kasalanan ko bang favorite ako ng nanay mo?" Inirapan ko lang siya at minura ng patalikod, favorite? E siya pa nga lang ang lalakeng pinapapunta ko dito! Napatawa naman siya sa gawing ginagawa ko. Pumunta ako sa sala para manood ng t.v. Pinalipat lipat ko lang ang channel hanggang sa mapunta ito sa discovery channel. Naramdaman ko naman na bumigat ang kabilang bahagi ng sofa. Tahimik lang kaming nanonood hanggang sa mag simula siyang mag tanong.
"Wala ka bang plano mag boyfriend, Avery?" kaswal niyang tanong. I shrugged and look at him for a second.
"Hindi ko alam, hindi ko naman nakikita ang sarili kong masaya sa isang tao."
"Pero gusto mo ba ng taong makakasama mo ng pang habang buhay?" tanong niya ulit, napairap nalang ako. Bakit ba gan'to ang mga tinatanong niya.
"Hindi ko din alam, eh ikaw? Wala ka bang balak mag girlfriend?"
"May balak naman," sagot niya. I smirked and looked away.
"Kailan?" I asked, feel interested.
"Kapag hindi na sagot ng taong gusto ko ang hindi ko alam." Napatigil ako hanggang sa ma-gets ko ang sinabi niya kaya namab napatingin ako sa gawi niya, hindi siya nakatingin sa akin. Naramdaman niya atang nakatingin ako sa kan'ya ka naman tumingin siya sa'kin at ngumiti na naging dahilan ng muling pag iinit ng pisnge ko.
"Ikaw? Kailan mo balak?" Umiwas ako ng tingin at nag iisip ng isasagot.
"Ah..kapag tapos ko ng mahalin ang sarili ko?" i answered. I gently coughed and avoid his presence.
"Parehas pala tayo." Takado akong napatingin sa ka'nya kasama ang pag kakunot ng noo ko sa sinabi niya.
"H-huh?" Tumingin siya sa'kin at muling ngumiti.
"Parehas tayo ng minamahal."
"Ruth!" Napatigil ako sa isang malakas na tawag ni Kae sa'kin. "Ruth ko!"
"Bakit?" Tumingin ako sa kan'ya ng may pag tataka sa mukha.
"Tara kain tayo! Tawagin natin si Achilles!" Marahan niya akong hinigit habang tinatawagan sa cellphone niya si Achilles. "Hoy! Tara kain tayo! Nandito kami sa Makati ni Ruth, send ko location sa'yo...H-huh? Huwag kang umangal! Susungalngalin ko bibig mo!" Ibinaba niya ang cellphone niya at ngumiti sa'kin, minsan bayolente talaga siyang mag salita.
Nandito kami sa isang mini cafè dito sa Makati. Tinawag niya ang waitress at nag order. Pumili lang ako ng isang ice coffee at strawberry cake. Habang nag hihintay, nag ku-kwento siya ng mga nangyari sa kan'ya sa mga nakaraang araw. Napapatawa naman ako sa mga sinasabi niya, doble ata ang pagka hyper niya ngayon.
"Kae.." Napatigil siya sa pag kukuha ng litrato sa mga in-order namin nang tawagin ko ang pangalan niya.
"Bakit?"
Nakagat ko ang pang ibaba kong labi at tila pinapahinto ako nitong huwag ituloy ang itatanong ko. "Ano ba 'yon?" tanong niya ulit.
"How do you know if you're..."
"If youre?"
"If you're..."
"Sige Ruth ituloy mo yan, masasagot ko 'yan," saad niya.
"Ahh...h-how do you know if you're inlove?" i asked. Iba na 'tong nararamdaman ko e. Hindi ko dapat nararamdaman 'to, ano bang ginawa mo sa'kin Miguel Yvo Santos! Recently, hindi ko na siya matignan sa mata tapos gustong gusto ko pa siyang makita, gusto ng mga mata kong makita siya!
Hindi niya inaasahan ang tanong ko, napangiti siya at hinalo ang kape niya. "Sorry, I can't describe it. But..."
"But?"
"But i know, you know the answer already." I stunned and still confused. "Bakit? May bago ka nanaman bang crush? Sino 'yon?" sunod sunod niyang tanong.
Bigla namang sumulpot si Achilles, seryoso naman siya ngayon. "Sinong gusto?" tanong niya. Abot tenga ang ngiti ni Kae nang tumingin siya kay Achilles, niyakap niya ito sa leeg hanggang sa mapaubo ito sa sobra nitong pagka yakap.
"Bakit ngayon ka lang? Mag order ka ulit! Ilibre mo kami," si Kae.
"Traffic kase, sige na order ka na do'n sa counter ng mga gusto mo." Umalis si Kae at iniwan kaming dalawa. "Anong pinag uusapan niyong dalawa?"
"Wala naman, some stuffs," sabi ko sabay inom ng kape.
"Hmmm, how are you?"
"Im fine, how about you?"
"Same as your answer, maraming ginagawa."
"Anong ginagawa mo?"
"Some stuffs."
"Meron ka na bang girlfriend, Achilles?" kaswal na tanong ko. Nasamid naman siya sa tanong ko, parang hindi niya inaasahan na itatanong ko 'yon.
Mahina siyang napatawa at umiling. "Wala, bakit?"
"May gusto ka ba ngayon?" tanong ko ulit. Tinignan niya ako ng diretsho sa mata at gano'n din ako. Napaiwas siya ng tingin at tumawa.
"Yes."
"Maganda ba siya? Mabait? Anong nagustuhan mo sa kan'ya?"
"Bakit mo tinatanong? Are you interested?"
"Ah.. y-yes," i said and looked down.
"Hmm, she's brave, pure kind with good a heart. Always understand me. She's doing her best to chased her dreams and bunos nalang dahil.." hindi niya maituloy. Naramdaman ko na tumingin siya sa'kin kaya naman wala akong nagawa kung hindi ang tumingin sa kan'ya. "Maganda siya."
"Paano mo nalaman na gusto mo siya?"
"Nalaman ko noong siya na ang hinahanap ko araw araw. Noong siya na ang dahilan kung bakit ako ngumingiti. Bakit? Bakit mo tinatanong?"
"Wala lang.... Ang lucky naman ng babaeng gusto mo. May Achilles siya." Napatawa siya ng mahina at umiling pa.
"Swerte ako kapag tinanggap niya yung pag mamahal ko," he said with a genuine smile.
Napatahimik nalang ako at tumingin sa kape ko, kahit sinagot nilang dalawa ang sagot ko ay hindi ko parin malaman kong ano ang totoong sagot para sa'kin. Paano ko ba malalaman?
Tumingin ako kay Kae na ngayon ay may bitbit na isang buong cake. Napatawa nalang ako nang mag simula silang mag asaran. Parang kailan lang...nakakamiss talaga silang dalawa lalo na si Achilles. Napaka swerte ko dahil nandito pa rin sila sa tabi ko, napaka swerte ko dahil naging kaibigan ko silang dalawa.
"Panget!" Inihagis ko ang damit sa kama ko, kanina pa ako humahanap ng susuotin ko mamaya sa paskuhan sa UST. Ni isa ay wala pa akong natitipuhang susuotin. Pasado ala'singko na kaya naman dali dali akong naligo. I took a shower and do my skincare routine, brushed my teeth and put some simple make up. I was wearing a simple pink bodycon dress, it's backless. I partnered it with blazer plus a flat sandals. Muli ko pang tinignan ang sarili ko sa salamin, hinayaan kong nakalugay ay buhok ko at isinuot na ang salamin.
Habang nasa hagdanan ay tinawagan ko ang numero ni Yvo.
"Im on my way."
[Nasaan ka ba?]
"Papunta na."
[Sus papaganda ka pa eh!]
Napairap nalang ako sa sinabi niya, ako? Mag papaganda? Bakit sino ba siya para mag paganda ako?! Nang tuluyan na akong makalabas ng bahay ay nalaglag ang panga ko nang makita si Yvo sa harap ng bahay namin, nakasandal siya sa isang itim na kotse.
He's wearing a plain white t-shirt partnered with black pants and black jacket plus white shoes. He stunned when he saw me, i walked towards him and glanced in his bmw car.
"Sabi na nga nag paganda ka pa! Sabi mo on my way! Naku Avery!" Inirapan ko nalang siya nang mag simula siyang mag salita. "Tagal tagal mo, saka nag paganda ka pa talaga? Effort mo talaga sa'kin!"
"Excuse me?"
"Dadaan ka?" tanong niya, ang pilisopo niya talaga! "Sa buhay ko? Sige! Pero huwag ka ng ...aalis," he smoothly said, that's so random! Paano niya nagagawang mag isip ng mabilis para sa ibabanat niya sa'kin. "O huwag kang ma-inlove sa'kin, baka mamaya niyan crush mo na ako!"
"Hoy! Ang kapal ng mukha mo! Baka ikaw!"
"Ako mag kakagusto sa'yo?" tanong niya sabay hawak sa dibdib niya. Inirapan ko lang siya at pumunta na sa gilid ng sasakyan para makasakay. Pumurma naman sa mapanglarong ngiti ang labi niya bago buksan ang pintuan. "Siguro," dugtong niya.