"Congratulations, Ms. Salvador, you're hired. Comply the requirements in the list, you can start on Monday." The HR of the Accounting Firm gave her the a list. "Thank you ma'am for giving me a chance to be part of your company." sagot ng dalaga.
"You will have a trainung here for six months, after which you may decide if you want to accept the offer to transfer to our new branch in qnother region. While here, you may take a chance to review and take the board exam." dugtong ng HR.
Great, minsan pag di ka masuerte sa lovelife, puede kang masuerte sa career. Sa isip ni Fiona. Ito na marahil ang katuparan ng mga pangarap niya.
Bumalik sya sa apartment niya para ihanda ang mga documents na kakailanganin niya para makacomply sa HR requirements. Maya-maya may kumatok sa pinto, si Gerald. "Akala ko ba bukas ka pa pupunta dito, di ka nagtext. Buti na lang dito na ako. Tuloy ka." sabay talikod. "Gusto mo ng juice, softdrink o water?" tanong ni Fiona.
"Start na ng work ko bukas." Sagot ni Gerald. "Work? Summer job? Paano studies mo?" Tanong ulit ni Fiona. " I need to work and maybe get some night classes. Di na ako bibigyan ng pera nila Mommy." Gerald said.
"Oh, I guess you really need to work,magiging tatay ka na di ba?" Fiona was referring to the girl who claimed to be pregrant. Parang masasamid sya pagkabanggit ng salitang "tatay", masakit pa rin kaya. Ang totoo, umaasa syang pabulaanan yun ni Gerald.
"That's not true, she's not pregnant and I am not having an affair with her. Gusto niya lang gumanti dahil di ko sya pinapansin at gusto noyang sirain ang buhay ko." Kabado si Gerald na nagpaliwanag, umaasang maniwala ni Fiona dahil yun naman ang totoo.
"Oh, sorry to hear that. Ang hirap talaga ng guapo, maraming naghahabol." Nagtawanan na lang silang dalawa. " Magrereview din ako after office hours. I will take the board exam this October. I guess pareho tayong magiging busy." dugtong ni Fiona.
"Malapit lang ang school ko sa review center mo. Puede bang sunduin kita every night at magtambay ako saglit dito. Puede bang paturo minsan ng assigments sayo?" Paalam ni Gerald, medyo nangangatog pa rin tuhod niya. Yan kasi ang gustong mangyari ni Fiona noon, ang sabay silang magstudy pero binalewala niya kasi nadadala sya ng barkada. Sana di pa huli ang lahat.
Nanlaki ang mga mata ni Fiona. Himala ba ito. "Sure, we're friends pa rin naman. Wala rin dito mga barkada natin and I guess I need a company kasi kailangan ko magsunog ng kilay in the next six months." Tugon nito.
"Thanks Fiona, di kita guguluhin promise. By the way, ito pala yung graduation gift ko sayo. Ok lang kung ayaw mong isuot. Tago mo lang. Sakaling magkalayo tayo, maalala mo pa rin ako." sabay ngiti ni Gerald. "Samahan na kita sa pagkuha ng mga requirements mo, kailangan ko rin magcomply,eh.
Nagring ang phone ni Fiona. Papa niya ang tumatawag. Bah isa pang milagro ito. " Pa? Napatawag ka?" Bungad niya.
" Congratulations, anak. Pasensya ka na di ako nakadalo. Manganganak na kasi ang Tita mo, kaya kailangan ko asikasuhin ang mga kailangan niya." paliwanag ng Papa niya. "Ok lang Pa, I understand." maiksing sagot ni Fiona.
"Nak, wag ka muna mag-asawa ha. Wag mo ulitin ang pagkakamali namin ng Mama mo." dugtong ng Papa niya. " I understand Pa. By," pinutol na ni Fiona ang usapan bago pa sya mawala sa sarili at makasigaw sa tatay niya.
"Ang kapal niya!😤 Pagkakamali nga, pagkakamali pala kaming tatlo ng mga kapatid ko. Ahhh!!!!" Nilapitan sya ni Gerald at niyakap. Batid nito ang sakit at galit na nadarama ni Fiona. Ito rin ang dahilan kaya sa sampung taong relasyon nila, he did not take advantage of her. She needs to prove something, she needs to succeed because she needs to save her family. Mahal niya si Fiona kaya ayaw niyang sya ang maging dahilan ng pagkakamali nito, kaya he is willing to fight for a new beginning.