Ara's Point Of View
"Oh, hi Ara, I'm Evy, nice to meet you!" Evy greeted.
"Hello, nice to meet you too!" Sabi ko dito at inabot yung kamay niya and nag-shake hands kami.
"Oh, excuse me" Napalingon kami sa babae'ng nag-salita, nakita ko na siya dati ah, tinitigan ko siya para maaninag ko yung mukha niya.
Ay oo nga, siya yung malandi'ng kasama ni Sam nung isang araw, lumapit ako sa kaniya.
"Kilala mo ba si Sam Aiko Delos Reyes?" Tanong ko sa kaniya.
"Ah, yes miss" sabi niya.
"Kaano ano mo siya?" Tanong ko ulit.
"Ahm, actually boyfriend ko siya since last year pa, and naririnig ko dati na may girlfriend siya'ng panget sa HIU, and actually andito siya ngayon eh" Sabi niya sabay tawa, ang ikat niya talaga, lande!
"Ah, okay, saan yung table niyo?" Tanong ko sa kaniya.
Itinuro niya yung table nila at sinabi ko kung puwede ko siya'ng makita at makausap kahit saglit lang, and ayun, pumayag ang gaga.
Nang maka-punta kami sa table nila ni Sam ay nag-"Hello Babe" muna si gaga kay Sam, talo nga naman talaga ng malalandi ang mga magaganda.
"Ah, babe may gusto'ng kumausap sa'yo!" Sabi nung gaga kay sam.
"Hello, Sam, ako si Ara, short of Samara, may I talk to you?" Tanong ko nang makita niya ako kaya sobra na lang ang pagka-gulat niya.
"Ah, s-sige" Sagot niya sa akin at hinila niya ako papunta sa garden.
"So pang-ilan ako?" Tanong ko dito.
"Ano'ng pang-ilan ako?" Maang-maangan niya sa akin.
"Pang-ilan ako sa mga niloko mo, Sam, pangatlo ba, apat, lima, anim, ano, sumagot ka naman!" Sigaw ko dito, kami'ng dalawa lang ang nandito sa garden.
"Hindi, wala ka dun, hindi kita niloko, Ara, please maniwala ka naman!" Sabi niya sa akin.
Isa'ng sampal ang ibinigay ko sa kaniya, hindi na niya ako maloloko, hindi na niya ako maloloko at masasaktan pa ulit.
Hindi ko na namalaya'ng umiiyak na ako kaya tumakbo ako dun sa venue nito'ng party, nakita ko si Hara na nakikipag-sayaw.
"Hara, aalis na ako!" Pagpapa-alam ko sa kaniya.
"Ah, sige!" Sagot niya kaya umalis na ako at umuwi.
Pagka-uwi ay nahiga agad ako sa kama ko, ang daya, bakit ako na lang palagi yung nasasaktan, bakit ako na lang palagi yung naaagrabyado nila, marami pa nama'ng babae diyan na puwede'ng pag-tripan, bakit ako pa?
Natulog na lang ako and, bakit nga ba ako iiyak sa lalaki'ng iyon. Ara tandaan mo, siya ang dahilan kung bakit ka nagka-ganyan at kaya ka nagkaganyan is para mag-higanti sa kanila'ng lahat.
Kinabukasan ay pakiramdam ko ay maga yung mata ko, eh pano ba naman, sinuntok ko kasi ayaw tumgil kaka-iyak.
Humarap ako sa salamin ng comfort room na nasa bedroom ko, namamaga, kakainis naman, hindi na muna ako papasok, matalino naman ako at kaya ko'ng masagot lahat yan kahit pa hard yan.
In-apply-an ko ang maga ko'ng mata gamit ang foundation, dun ko lang rin napag-tanto'ng naka-gown pa rin pala ako, kaya nag-palit na ako.
"Oh, nangyari sa mata mo?" Tanong ni Hara nang humarap ako sa lamesa, naka-uniform na siya at handa na'ng pumasok.
"Sinuntok ko, and wag mo na'ng alamin kung bakit!" Sabi ko dito at tinarayan siya.
"Hay nako... Ay oo nga pala, si Sam nakita ko, mag kasama'ng babae, hay nako, pinsan pa pala nung kaibigan ko at ka-schoolmate ko pa pala!" Sabi niya.
"Okay, alam mo na'ng gagawin sa babae'ng yun and ako na rin ang bahala sa Sam na yan!" Sabi ko sa kaniya.
"Ay gusto ko yan, sige, pero bakit parang di ka papasok?" Tanong niya sa akin.
"So may gana ka pa'ng magtanong e alam mo naman kung bakit" sabi ko dito.
"Naninigurado lang naman, oh siya, aalis na ako, ready to the operation, "Operation: Pabagsakin si Sam" hahaha" Sabi niya at tumawa ng pang demonyo, tanga tanga.
"Para ka'ng baliw, sige na, alis na!" Sabi ko dito, tumango na lang siya at umalis na nga, ako naman natapos na kumain at naligo na, siyempre kailangan ko'ng maging fresh.
Wala naman ako'ng pupuntahan eh, trip trip ko lang naman, binuksan ko nalang yung Television at nanuod na lang ng kung ano ano'ng palabas dun.