*Short exposure ko hihi*
Alwyn's Point Of View
Naglalakad ako sa may coffee shop at hawak hawak ang phone, naupo ako sa upuan ng maka-pasok ako sa cafè.
May lumapit sa aki'ng babae'ng may hawak na phone.
"Tanong ko lang po, nasaan po ang magulang nila Ara at Hara?" Tanong nito sa akin.
"Ah, kasi ganito yun, nasa Turkey ang pamilya ni Ara" sabi ko dito.
"Ahh, okay po pero, posible po ba'ng magka-balikan sila Ara at si Sam?" Tanong muli nito sa akin.
"Ah, hindi yan imposible pero titignan ko pa kung happy ending ang story" sagot ko dito.
"Ahhh, sige po, salamat po sa inyo!" Sabi nito at umalis na.
Pumunta ako sa counter at nag-order na, bumalik ako sa upuan ko at kinuha ang phone para mag-sulat ng sunod na chapter sa story.
Mga ilang minuto pa ay binigay na sa akin ang order ko.
"Here's your order" sabi niya at akma'ng aalis na ng humarap ulit siya sa akin.
"Ah, kayo po di ba yung author ng Samara Amore's Revenge?" Tanong nito sa akin.
"Ahh, oo bakit?" Tanong ko.
"Ahh, kasi po binabasa ko rin po iyon, may tanong po ako" sabi niya.
"Ano iyon?" Tanong ko ulit dito.
"Eh kasi po, nagta-taka ako kung bakit hindi niyo na po pinapa-kita si Hara, magkaka love life po ba siya?" Tanong niya sa akin.
"Ah, di ko pa alam eh pero lalagyan ko naman, makikita niyo na lang kapag nag-update na ako" sabi ko dito at ngumiti sa kaniya.
Nang matapos ako'ng uminom ng kape ay tumayo na ako pero may lumalit sa akin, andami'ng tao, ang dami'ng tanong.
Pilit ko'ng tumakas kaso marami sila at nagkukumpulan, ganon na ba sila ka-adik sa SAR?
Ara's Point Of View
Napa-lingon ako sa coffee shop kasi may nagkukumpulan, siguro artista, hindi ko na lang pinansin at nagpa-tuloy na lang ako'ng nag-lakad, gabi na at nasiraan ako, kakainis naman, kung kailan ako naka high heels dun ako paglalakarin.
Malapit lang naman ang bahay namin dito kaya malapit rin ang lalakarin ko mula don sa talyer papunta sa mansion.
Napa-higa ako dahil sa pagod ng maka-pasok ako sa bahay namin, sarili nami'ng bahay ito ni Hara, pinag-ipunan namin to.
Ng dahil nga sa pagod inantok ako kaya natulog na ako, pina-patay ko na kay Manang Felipe ang mga ilaw sa buong mansyon.
Kinabukasan ay pumasok na ako, siyempre naligo at nag-toothbrush ako, sino'ng tatanga-tanga ang hindi magtu-toothbrush papasok ah.
Pagka-pasok ko ay di ko na lang inintindi ang mga kaklase ko, si Mary tahimik, siguro ay nadala sa ginawa ko sa kaniya, si Sam naman, katabi ko pa rin.
"Ah, Ara, sabay tayo kumain" alok ni Sam sa akin.
"Di ako gutom" sabi ko dito.
"Libre ko" sabi pa niya.
"Kaya ko'ng bilhin lahat ng paninda diyan sa canteen" sabi ko dito.
"Pero isa lang ang hindi mo kaya'ng bilhin" sabi niya.
Napa-lingon ako sa kaniya.
"Ano naman?" Tanong ko.
"Ang egg sandwich, with strawberry syrup and cream" sabi niya at ngumiti sa akin.
"Ehhh, binanggit mo na eh, okay" sabi ko sa kaniya at hinila siya, break time namin ngayon ng isa'ng oras katya hinila ko na siya agad sa likod Building kung saan ay ginagawa niya ako ng egg sandwich with stroberry syrup and cream, dito kasi sa likod ng building may isa'ng room na dati'ng cookery room, may mga gamit dito na ginagamit sa pagbe-bake.
May mga ingredients naman dito'ng binili namin dati, nung kami pa pero di pa naman mae-expired.
Naupo ako sa couch na luma na at hinintay na matapos ang pagbe-bake ni Sam.
Nang matapos ay lumapit siya sa akin at ibinigay ang binake niya at naupo sa tabi ko.
Kumuha ako ng isa at kinagatan, wala pa rin ito'ng pinag-bago masarap pa rin ito.
"So... Kamusta ka na?" Tanong niya sa akin.
"Ah, eto maayos naman at free dahil wala ng isa'ng tao'ng pipigil sa gagawin ko" sabi ko habang kumakain.
"Ahh, buti naman, kamusta buhay mo?" Tanong niya pa.
"Ah, tulad ng dati maganda at lalo'ng sumaya kasi free na ako'ng gawin ang lahat" sagot ko.
"Ahh, okay" sabi niya, pinapatamaan ko talaga siya para ma-guilty, tsk, ayaw niya kasi'ng umalis ako mag-isa, mag-shoping kasi baka daw may nagustuhan ako pero siya pala ang magkakagusto sa iba, mga lalaki nga naman.
"Eh, ikaw, kamusta ang fiancè mo?" Tanong ko dito.
"Sino'ng Fiancè, si Amanda, di ko yun fiancè" atubili niya.
"Nahiya ka pa eh siya naman ang first love mo since daycare, magkaklase tayo no'n di ba, sinabi mo sa kaniya na mahal mo siya at ipinag-sigawan mo pa, and nung grade 6 best friend pa kami ni Amanda nun, nagpa-tulong ka sa akin na i-lakad kita kay Amanda tapos tinulungan kita, alam mo ba'ng masakit yun sa akin dati kasi yung first love mo na nagpapatulong sayo na mapa-lapit sa first love niya, pero tinanggap ko naman iyon, nilibang ko ang sarili ko sa paga-aral para makalimutan kita pero ikaw, patuloy pa ri'ng nangungulit sa akin, kaya hindi nawala sa puso ko ang pagmamahal ko sayo, tapos nung huli ka'ng pumunta sa akin sinabi mo, wala na kayo ni Amanda and sinabi mo na... Mahal mo ako pero di ako naniwala kasi nga mahilig ka'ng mag-joke hangang sa pinatunayan mo, ayun sinagot kita, pero maka-lipas ang ilang buwan, nakipag-break ka, pina-mukha mo sa akin na sobra'ng pangit ko, para ako'ng tanga, dun ko lang naisip na, di dapat ako mahalin, kaya ayun naisipan ko'ng mag-bago ng anyo, and now, here I am, beautiful, sexy, genius, rich and wild, so tara na" kuwento ko dito, pero ng patayo na ako may tumunog, shit yung upuan, pasira na tumayo ako pero hinawakan ako ni Sam pero bigla na lang nasira kaya napa-bagsak siya at nahila niya naman ako kaya napa-sama ako sa kaniya at ngayon nasa ibabaw niya na ako.