webnovel

Chapter 4: All of a Sudden

AKO si Mildred, twenty years old. And I'm telling you that loving someone else's arms is painful—hindi madaling magmove on. Seeing John together with Ava it feels like I'm dying....

"Okay na ba siya?" Maluha-luha kong tanong Kay Ava habang nakaupo sa wooden chair na bagsak ang dalawang balikat

"He's feeling better now. At tsaka hindi na sumasakit ang ulo niya, thanks for accompanying him to me" pagpapasalamat ni Ava at hinawakan ang dalawa kong kamay na ngayon ay nakapatong na sa mesa

"W-wala 'yun." Pilit kong usal at ngumiti ng hindi umabot sa aking mga mata

Napabitaw si Ava sa paghawak sa aking kamay ng magring ang phone niya

Sinagot naman ito ni Ava na hindi man lang nag-abalang mag excuse sa'kin

"Ahm, Ava sino 'yun?"

"Ah, si John—sige alis na ako ah." Hindi ko magawang ibuka ang aking bibig ng marinig ko ang pangalan niya

Nagsipatakan naman ang aking luha dala na rin ng selos at pagsisisi—sinabayan pa ng napakalakas na ulan na parang sinabayan pa yata ako sa pagdadrama

"John? Okay ka lang ba, ano masakit pa ang ulo mo?" Sunod sunod kong tanong ng magising si John sa pagkakahiga sa hospital bed

Hindi sumagot si John, sa halip ay tiningnan lang ako nito na parang kinabisado at inaral ng mabuti ang aking mukha

"S-sino ka?" Utal utal nitong tanong na ikinaiyak ko

"Hindi mo ba ako nakikilala? Ako 'to si Mildred—girlfriend mo....." At niyakap siya ng sobrang higpit

Ngunit nagulat ako sa sunod niyang ginawa, tinulak niya ako ng sobrang lakas na ikinahulog ko sa upuan

"John—"

"Nurse! Nurse! May nakapasok sa room ko! Nurse!" Pagsisigaw ni John na panay ang tingin sa pintuan

Bigla namang pumasok ang tatlong nurse at hinawakan si John sa iba't-ibang parte ng katawan

"Nurse! Ano ba! Palabasin niyo siya—" pagpupumiglas ni John at tiningnan ako na parang natatakot sa akin

"Sir, kalma lang po kayo" Pagpapakalma ng nurse at tinurukan ng pampakalma na gamot

"Ma'am? Ano pong nangyari?" Tanong sa akin ng isang nurse

"Ano, b-binantayan ko lang s-siya. Tapos pag gising niya h-hindi na na niya ako kilala" pagsasabi ko ng totoo

 —

"Doc, kumusta na siya okay na ba?" Walang gana kong tanong sa Doctor ni John na pumasok sa room 128

"To be honest Ms Sumugod. Malala na ang kondisyon niya, may Alzheimer's disease si Mr John Chavez. Kaya hindi ka niya nakilala kanina—" sabi ng doctor

Alzheimer? Ano, hindi ko maintindihan—

"Doc, maitanong ko lang ano 'yung Alzheimer's disease?"

"Alzheimer's disease is a degenerative brain disease of unknown cause. Usually nagsisimula ito sa mga late middle age or in old age, that results in progressive memory loss, impaired thinking, disorientation, and changes in personality and mood." Pagpapaliwanag ng doctor

Nanlulumong napaupo ako sa upuan at tiningnan si John na mahimbing na natutulog, kaya pala minsan ay hindi ko siya naiintindihan—kaya pala hindi siya nakapunta sa date namin no'ng isang araw kasi nakalimutan niya at hindi niya na maalala pa

"Maiwan ko muna kayo—" sabi ng doctor pagkatapos obserbahan si John

Tiningnan ko siya, ang dami kong gustong sabihin sa kanya pero natatakot ako. Natatakot na baka makalimutan na niya ako.

Two days before he didn't remember me. Nagising si John, naalala niya ako—hindi ko maipaliwanag ang aking labis na kasiyahan kahit kaunting panahon lang ang binigay na nagkausap kami ay kuntento na ako

Until dumating na 'yung takdang araw na nakalimutan na niya talaga ako. Malabo ng ibalik pa ang ala-alang nakatatak sa memorya niya. Doon ako labis na nasaktan—ang una niyang hinanap ay si Ava ang ex niya. Bakit ako pa? Sa dinami daming tao sa mundo ako pa talaga ang minalas....

Sana dumating ang araw na maalala niya ulit ako—