webnovel

Sa Isang Tibok

Huminto ang oras habang nasa kasagsagan ako ng traffic sa EDSA. Hindi ko alam kung bakit at kung para saan. Tumigil ang takbo ng mundo. Tumigil ang andar ng oras. Tumigil ang mga tibok ng puso - bukod sakin. Sa wakas. Kalayaan ang mararanasan ko sa bagong mundo. Akin na ang mundo. Ako lang ang gising sa mundo - Ako at ang tatlong alaala na gugulo sa payapa at bago kong buhay. Tatlong kwento na gusto kong malimot. At isang taong hindi ko (nga ba) kilala. Isang bagong kabanata ang lilitaw. Isang kwentong naging dahilan ng pagkakaluklok ko sa kahariang meron ako ngayon - o kulungang dapat sa mga katulad ko. Ako si Sept. Ito ang buhay ko. Ang mahabang buhay ko sa loob ng isang tibok.S

Conqueror_Arnold · แฟนตาซี
Not enough ratings
20 Chs

Long Distance Messages

Hi Elya!

Alam ko medyo busy ka pa dyan sa Canada. Gusto ko lang malaman mo na lilipat na kami sa Maynila ni Mama. Ngayong naka graduate na kasi ako naiisip namin ni Mama na mas madaming opportunity sakin sa Maynila kesa dito sa lugar natin. Hindi ko pa alam ang eksaktong address ng lilipatan namin pero promise ibibigay ko kaagad sa'yo kapag nalaman ko. Miss na miss na kita. Kapag nagka oras ka naman, mag reply ka sa mga email ko. Pero kung wala naman, maghihintay parin ako. Nangako ako diba? Mag aantay ako. Hindi nga lang dito sa baryo natin pero andito lang ako sa bansa, hehehe. O kaya, malay mo, magkaroon ako ng pera pang punta dyan. Hanggat wala pa, antayin na lang kita dito sa 'Pinas.

Magiingat ka palagi!

Nagmamahal,

Sept

Hello Sept!

Pasensya na, medyo natatagalan ang mga sagot ko sa mga pinapasa mo. Minsan ko lang mapilit si Tito na mag check ng e-mail kung may bago kang kwento. Syempre lagi kang may pinapasa. Nakaka excite dito, Sept. Ramdam ko na ibang iba dito. Una sa lahat napaka lamig. Pero, ang pinaka kapansin-pansin, walang ingay. I mean, may mga naririnig naman ako, pero nakakamiss lang ang mga tawanan sa lugar natin. Nakakamiss lang ang mga kwento mo. Sana nandito kayo noh. Sana nandito ka. Hindi ganun kagaling si Tito mag describe ng mga nakikita niya. Hindi ko maramdaman. Hindi katulad ng mga kwento mo, may kulay. Nararamdaman ko ang gaan, ang bigat, ang lakas pati ang gaan.

Madali mong nakikita ang nasa likod ng mga nakikita mong ngiti ng iba. Madali mong nakikita ang pinagdadaanan nila. Kahit saktan ka nila, madali mo silang maintindihan.

Kaya gusto kong ikaw ang makakita ng Canada para sakin, Sept. Gusto kong ikaw ang magsabi sakin kung anong klaseng mga tao ang nandidito. Masaya ba sila tulad ni Aling Lina? Bugnutin ba sila tulad ni Mang Ding?

Miss na miss na din kita. Sana pagbalik ko, walang magbago. Kung meron man, sana ang paningin ko. Gusto kong makita ang mga nakikita mo ngayon. Gusto kong makakita nang kung papano ka nakakakita. Gusto kong makita rin ang kabutihan ng iba higit sa panlabas.

Bulag kaming lahat kumpara sa kaya mong makita, Sept. Nakikita mo ang puso ng tao. Gusto kong makakita ng tulad ng sa'yo.

Pagbalik ko, sana hindi ka magbago ah. Ipasa mo kaagad yung address niyo para makapagpadala din ako ng bagay na galing dito, tapos i-describe mo sakin.

Tatawag ako kung may pagkakataon. Salamat sa hindi paglimot sakin. Mahal na Mahal kita.

Nagmamahal,

Elya