webnovel

Runaway With Me

"Diba gusto mong mawala ung mga problema at sakit na nararamdaman mo? Kung ganon... sasama ka ba sa paglayas ko?" -Yvonne Tamayo

iboni007 · แฟนตาซี
Not enough ratings
205 Chs

Mall 9

~Umaga~

"Ba't may dala kang bag? At tsaka ba't naka suot ka na ng uniform niyo? Alas dyis (10:00) pa lang ng umaga, ah."

Sabi ni Jay kay Melanie nang makita na itong naglalakad papalapit sakaniya na nakatayo sa harap ng pasukan ng mall.

"Kasi hindi ako papaalisin nila mommy ng maaga kung hindi related sa school ung gagawin ko."

Sagot ni Melanie sa tanong ni Jay sakaniya nang makatayo na ito sa harapan ng binata.

"Ano naman dinahilan mo sakanila ngayon?"

Tanong ni Jay kay Melanie sabay lakad na nito papasok sa mall na iyon. Agad namang sinundan ng dalaga ang binata.

"May gagawin kami sa research ngayon."

Sagot ni Melanie kay Jay habang binuksan na nito ang kaniyang bag upang ipakita sa guwardiya ang laman nito.

"Bakit mo pala ako pinapunta dito?"

Tanong ni Melanie kay Jay sabay habol nito sa binata na naglalakad patungo sa McDee.

"May importante akong sasabihin sayo tungkol sa kaibigan mo."

Sagot ni Jay sa tanong ni Melanie sakaniya habang hindi tinitignan ang dalaga na naglalakad sakaniyang tabi.

"Nagkita na ba kayo ni Dalis?"

Tanong ni Melanie kay Jay habang naghahanap ang binata ng mauupuan sa loob ng McDee.

"Oo. Kanina lang."

Sagot ni Jay sa tanong sakaniya ni Melanie sabay upo na sa pinakang sulok na lamesa sa loob ng kainan na iyon.

"Anong sabi niya?"

Tanong muli ni Melanie kay Jay sabay lapag ng kaniyang bag sa isang upuan at saka naupo na sa harapan ng binata.

"Hindi raw muna niya guguluhin si Yvonne sa loob ng dalawang linggo, pero may iba pa raw na naghahanap sakaniya. Kaya hindi tayo nakakasiguro sa safety ngayon ni Yvonne."

Sagot ni Jay sa tanong sakaniya ni Melanie habang nagmamasid sakanilang kapaligiran. Napabuntong hininga na lamang ang dalaga dahil sa sinabi sakaniya ng binata.

"Ano bang meron kay Yvonne? Bakit may mga naghahanap sakaniya?"

Nag-aalalang tanong ni Melanie kay Jay habang tinitignan nito ang binata na patuloy pa rin sa pagmamasid sakanilang kapaligiran.

"Dahil sa pesteng prophecy na kumalat sa buong community ng wizards at witches."

Inis na sagot ni Jay sa tanong sakaniya ni Melanie. Nagdikit ang kilay ng dalaga dahil sa sinagot ng binata sakaniya.

"Anong prophecy?"

Tanong muli ni Melanie kay Jay habang tinitignan pa rin nito ang binata. Sa pagkakataong iyon ay tinignan na ng masinsinan ng binata ang dalaga sakaniyang harapan.

"Ang taong maramdamin at nagmula sa isa sa mga angkan na may pinaka tanyag na mga wizards at witches ay nagtataglay ng walang hanggang kapangyarihan na kahit na ang pinaka makapangyarihang mga wizard at witches na pinagsama ay hindi kayang makamit."

Seryosong sagot ni Jay sa tanong ni Melanie sakaniya.

"Pano naman nila nasabi na si Yvonne ung tinutukoy ng prophecy na un?"

Takang tanong ni Melanie kay Jay habang nakatingin na ito sa lamesang pumapagitna sakanilang dalawa ng binata. Biglang napabuntong hininga ang binata at saka tumingin sa labas ng kainan na iyon.

"Dati kasi…"

*FLASHBACK*

"Sigurado ka ba?"

Nag-aalalang tanong ni Jay kay Yvonne habang hawak nito ang mga kamay ng dalaga. Nginitian lamang ng dalaga ang binata, inalis ang pagkakahawak nito sa isa sakaniyang kamay at saka hinawakan ang pisngi ng binata gamit ang kamay niyang iyon.

"Malay natin… mas dumami pa pala ang mga kaibigan natin na pepwede nating masandalan sa future."

Nakangiting sagot ni Yvonne sa tanong sakaniya ni Jay habang hawak pa rin nito ang pisngi ng binata.

"Pero bakit sasabihin mo pa sa maraming wizards at witches na buntis ka kahit na hindi naman?"

Nag-aalalang tanong muli ni Jay kay Yvonne sabay hawak muli nito sa kamay ng dalaga na nakahawak sakaniyang pisngi.

"Naaalala mo pa ung sinabi sakin ni Mama Beatrice?"

Tanong pabalik ni Yvonne kay Jay habang nakangiti pa rin ito sa binata at hawak pa rin ang pisngi nito.

"'Kailangan mong ipakita na mahina ka upang malaman mo kung sino-sino ang iyong masasandalan sa panahong naghihirap ka.'"

Sagot ni Jay sa tanong sakaniya ni Yvonne habang hawak pa rin nito ang mga kamay ng dalaga. Nginitian lamang ng dalaga ang binata habang hawak pa rin ang pisngi nito.

"Pero hindi mo naman kailangang sabihin ang ganung bagay sa mga kaklase mo at saka baka kung ano pa ang mangyari kapag nalaman yan ni Tita."

Nag-aalalang sabi ni Jay kay Yvonne habang hindi pa rin nito binibitawan ang mga kamay ng dalaga. Umiling lamang habang nakangiti ang dalaga sa binata bilang tugon dito. Ilang saglit pa ay biglang binitawan ng binata ang mga kamay ng dalaga at saka niyakap ito ng mahigpit.

"Sana magbago pa ang isip mo."

Bulong ni Jay kay Yvonne habang nakayakap pa rin ito sa dalaga. Dahan-dahang kumawala ang dalaga mula sa pagkakayakap ng binata sakaniya at saka tinignan ito habang hindi pa rin natatanggal ang ngiti nito sakaniyang bibig.

"Sorry but… I've already made up my mind."

*END OF FLASHBACK*

"Matapos niyang sabihin un sa mga kaklase niya dun sa school of wizards and witches ay nailabas niya ang halos lahat ng kaniyang emotion sa harap ng maraming tao. At simula rin nung araw na iyon ay mas lalu pang pumangit ang buhay niya kasama ang kaniyang pamilya."

Pagkukwento ni Jay kay Melanie habang malungkot na nakatingin sa lamesa. Tinignan ng dalaga ang binata habang magkadikit na ang kilay nito.

"Matagal mo nang kilala si Yvonne?"

Takang tanong ni Melanie kay Jay habang nakatingin pa rin ito sa binata. Tumango lamang ang binata bilang sagot sa dalaga habang hindi pa rin ito tinitignan. Biglang tumayo ang dalaga mula sakaniyang kinauupuan at saka kinuha ang kaniyang bag.

"Mauuna na ako. Ingat ka."

Sabi ni Melanie kay Jay sabay lakad na paalis mula sa kinaroroonan nilang dalawa ng binata. Napahawak bigla ang binata sa kaniyang ulo habang nakayuko pa rin ito.

"Bakit ba kasi ako pa ung nagustuhan ng pesteng apo ni Dalis?"

Tanong ni Jay sakaniyang sarili habang nakahawak pa rin ito sakaniyang ulo at nakayuko. Ilang minuto ang lumipas ay biglang tumunog ang kaniyang phone, kaya't mabagal na umayos ng upo ang binata, kinuha ang kaniyang phone mula sakaniyang bulsa at saka sinagot na ang tawag.

"Magkita tayo sa park mamayang hapon."

Hello po~!! Please vote, rate and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko.

Kung nagustuhan niyo po ang story ko, may iba pa po akong ginawang story.

"Love Yourself: Wonder” po ang title ng finished story ko. Please read, vote, rate and support my other story!! BTS Fan-Fic po siya~ Sana po magustuhan niyo!!

Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!

iboni007creators' thoughts