webnovel

Runaway With Me

"Diba gusto mong mawala ung mga problema at sakit na nararamdaman mo? Kung ganon... sasama ka ba sa paglayas ko?" -Yvonne Tamayo

iboni007 · แฟนตาซี
Not enough ratings
205 Chs

Emporium Union

~Umaga~

"Welcome to… Emporium Union in Toronto, Canada~!"

Masiglang sabi ni Yvonne kay Jervin habang nakahawak pa rin ito sa dalawang kamay ng binata. Pinanlakihan ng mga mata ng binata ang dalaga nang malaman kung nasaan na sila.

"Canada?! Toronto, Canada?!"

Hindi makapaniwalang tanong ni Jervin kay Yvonne habang pinanlalakihan ng mga mata ang dalaga at hawak pa rin ang mga kamay nito.

"Mhm~"

Tanging nasabi lamang ni Yvonne kay Jervin habang nakangiti pa rin ito sa binata at hawak pa rin ang kamay nito. Binitawan na ng dalaga ang isang kamay ng binata at saka hinila na ito.

"S-san tayo pupunta?! P-pano tayo nakarating dito?! May pang gastos ba tayo?!"

Natatarantang tanong ni Jervin kay Yvonne habang sinusundan nito ang dalaga at saka inilibot ang kaniyang paningin sakanilang paligid.

"Sa hotel ng best friend kong Bampira dito sa Canada. Sobrang bait nun tsaka magaling sumayaw. Sana magka sundo kayo nun."

Nakangiting sagot ni Yvonne sa isang tanong sakaniya ni Jervin habang patuloy pa rin ito sa pag hatak sa binata.

"Pano tayo nakarating dito?! Tsaka may pang gastos ba tayo?!"

Pag-uulit muli ni Jervin sakaniyang dalawang tanong na hindi sinagot ni Yvonne. Tumigil sa paglalakad ang dalaga at saka hinarap na ang binata, mabilis ring tumigil sa paglalakad ang binata at saka tinignan ang dalaga nang may halong pag-aalala sakaniyang mukha.

"May portal dun sa part ng ilalim ng tulay papunta rito at ung gagamitin nating pang gastos ay ung naiipon kong pera kakatrabaho ko kila Anna sa loob ng limang taon."

Sagot ni Yvonne sa tanong sakaniya ni Jervin at saka nginitian muli ito nang matapos na nitong sabihin ang kaniyang sagot.

"L-limang taon?! Trese ka pa lang nung nagsimula ka nang magtrabaho kila Anna?!"

Hindi makapaniwalang tanong ni Jervin kay Yvonne habang pinanlakihan na nito ng kaniyang mga mata ang dalaga. Ngumiti lamang ang dalaga at saka tumango bilang tugon nito sa tanong sakaniya ng binata. Ngunit bago pa man maka ikot ang dalaga ay nabangga siya ng isang binatang Werewolf na hinahatak ng mas nakababatang babaeng Werewolf.

"Mi lyrebtri ryros! Tis ym tulfa!"

Paghihingi ng tawad ng binatang Werewolf kay Yvonne habang nakayuko na ito at naka baba na ang kaniyang tainga at buntot. Naka baba na rin ang tainga at buntot ng batang Werewolf habang nakatingin sa dalaga. Hinarap na ng dalaga ang dalawang Werewolf habang hawak pa rin ang kamay ni Jervin.

"Tis koya~"

Nakangiting tugon ni Yvonne sa dalawang Werewolf na nakaharap sakaniya. Mabilis na iwinagayway ng batang Werewolf ang kaniyang buntot at saka nakataas na rin ang kaniyang tainga habang nakangiti sa dalaga. Itinuon na ng dalaga ang kaniyang pansin sa batang Werewolf at saka hinagod ang ulo nito.

"Jeron! Jessie! Nasan na kayo?!"

Tawag ng isang babae mula sa hindi kalayuan. Mabilis na itinutok ng dalawang Werewolf ang kanilang tainga sa pinanggalingan ng boses na iyon at saka nagtinginan sa isa't isa ang dalawang Werewolf.

"Ate! Dito!"

Sagot ng batang Werewolf sa babae habang nakaharap na sa pinanggalingan ng boses na iyon. Nilingon na rin ng binatang Werewolf ang pinanggalingan ng boses na iyon at sumunod na ring lumingon sina Yvonne at Jervin habang magkahawak pa rin ang kanilang kamay.

"Oh? Yvonne?"

Takang banggit ng babaeng Werewolf sa pangalan ni Yvonne nang makarating na ito sa kinaroroonan ng binata at ng batang Werewolf. Nanlaki ang mga mata ng dalaga nang masilayan ang babaeng Werewolf at walang alinlangan na binitawan ang kamay ng binata upang yakapin ito.

"Ate Jewel~!"

Masayang tawag ni Yvonne sa babaeng Werewolf na nagngangalang Jewel habang nakayakap pa rin ito rito. Niyakap naman pabalik ng babaeng Werewolf ang dalaga habang iwinawagayway na nito ang kaniyang buntot.

"Kamusta ka na Yvonne?"

Sabik na tanong ni Jewel kay Yvonne nang kumawala na sila pareho sakanilang yakap sa isa't isa habang patuloy pa rin ito sa pag wagayway ng kaniyang buntot. Pinanlakihan ni Jervin at ng dalawa pang Werewolf na kanilang kasama ang dalaga at ang babaeng Werewolf.

"Kilala niyo ang isa't isa, ate?"

Takang tanong ng binatang Werewolf kay Jewel habang pinanlalakihan pa rin nito ng paningin ang kaniyang ate at si Yvonne.

"Kalaro namin ni kuya Jethro si Yvonne dati nung pumupunta pa kaming dalawa sa bahay nila Madam Aneska."

Nakangiting sagot ni Jewel sa binatang Werewolf habang hawak na ang kamay ni Yvonne.

"Ikaw na ba yan, Ate Jewel?"

Tanong ni Jervin kay Jewel sabay lapit na nito sa babaeng Werewolf. Pinanlakihan ng mata ng babaeng Werewolf ang binata at saka nginitian ito ng matamis.

"Jervin~! Ang laki mo na! Halika nga rito at nang mayakap kita!"

Sabik na sabi ni Jewel kay Jervin habang iwinawagayway pa rin ang kaniyang buntot at saka niyakap na ang binata. Natawa ng bahagya ang binata sa babaeng Werewolf at saka niyakap na pabalik ang babaeng Werewolf. Habang nakangiting tinitignan ni Yvonne ang dalawa ay nakuha ng dalawang Werewolf na nakatayo sa likuran ng babaeng Werewolf ang kaniyang atensyon.

"Sino sila, Ate Jewel?"

Inosenteng tanong ni Yvonne kay Jewel habang nakatingin pa rin sa dalawang Werewolf na nakatayo sa likuran nito. Kumawala na ang babaeng Werewolf at si Jervin mula sakanilang yakap sa isa't isa at saka tinignan na ang dalawang Werewolf sakaniyang likuran.

"Ay, oo nga pala. Ung binata ay si Jeron at ung cute naman na batang babae ay si Jessie, mga kapatid ko."

Nakangiting pagpapakilala ni Jewel kay Yvonne sakaniyang dalawang nakababatang kapatid. Nanlaki ang mga mata ni Jervin at ng dalaga at saka nginitian ang dalawa.

"Kaya pala mukhang pamilyar ung itsura mo Jessie, e~!"

Nakangiting sabi ni Yvonne kay Jessie habang hinahaplos nang muli nito ang ulo ng batang Werewolf. Nginitian naman nito pabalik ang dalaga habang iwinawagayway na niya muli ang kaniyang buntot. Iwinawagayway na rin ni Jeron ang kaniyang buntot habang nakatingin sa dalaga at namumula ang pisngi nito.

"Anong oras na ate Jewel?"

Tanong ni Jervin kay Jewel habang nakatingin na ito sa babaeng Werewolf. Mabilis na tinignan ng babaeng Werewolf ang kaniyang orasan sakaniyang pulso at saka tinignan na ang binata.

"7:14 na ng umaga… bakit?"

Sagot at tanong ni Jewel kay Jervin habang tinitignan pa rin nito ang binata. Mabilis na nawala ang ngiti ni Yvonne at saka natatarantang tinignan ang binata.

"Halika na! Baka malate pa tayo! Ayoko pa namang pag intayin ng matagal si Lyka!"

Natatarantang sabi ni Yvonne kay Jervin sabay hawak nanaman muli nito sa kamay ng binata at saka tinignan na si Jewel.

"Alis na kami, ate Jewel. Mag-iingat kayo~"

Nakangiting pamamaalam ni Yvonne kila Jewel, Jeron at Jessie habang hawak pa rin ang kamay ni Jervin. Takang tinignan lamang ng binata ang dalaga at saka tinignan na ang babaeng Werewolf.

"Ingat kayo, ate Jewel~"

Nakangiting pamamaalam rin ni Jervin kila Jeron, Jessie at Jewel habang hawak na rin ang kamay ni Yvonne.

"Ingat din kayong dalawa, ha~"

Hello po~!! Please vote, rate and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko.

Kung nagustuhan niyo po ang story ko, may iba pa po akong ginawang story.

"Love Yourself: Wonder” po ang title ng finished story ko. Please read, vote, rate and support my other story!! BTS Fan-Fic po siya~ Sana po magustuhan niyo!!

Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!

iboni007creators' thoughts