webnovel

Runaway With Me

"Diba gusto mong mawala ung mga problema at sakit na nararamdaman mo? Kung ganon... sasama ka ba sa paglayas ko?" -Yvonne Tamayo

iboni007 · แฟนตาซี
Not enough ratings
205 Chs

Acosta's Water Station 3

~Umaga~

"Okay na sila Jay at Yvonne?! Kelan pa!?"

Tanong ni Hendric kay Anna habang nakatayo silang dalawa sa loob ng water station ng mga Acosta. Napakunot ng noo ang dalaga dahil sa itinanong sakaniya ng binata.

"Seryoso ka!? Yan pa ang i nuna mong tanungin sakin matapos kong sabihin na nasa Canada ngayon sila Yvonne at Jervin!?"

Inis na tanong pabalik ni Anna kay Hendric habang nakakunot pa rin ang noo nito. Biglang pinigilan ng binata ang kaniyang tawa nang mapansin ang noo ng dalaga at saka mabilis nang tinakpan ang kaniyang bibig gamit ang kaniyang kanang kamay. Sinamaan na ng tingin ng dalaga ang binata at saka pinalo na ang braso nito ng malakas.

"Aray!"

Reklamo ni Hendric kay Anna sabay hawak na nito sa parte ng kaniyang braso na pinalo ng dalaga at saka taka na itong tinignan.

"Sabi sakin ni Liyan, may mga naghahanap daw kay Yvonne at gusto siyang saktan."

Sabi ni Anna kay Hendric habang sinasamaan pa rin niya ng tingin ang binata. Mabilis na nagpalit ang ekspresyon ng binata mula sa pagkainis nito sa dalaga'y napalitan ito ng pag-aalala para kay Yvonne.

"Sino-sino sila? Bat nila hinahanap si Yvonne para saktan siya? Hindi naman masamang witch si Yvonne, ah. Bat parang gusto nilang huntingin si Yvonne na parang isang hayop?"

Sunod-sunod na tanong ni Hendric kay Anna habang nakatingin pa rin ito sa dalaga nang may halong pag-aalala sakaniyang mukha. Napabuntong hininga na lamang ang dalaga, umiling at saka nagkibit balikat bilang tugon nito sa tanong sakaniya ng binata.

"May sinabi pa bang iba si Liyan na related dun?"

Tanong muli ni Hendric kay Anna habang sabay tingin na nito ng deretso sa mga mata ng dalaga nang mayroon pa ring halo ng pag-aalala sakaniyang mukha.

"Kung gusto raw nating maprotektahan si Yvonne… hintayin lang daw natin ung signal ni Jay at sundan un para makapunta sa kinaroroonan nila sa mga oras na un."

Seryosong sagot ni Anna sa tanong sakaniya ni Hendric habang patuloy pa rin nitong tinitignan sa mga mata ang binata. Tumango na lamang ang binata bilang tugon nito rito at saka napahawak na sakaniyang beywang.

"Hendric! Ideliver mo na ung mga tubig!"

Sigaw ng isang lalaki mula sa pinakang loob ng water station ng mga Acosta kay Hendric, dahilan upang magulantang ang binata at mapabitiw mula sa pagkakahawak sakaniyang beywang.

"Sumabay ka na sakin, ihahatid na kita sa bahay niyo. Baka isumbong pa ako ni kuya kay Papa pag nagtagal pa tayo rito, e."

Sabi ni Hendric kay Anna sabay lakad na papalabas ng kanilang water station at saka sumakay na sa sidecar na kaniyang gagamitin. Mabilis namang sumunod ang dalaga sa binata at saka naupo na sa likuran nito sa sidecar. Pinaandar na ng binata ang makina ng sidecar at saka nagsimula nang magmaneho papalayo sakanilang water station.

"Anong klaseng signal naman ung ipapadala satin ni Jay?"

Tanong ni Hendric kay Anna habang patuloy lamang siya sakaniyang pagmamaneho ng sidecar.

"Kinang."

Simpleng sagot ni Anna sa tanong sakaniya ni Hendric habang nakahawak ito sa hawakan ng sidecar. Biglang nagdikit ang kilay ng binata, mabilis na nilingon ang dalaga at ibinalik nang muli sa kalsada ang tingin nito.

"Kinang? Anong klaseng kinang? Hindi niya inispecify?"

Sunod-sunod na tanong nanamang muli ni Hendric kay Anna habang patuloy pa rin nito sakaniyang pagmamaneho sa sidecar. Sinamaan na ng tingin ng dalaga ang binata at akma na sana itong papaluin ngunit naalala niya na nagmamaneho pala ito kaya't pinigilan niya ang kaniyang sarili na saktan ito.

"Kung inispecify niya edi sana sinabi ko na sayo!"

Inis na sagot ni Anna sa tanong sakaniya ni Hendric sabay iwas na nito ng tingin mula sa binata. Napabusangot na lamang ang binata dahil sa sinagot sakaniya ng dalaga at saka binilisan na ang kaniyang pagmamaneho.

"Dapat pala umuwi ka na lang sainyo gamit ng pintuan!"

Inis na sigaw pabalik ni Hendric kay Anna habang mabilis pa rin itong nagmamaneho.

"Sino kaya ang gumawa nun sakanilang dalawa? Isang linggo na ang nakalilipas hindi pa rin ako sigurado kung sino sakanilang dalawa ang nagbukas ng pintuan."

Sabi ni Isabelle sakaniyang sarili habang nakaupo siya sa kama nila ng kaniyang asawa at kinakagat ang kaniyang kuko nang mayroong pagka gulo at pag-aalala sakaniyang mukha.

"Bakit ba kasi naisipan ni Yvonne na sa Canada sila pumunta ni Jervin? Hindi ko tuloy masigurado kung sino sakanilang dalawa ang nagbukas ng pintuan papunta rito."

Dagdag pa ni Isabelle sakaniyang sinabi kanina sabay tayo na nito mula sakaniyang pagkakaupo sa kama nilang mag-asawa at saka naglakad na ng pabalik-balik roon. Ilang saglit pa ay mayroong biglang kumatok sa pintuan ng silid na kinaroroonan ng babae, dahilan upang mapatigil ito sakaniyang paglalakad at ibaling ang kaniyang atensyon sa pintuan.

"Sino yan?"

Tanong niya sa taong kumatok sa pintuan. Bigla nang bumukas ang pintuan at saka inilabas nito ang kaniyang panganay na anak na babae.

"May balita ka na po Ma tungkol kila Jervin at Yvonne?"

Tanong ng panganay na anak na babae ni Isabelle sakaniya sabay sarado na nito ng pintuan at saka naglakad na papalapit sakaniyang ina. Napabuntong hininga na lamang ang babae at saka umiling bilang tugon nito sa tanong sakaniya ng kaniyang anak.

"Kwento po sakin nila Iris at Ian na bumalik daw po si Jervin nitong nakaraang linggo."

Sabi ng panganay na anak na babae ni Isabelle sakaniya sabay hawak na nito sa braso ng kaniyang ina at saka inalalayan ito maglakad papalapit sa kama at naupo na silang pareho roon.

"Kelan nila kinwento un sayo?"

Tanong ni Isabelle sakaniyang panganay na anak na babae habang nakatingin na ito sa dalaga nang mayroong pagka gulo sakaniyang mukha.

"Nitong nakaraang huwebes lang po."

Sagot ng panganay na anak na babae ni Isabelle sakaniya habang hawak pa rin nito ang braso ng kaniyang ina. Tumango na lamang ang babae bilang tugon nito sakaniyang anak at biglang hinawakan ang kamay nito na nakahawak sakaniyang braso.

"Pakinggan mo ako. Alam kong imposibleng mangyari ang sasabihin ko sayo pero pakinggan mo ako."

Sabi ni Isabelle sakaniyang panganay na anak na babae habang hawak pa rin ang kamay nito na nakahawak sakaniyang braso. Tumango na lamang ang dalaga bilang sagot nito sakaniyang ina.

"Gumugulo sa isipan ko ang pangyayaring iyon at gusto kong malaman kung sino ang nagbukas ng pintuan na un papunta rito sa bahay natin. Sigurado ako na isa sakanila ni Jervin at Yvonne ang tinutukoy ng propesiya, ngunit hindi ako nakakasigurado kung sino talaga sakanila."

"Ma… sigurado po akong si Yvonne ang nagbukas nun dahil po sa kumalat na balita patungkol po sakaniya at sa propesiya dati, nung hindi pa po sila nagkikita ulit ni Jervin."

~ Let others see that sweet smile of yours. ~

Hello po~!! Please vote, rate and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko. Kung nagustuhan niyo po ang story ko, may iba pa po akong ginawang story. "Love Yourself: Wonder” po ang title ng finished story ko. Please read, vote, rate and support my other story!! BTS Fan-Fic po siya~ Sana po magustuhan niyo!!

Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!

iboni007creators' thoughts