webnovel

Ruined Heart

Hindi ginusto ni Maureen ang mahulog sa amo niyang si Zeus, ngunit nangyari pa rin. Ang hindi niya alam, pasakit pala ang aabutin niya sa pagkahumaling sa mayamang katulad nito. Matapos ang ilang taon, may himalang darating sa kanya na makakapagpabago ng buhay niya. Ang akala niya'y maayos na niyang mundo'y guguluhing muli ng unang lalaking minahal. Hahayaan ba niyang makapasok itong muli sa kanyang buhay at pati na sa kanyang puso?

elysha_jane · วัยรุ่น
เรตติ้งไม่พอ
60 Chs

Kabanata 56

Kabanata 56

Magkakasunod na pag-vibrate ng phone ko ang gumising sa'kin nang sumunod na araw. Napatihaya naman ako bago tuluyang maupo. Pagkatapos ay napainat at napahikab pa ako, saka ko lamang tuluyang kinuha ang phone ko.

Apollo : Good morning! Please dont be mad at me. Just want 2 remind u 2 smile ;)

: Hav a good day ;)

: I know my day would be incomplete w/o u but yeah. God bless.

Naibaba ko na lamang muli ang phone ko sa ibabaw ng mga hita ko at napabuntong-hininga. Napatingin naman ako sa bintana ng kwarto ko at mayamaya nga'y napatayo na ako at unti-unting hinawi ang mga kurtina noon. Humalik kaagad sa mukha ko ang mainit-init na sinag ng araw.

Aaminin kong naging masaya ako sa mga nagdaang araw na kasama ko si Apollo. Sa ilang sandaling 'yon, para bang nakatakas ako sa mga problema ko. Para bang nawala sa isip ko ang kalokohang ginawa sa'kin ng kapatid niya at ng boyfriend nito. Pero, syempre, hindi naman habangbuhay ay tatakasan ko na lang ang sakit na 'yon. Kailangan ko pa ring harapin ang totoong buhay ko.

At sa totoong mundo ko, nandoon pa rin 'yung pighati. Mahirap 'yong alisin. At sa tingin ko, ako lang din ang makakalinis ng sugat na iniwan sa'kin noon. Kaya mas makakabuti na rin itong lumayo muna ako kay Apollo—o sa kahit na sino pang lalaki. Dahil sa mga oras na 'to, kailangan ako ng sarili ko.

"Ma'am! Ma'am, gising ka na po ba?"

Mga magkakasunod na katok ang nagpalingon sa'kin sa pintuan. Ipinasya ko namang itakip na ulit ang kurtina sa bintana ko at lumapit doon. Bumungad naman sa akin si Eunice.

"Ay, Ma'am, wala lang! Naisip ko lang tawagin ka para mag-breakfast ka na. 9:30 na po oh," nakangiting sabi niya sa'kin nang pagbuksan ko siya.

Isang matipid na tango lang ang isinagot ko pagkatapos ay mahinang nagsalita, "Sige, susunod ako."

"Sige po, Ma'am!"

Pagkatapos no'n ay sinara ko nang muli ang pintuan ng kwarto ko. Inayos ko naman ang higaan ko, pagkatapos ay naghilamos at nagpalit ng maayos na damit. Nakapantulog pa rin kasi ako. Nang matapos ang lahat nang 'yon ay saka lamang ako bumaba para kumain.

"Ay! Ayan ka na pala, Ma'am," bungad sa'kin ni Eunice na nakatayo pa habang hinahalo ang kapeng nasa mug na hawak niya. "Gusto n'yo po ba ng kape?"

Tumango naman ako at ngumiti.

"Ay sige—" Ibinaba naman niya sa mesa ang ginawang kape. "Wait lang po."

Habang naghihintay ay napatingin na lang ako sa tasang 'yon. Naalala ko tuloy na palagi kaming dumadaan ni Apollo sa convenience store para bumili ng kape. Napailing na lang ako. Ano ba naman 'tong mga tumatakbo sa isip ko. Mas mabuti pa sigurong practice-in ko na lang ang mga linya ko para malibang.

Ganoon ang ginawa ko sa mga sumunod na araw. Palagi kong binabasa at pina-practice ang script, para na rin 'di ako mawala sa karakter ko. Hindi katulad no'ng nagawa ko no'ng nakaraan, dahil magulo ang isip ko. Pero ngayon, dapat na akong mag-focus.

Nang sumunod na shooting ay may magandang balita na sinabi sa akin si Madam Rhonda.

"Ma-e-extend daw 'yung show n'yo dahil sa taas ng ratings!" tuwang-tuwang sabi niya at naupo pa sa harapan ko. "Nakaka-excite, 'di ba?"

"Edi madadagdagan pa po 'yung sa script?" tanong ko naman.

"Obviously," sagot niya at dumekwatro pa. "Pero inaayos na 'yon ng mga scriptwriters natin. 'Pag naayos na nila, ibibigay na uli sa inyo ang script."

Napangiti naman ako. "Okay 'yun!"

"Okay na okay!" sagot naman niya. "Pero dapat mas galingan mo pa, ha? Baka mamaya makahabol 'yung kabilang network sa show n'yo. Naku."

Bahagya naman akong napatawa. "Wag naman po sana."

"In fairness, a? Ang dami na ring kumukuha sa'yo, 'di pa man din tapos ang show mo," sabi pa niya.

"Ha? E, may tinanggap na po ba kayo?" gulat na tanong ko naman. May ibang plano sana kasi ako pagkatapos ng show namin.

"Hmm. Wala pa naman," sagot niya. "Tsaka 'di naman ako tatanggap hangga't 'di ko sinasabi sa'yo."

"Salamat po, Madam. Sa ngayon, hindi ko pa po sure kung ano'ng gusto kong gawin after nito," pagtatapat ko naman.

"Well, that's okay! There's still a lot to discover," sagot naman nito, kaya lalo akong napangiti. Mabuti talaga at maintindihin ang handler ko na 'to.

* * *

Time flies and weeks become months. Marami rin ang nangyari sa akin kahit pa kung titignan, halos puro sa Replica lang umikot ang mundo ko. Sa sobrang enjoy ko nga ay medyo nalungkot ako na natapos na ang shooting namin. Siguradong mami-miss ko ang mga nakatrabaho ko sa loob ng isang taon.

"Ate, trending ulit kahapon sa twitter 'yung hashtag ng Replica," sambit ni Celestia na tutok na tutok sa phone niya kahit pa kumakain kami ng tanghalian.

"Oo nga, e. Nakakatuwa," sagot ko naman sabay ngiti.

"Naku, lalo na siguro sa finale ng show," sabi naman ni Mommy. "And Celestia, ibaba mo nga 'yang phone mo."

Nagreklamo pa si Celestia pero sa huli ay ibinaba niya rin naman 'yon sa tabi ng plato niya. Natawa na lang ako sa kanya, habang si Ate Mercedes naman na katabi niya ay napapailing.

"Hmm. Tamang-tama," saad naman ni Daddy. "Next month na birthday mo. Ano'ng gusto mong gift?"

Nahihiya naman akong napangiti, pagkatapos ay ibinaba ko saglit ang kamay kong may hawak na kutsara't tinidor. "Naku, Daddy, 'wag na po."

"No, it's okay," sagot naman niya at sumubo pa ng pagkain. "Para na rin makabawi ako sa'yo."

"Okay lang po talaga," sabi ko naman. "Dapat nga po ang iniisip natin, e, 'yung debut ni Celestia."

"Maureen, it's in September pa naman," giit ni Ate Mercedes. "If I were you, grab the chance! Hingin mo na kay Daddy kung ano'ng gusto mo."

Napangiti naman ako at bahagyang napailing. Si Ate Mercedes talaga.

"Di ba, sabi mo sa'kin gusto mong kumuha ng bahay sa Doña Blanca?" tanong naman ni Mommy, kaya agad akong napalingon sa kanya.

"Mommy, pinag-iisipan ko pa lang naman po 'yon," sabi ko naman dahil nahihiya ako.

"You're going to leave us?" gulat na tanong naman ni Ate Mercedes.

Sa pagkakataon naman na 'yon ay naibaba ko na nang tuluyan ang kutsara't tinidor ko. Pagkatapos ay tumikhim muna ako bago magpaliwanag.

"Mahirap din para sa'kin 'to, actually. Siguro nga pangit ang naging simula natin, but it won't change the fact naman na nagkaro'n din tayo ng strong bond. And it's something I would cherish forever," panimula ko habang isa-isa silang tinitignan. Hindi rin halos maipinta ang mga mukha nila, pero pinilit naman nilang ngumiti sa akin.

"Napagplanuhan ko rin po kasi na after ng show ko, titigil po muna ako para mag-aral sa culinary school. Gusto ko sana 'yung malapit sa Doña Blanca. At opo, gusto ko pong tumira ulit doon," dagdag ko pa. Pagkatapos ay kinakabahang napalingon ako kay Daddy. Nag-iba na rin ang ekspresyon ng kanyang mukha. Kung kanina'y nakatawa siya, ngayon ay seryoso na ulit.

"Maureen, napag-isipan mo na bang mabuti 'yan?" tanong niya pa sa akin.

Marahan akong tumango. "Opo."

Napayuko naman siya saglit, pagkatapos ay muling inangat ang tingin sa akin. Ilang sandali siyang nakatitig lang sa akin bago siya magpakawala ng malalim na buntong-hininga.

"Kung kailan naman tayo nagkaayos," may bahid na lungkot na sabi niya.

"Don't worry. Dadalaw pa rin naman po ako, e. Kayo na lang po ang pamilya ko. Magagawa ko ba namang kalimutan kayo?" sabi ko naman.

I know, magmumukha akong selfish kung ito ang hihilingin ko sa kanila. Matapos ang lahat ng ginawa nila para sa'kin, iiwan ko lang sila? Pero nararamdaman ko kasing dito ako sasaya. Dito ko talaga mahahanap ang sarili ko.

Napangiti naman ng tipid si Daddy at sumagot, "Well, if that's what you want. Susuportahan na lang namin ang desisyon mo."

Napaawang naman ang mga labi ko dahil doon. Hindi ko akalaing ganito kadaling papayag si Daddy sa gusto ko. Pero ang sarap sa pakiramdam na naiintindihan na nila ako ngayon.

"Thank you, Daddy!" nasambit ko sa labis na tuwa.

Isang matamis na ngiti lang naman ang naging tugon ni Daddy doon.

Nang mga sumunod na araw ay lalo akong naging masaya. Sinulit ko na ang bawat araw ko sa bahay namin, dahil paniguradong mami-miss ko sila 'pag sa Doña Blanca na uli ako nakatira. 'Yun nga lang, minsan wala rin sa bahay sina Ate at Celestia. Si Ate Mercedes kasi, may movie at si Celestia naman ay may palabas na rin.

Ang sunod namang nangyari ay birthday ni Vincent. Bente-uno anyos na siya, pero hindi siya nagpahanda ng magarbong birthday party. Ayaw niya raw kasi ng mga ganoon. Kaya pool party na lang ang pinahanda niya at piling mga kaibigan lang din ang inimbitahan. Mabuti nga at libre si Celestia no'ng araw na 'yon, kaya naisama ko siya.

"Cent!" sigaw ko dahil malakas na ang music at sakto pang abala siya sa kausap.

Napalingon naman siya nang marinig ako at kaagad na namilog ang mga mata nang makita kung sino'ng kasama ko. Natawa na lang ako. This guy. He's really into Celestia!

Hinila ko naman si Celestia palapit sa kanya at hanggang sa makarating kami sa harapan niya ay wala pa rin siyang salita. Akala mong inurungan ng dila ang loko!

"Happy 21st birthday!" bati ko at bumeso sa kanya. "Here's my gift!"

"H-Ha?" Nanlalaki ang mga mata na dumako ang paningin niya kay Celestia na nasa bandang likuran ko.

"No, I mean this," natatawang sabi ko at inabot sa kanya ang regalo ko.

"Oh." Mukha namang natauhan siya dahil doon at binawi ang tingin kay Celestia. "Sorry, sorry."

"Here!" sabi naman ni Celestia, kaya muli na namang nabato sa kinatatayuan niya si Vincent. Pinipigilan ko naman ang tawa ko. "Happy birthday!"

"Uh, t-thanks," nahihiyang sabi ni Vincent.

Napatingin-tingin naman ako sa paligid para maghanap ng kakilala. Gusto ko kasi sanang iwanan si Celestia kay Vincent, para naman matulungan ko siya. Kaya lang, mukhang hindi umaayon sa amin ang tadhana. Dahil bago pa man ako makakita ng kakilala ko ay may lumapit na kay Celestia.

"Celestia! You're here!" nakangiting bati nito sa kapatid ko.

"Uy, Kim!" tuwang bati naman ni Celestia sa kanya. Sa pagkatuwa nga nito, e, nabitawan kaagad ang kamay ko, para makipaghawak-kamay kay Kim.

"Why are you wearing dress? This is a pool party, Celestia! Oh my gosh," puna pa ni Kim na naka-one piece bikini na.

"Uhm. . ."

"Come on! Let's go over there! Nando'n sila Ivy," sabi pa ni Kim at hinila na nang tuluyan ang kapatid ko.

Tanging tingin na lang ang nagawang paalam ni Celestia. Pinigilan ko naman ang mapangiwi nang tumango ako. Naiwan tuloy kami ni Vincent na hinahabol siya ng tingin.

"Sorry, I did my best," paumanhin ko kay Vincent.

"No, it's okay," sagot naman sa akin ni Vincent. "Ba't 'di ka pa magpalit?"

"May period ako, 'no," sagot ko naman sa kanya.

"Weh? You're just making excuses, e," biro pa niya sa'kin, kaya nahampas ko tuloy ang balikat niya.

"Sira! Totoo 'no!" giit ko naman.

"Hmm. So, ano'ng balak mo?" tanong na lang niya sa akin.

"Ala," sabi ko at napayakap pa sa mga braso ko. Gabi kasi at nasa tabi pa kami ng pool, kaya ang lamig ng hangin. "Tatambay lang dito. Food trip."

"Tss." Napailing pa sa'kin si Vincent. "I mean, do'n sa guy!"

"Ah," sabi ko naman at napatango-tango. "Well, like what I've said, after my show, 'di ba?"

"So you talked to him na?"

Napailing ako at matipid na ngumiti. "Not yet."

May napadaan namang kung sino'ng lalaki na may dalang bucket ng mga alak. Hinarang 'yon ni Vincent at kumuha ng isa. Nang mabuksan ay inabot sa'kin. Matapos ay kumuha din siya ng para sa kanya.

"So, kelan mo balak kausapin?" tanong niya matapos uminom ng alak mula sa boteng hawak.

"Hmm, ewan," sagot ko naman. "Basta, magugulat na lang siya!"

"But are you really sure about him na ba talaga?" tanong pa niya.

Napabuga naman ako ng hangin at napatingin sa pool kung saan nagkakagulo ang mga bisita niya.

"Ang dami mong tanong!" reklamo ko sa kanya. "Syempre, sigurado 'no."

"Okay, sabi mo, e."

"Alam mo, ba't di mo na lang sundan do'n 'yung kapatid ko? Sige ka! Mamaya, maunahan ka d'yan ng iba," sabi ko na lang para maiwas na ang topic tungkol sa akin. This is his night at kaysa kausapin ako tungkol sa buhay ko, dapat ay nagsasaya siya.

"Okay, okay," sabi na lang niya na mukhang napipilitan pa. "You okay here?"

Napangiti na lang ako at napatango. Okay naman talaga ako dito. Para namang 'di ako sanay na mapag-isa. Tsaka nakatanaw ako dito ng inihaw na pusit, e. So, I know, my night would be perfect.

Kinabukasan, medyo masakit ang ulo ko nang magising ako. Nakadalawang bote lang naman ako ng alak. Pero hindi talaga 'ko sanay, kaya heto, parang binibiyak ang ulo ko sa sakit. Kung 'di pa nga 'ko ginising ng kasambahay namin, baka hindi pa ako babangon, e. Gusto raw kasi akong makausap ni Daddy.

"Morning, Dadddy," matamlay ko pang bati kay Daddy na noon ay nakaupo sa sala. Umupo naman ako doon sa malapit sa kanya.

"It's already noon, Maureen. Mayamaya nga lang, magla-lunch na tayo, e," natatawang sagot naman niya.

"Sorry, Daddy," sabi ko na lang at muling napasapo sa ulo ko.

Napakunot naman ang noo niya. "Naglasing ka ba kagabi? How about Celestia?"

"Nakadalawang bote lang po ako," depensa ko naman. "Si Celestia. . ."

Parang nagising tuloy ako bigla nang maalaa ko ang kapatid ko. Hindi ko siya masyadong nabantayan kagabi dahil marami-rami rin ang tao. 'Di ko tuloy alam kung may mga siraulo bang nagpainom sa kanya o ano. Napayuko na lang tuloy ako.

"S-Sorry, Daddy. Hindi ko po siya nabantayan nang mabuti," paghingi ko naman ng tawad.

"Kauusapin ko na lang mamaya," sagot naman ni Daddy at napatango pa. "But for now, I have good news for you."

"Nakahanap na po kayo ng culinary school?" excited na tanong ko naman.

"Hindi lang 'yon. . ." May kinuha si Daddy mula sa bulsa niya at hindi ko mapigilan ang mapasinghap nang ilabas niya ang isang susi mula doon. "I also found a house! In Doña Blanca."

Namamanghang inabot ko 'yon mula sa kanya habang nakaawang pa ang mga labi. Hindi ko lubos na maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayong nangyayari na ang mga gusto ko. Makakapag-aral na ako sa isang culinary school at isa pa, doon na uli ako sa Doña Blanca titira! And to think na hindi ko pa naman birthday.

"Hmm? So?" tanong naman ni Daddy at no'n lang ako natauhan na parang tangang nakatitig lang pala ako sa susi ng bahay ko.

Sa sobrang tuwa ko ay napayakap na lang ako kay Daddy. "Thank you, Daddy!"

Itutuloy. . .

sorry to keep you waiting! I thought na-post ko na po siya. Huhu buti naisipan kong mag-check ngayon since super busy na ako for the following weeks. Thank you for reading and for waiting! ❤️

elysha_janecreators' thoughts