Dollar's POV
Katulad ng balak ko, umaga pa lang ng 26 ay na kina Lolo na ako. Hindi para mamasko kundi para hanapin si Rion. But that man's nowhere to be found...
Hanggang umabot na lang ang gabi pero di pa din sya nagpapakita.
Nagswi-swing ako sa gilid ng mansion na nasa tapat ng kwarto ni Rion at nakikipagkomperensya sa mga lamok. Bakit ba kasi ayaw niyang maniwala sa'kin na okay lang sa'kin lahat-lahat tungkol sa kanya?
Tumunog ang cellphone ko mayamaya. Pero wala kong balak sagutin. Tiningnan ko kung sino ang caller. Asus! Si Vaughn lang naman pala. Sinuksok ko ulit sa bulsa ko at nilakasan pa ang pag-ugoy sa duyan. Yung tipong parang titilapon na 'ko. Pero ako din ang nahilo kaya tinigilan ko na. Kinuha ko ulit ang cellphone ko.
Fourteen missed calls from Vaughn.
Wow! Tiyaga ng mokong na 'to ah. Wala ba syang ibang magawa sa buhay? Hmn...isa pa para saktong 15. At gaya ng inaasahan ko tumunog ulit iyon. Sa patatlong ring ko pinindot ang answer button.
"Mariella? I've been calling you for eternity."
"Yup. Alam ko. Baket ba?"
"Punta ka sa shortcut."
" 'No ko hilo? Tigilan mo 'ko Bunteri, maya nyan kung saan mo na naman ako dalhin eh."
"No. It will be fun."sabi nya pero hindi halata sa boses.
"No. Ayoko. At saka bakit ba lage mo na lang akong inuutusang pumunta sa 'yo? Ba't ayaw mong ikaw ang pumunta dito eh ikaw dyan ang nagyayaya? Natatakot ka no?"
*Tuut. *Tuut. *Tuut. (O_O)?
Bastusan! Pinatayan ako ng cellphone? Inarko ko ang likod ko para maisuksok ang cellphone ko sa bulsa.
"Boo!!!"
"Waaah!!!!!!"
*Tug!
"Sh*t! Mariella are you okay?"
Tiningala ko si Vaughn na nasa harapan ko.
Tae! Ansakit! Buti na lang damuhan ang binagsakan ng likod ko. Tss! Ang sagwa ng pagkakabukaka ng mga hita kong nakasampay sa duyan.
Tinulungan niya 'kong tumayo. "Gago ka! Ba't ka ba nanggugulat? At pa'no ka nakapasok agad dito? Mahigpit ang security sa buong lupang to ah!"
"Secret... baka mai-text." At ngumisi siya. "Tara, may pupuntahan tayo. Sasaya ka doon."
"Kay Rion???" nakamulagat kong tanong.
Pero sumeryoso bigla mukha ni Bunteri...
"Huy...Pupunta ba tayo kay Rion?" Na-excite ako bigla.
"Kapag sinabi kong hindi... sasama ka pa din ba sa'kin?"
"Syempre hindi."
Ilang segundo syang hindi nagsalita at tinitigan lang ako. " Okay...eh di sa kanya tayo pumunta." At nauna na siyang naglakad palayo.
Nilingon ko muna ang bahay. Pangalawang beses ko tong gagawin na lumabas sa kalaliman ng gabi na hindi nagpapaalam kay Lolo. Tsk! Di bale na nga.
Sumunod ako kay Vaughn na pumasok sa kakahuyan.....
^^^^^^^^
"N-Nandito si Rion?"
Tumaas lang ang dalawang kilay ni Vaughn at nauna na siyang lumabas sa sports car niya.
Sumunod din ako at nilibot ang tingin sa paligid. Mataas ang lugar at sa ibaba ay matatanaw ang buong city, dagat naman ang nasa background. Kung di ako nagkakamali, ito na ang pinakadulo ng bayan ng Flaviejo. At ang kalsadang papunta sa gilid ng dalampasigan ay matatarik at maraming bangin sa gilid. Hindi masyadong dinadaanan ng mga sasakyan ang kalsada kasi hindi naman residential area ang malapit sa dalampasigan. Gubat na ilang at malalaking bato lang ang naroon.
Medyo marami din ang mga tao dito, halos lahat kabataan. At parang nahuhulaan ko na din kung bakit ang daming sasakyan dito, mostly sports car. Drag racing...at sigurado ko, ilegal 'to.
"So, nasan si Rion sa mga tao dito?"
"Magpapakita din iyon." Umalis si Vaughn sa tabi ko at may kinausap na mga lalake na parang mga gangster.
Grabe, maubo-ubo 'ko sa usok ng sigarilyo dito. Yung iba nagparty-party na dito. May mga babae din at feeling ko may tahimik na labanan ng paiklian ng shorts at tops.
Di ko naman makita ang hinahanap ko eh.
"Get in the car." utos ni Vaughn habang nagsusuot siya ng black gloves sa kamay niya.
"Akala ko ba nandito si Ri---"
"He'll show up, now get in." Binuksan niya para sa'kin ang pinto ng passenger seat at marahan akong tinulak papasok.
Naghiyawan ang mga tao, sa pagtataka ko lang. Nagtsi-cheer lahat, babae man o lalake.
"Vaughn, yo! First time to see you with a chick! Making out while racing? You're the man, dude!" hiyaw ng isang lalake kay Vaughn.
Teka... racing?
Pinaandar ni Vaughn ang kotse at nakiparada sa iba pang sasakyan na pantay pantay sa puting linya. Siya na ang nagkabit ng seatbelt ko at mabilis na pinisil ang ilong ko. Aba't!
"Hoy! Makikipagkarera ka ba?!"
"Yup! Masaya 'to."
"Ibaba mo 'ko!"
Mahilig din ako sa mga mabibilis. Pero hindi iyong tipong nakakamatay. Pa'no kung mahuli kami ng mga pulis? O gitgitin kami ng mga madadayang contestant tapos dumiretso kami sa bangin?
"Ibaba mo na 'ko, Vaughn! Uuwi na 'ko!"
Pero balewala lang ang pagsigaw ko nang pumutok ang baril bilang simula ng karera.
Nakakabingi ang langitngit ng mga gulong at kung nakababa siguro ang roof ng kotse, malamang nalunod na 'ko sa hangin dahil sa bilis niyang magpatakbo.
Pumapangatlo kami sa sampung kotse. At kanina pa sinusubukang sumingit ni Vaughn sa pumapangalawa. Nagawa naman niya. At konti na lang ang distansya namin sa nasa unahang kotse.
Tumigil na 'ko sa pagwawala, ano bang magagawa niyon sa katabi kong kampanteng-kampanteng magmaneho? Feeling ko hindi na lumalapat ang mga gulong sa lupa at lumilipad na kami at feeling ko malapit na 'kong mamatay, isang mali lang ni Vaughn... at...
"Vaughn...kung mababangga tayo...siguraduhin mong mamamatay ako ah...hindi mai-imbalido lang." malamig kong sabi.
Pinikit ko ang mga mata ko. Sana, bago 'ko mamatay... makita ko muna si Rion...
Saktong minulat ko ang mata ko nang pumantay si Vaughn sa unahang kotse. It was a yellow Dodge Viper. Nagbaba ng bintana ang driver... at dahil nasa kaliwa kami niyon, kitang-kita ko ang mukha niya! Si Rion!
Nilingon ko si Vaughn na seryoso pa din ang mukha at binalik ko ang paningin ko kay Rion.
Mukha silang parehong badtrip. Pero baket?
Gusto ko sanang tawagin si Rion pero baka mawala siya sa concentration nya. Madilim pa naman at delikado ang daan.
"Alam ba niyang kasama mo 'ko?"
Sinulyapan ako saglit ni Vaughn at saka umismid. "Let's see." At bigla siyang lumiko sa isang rough road. Hindi pa rin nagbabago ng bilis kaya aalog-alog ako sa pagkakaupo. Tinanaw ko ang highway at nagsipaglagpasan ang iba pang nangangarera.
Mga ilang metro din ang narating namin sa baku-bakong daan bago siya huminto at pinatay ang makina at saka lumabas. Sumunod din ako sa kanya at sinuntok siya sa balikat.
"Ba't di mo tinapos ang laban eh mukhang enjoy na enjoy ka di ba?" I asked him with sarcasm.
Parang nahihilo pa din ako!
"At bakit mo ba talaga 'ko sinama dito? Huh?!"
Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya at sumandal siya sa kotse. "Well, gusto ko lang malaman kung gano ka kahalaga kay Rion.."
Napatigil ako sa pagsipa sa mga bato. At parang nawala ang galit ko. Nakangiti ko syang tiningala. Well, hopeful sa isasagot niya. "Nasagot mo naman?"
Hindi siya nagsalita at lumingon sa nasa likuran ko. Sinundan ko ang tinitingnan niya. May paparating na liwanang ng sasakyan....
And the yellow Viper showed up. And it was definitely Rion...
^^^^^^^^
Vaughn's POV
Sa iba ko naman talaga balak dalhin si Dollar. Pero sinabi ko lang na magiging masaya siya, si Rion agad ang naisip.
Damn. Just... damn!
Kaya nang maalala ko na madalas pa ding makipagkarera si Rion, sinama ko na lang siya.
Yeah, gusto ko ngang malaman kung importante talaga ang babaeng 'to sa kanya. Tatapusin nya ba ang karera o susunod sa pinaglikuan ko lalo pa't alam niyang kasama ko si Dollar?
At nasagot ko ang tanong ko nang makita ko ang headlights ng kotse niya. As expected...
Pero may isa pa 'kong nalaman kanina habang nasa highway kami ni Dollar...
It was how much I really care for her. Gusto ko na kaninang kabigin ang manibela patabi sa daan mawala lang ang takot niya. I can't even focused on my driving while with her. Ngayon alam ko na kung bakit gustong gusto ni Rion na iwasan ang babaeng 'to kahit mahirap. Because it was impossible to totally dismiss her presence or pretend not to care. She's tough and all, no doubt. But she also aroused the protective instinct of men around her without her knowing.
Nakita kong ngumiti si Dollar at saka masayang lumapit sa sasakyan ni Rion.
"Rion! Nakita din kita!" she beamed.
Sinulyapan lang siya ni Flaviejo at nilagpasan at saka lumapit sa'kin.
"I've warned you." mahina niyang sabi, without breaking contact.
"Kung ayaw mong lumalapit siya sa'kin bakit hindi mo siya itali at ikulong?"
Damn this bastard! Di ba niya alam na pangalan lang niya ang password para sumama sa'kin si Dollar? I'm pathetic! Pero wala 'kong balak ipaalam o sabihin sa lahat lalo na sa lalakeng 'to.
Lumapit sa 'min si Dollar at tumingala kay Rion. "Uuwi na ba tayo?"
Hinawakan ko ang braso niya. "Wait, ako ang kasama mo di ba? Kaya ako ang maghahatid sa'yo."
Parang saglit siyang nalito pero mayamaya ay bumitaw sa pagkakahawak ko. "Eh kaya nga ako sumama sa'yo dahil sabi mo dadalhin mo 'ko sa kan----"
"Ihatid mo na siya." si Rion.
"Pero, Rion!" she protested.
Nagsimula na si Rion na maglakad pabalik sa kotse nya.
"Hoy! kausapin mo naman ako!" Dollar yelled.
Mabilis nang nakaatras ang sasakyan at mabilis na pinatakbo palayo ni Rion.
"Rion!" Hinabol ni Dollar ang kotse at pareho na silang nawala sa paningin ko.
Napakamot ako sa batok. Tangna ka, Rion! Lage kang pahabol, lage kang umiiwas! Kung sa'kin lahat yan ginagawa ni Dollar, baka matagal na kami.
Pumasok ako sa sarili kong sasakyan at umalis na din sa lugar na iyon.
Naabutan ko si Dollar na nasa gilid ng kalsada, palingon-lingon sa kaliwa at kanan. Iniisip siguro kung saan lumiko si Rion.
Tinulak ko pabukas ang pinto ng passenger seat. "Get in."
"S-Si Rion eh..." Parang iiyak na siya pero pumasok na din.
^^^^^^^^
Nasa daan na kami pauwi nang mapasulyap ako kay Dollar na nakatulog na. I pulled over a shoulder and watched her.
Pero ilang segundo lang at nagmulat siya ng mata at lumingon sa'kin.
"Vaughn... alam mo bang nagpakilala na sa'kin si Rion?"
I didn't react. Alam ko namang gagawin at gagawin iyon ng gagong iyon.
"And..." I asked, implying her to go on.
"Okay lang naman sa 'kin. Pero hindi yata okay sa kanya, ayaw niyang maniwala sa 'kin. Iniiwasan niya nga ako..." She shrugged then, "And he also mentioned you but didn't elaborate... Sino ka ba talaga, Vaughn?"
"Now, you're interested?" I teased her.
"Hindi naman...Pero kung may galit ka kay Rion di ba dapat na siya ang nilalapitan mo at hindi ako?"
So... nagpakilala lang talaga si Rion sa kanya... but didn't tell his feelings for her... you are really a bastard, Flaviejo! Ngayon, hindi alam ni Dollar na kaya siya ang nilalapitan ko ay para galitin lang si Rion. But that was long ago... Hindi ko nga sigurado kung iyon talaga ang pakay ko sa kanya nang makita ko siya ng personal sa school dati.
"You really want to know why?"
Tumango siya.
"Gusto ko munang magpakilala sa'yo. I'm Vaughn Aleister St. Martin, twenty two. Graduate na 'ko. And aside from handling the family business, I'm also working for my father...running errands for him.. And those errands are involved in his elite team, a global syndicate behind our multi-national company." Tiningnan ko ang reaksyon niya. Mukhang hindi man lang siya nagulat.
"I was fourteen when I met Rion, we're distant cousins. Ang ama ko at ang ama niya ang malayong magpinsan. At nang tanggapin ni Papa si Rion sa pamilya, without Don Marionello's knowing, that was also the start of our silent war... sa maraming dahilan." Tiningnan ko siya ng makahulugan.
"So...you also kill people?"
"Never. Iba ang trabaho ko kesa sa kanya. He's the executioner in the team while I negotiate and made all the transactions of the company become legal."
"Hindi ko iniisip na mabuti ang ginagawa ninyo Vaughn. But you all have reasons in making the team. Hindi lang dahil lage sa pera... You're bound to be like that because you're born from a family of syndicates... At si Rion, may dahilan din siya di ba?"
Hindi ako nagsalita. Ngayon alam ko na kung bakit hindi na siya nagulat nang magpakilala 'ko at pati si Rion sa kanya. This woman is impossible. She's rational. Hindi lang isang side ng bagay ang tinitingnan kundi pati ang isa pa at pati mga nakatago pa. I wonder where her thinking will get her. Lalo na't hindi naman lageng may magandang sulok ang realidad. Having been in brutality for years....I've known all the foul corners.
"So...bakit ka nga nakipaglapit sa'kin...?"
Because I fell in love with you big time. Gusto ko sanang sabihin. But I don't trust myself to tell her that. Saan pupunta 'yon? At ano pagkatapos? Ngayon, Rion, ramdam na kita. Alam ko na kung bakit hindi ka makapagtapat sa babaeng 'to. Pero binawi ko din ang naisip ko. No... hindi kami magkatulad ni Rion, dahil sya, hindi natatakot sa rejection mula kay Dollar dahil obvious namang gusto rin siya nito, samantalang ako... Where do I stand? Perhaps, she would thank me, if I tell her I love her, or slap me, or kick me...whatever. Pero sigurado 'kong hindi siya ngingiti at sasabihing mahal niya din ako.
Now I admit, for the umpteenth time, that Rion Flaviejo is the luckier bastard than me. And that makes me loathe him more.
I cleared my throat. "Because... you remind me of my little sister."
F*ck! That so idiot of me! Kelan pa 'ko nagkaroon ng kapatid na babae? Meron siguro sa labas dahil maraming babae ang tatay ko, pero pakelam ko ba sa kanila?
Ngumiti siya."Aah...sabagay wala naman akong kapatid na lalake. Mas para ko kasing tatay sina Moi lalo na si Zilv. Friends..?"
Inabot nya sa'kin ang kamay niya. At ayaw ko man... I do not have the heart to refuse what she's offering.
Friendship? Damn! I grabbed her hand and hold it while I'm driving. I also gave her my most decent smile I could try....
^^^^^^^^
Kanina ko pa naihatid si Dollar pero wala pa 'kong balak umuwi. Lumiko ako sa unang lugar kong naisip.
I parked my car by the lagoon after a while.
Hindi pasyalan ang lugar na 'to dahil bahagi na 'to ng property na nabili ko dito. At wala akong pinabago dito. Napakadilim ng lugar dahil sa matataas na puno na nakapalibot. Kung hindi kumikislap ang tubig sa lagoon dahil sa liwanag ng buwan, pwedeng mapaderetso ang magdadrive dito.
It's a very peaceful place at night. Tunog lang ng kuliglig ang maririnig.
Umunan ako sa pinagkrus kong mga braso at naghintay. Mayamaya ay may paisa-isang liwanag sa ere na tanaw na tanaw ko dito. Pasayaw-sayaw ang liwanag sa ibabaw ng tubig.
Ilang segundo lang at dumami ang mga liwanag na dahan-dahang magkakabungguan at maghihiwalay. Research says it's how fireflies mated.
Beautiful... It was like they're dancing with the same rhythm.
Sana nakita 'to ni Dollar...