webnovel

Revenge:Secret Queen

Revenge.. that's what Avery has imprinted on his mind since his brother's death... because that's why he did everything to learn to fight... but what will happen when he finds her...

Annariex_Writes · วัยรุ่น
เรตติ้งไม่พอ
38 Chs

Chapter 9

Chapter 9

"Ma'am" Sabi ng kung sino sabay tapik sa muka ko

"Bakit po?" tanong ko saka nagmulat ng mata at umupo sa kama.

"Aalis na po ang magulang niyo"

"Okay thanks"

Ngayon kasi ay pupunta ng Canada sila mom at dad para sa business 1 months sila doon. Kaya sinabihan ko sila manang na gisingin ako kapag aalis na sila para naman maihatid ko sila sa airport...

Pumunta na ako sa banyo para maligo at pagkatapos ay nagbihis ako ng oversized t-shirt at blue jeans. Kinuha ko ang bag ko saka pumunta sa baba..

Naabutan ko sila mom and dad sa dining na kumakain.

"Ave join us"Sabi ni mom

"no mom, I'm still full." sagot ko saka umupo sa sofa.

_____

"Take care mom and dad. Text me when you're arrived."bilin ko sa kanila nandito na kasi kami ngayon sa airport.

"Yes,we will"sagot ni dad saka hinalikan ako sa pisnge ganoon rin ang ginawa ni mom.

"Mang bert, daan muna tayo sa street foods bibili lang ako ng fish ball."

"Opo ma'am" sagot niya saka pinaandar ang sasakyan.

"Dito nalang" Sabi ko pinatay niya naman ang makina saka ipinarada ang sasakyan.

Bumaba na ako ng sasakyan saka pumunta kay manong na nagtitinda ng fish ball.

"Ano sayo iha?"

"Fish ball po ma bente."sagot ko yung sampu ay sa akin at yung isang sampu naman ay kay Mang bert.

"Sandali lang iha."

"Opo"

"Ito na iha" Sabi niya sabay bigay ng fish ball

"Magkano po?"

"Bente iha tig piso yung isa." Sagot niya kumuha ako ng isang libo saka ibinigay sa kanya..

"Ito po"

"Naku! wala po akong barya"

"Keep the change nalang po"

"Maraming salamat iha"

Aalis na sana ako ng bigla niya akong tinawag.

"Bakit po?

"Halika dito iha huhulaan kita"

"Po?"

"Wag kang mag-alala sandali lang to alam kong may pasok ka pa" kahit na nagdadalawang isip ako ay sa huli ay nagpahula parin ako...malay niyo naman baka totoo.wala naman mawawala kung susubukan.

Lumapit ako sa kanya at pinaupo niya ako sa upuan at pagkatapos ay hinawakan niya ang palad ko....

"May darating, may magtratraydor, may mag aaway, may mawawala.." Sabi niya habang nakapikit at nakahawak sa palad ko...

"Avery"

"P-po"

"Tandaan mo kahit anong mangyari wag kang susuko... Magtiwala kalang sa sarili mo at sa taong nakapaligid sa iyo...

______

"AVERY!"

"OH MY GOSH" sigaw ko sabay hawak sa dibdib....nabigla ako don ha.

"Ano ba bakit ka ba sumisigaw?"

"Kanina ka pa po tulaley diyan...tingnan mo tayo nalang ang naiwan." Sabi ni Akira

"May prob ka ba?" tanong ni Kelly

"W-wala"

"Hali na kayo" Sabi ni Akira na ngayon ay nasa labas na.

"Huh?...saan?"

"Oh tingnan mo na" Sabi ni Akira

"Bakit?"

"Recess na bhebs kanina pa...di mo ba alam?." Sabi ni Kelly

"S-sorry" Sabi ko sabay kamot batok...recess na pala hindi ko man lang alam...ano ba ang nangyayari sa akin?...

Naglakad na kami papuntang canteen ng makarating kami ay agad kaming naghanap ng pwesto...si Akira ang nag order at kami naman ni Kelly ang naghanap ng pwesto...di nagtagal ay nakahanap din kami ng bakanteng pwesto kaya naglakad kami papunta don...

"Hooo ang daming pila" Sabi ni Akira ng matapos siyang mag order...

Nagsimula na kaming kumain ng biglang may nahulog na baso...

Blaggggggggggggggg

Napatingin kami bigla sa basong nabasag at napag alaman kong kagagawan ito ng DRG.....

Gulo na naman to....