webnovel

Revenge:Secret Queen

Revenge.. that's what Avery has imprinted on his mind since his brother's death... because that's why he did everything to learn to fight... but what will happen when he finds her...

Annariex_Writes · วัยรุ่น
เรตติ้งไม่พอ
38 Chs

Chapter 1

Chapter 1

*I like your eyes you look away------*

Ang ringtone ng cellphone ko I like you so much, you'll know it by Ysabelle Cuevas....try niyo maganda yang song na yan.

[Hello bakit?]

[Bruha ka kanina pa kami naghihintay sa iyo dito sa mall...pumuti na mga mata namin kakaabang sayo...nasan ka na ba?]

[Sandali papunta na]

Gosh nakalimutan kong pupunta pala kami sa mall....napasarap kasi tulog ko eh...

Pumunta ako kaagad sa banyo saka naligo at pagkatapos ay nagbihis ng black jogger at black t-shirt...paborito ko black eh..

"Oh san ka pupunta nagmamadali ka ata?"

"Pupunta lang ako ng mall mom kasama sila Kelly."

"Mag-iingat ka"

"Ge mom"

Humalik muna ako sa pisnge ni mommy bago lumabas.

"San po tayo ma'am" tanong ni Mang bert ang driver ko.

"Sa mall po"

Sumakay na ako sa van at sumakay narin si Mang bert saka binuhay ang makina...

"Pakibilisan po Mang bert...naghihintay na kaibigan ko."

"Opo ma'am"

"Aray naman...kararating ko lang eh babatukan mo kaagad ako.."

"Ang tagal tagal mo kanina pa kami dito" Sabi ni Akira

"Edi sorry"

"Mamaya nayan pumasok na tayo at ng makapag shopping na tayo..." excited na sabi ni Kelly basta shopping talaga hyper....

Pumasok na kami ng mall at namili ng mga damit...bumili ako ng black t-shirt at black jogger...Sila naman ay bumili ng dress...

"Kain muna tayo nagugutom na ako" Sabi ni Akira sabay hawak sa tiyan...katatapos lang kasi naming mag mall.

"Game"

Pumunta kami sa malapit na restaurant at nag order.

"Ito akin" Sabi ko sa babaeng kumukuha ng order.

"Sure ka girl fries lang kakainin mo?"

"Busog pa ko"

"Here's you order ma'am" Sabi ng babae dala ang aming order.

"Thanks"

Nagsimula na kaming kumain at pagkatapos ay nagbayad kami at umalis...

Nandito na kami ngayon sa kalsada hinihintay ang aming mga sundo.

"Tagal naman nila" naiinip na sabi ni Kelly

"Same" Sabi rin ni Kira

"Magnanakaw" biglang sigaw ng katabi naming matandang babae...

"Hawakan mo muna" Sabi ko kay Akira at bigay ng aking bag...

"Bakit?" Tanong niya pero hindi ko lang ito pinansin saka tumakbo para habulin ang magnanakaw...narinig ko pa ang sigaw nila pero hindi ko na ito nilingon pa...

Lumiko ang lalaki sa isang kanto kaya sinundan ko ito....hinubad ko ang sapatos ko saka ibinato sa kanya at----- headshot....galing ko talaga.

Natumba ito kaya tumakbo ako palapit sa kanya at kinuha ang bag ng ale...

"AN TANG INA MO!" sigaw ko matapos niya akong itulak at kinuha muli ang bag...tatakbo sana muli ito pero sinipa ko ang muka nito at ayun tulog kinuha ko ulit ang bag at saka ang sapatos ko bago tumakbo pabalik...

"Ito na po" pagbibigay ko ng bag sa ale...

"Salamat iha" sagot niya

Pumunta na ako sa mga kaibigan ko at kinuha ang aking bag...

"Anong nangyari sa iyo?" Tanong ni Kelly

"Don't tell me hinabol mo yung magnanakaw?" Tanong ni Akira

"What do you think?" Tanong ko pabalik.

"OH-MY-GOSH!" sigaw nilang dalawa sabay hawak sa bibig

"Pwede ba tumahimik nga kayo ang O-OA niyo"

"Ho----" di na niya natuloy ang sasabihin niya dahil biglang dumating si Mang Bert at kasunod niya ang mga sundo ni Kelly at Akira...

Save by Mang Bert.....