webnovel

Revenge:Secret Queen

Revenge.. that's what Avery has imprinted on his mind since his brother's death... because that's why he did everything to learn to fight... but what will happen when he finds her...

Annariex_Writes · วัยรุ่น
เรตติ้งไม่พอ
38 Chs

Chapter 16

Chapter 16

"Ibaba niyo ang mga baril niyo" utos ko sa kanila na agad naman nilang sinunod...

"Yes queen" Sabi nila at ibinaba ang kanilang baril...

"Ang mga bihag?"

"Nasa loob po" sagot nila

Naglakad ako papasok sa loob sumunod naman sila sa akin pero bigla silang hinarang ng mga tauhan ko at tinutukan ng baril kaya nagsalita ako...

"Papasukin niyo sila...mga kaibigan ko sila." utos ko na sinunod nila binaba nila ang mga baril nila at nagbigay daan para makapasok sila...

Ng makapasok kami sa loob ay agad akong pumunta sa elevator sumunod naman sila sa akin at nagtanong...

"Bakit ka nila tinawag na queen?"

"Bakit sila may mga baril?"

"Kaninong bahay to?"

Mga tanong nila...ito talaga ang pinaka ayaw ko sa lahat ang sumagot sa mga tanong...

"Sasabihin ko sa inyo mamaya"

Ng makarating kami sa second floor ay nakita ko ang 20 kung mga tauhan na kumakain at ang dalawang bihag na nakatali sa upuan at may tela na nakatali sa bibig nila at mata...

Agad akong nagtungo kay Austin at kinalagan ito...Ng makalagan ko ito ay bigla itong yumakap sa akin at nagsalita...

"Ave akala ko mamamatay na ako" Sabi niya

"Sal-----" Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya dahil bigla siyang tinulak ni Ty dahilan para mapaupo siya sa sahig....

"Aray bat mo naman ako tinulak...para yakap lang...di ko naman aagawin sayo si Avery" Sabi niya at tumayo...nagtawanan naman silang lahat kasama na don mga tauhan ko...Ang mukha kasi ni Austin ay parang batang naagawan ng lollipop...

Pumunta ako sa bihag at tinanggal ang tela sa bibig at mata at nagsalita...

"Sino ang leader niyo?"

"WALA KAYONG MAKUKUHA SA AKIN..." Sigaw niya sa akin abat matapang ka ah...

"XAV" Sigaw ko sa tauhan ko

"Q-queen"

"Ang baril" Sabi ko sa kanya binigay niya naman sa akin ang baril...ng maibigay niya sa akin ang baril ay itinutok ko ito sa ulo niya...Nakita ko naman ang takot sa mga mata nito...

"Magsasalita ka o pasasabugin ko ang madumi mong utak.." kapag nagmatigas pa to sasabug talaga ang utak ng lalaking to...

"HINDI AKO NATATAKOT" sigaw niya ulit sa akin at....

*Banggggggggggggggggggg*

"Linisin niyo to" utos ko sa kanila

"Y-yes queen" sagot nila sa akin at pinuntahan ang bangkay ng lalaki...

Nakita ko namang nabigla ang mga kaibigan ko sa ginawa ko... naglakad ako papunta sa kanila at umupo sa couch...

"Iwan niyo muna kami" utos ko sa mga tauhan ko na agad naman nilang sinunod...

"B-bakit mo binaril ang lalaki?" Tanong ni Tristan

"Isa siya sa mga nagnakaw sa bahay namin..."

"Ngayon sabihin muna" Sabi ni Klyde bumuntong hininga muna ako bago nagsalita...

"Isa akong mafia grupo ko ang rank 1 sa mafia world..."

"Pero pano?"

"Long story"

"Kaninong bahay to?" Tanong ni Levi

"Sa akin"

Tiningnan ko muna ang wrist watch ko bago nagsalita...

"Dito nalang kayo matulog alas syete na ng gabi...pumili nalang kayo kung aling kwarto ang gusto niyo..."

"Huh? Saang kwarto" tanong ni Levi

"Oo nga pala nakalimutan ko" Sabi ko at naglakad papuntang pader sinenyasan ko naman silang sumunod...

Ng makarating ako sa pader ay kinatok ko ito ng limang beses at----biglang bumukas ang pader bumungad dito ang maraming kwarto bale 20 kwarto ang nandito...Nakita ko namang namangha sila...

"Pumili nalang kayo kung saang kwarto kayo matutulog..." Sabi ko at naglakad papunta sa aking secret room...