Tawa ako ng tawa nang magsimulang mag kwento si Cedric kinabukasan ng child hood memories nya kasama si Ace.
"Ang iyakin, tumakbo pa papunta kay Tita nang makita ang rabbit. Para naman siya kakagatin noon" Pag ku kwento nya.
Naghihintay kami ngayon sa office nya at 11:30 na nang makarating kami. May meeting pa sya kung kaya naman naghintay muna kami sa labas ng office nya.
"Ang cute nya naman noon." Ngiting sambit ko na ikinatango nya.
"Mabait naman ang dating ace, mapagmahal at maalaga. Halos wala ka nang hahanapin dahil ma eefort din sya. Wala siyang pakielam kung ma-late sya o ano, gagawa pa palagi nang paraan makasama ka, kahit pa busy sya." Sambit nya kaya napa tango ako.
"Swerte din siguro nung mamahalin nya," Sambit ko bigla kaya napatingin sya sa akin.
"Huwag ka ngang ganyan, inuuna mo na agad yung pagiging emosyonal mo, subukan mo muna bago ka sumuko. Ikaw na rin ang nag sabi nyan diba?" Pag comfort nya sa akin kaya napa buntong hininga ako.
"You're right." Tumingin ako sa kanya at ngumiti nang biglang may narinig kaming naglalakad papalapit sa amin.
Napatayo kaming dalawa nang makita si Ace, kasama ang secretary nyang lalaki na naglalakad. Sinyenyasan ako nang secretary nya na sumunod kaya naman nagpaalam na ako jay Cedric.
"Good Luck!" Sigaw nya bigla kaya naman nahiya ako nang mag tinginan ang ilan sa amin.
Pagpasok ko sa office nya ang nakaramdam ako nang kamig dahil sa aircon. Idagdag mo pa ang lamig nang naka upo dito na tinitignan lang ako maglakad palapit sa kanya.
"Now explain your side kung ayaw mong mapalabas dito ka agad." Bungad nya sa akin kaya naman magsasalita na sana nang hindi ko alam kung saan ako magsisimula.
"Magsasalita kaba o hindi-"
"I will." Pagputol ko sa sinasabi nya.
"Sorry for everything" Paninimula ko. "Sa lahat ng pagkakamali ko noon, ang pag iwan at pagbibigay ng pag-asa sayo. Gusto kong magsimula ulit Veil." Tumingin ako sa kanya. "At aaminin kong minahal din kita pero mas nag focus ako sa buhay natin dalawa, ayoko lang na madamay ka. I can't lose you, you know that. Matagal na kitang kilala at palagi tayong magkasama noon. And it's true that I love you. Pero hindi ko nasabi."
"I'm so sorry if I failed to be your girl." Naluluha kong sambit. "Gusto kong bumawi sayo, kahit na hanggang kaibigan na lang."
Umiwas ako ng tingin dahil nakatitig lang ito sa akin nang walang emosyon. Hinihintay ang sasabihin nya at tatanggapin na lang iyon kung mawawalan na rin naman ako nang pag-asa na mahalim siya.
"I don't like this topic xy." Hindi ko pinahalata ang gulat ko nang banggitin nya ang pangalan ko. "Hindi ko ugaling mag alungkat nang nakaraan na. You're saying sorry pero mababawi mo paba yung sakit na ibinigay mo sa akin noon?"
Hindi ako nakapagsalita sa sinabi nya. He is suffering because of me, I would like to suffer myself too. Nawawalan na nang purpose sa mundong ito dahil parang galit sa akin ang mundo.
"It's fine. Kahit hindi mo na sagutin yung tanong ko. And no, all I want is to say sorry to you." Pilit na ngiti ang binigay ko sa kanya at handa nang umalis.
Karma ko na nga siguro ito dahil sa ginawa ko sa kanya noon. Ayos lang din dahil derserve ko nga yata to. Hindi siguro para sa akin ang magmahal nang tao dahil nakakasakit lang din ako.
Tumayo na ako at yumuko bilang pag galang bago umalis nang tahimik. Pagkalabas ko ay agad lumapit si Cedric sa akin at niyakap ako.
"Umalis na tayo dito please." Pag iyak ko sa kanya at ramdam kong tumango siya.
Nagpaalam siya sa sekretarya ni Ace bago kami umalis doon. Nang makasakay sa sasakyan nya ay halos tumulala na lang ako. Naging successful nga kahapon, wala rin palang patutunguhan ngayon.
"May sinabi ba siya sayo?" Umiling ako. "Bakit ka umiyak?"
"Wala, ang babaw ko lang siguro. Ang sabi ko is kahit maging kaibigan na lang ulit kami. Hindi ko rin naman siya naging ex, ayoko lang masayang yung friendship." Paghikbi ko ulit nang maalala iyon.
"Susuko kana?" Tanong nya at tumingin sa akin saglit bago tumingin sa daanan.
Umiling ako. "Hindi, hangga't hindi nya ako sinasagot doon sa tanong ko. Umalis na lang din ako para hindi sya ma pressure sa akin. Titigil na rin muna akong kausapin siya, magiging stalker na lang siguro." Natawa ako saglit dahil sa naisip ko.
"Gusto mo bang tulungan kita ulit?"
"Hindi na," Tanggi ko. "Kaya ko na to Ced, salamat. Problema namin to e, ayokong madamay ka at maka istorbo sayo."
Pagdating ko sa condo ay doon ako nakahiga. Nami-miss na ang lugar na ito ngunit hindi na ako pwede pang mag-stay dito dahil makikita ko lang sya.
Naramdaman kong sumakit ang puso ko nang maalala ulit sya. Nangunot ang noo ko nang sumakit ang tyan ko kaya napahawak ako doon. Huminga ako nang malalim at itinaas ang damit ko bago ko nakita ang tahi doon.
Hindi matanggal sa isip ko nang may sumaksak sa akin noon. Wala rin nagawa nang makatakas iyon at maaring bumalik dito upang tuluyan ako. Natawa ako nang sarkastiko at umupo sa sahig bago sumandal sa kama.
"Lanjang buhay to oh, ayaw na akong patahimikin." Sambit ko sa sarili ko.
Pagmulat ko nang mata ay nakita ko ang sarili ko doon. Puyat at walang kain magdamag dahil walang gana. "Umayos ayos ka Xy, maawa ka naman sa sarili mo, pinapatay mo na rin e." Ngiti ko sa sarili ko nang magsituluan ang luha ko.
"Kaya mo pa xy, kapit lang. Kakayanin mo to." Comfort ko sa sarili ko at nagsimula nang tumayo nang makitang madilim na.
Hindi na ako nag sapatos pa at nag ayos. Dere deretso akong naglakad at hindi pinansin ang lalaking nakasalubong ko. Nilagpasan ko iyon at pumasok sa elevator.
"You're such a waisted girl." Natatawang sambit ko sa sarili ko bago tumingin sa numero ng elevator.
****
Nag-alala sina Kuya Sean at Axel nang gabihin ako sa pag uwi at gulat na makita nila ang itsura ko.
I was wearing a hoodie and white shorts, naka paa lang din akong naglakad papunta dito. Malapit lang din naman kaya nilakad ko na.
"Anong ginagawa mo sa sarili mo? Nahihibang kana ba?!" Pinagalitan pa nga ako.
"Oo kuya, sobra. Halos mababaliw kana kakaisip kung mahal kapa ba o hindi na e." Sabay tawa ko nang ikinagulat nilang dalawa.
Inilalayan ako nang dalawa pumasok sa loob. Pasiring kong inalis ang tingin ko kaila Mommy at Daddy na may pag-alala.
"Xy, bakit ngayon ka lang umuwi. Are you okay anak?" Pag-aalala ni mommy at hinarap ako.
"Do you think I am okay mom?" Natigilan siya bigla doon at ramdam kong lumingon ang kapatid ko pati si Daddy sa amin. "Noong una, pressure and you hated me before. What's the change of heart?" Sarkastikong sambit ko, walang pakielam kung sasampalin na lang nya ako bigla.
"I'm so sorry anak," Iyak ni mommy at paulit ulit na humihingi nang tawad.
Nakatulala lamang ako at hindi na nagsalita. Tinatamad nang panoorin si Mommy at nakakaramdam na ako nang antok.
"Bukas na lang po tayo mag usap." Sambit ko at nilagpasan sya bago umakyat ng kwarto.
Nagpunta ako nang cr upang maghugas nang paa. Naghilamos at toothbrush na din ako bago mahiga at hindi na nagpalit pa.
Dumaan ang ilang oras ay nakatulala lamang ako sa kwarto. Naghabilin na din ang boss na ang nawawalang killer ay nasa lugar namin.
Pumasok si Kuya Sean na dala dala ang almusal ko pero tumanggi lang ako. "Ilang araw ka nang hindi kumakain, panay tubig lang ang laman ng tyan mo xy. May problema ba?"
Ngumiti ako sa kanya. "I'll just wait my faith, and I'll be peaceful Kuya."
Naguluhan sya bigla kaya nagsalia ulit ako. "But for now, I'll eat these meals and just wait for me outside."