webnovel

Reason To Stay [MR Series #4] (Taglish)

MysteryRomance#4 Xyria Haimeni Melendes and Veil Ace Gomez are friend's. They are known each other because of the party. Well, then. Veil is a heart broken man and he can't move on to his first love. He's always drunk at night and go home at the middle of the night. Sometimes he's actually want to suicide because of his first love. He got mad at her but he's still loving her. One time. Xyria Haimeni. Are joyful and careless girl found his friend in the bar. Are the two friends are going to a lovers? You'll see it soon.

ItsMeJulie · ย้อนยุค
Not enough ratings
41 Chs

Chapter 23

["You wouldn't come back alive, if you didn't stop seeing your friend Xy. I'm warning you,"] The voice threatened and I was unfamiliar with it.

Hindi ako naka sagot lalo na at binaba agad nito ang tawag. It should be him, siya lang naman ang may lakas na loob na takutin ako para layuan ko ang kaibigan ko.

Pagkalabas nang Hospital ay nagpunta ako sa bahay nina Tito at Tita dahil alam kong nandoon lang naman ang spoiled brat nilang anak.

"Where's Jacob.. po?" Pagbukas nila ng Gate ng mag door bell ako sa kanila.

"My dear! Come in, come in. Our son is in his room. Kumatok kana lang," Ngiti sa 'kin ni Tita kaya naman tumango na lang ako at dere-deretso na pumasok sa loob nila.

Umakyat ako ng kahaba habang hagdan nila paikot bago nakarating sa tapat ng pinto ng kwarto nya.

Malakas akong kumatok at agad naman niyang binuksan ang pinto. He was wearing eye glasses and a sando shirt with black shorts. Kita ko ang gulat sa mukha nya pero panandalian lang iyon at ngumisi sa' kin bigla.

"I knew you would came, you'll free to come in," Sambit nya at tumabi pa sa gilid ng pinto pero tumanggi ako.

"Wala akong oras para pumasok diyan, may pag-uusapan tayo ngayon at siguraduhin mong aamin ka." Hinigit ko ang pulsuhan nya para makapag usap kami sa labas ng kwarto niya.

"Xyria, my love. Kung ano man ang pag-uusapan natin ay sisiguraduhin ko na hindi ako iyon," Ngisi nito at gusto akong yakapin pero lumalayo ako.

Tumaas ang isang kilay ko sa kanya. "Paano mo masasabi na hindi ikaw ito?" Nilabas ko ang phone ko at ipinakita ang unknown number. "Ikaw lang naman ang threatened sa kaibigan ko, so it should be you." Dagdag ko pa ng tignan nya ito.

Natawa sya ng mahina bago inayos ang salamin nya at tinignan ako. "Tama ka, gustong gusto ko ng may tinatakot ako at ako agad ang papasok sa isip mo dahil sa text na iyan tama?"

Tumango ako kaya nagsalita ulit siya. "But I'm not him, love. I am obsessed with you, pero hinahayaan kita sa gusto mong gawin while watching you to always meet your lovely friend." Hinawakan nito ang kamay ko kaya agad kong binawi iyon at inirapan siya.

"Pwede bang tigilan mo na yang kahibangan mo?" Asik na tanong ko at nagsisimula ng mainis.

"Bakit ko ititigil kung sinimulan ko na, love. Walang ititigil lalo na at nag effort kapa na pumunta dito para lang kausapin ako," Kinagat nya ang labi niya para itago ang ngisi na iyon.

"Because you're not the one who's watching me secretly," Seryosong sambit ko na ikinagulat nya, ang ngising mukha nya kanina ay napalitan ng pagka seryoso.

"Fyi, Alam mo na pinapanood kita dahil sinasabi ko. And I think some guy likes you secretly and maybe your admirer."

Kumunot ang noo ko sa pinagsasabi niya at mas lalo lang sumasakit ang ulo ko sa sinasabi niya. Ano ako, high school? Sa ganitong edad ko ay magkakaroon pa ako ng admirer?!

"Stop joking around-"

BANG!

Parehas namin nilingon iyon sa baba at dali dali kaming bumaba ng hagdan para tignan sina Tita at Tito.

"What happened?!" Sigaw ni Jacob at tinignan ang magulang nya kung napahamak ba o hindi.

"Nothing anak, maybe sa tabi lang natin na subdivision-"

Umalis ako paalis at lumabas ng mansyon nila. Hindi maitago ang kaba sa dibdib ko dahil nagsisimula ng gumalaw ng kung sino man iyon. Narinig ko ang tawag nila pero hindi ko na sila nalingon at agad nag drive paalis para mapuntahan ang mahal ko.

*****

Pagkarating ko nang condo ay kumatok ako ng ilang beses ngunit walang sumasagot.

"Veil? Open the door!" Katok ko pa ulit ngunit walang nagbubukas ng pinto.

Tinanggal ko ang hairpin ko at susubukan na sana ng magbukas ulit ang pinto. But this time, it's a girl and his ex, Aisha. Ngumiti ito sa akin na parang nanalo sa loto bago ako hinarap.

"What's with the rush? He's sleeping. Nakakaistorbo ka" Sarkastikong sambit nya at umirap pa talaga.

"Dahil nag-aalala ako sa kanya at kaibigan ko siya. Ikaw, bakit ka nandito?" Tumaas ang kilay ko sa kanya habang hinihingal pa dahil tumakbo ako.

"Miss na nya kasi ako, edi pinagbigyan ko. Napakapilit e"

Tinulak ko ang pinto kasama sya at pumasok doon. Pero nakita kong parang nagising lang sya at magang maga pa ang mata galing sa iyak.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang mukha nya pero agad itong lumayo kaya napayuko ako.

"I'm sorry if I have to leave you again, dahil may ginawa lang akong importante," Halos pabulong ko dahil baka marinig ng ex niya.

Galit niya akong tinignan. "Mas importante paba sakin yan?" Malamig na sabi nya kaya napalunok ako at umiwas ng tingin.

Yes, it is very important. Dahil gusto kong maging ligtas siya dahil na involve sya doon. Siguro ay hindi pa nga ako handang ipakita o sabihin ang pagmamahal ko sa isang tao.

"Hindi mo man lang ako sinagot," Tumango ito. "Mabuti na lang at nandito na si Aisha, aalagaan nya ako xy. Hindi na nya ako iiwan tulad ng pag-iiwan mo sa akin," Biglaang sumbat nya kaya nagulat ako doon at tinignan sya.

"I'm sorry-"

"Tama na Xy, hindi na ikaw yung dating Xy na nakilala ko." Deretsong sambit nito habang nakatingin sa akin. "Pakiramdam ko ang layo mo na sa akin, sa amin. parang ang dami dami mo nang tinatago na magmulang pumasok ka diyan sa delikadong gawain na yan,"

Nagulat ako ng pumasok si Lia na galit na galit ang mukha at mukhang narinig niya lahat. Lumapit sya sa akin kasabay ng pag sigaw nya.

"We're bestfriend's for five years for pete's sake Xyria! Akala ko ba walang taguan ng sikreto pero ano to? Bakit ka nang-iiwan ng walang pasabi?" Nagsimula nang manghina ang boses niya at nanatili akong naka yuko. "Ang hirap manghula xy, hirap na hirap na ako. Ang daming nagtatanong sa amin ni Veil kung nasaan ka pero hindi namin maisagot dahil mismo kami ay walang alam kung nasaan ka! Kami mismong kaibigan mo ay hindi namin alam kung nasaan ka dahil hindi ka man lang nagsasalita, bumababa ang tingin namin xy kasi baka sabihin ng iba na wala kaming kwentang kaibigan para sayo,"

Lumapit sya sa akin. "Xy, please"