webnovel

REALizations

Sh4k3speare · ไซไฟ
เรตติ้งไม่พอ
13 Chs

Chapter 8: The Exploit pt.2

Qien Zxie Callahan

"Handa ka na ba?" Ani May habang nakahawak ang kaniyang kanang kamay sa aking kaliwang balikat. Tumungo naman na ako bilang pagtugon sa kaniya. Nandito pa rin kami ngayon sa loob ng ship, ngunit 'di tulad ng kanina, naka-lapag na ito ngayon sa isa sa mga building dito sa Metropolitant City.

Inoobserbahan muna namin ngayon ang lugar na pinaglandingan ng sasakyan namin. Kasalukuyan kami ngayong naghihintay na masecure are kung nasaan kami. It's better if we'll first know if it's safe here--- the place where we are. Baka kasi may mga survivor o kaya naman ay zombie ang magpakita at gamitin o kaya naman ay sirain ang Ship.

"Ilang oras pa ba ang itatagal niyan?" Iritadong tanong ko kay Xenon. Siya lang naman ang nag iisang member namin na batikan sa mga galawang electronics. Hence, he's the Geek of the team. Alam niya ang mga uses, effects, pati na rin ang capability ng isang Modernized gadget sa oras na mahawakan o kaya naman ay mapag aralan ang mga ito.

He just rolled look at me with his intenseful eyes. "Just wait, okay?" Sersyosong wika niya at saka bumalik na sa paghihintay.

Tss. I just rolled my eyes at him. Ang yabang! Por que siya lang magaling diyan, kailangan na niyang magsungit? Tss. Kung di lang talaga ako mabait na tao, baka kanina ko pa siya nasungitan.

ibinaling ko na lang ang atensiyon 'ko sa isang dagger na nasa kamay 'ko. Not just like other weapons here, normal lang ang dagger na hawak 'ko ngayon. Pinasadya ito para sa mga combat fight training--- if ever man na may ma-encounter kaming gano'n.

Pinasok ko ang aking daliri sa butas ng handle ng dagger at saka umaktong my kalaban ako. Iwinasiwas 'ko ito matapos 'kong dumistansya sa kanila ng kaunti. Baka kasi masagi o kaya naman ay madaplisan sila ng armas na hawak 'ko. Mahirap na lalo pa at hindi ako gaanong sanay sa mga combat weapon. Puro long-range weapong lang kasi ang ginagamit ko like bows, snipers, lasers, etc.

Napa hinto ako sa pagwawasiwas ng dagger sa paligid 'ko ng bigla na lang may humawak sa braso ko. Isang kamay na may maskuladong hugis.

Agad 'kong tinignan kung sino ang may ari ng kamay na 'yon. Napa lunok ako nang makita ko kung sino ang nag mamay ari ng kamay na 'yon. It's Clint.

"What do you think you are doing?" Few words, yet it already made me feel shiver. I shrugged at that though. No one can make me feel scared. No one!

"Don't make me state the obvious," pabalang na sagot ko naman. And because of that, his jaw clenched and his eyebrows creased as if I said something bad. I'm just stating the fact here! Sa pagkakatanda ko, wala namang masama sa sinabi 'ko ah? If that was so, why is he looking at me like I did something wrong?

"It's already done!" Sigaw ni Xenon, napalingon naman si Clint sa kaniya. At dahil do'n, lumuwag ang pagkakahawak ni Clint sa kamay ko kaya nagkaroon ako ng pagkakataong kunin ito pabalik.

"Stupid," I heard Clint whispered before he went where Xenon is. Napa buntong hininga naman ako dahil do'n. Phew! Akala 'ko, mapapagalitan na ako ng leader namin e. Muntik na!

wait... what?! Ako? Stupid?! What the fudge is going on? Nako! Kapag nag karoon ako ng pagkakaton, babawi ako sayo! For now, maybe I should focus my self first to out mission. I need to prove that I'm better than him.

Binalik ko na ang dagger na hawak 'ko sa may sabitan sa aking bewang at saka pumunta na sa kanila May.

"Na-activate mo na ba?" tanong ni Clint kay Xenon. Tumango naman ito bilang pagtugon sa kaniya. As what we expected.

Lumingon sa direksyon namin si Clint at saka ito nag salita."We'll gonna get outside after several minutes, be sure that y'all already make your mind, heart, and even your reflexes before we go." Umalis siya at naglakad sa are kung nasaan nakalagay ang mga gamit niya. Mybe he'll get some of his weapon.

I sighed. I have to focus my mind on our mission. Focus lang, focus. Fo-

Napa-talon ako sa gulat ng bigla na lamang sumulpot si May sa harapan 'ko.

"Are you ready?!" Bakas ang excitement sa mukha niya. Para siyang batang hindi na makapag hintay na bilhan ng laruan.

Napansin naman niya ata ang pagkabigla 'ko sa biglaang pagsulpot niya kaya biglang nagfade ang excitement sa mukha nito. Bigla na lang napalitan ng pag aalala.

"I'm sorry," aniya at saka hinawakan ang kamay 'ko. Para siyang isang aso sa sabik na sabik sa kaniyang amo. Ngumiti na lang ako bilang sagot, at doon na muling bumalik ang excitement sa kaniyang mukha.

Napa tingin ako sa kamay niyang hawak-hawak ang kamay 'ko. Iw. Baka may germs 'tong kamay niya, Fudy! I need to get it back, bago pa 'yon malagyan ng bacteria.

"Wait lang, I forgot something." palusot ko habang kinakapa-kapa ang bulsa ng suit na naka-suot sa akin at saka dahan-dahang kinuha ang kamay 'ko sa pagkakahawak niya. Buti na lang at hinayaan niya na lamang 'yon.

Agad akong lumayo at dumiretso sa table 'ko. Umakto akong naghahanap ng kung ano. Hindi lang naman dahil sa gusto ko lumayo kay May kaya ako pumunta dito, pumunta rin ako rito dahil gusto 'kong malaman kung ano ang kinukuha ni Clint sa table niya.

Mula sa aking kinakatayuan, nakita kong may inilagay si Clint na singsing doon sa may isang pouch at saka ito binulsa. Nothing suspicious. Mukha namang normal na singsing lang 'yon. Pero bakit kailangan niya pa 'yong ilagay sa pouch? I just shrugged my head at that thought. Siguro bigay lang 'yon ng mahalagang tao or what. I don't care about it, anyway!

Inobserbahan ko lang siya habang kunwari'y may hinahanap na gamit sa table 'ko. Paminsan-minsa'y napapansin 'kong napapatigil siya at pasimpleng lumilingon sa direksyon 'ko.

Wala namang kakaibang ginawa si Clint habang siya'y nasa kaniyang lamesa. Napa-irap na lang ako kahit 'di ko alam kung irap ba talaga ang ginawa 'ko. Nasayang lang effort 'ko. Fudges!

I sighed before I get my bag. Hindi ito masyadong kaliitan, at hindi rin kalakihan. Dito nakalagay ang ilan sa mga mahahalagang gamit 'ko - some are weapons, and somes are girly stuffs.

Yeah! Girly stuffs. In case of emergency lang. Kahit naman kasi nasa modern generation na ako, hindi pa rin mapipigilan 'yung... Menstruation.

"We have to go now!"

Napa-lingon ako sa direksyon ni Xenon. Agad akong bumaba papunta sa kanila. At pagdating ko rito ay nakita 'kong hawak na nila ang kani-kanilang mga gamit.

Tumingin ako sa may window part ng ship at nakita ko na medyo naka-tirik na ang araw na may pangalang Heliox at nasa may bandang silangan naman na mukhang papunta na sa kabilang parte ng mundo ang buwan na Ganges.

Habang naka-tuon ang aking atensyon sa bintana ay bigla 'ko na lamang naramdaman ang papalapit na yapak mula sa aking likuran. Mukhang papunta na siya rito sa amin.

Agad namang huminto ang bawat yapak - 'andito na siya malapit sa amin. "Let's go!"

Naunang lumakad si Clint at saka sumunod ako, ganon din ang ginawa ni May at nagpahuli naman si Xenon. Siya kasi ang magsasarado sa Ship. Siya lang naman ang may alam at may kontrol dito.

Huminto kami sa likod na bahagi ng Ship. Dito na siguro 'yung labasan namin. Na-eexcite na ako!

"Los Candados!" Sigaw ni Xenon. Agad naman akong tumalima sa kaniya. Para saan naman ba ang sinabi niyang 'yon? Nababaliw na ba siy-

Naputol ang aking sasabihin ng bigla na lamang bumukas ang isang parte ng Ship at saka ito pumormang hagdan. Awesome!

Pasime 'kong sinilip ang mukha ng dalawa pang kasama 'ko kung na-amaze rin ba sila gaya 'ko. Ngunit mukhang sanay na sila dahil puno ng kaseryosohan ang mababakas sa mukha nila.

Ayun pala 'yung password nitong Ship ah? Parang ang simple naman ata? Wala bang thrill? Gaya nung ibang mga napapanuod 'kong pelikula. Boring.

"It'll just work for me, not just like what you are thinking."

I just rolled my eyes at what Xenon stated. Medyo nasasanay na ako sa biglaan nilang pagsasalita through mind telecom.

Nang makababa na kaming tatlong nauna ay bigla na lamang nagsalita si Pomada-Boy.

"Wait! We need to register our DNA's first!"

Lumingon naman kaming tatlo. Bakas sa mukha naming dalawa ni May ang pagtataka. Para saan naman ba kasi yon? Si Clint naman, parang alam na ata kung bakit at kung para saan 'yon dahil wala kang makikitang bahid ng pagtataka sa mukha niya. Purong seryoso lang at walang kahit na anong emosyon. So Weird.

Nang maka-lagpas na si Xenon sa hagdanan ay lumapit siya sa gilid ng door way at saka may pinindot doon.

Teka, teka. Para saan na naman ba 'yon? Bakit parang wala naman siyang pinindot sa ship? Pure black lang kasi ang makikita roon sa may parteng pinindot niya. Shunga-sunga ba si-

Again, bigla na namang may tumunog na parang gas tank at biglang tumaas 'yung pintuan na nagsilbing hagdanan namin kanina. So para ro'n pala 'yon? Hmm. Na amaze ako, just a little bit.

"Come here!"

Agad naman kaming pumunta sa kaniya. Ibinalik niya ang kaniyang atensyon sa may gilid ng ship at may biglang tinaas na Black tinted glass.

'Yon ba 'yung register-an ng Biometrics namin? Tch. Too much science stuffs!

"Put your thumbs here," Itinuro ni Xenon ang isang tiny-LED screen. At dahil ako ang nauna sa aming tatlo nila May at Clint. Ako ang naunang magregister.

Nang maglapat ang aking hinlalaki at ang LED screen ay bigla na lang itong umilaw at lumitaw ang salitang 'Registered'. Ganoon din ang nangyari ng malapat na ng mga hinlalaki nila May at Clint dito.

"Secured na ang ship, if everman na magkawalaan tayo, tignan niyo na lang 'yung map na naregister ko sa mga wristphone niyo. Tandaan ninyo, hindi kayo pwedeng matuluan ng laway nila o kaya naman makagat man lang. As soon as possible, iwasan niyong mangyari sa inyo yon habang nasa gitna tayo ng pag-explore nitong City." Payo ni Xenon habang inaayos nito ang kaniyang Wristphone.

"Ang unang lugar na kailangan natin hanapin dito ay ang laboratory. May possibility kasi na may mga antidote ang nakalagay doon, base na rin sa sinabi sa akin ni Sir Ludwig, may mga signals ng phone ang nadetect niya sa lugar na ito habang naglilibot ang drone na pinapunta niya rito." Dugtong pa niya. Wow. Akala ko ba, si Clint ang leader? Eh Bakit parang si Xenon ang kadalasang nag le-lead sa amin?

"He's good at calculations and some brainy Stuffs, darling, can you just wait? then so I'll just let him say what he wants to. Remember, I'm still the leader and I still have the authority. Don't minimize what I can do. I'm just waiting for the right time to start the show."

Napatingin naman ako kay Clint dahil sa sinabi niya. Nye nye. Waiting. Waiting niya mukha niya!

"Good let's start!" Bibong salita ni May. Hindi halatang excited siya sa mangyayari ah? Hindi talaga halata, swear!

"Wait, teka lang. Nasaan bang part ng City itong building na tinatapakan natin?" May bahid ng kuryosidad na tanong 'ko. Nakuha naman ng tanong 'kong 'yon ang atensyon nila.

Naghintay akong may sumagot sa tanong ko ngunit wala ni isa ang nagtangka. Tinignan ko na lamang ng masama si Clint. Siya dapat ang may alam nito dahil siya ang leader namin.

Nang mapunta sa kaniya ang mata ko ay agad niya itong iniwas at itinukn sa ibang direksyon. Anong problema nito?

Sinundan ko na lang ang Mata niya at saka ko nalaman na si May pala ang tintignan niya. Hmm. Ano naman kayang meron sa tingin niyang 'yon? I wonder what it is.

"You know what to do," wika ni Clint na hindi pa rin tinatanggal ang mga mata kay May.

"Alright," talima ni May at saka sinuot ang shades niya. Inikot niya ang kaniyang mga mata sa paligid at saka humarap sa amin.

"We're at the center of the city. And this building is the Most famous 5 Star Hotel in Metropolitant. Mula rito, 1 and a half kilometers East ay matatagpuan natin ang town square. Sa paligid nitong Hotel, makikita natin ang ilan sa nga Mall and Infrastructures na dating sikat dito sa city." Pag papaliwanag niya a habang tinuturo ang mga lugar na sinasabi nito.

"I'm not sure na tamang-tama ang pinaglandingan nitong ship despite of being at the center of the City that is filled with some dangerous creatures." Dagdag pa nito.

"We don't have enough time para sa mga bagay na 'yan, we should start looking for the things that can help us through this catastrophe." I exclaimed. Hindi naman sa nag iinarte ako, I'm just being careful. Lalo pa't may nga kasama ako sa mission.

"Tara na!" anyaya ko sa kanila at saka binunot ang isang Gun-Freezer. It can freeze the person who have been hit by it's cold slime. Buti na lang at meron ako nito at upgraded na ito. Mayroon na siyang lens at flashlight.

At dahil nasa rooftop kami, dumiretso kami sa may pintuan kung saan naroon ang hagdanan. Buti na lang at si Clint ang nauna, medyo matatakutin ako sa dilim e.

Nasa hagdanan kami ngayon, binabagtas namin ang kahabaan nitong building na 'to habang tumitingin ng mga bagay na maaring nakatulong sa amin dito.

Habang bumababa ay tinututok namin ang mga flashlight sa mga weakpoints ng bawat miyembro. Si clint sa harapan, ako sa kanan, si May sa kaliwa, at si Xenon sa likuran.

Hahakbang pa sana ako ng ksang beses nghnit napa-hinto ako ng biglang may tumunog sa kabilang dulo ng hallway n tinatapakan namin sa mga oras na ito.

Dahan-dahang humakbang si Clint papunta roon sa pinanggalingan ng tunog. What the hell is he doing? Pinapahamak niya ba sarili niya? Fudge! So stupid!

"Follow me,"

'Yon lamang ang mga salitang narinig 'ko na sinabi niya. At dahil siya ang leader, agad naman kaming sumunod dito. Aish. Unfair! We should do what were the things we should do to accomplish this mission.

Nagpatuloy lang ang ingay na naririnig namin, parang dalawang bakal na nagkikiskisan ang naririnig namin. Habang kami ay papalapit ng papalapit, papalakas naman ito ng papalakas.

Hanggang sa madala kami ng ingay sa harap ng isang pintuang may naka-sabit na numerong 506.

Pumosisyon si Clint sa gilid ng pintuan at saka kami hinarap. "May you are 45 degree, Jenny you are 135 degree, Xenon you're 180, and I'll be at 90 degree."

Sumang-ayon naman kaming lahat sa sinabi niya. Sabay-sabay naming kinasa ang mga baril na hawak namin bago hawakan ni Clint ang door knob.

Nang maayos na ang lahat, dahan-dahang pinihit ni Clint ang pintuan at agad kaming nagsi pasukan.

We're in the state of shock when we saw what was the cause of the noise...

To be continued...

A/N: long time no update! Hehe. I'm really sorry, kakatapos lang kasi ng hell week- which is last week and ngayon lang ulit ako nagkaroon ng time para magsulat. Don't worry, hinabaan ko naman, eh. Haha! So, what do u think about what they saw? Comment it out!

~sh4kespeare