"ipag pa umanhin mo ang pag kaka mali ng aking mga tauhan.. at naging marahas sila sa iyo.."
ani ng hari habang nasa isang silid sila kaharap ang kabiyak nito na kanina pa sya tinititigan na kanyang kina ilang..
"w-wala ho iyon.. k-kamahalan.. ako nga ho ang may kasalanan.. dahil na bigla na lang po ako na pad pad dito sa mundo nyo.."
"walang anu man iyon ihja.. ikaw nga ang pinadala ng DYOSA dito sa aming mundo.. "
"h-hindi ko ho kayo maintindihan kamahalan..maaring nag kamali lamang po kayo o ang sina sabi nyong DYOSA.."
"hindi ma aaring mag kamali ang isang DYOSA na mag padala sya ng isang SUGO na pupuksa sa mga MUGOLLIA dito sa aming mundo. matagal na panahon na rin ang inantay namin upang dumating ang tulad mo.."
nako naman papano nya ba ma sasabi sa mga ito na hindi sya isang SUGO o ang tagapag ligtas ng mga ito wala syang kakayahang upang lumaban .
"pa umanhin nyo po pero--"
"tanging ikaw lamang ang ma kakapag ligtas sa mundo namin.. kung hindi kanya pina dala rito sa mundo namin ang isang tulad mo ay hindi tatanggapin sa mundong ito babalik at babalik ka kung saan ka nag mula. subalit hindi pumipili ang isang DYOSA kung wala kang kakayahan..ikaw ay naka takda upang iligtas kami.."
sabat ng Reyna habang may pag susumamo ang mukha nito habang naka tingin ito ng seryoso sa kanya..mariing syan napa buntong hininga.
"h-hindi ko ho alam kung papano ko ipapa intindi sa inyo na hindi ako isang SUGO. "
"nasayo ang simbulo ng dalawang mundo.. iyon ang naka saad sa libro kung sino ang may marka nun isa lamang ang pahiwatig nun ikaw ay isang SUGO. na nag mula sa mundo ng mga tao at sa mundo namin.."
sa totoo lamang na guguluhan sya hindi nya ma intindihan ang lahat ng mga sinasabi sa kanya ng dalawa.
"na guguluhan po ako.. hindi ko kayo maintindihan pano nyo na sabing nag mula rin ako dito sa mundo nyo..? "
"hindi namin alam..YASHE ihja tanging ang DYOSA lamang ang ma makakasagot sa nais mung gustong itanong..maaring ang isa ang ina o ama mo ay nag mula sa mundo namin.habang ang isa ay sa mundo ng mga tao nag mula.. "
"pero napaka imposible naman ho.. kung ang aking ama at ina ay nag mula rito.. dahil alam ko na sa mundo ako ng mga tao nag mula maging ang aking ama at ina.."
"kung ganon bakit ka may marka na ganya.."
anang ng hari bago sya napa tingin sa kanyang mga pulsuhan.. ang isang marka nanasa kaliwa nya ay kulay asul iyon habang ang nasa kanyang kanan naman ay kulay kahel
napa isip sya matagal nya narin gustong malaman kung bakit sya may marka na ganon kahit nuon paman ay palagi nyang tina tanong sa kanyang tiyahin ang mga marka nya sa mag kabilaang mga pulso ngunit wala rin naman syang makuhang matinon sagot rito.
"wala rin po ako masabi kung bakit ako meron ganto."
"na kikiusap kami sayo..bilang hari at reyna ng VERDANIA.. nais namin humingi ng tulong mula sayo ihja tanging ikaw na lamang ang aming pag asa.. hindi rin kakayanin ng mga NIGHT'S kung sila mismo ang sasagupa sa mga MUGOLLIA maging ang mga DYOSA ay hindi maaring ma nge alam dahil tanging ang tulad mu lamang ang may karapatan na talunin ang mga MUGOLLIA ang tanging kakayahan lamang ng mga DYOSA iyon ay mag bantay at pumili ng karapat dapat na pag kakatiwalaan at tatalo sa mga MUGOLLIA.."
mahabang paliwanag ng mahal na reyna. may ma gagawa paba sya wala na rin syang ma gagawa pa lalunat nasa panganib ang mundo ng mga ito at sya nga ang pinili ng DYOSA..
isang malaking respunsibilidad ang kailangan nyang gampanan. at sana ay makayanan nya at mag tagumpay sya..hindi rin kakayanin ng kanyang kon sensya na mapahamak ang mundo ng mga ito dahil sa pag tanggi nya.
"s-sige ho.. payag na po ako.. subalit hindi ko ma ipapa ngako na kaya ko nga kayong iligtas lahat.. "
nag liwanag ang mga mukha ng mga ito habang tumayo ang inang reyna at sya'y hinawakan sa mga kamaya at tudo ang pasasalamat na binibitawan.
"maraming salamat YASHECA..salamat.."
"ikina gagalak ko..ihja na tulungan kami.. maraming salamat.."
tipid na ngiti ang isinukli nya bago sya nag salita
"walang anuman po.."
ska sya yumuko sa harap ng mga ito.. bahala na kung anong ka hihinatngan ng kanyang buhay sa mundo ng VERDANIA..