webnovel

Protecting the Playboy

Themara Nixon needs to protect Webster Dect. Webster Dect is a son of an attorney. His father is a good attorney and fight for what's right but then his father got some enemies and one of them wants Webster Dect to be killed.So Themara Nixon, a secret agent needs to protect him at all cost. May chance kaya na ma inlove sila sa isa't isa?

Sheila_Jane_Turno · วัยรุ่น
Not enough ratings
12 Chs

Chapter 7

Para akong napipi sa nakita, gusto kong umalis ngunit nagpapahalata naman ako.

"You must be Themara?" tanong sakin ng isang babaeng blonde ang buhok. Tumango naman ako, masayang lumapit sakin ang babae at hinila ako papasok sa loob. Lumantad sa harap ko ang limang taong nasa loob na sa tingin ko ay mga pamilya niya.

"Hii! I'm Jason, Web's cousin." pagpapakilala sakin ng lalaking maputi at medyo singkit.

"I'm Stacey." nakangiting pagpapakilala sakin ng babaeng blonde ang buhok.

"I'm Lady."

"Jeff here!

"Yannie!"

Iniisa isa nila ang pangalan nila at nagpakilala bilang mga pinsan ni Web.

"Themara Nixon." sabi ko at ngumiti.

"EHEM!" napalingon naman ako kay Web, ngumiti naman siya sakin pero sinamaan ko lang siya ng tingin.

"So tell me, anong nangyari? Anong ginawa mo dun sa tatlo?" tanong ni Lady.

"Pinatay niya. Tch." sabat naman ni Web. Mahilig talaga siyang maki chismis tss.

"Cool!" sambit ni Jason.

"Paano mo nagawa yun? I mean, babae ka." nag aalangan pang tanong ni Stacey.

"Hindi pwedeng ang lalaki nalang palagi ang mananaig sa huli, hanggat kaya kong lumaban.. lahat kaya ko ring protektahan." saad ko sa sa mababang tono.

"Wow, so cool!" nakangiting sambit din ni Yannie.

"Anong cool don? Nakapatay ng tao, tapos cool?" pambabara ni Web.

"Edi sana pala hinayaan nalang kitang maubusan ng dugo don?" pambabara ko rin kaya ngumuso siya. Parang bakla!

"Pfft." pagpipigil ng tawa ni Jeff.

"Aalis na kami Web, magpagaling ka." kalaunay sabi nila at nagpaalam.

Naiwan naman kaming dalawa ni Web kaya nilapitan ko siya at hinampas sa braso.

"A-aray! Nananakit ka na ah!" pagtatanggol pa niya sa sarili.

"Akala ko may nangyari ng masama sayo! Litse kang lalaki ka!" inis na sigaw ko.

"Nag-alala ka?" nakangisi niyang tanong kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Duh? No way" pagtanggi ko. Humalakhak na naman siya at tiningnan ulit ako.

"Oh baket?" hindi ko maiwasang hindi kumurap ng titigan niya ko. Ano na namang drama neto?

"Sorry," panimula niya. "Sorry for making you worry."

"Kapal mo ah? Hindi nga ako nag-alala! Psh!" pasiring kong pagtanggi.

"Pwede bang mag seryoso ka?" mahihimigan na ang pagka asar sa kanyang boses.

So what?

"I'm damn serious."

"Psh. I want to fuck you right now." He blurts.

Hindi ko pinahalatang nagulat ako sa halip ay nginisihan ko lang siya.

"Paano mo gagawin yan kung nandiyan ka sa kama at may sugat pa? Tsk. Tsk." kunwaring naiiling na sabi ko at naglakad patungo sa sofa.

"Pumapatol ka na ah?"

"Sa salita lang, hindi sayo."

His eyes narrowed. Nginitian ko lang siya ng matamis at ininom ang isang basong tubig na nasa lamesa at umupo sa sofa.

"I wish I could copy and paste you into my bed." walang pag-aalinlangan niyang sabi kaya napaubo ako, nabilaukan sa sariling iniinom.

"Oh shut up!" hindi ko mapigilang hindi mainis, wala talagang preno ang bibig niya kapag tungkol na sa kamanyakan.

Humalakhak naman siya.

"Them," tawag niya sakin.

"Kung kamanyakan lang yan, wag mo akong kausapin."

"Psh. Hindi nga." paninigurado niya.

"Ano?"

"Bakit parang sanay ka sa pakikipag patayan?" napalingon naman ako sa kanya ng ibungad niya yun.

"Pinag-aaralan, Web." kunwaring sabi ko.

"Parang sanay ka na,"aniya. "Ni aso nga hindi ko magawang patayin kahit halos lapain na ako."

"Naging aso ka nalang sana."

"Baket?" nakakunot noong tanong niya.

"Wala."

"Bakettt ngaaa?"

"Wala nga!" inis na sabi ko.

"Psh. I'm curious." inis na ganti niya.

"Edi mas mapapadali ang buhay mo." walang ganang sabi ko at sumandal sa sofa.

"Ikaw babae, psh! Ewan ko ba kung gusto mo kong mabuhay or mamatay!" sigaw niya.

"Kung pwede ka lang sanang mamatay tapos mabubuhay ulit mas mapapadali ang trabaho ko." makahulugang sabi ko habang nakapikit.

"A-ano?" mahihimigan ang pagka utal sa boses niya. Bagama'y nakapikit, alam ko ang bawat reaksyon niya base lang sa pananalita niya.

"Wala ulet."

"Mababaliw ako sayo, babae!"

"Madali lang namang tawagan ang mental hospital." hindi ko mapigilang hindi mapatawa sa sinabi ko.

"Wala ka talagang kwentang kausap." Inis na sabi niya. 

Tumahimik naman ang buong silid kaya dinilat ko ang mga mata ko. Nakatulog ka na pala.

Napatingin naman ako sa sugat niya, sa mga susunod na araw ay pwede na siyang lumabas, at magpaparami na naman siya ng babae.

"Web?" tawag ko sa kanya pero hindi siya sumagot. Malamang tulog! Napasapo naman ako sa nuo ko. Great, just great.

"I don't know why I am doing this." napailing nalang ako at tumayo sa sofa at lumapit sa kanya.

"Bakit ba kita binabantayan?Psh" tanong ko sa sarili ko.

Napakapayapa ng mukha niya, parang isang inosenteng nilalang na kabubuhay lang sa mundo. At nakikita ko lang yun tuwing tulog siya. Napatawa ako sa naisip.

"Mukhang dalawa na tayong mapupunta sa mental hospital" pabulong na sabi ko at umupo sa may upuan na katabi niya. Napatitig naman ako sa mukha niya, napaka gwapo. Hindi ako bumabase sa itsura at madalang lang din akong pumuri pero sa tuwing tinitingnan ko tong lalaking to, napaka iba. Ibang-iba ang dating, ang kagwapuhan at ang ugali.

Hindi ko alam kung ano ang plano ni daddy, kung bakit gustong-gusto niyang protektahan ko ang lalaking to. Nabigyan din naman ako ng trabaho noon pero bawat detalye, alam na alam ko.

"Siguro nga bakla ka talaga." napahagikhik ako sa sinabi.

Tanga! Eh ang daming babae niyan! My subconscious added.

"Ang daming batang  nasayang dahil sayo." napatawa ulit ako sa sinabi ko. Nagiging mahalay na ang utak ko. "Pag binuhay mo yung mga batang yun, ewan ko nalang." hindi ko mapigilang hindi humagalpak ng tawa sa naisip. Napasersyoso akong muli at tinitigan na naman siya.

Napangiti naman ako at inilagay ang hintuturong daliri sa pilik mata niya na may kahabaan, pababa sa matangos niyang ilong at pababa sa labi niya.

"Ang swerte ng babaeng mamahalin mo." huli na ng takpan ko ang bibig ko. Shet!

Nagulat ako ng bigla siyang dumilat agad na dumapo ang tingin niya sakin.

"Web," Tawag ko, hindi alam ang sasabihin dahil sa pagkahiya.

Nabigla naman ako ng bigla niyang ilapit ang mukha sakin. Mga ilang dipa nalang ang layo namin at amoy na amoy ko ang mint na hininga niya kahit kagagaling lang nito sa tulog. Nakatulog nga ba? Pinigilan kong mapakagat labi dahil sa katangahan ko. Hinawakan niya ang mukha ko ng yumuko ako, nahihiya.

I look at him and he kiss me, slowly. Napapikit ako ng dahan-dahan akong gumanti ng halik. Parang kinakarera ng kung ano ang dibdib ko dahil sa kaba, hindi maipaliwanag ang nararamdaman. His looking at me intently after that kiss.

"You're lucky, then." he said and I stilled. Is he pertaining to what I said earlier?

to be continued....