webnovel

PRIDE of Friendship

"Sa pag ibig walang tama o mali, walang kasariang pinipili kapag mahal mo ipaglaban mo. LOVE IS LOVE!"

lyniar · วัยรุ่น
Not enough ratings
94 Chs

Chapter 30: Foundation Day (Continues)

Habang nag mamadali naman si Gaile sa kaniyang paglalakad nakabanggaan nya si Kenny "tumingin ka naman sa dinaraanan mo."

"So—Sorry…"

"Gaile?"

At nakahabol naman yung dalawa ni Tikboy at Uno "oh, anyare sa inyong dalawa." Anila.

Tinulungan namang tumayo ni Tiboy si Gaile at si Uno naman ay kay Kenny "bakit ba parang humahangos kayo? Ano bang meron? At madaling-madali ka naman dyan ha Gaile? Para hindi mo ko mapansin."

"Sorry naman. Pupuntahan kasi namin si Barbie sa booth ng mga SC. Hindi mo ba alam siya ang muse nila ngayon."

"Ha? Si Barbie? Paano? At bakit?"

"Ah… mamaya ka na mag tanong bilisan nyo na dyan." Ang sabi naman ni Gaile at nag tatakbo na sumunod naman agad si Tikboy at susunod na rin sana si Uno ng bigla syang hinila ni Kenny.

"Sabihin mo ano ba talagang nangyayare?"

"Sumunod ka nalang kasi makikita mo rin naman eh."

"Haysss… pasaway kayo."

At sumunod na nga rin yung dalawa at habang wala pa naman yung apat roon sa booth ng Student Council marami ng naka pila sa booth nila para mag pa kasal kay Barbie.

"Senior. Ayoko na po nakakapagod na ang dami pa nilang naka pila nagugutom na po ko." Ang pa bulong na sambit ni Barbie kay Jemie na binibilang ang mga naka pila sa wedding booth nila.

"Baby girl, saglit nalang yan don't worry sisiguraduhin kong mataas ang extracurricular mo."

"Pero Senior hindi ko naman kilala yang mga yan."

"Wag kang mag alala andito naman ako sa tabi mo tsaka kung gutom ka na mag oorder ako ano bang gusto mo?"

"Fried chicken po."

"Yun lang?"

"Hayyyysss… hindi po ang gusto ko talaga mag pahinga na."

"Okay ganito nalang, sasabihin ko sa mga student na naka pila kakain ka muna para makapag pahinga ka na rin then babalik ka rin dito okay?"

"Sigh… okay po wala naman akong choice."

"Okay sige na, pumunta ka na sa likod nitong booth at intayin mo ko para makakain na tayo. Sasabihan ko lang ang mga naka pila at ang mga ka SC Member natin."

"Um."

At umalis na nga si Barbie sa booth at nag reklamo naman ang ilang mga nakapila na pinaliwanagan naman ni Jemie "sighhh… bakit kasi may ganito pa?" aniya at naupo sa bakanteng upuan roon sa likod ng ng booth.

"Pagod ka na?" Ang bungad ni Manix na may dalang inumin.

"Se—Senior Manix." Ang nagulat na sambit ni Barbie at iniabot sa kaniya nito yung dalang inumin.

"Uminom ka muna mukhang exhausted ka na kakangiti mo sa camera."

"Ah…salamat po senior."

Nakiupo rin naman si Manix sa tabi ni Barbie pero naka one chair apart sila "wag mo na kong i-po grabe naman eh senior na tapos may po pa? Wagas ginawa mo naman akomg senior citizen."

"Ay, sorry po…ay…"

"Pffft… alam mo nakakatuwa ka."

"Hmm?"

"Well, nung una palang kitang nakita parang may something na satin na di ko maipaliwanag eh."

Barbie gulped "so—something po?"

"Hahahaha… creepy ba? Sorry, hindi naman something na romantic yung feeling na lukso ng dugo ganun."

"Eh???"

"Hehe… I don't know pero parang ang gaan ng pakiramdam ko sayo tapos magka surname pa tayo. Galing no?"

"Eh? Zamora rin po pala ang surname mo?"

"Um. Kaya siguro parang ang gaan-gaan ng kalooban ko sayo."

"Woah. Hindi ko po alam na may ka apelyido pala ako dito sa AGA bilang newbie po kasi ako. Hehe…"

Sa isip-isip ni Manix "parehas pa kaming may isang dimple at sa kanan rin yung sa kaniya at lalong lumalalim kapag naka ngiti sya. Gusto ko pa syang makilala."

"Senior?"

"BIE!!!!" Ang sigaw naman ni Gaile kaya nakapukaw naman iyon ng atensyon nung dalawa at napatayo si Barbie at sinabing "Gaile?"

Nasa may likuran lang ni Gaile sila Kenny at Uno at napa nganga sila sa itsura ni Barbie "si---si Barbie ba talaga yon?" Ang gulat na gulat na sambit ni Uno.

Lumapit naman si Barbie kay Gaile at niyakap nila ang isa't isa "bakit hindi mo ko sinabihan na dito ka pala sa booth ng student council?"

"Ah… eh… hindi ko rin kasi…"

"Hiyiee…" Ang greetings ni Manix

"Senior." Ang sabi naman ni Gaile.

"Kamusta kayo? Yung booth nyo okay naman?"

"Senior!!! Andito rin po ako." Ang sabi naman ni Tikboy.

"He—Hello."

"Bie!!! Senior Manix." Ang bungad ni Uno at tahimik lang naman si Kenny at ngumiti lang kay Manix at tumingin sya kay Barbie pero hindi sya pinansin nire. "Grabe ang laki ng pinagbago mo Bie lalo kang naging cute." Dagdag pa ni Uno.

"Ha? Ah… Kasi…"

"Don't need to explain halika na sa classroom natin hindi dito ang booth mo." Ang sabi naman ni Gaile na hawak na ang kamay ni Barbie pero biglang may pumigil sa kanila dahil dumating si Jemie at sinabing "where will you take her?"

Paglingon ni Gaile nakita nya si Jemie then she smirked "oh… look whose here… ang SC President na nangunguha ng member."

"Huh! Ako ba ang tinutukoy mo Ms. Gaile or rather… Mr…"

"SHUT UP! Barbie halika na."

"No! Hindi sasama sayo si Barbie."

"Huh! Don't use your position here newbie lang si Barbie kaya wag kang epal diyan."

"Ah… eh…" Ang na sabi naman ni Barbie.

"Sinong epal? Baka ikaw! Basta-basta ka nalang naghihila ng member."

Pinaghihilahan na nila si Barbie kaya naman umawat na si Kenny dun sa dalawa at tinanggal nya yung kamay nila sa braso nito "let's go!" kinuha nya ang kamay ni Barbie at umalis.

"Kenny!!! San mo sya dadalhin!!!" Anila.

At habang natakbo naman yung dalawa nag pupumiglas naman si Barbie sa pagkakahawak sa kaniya ni Kenny "ano bang problema mo bitawan mo ko!"

"Tumigil ka na nga! Gusto mo bang pag fiestahan ka ng mga estudyante sa wedding booth na yon?"

"Sye—Syempre hinde!"

"Then wag ka ng umangal dyan at sumama ka nalang sakin."

"Humph!"

Mabalik naman kila Gaile dumating rin doon si Thew kasama si Niro…

"Nasan si Barbie?" Ang tanong agad ni Thew kay Jemie.

"Wala na, tinakas na ng mortal enemy mo."

"Ha?"

"Kasalanan mo kaya dapat lang na isinama sya ni Kenny bwiset ka kasi." Ang galit na sambit ni Gaile.

"Sinong bwiset ha? Sumosobra ka na Gaile!"

Inawat naman ni Manix si Jemie at si Uno, Tiboy naman ang umawat naman kay Gaile dahil susugurin nila ang isa't isa.

Ang sama naman ng mood ni Thew ng marinig nyang kasama na naman ni Kenny si Barbie "san sila pumunta?!" wala namang sumagot sa tanong nya kaya lalo syang nagalit at sumigaw "SUMAGOT KAYO!!!"

"Kumalma ka nga! Itinakas lang ni Kenny si Bie kasi pinaghihigitan ni Gaile at ni Pres. Jemie si Barbie kaya yon... Sigh… ewan ko sa inyo makabalik na nga Tikboy tara na." Ang sabi naman ni Uno.

"O—Oo andiyan na. Gaile?"

"Sunod ako."

Ang sama naman ng tingin ni Jaime kay Gaile at hinila sya nito "hoy…bitawan mo nga kong babaeng unggoy ka."

"Manahimik ka!"

Napa buntong hininga naman si Manix at nag paalam na kila Thew at Niro "bisita kayo sa booth namin Senior." Ang sabi ni Niro.

"Sige mamaya tignan ko. Mauna na ko sainyo."

At naiwan nalang yung dalawa ni Niro at Thew sa likod ng wedding booth ng SC "Thew, ayos ka lang?"

"Bumalik na tayo."

"Si—Sige bro."

Samantala tumigil sila Jemie at Gaile sa likod ng isang classroom "ano ba Gaile?!"

"Tsss… sabihin mo nga anong binabalak mo kay Barbie?"

"Tigilan mo ko Gaile wala akong panahon sayo."

"Huh! Bakit feeling mo may panahon ako sayo?"

"Aba't! Mas matanda pa rin ako sayo kung maki pag usap ka sakin parang mag ka age lang tayo ah, mas okay pa sayo si Barbie."

"Yon! Edi lumabas rin ang totoo may gusto ka na ngayon sa babae? Ha? Jemie?"

Ang sama ng tingin ni Jemie kay Gaile at papalapit sya rito kaya napa atras si Gaile at napasandal sya sa isang puno then Jemie enclosed her to his arm "bakit nagseselos ka ba? Hindi ba tomboy ka? Ms.Gaile?"

Tinulak naman ni Gaile si Jemie "wag mo kong simulan Jemie dahil alam ko ang baho mo."

"Huh! Bakit hindi ka parin ba na amin sa magulang mo? Baka gusto mong ako na rin ang mag sabi sa kanila na wala ng engagement na magaganap."

"Huh! No need dahil na sabi ko na sakanila pero wag kang mag alala dahil hindi ko sinabi sa magulang ko ang lihim mong isa kang bak..."

Hindi naman na ituloy ni Gaile ang sinasabi nya dahil biglang tinakpan ni Jemie ng kamay nito ang bibig nya at nag tago sila sa halamanan dahil may dumating na isang grupo ng kalalakihan.

"Mmmm…Mmmm…"

"Shhh… wag ka na munang maingay Gaile."

"Mmm…"

"Shhh!"

Nakikinig yung dalawa sa usapan nung grupo ng kalalakihan na pinamumunuan ni Ronmar na kilala bilang siga sa AGA at sya rin ang kuya nu Yveth.

"Boss, dala na namin." Ang sabi nung isang lalaki na may dalang itim na belt bag.

"Good, siguraduhin nyong walang makakahalata sa plano natin kung ayaw nyong malintikan sakin." Ang sabi naman ni Ronmar.

"Oo Boss kaming bahala naka ready na rin yung mag babayad at walang makakahalata dahil maraming tao ngayon dito sa AGA."

Binuksan naman ni Ronmar yung belt bag at may inilabas syang parang gramo ng pulbos na kulay puti pero kumikinang ito.

"Ayos ba Boss? Malaki na naman ang kikitain natin dyan."

"Basta maging maayos ang bigayan malaki ang ipaparte ko sa inyo."

"Yon! Wag kayong mag alala Boss hindi kami papalpak."

Nag kakabulungan naman sila Gaile at Jemie "dru—drugs ba yung hawak ni Ronmar?"

"Shhhh… wag kang maingay!"

Nag dulot ng pag galaw ng halaman ang naging move nila Jemie at Gaile kaya nakaagawa yun ng pansin nila Ronmar "tignan nyo!"

"Yes Boss."