Chapter 28: Selection Project
Haley's Point of View
Pinapanood naming lahat ang presentation na ginawa namin sa Short Music Video sa classroom ng nakasarado ang buong ilaw. Kaya parang na sa sinehan lang din kami.
Ngayon ang deadline kaya may kanya-kanya kami ng salpak ng flash drive sa projector device. Natapos na 'yung iba kaya turn na nila Jasper sa pagpapakita nung project nila. Huli naman iyong sa amin.
Ngumisi si Rose na nasa tabi ko't inayos ang kanyang eye glasses. "Humph. Save the best for last. Very good, Ma'am."
"Masyado mong ino-overstimate ang team natin."
Humalukipkip siya't lumingon sa akin. "Pinanood mo ba talaga 'yung MV natin?" Tanong niya kaya sumandal ako. Hindi pa naman nagsisimula 'yung video nila Jasper.
"Pinanood ko." Sagot ko at sumimangot nang kaunti. "But it doesn't mean it's guaranteed na tayo ang mangunguna--"
Bigla niyang inilapit ang sarili niyang mukha sa akin kaya nagkadikit ang ilong naming pareho. "Kung sinunod natin 'yung mechanics na sinabi ni Ma'am, walang problema." Mas lumapit pa siya sa akin kaya umurong ako nang hindi nagkakahiwalay ang pagdikit ng ilong namin. "At hindi ka ba nagtitiwala sa judgement ko?"
"A-ah, nagtitiwala."
"Good! Trust me, hindi mababalewala 'yung pagod at puyat natin dito." At bumalik ang tingin niya sa harapan na may proud na ngiti sa kanyang labi samantalang lumingon naman ako sa kung saan na hindi inaalis ang tingin sa gawi niya. Talagang ayaw niyang magpatalo.
Pumunta sa harapan ni Rose si Aiz. Tinakpan niya ang kanyang kalahating mukha ng hawak niyang pamaypay at tumawa na parang isang donyang kontrabida sa isang palabas. "Oh hohohoho! Mapapanood n'yo rin 'yung ganda ng presentation namin! Baka mapanganga pa kayo."
Ngiting umismid si Rose. "I like your confidence, Aiz, But we're gonna win this one." Pagkasabi pa lang niya no'n ay nakita ko ang pagkairita ni Aiz dahil sa kaunting pagtaas nung kaliwa niyang kilay.
"Hoy! Upo!" Sigaw ng isa sa blockmates namin.
Nagpameywang naman si Aiz. "Sino sinisigawan mo?!"
"Luh! Pampam! 'Di ko makita!" Sigaw pa nito kaya pinagalitan na sila nung titser namin. Bumalik na nga sa sariling upuan si Aiz habang pinapanood naman namin 'yung short MV ng grupo nila Reed.
Nagsimula iyon sa madilim na parte ng lugar. Nakaupo ang lalaki sa isang upuan na nandoon sa likod ng liwanag. Noong paunti-unting tumapat sa kanya, nagpakita ang nakatungong si Jasper.
Tumayo siya at tumapat doon sa liwanag. Noong idiniretsyo niya ang tingin sa camera, doon nagsimula ang music video dahilan para magkaroon ng hiyawan sa buong classroom habang napangiti naman ako. Pero napaawang-bibig din noong marinig ko ang vocal. Boses ito ni Reed kaya namilog ang mata ko't napatingin sa kanya na nandoon sa pagitan ng mga upuan sa kaliwa't kanan dahil siya ang gumagalaw ng laptop para makapag play ng video namin.
Ibinalik ko ulit ang tingin sa harapan. Well, I admit it, ang cool.
Nakagapos ngayon ang dalawang pulso ni Jasper sa metal habang kaharap ang salamin. Nagkaroon ng transition effect. Nakatayo na siya pero pero may hawak na baril. Sa salamin ay nakangiti si Jasper samantalang blanko lamang ang mukha niya sa actual. 3 seconds bago niya itapat ang baril sa salamin at binasag.
Nahulog siya bigla sa video, sa pagkahulog niya ay may humawak sa kanan niyang kamay. Itinapat ang camera sa itaas at nagpakita ang isang malabong babae. Pumikit sa pagkakasilaw si Jasper nang dahil sa liwanag na 'yon hanggang sa unti-unting luminaw at nagpakita 'yung kaklase namin. Ngumiti ang babae pero lumuha roon si Jasper.
"Eye drops 'yan, guys." Natatawang sabi ni Jasper habang turo-turo ang sarili noong magkaroon ng kumento ang mga kaklase namin na marunong daw pala siyang umiyak.
Pinanood lang namin nang pinanood. At sa totoo lang ay nakabuka ang mga bibig namin sa mga kagrupo ko habang napahawak naman si Rose sa mga kamay ko.
Wala kasi kaming ideya kung coincidence lang ba pero 'yung video na ginawa nila ay kabaliktaran nung sa amin.
Noong matapos 'yung Short MV nila. Pinakita roon na nasa liwanag na si Jasper kasama 'yong babae.
Sa Short MV kasi namin ay nagsimula kami sa liwanag bago mapunta ang isang character sa dilim.
"Whoa." Manghang kumento ni Rose. "Pero hindi, malakas pa rin ang loob ko tayo pa rin mangunguna."
Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Claire na nandoon sa tabi ko sa kabila kaya pilit akong natawa.
Natapos na 'yong presentation nila Reed kaya binigyan namin sila ng malakas na palakpak. Kumpara sa mga nauna, mas malakas ito.
Makikita rin kung sino ang may potensiyal na mabibigyan ng malaking grado.
"Next." Tiningnan kami ni Ma'am kaya tinanguan ako ni Claire bago niya inabot sa akin ang flash drive para sana ako ang magsasalpak niyon nang tumayo si Jin para pumunta sa harapan ko.
"I can't let a woman do the work." Kinuha niya sa kamay ko ang flash drive na medyo nagpataas pa sa balahibo ko dahil dahan-dahan din niyang inalis 'yung kamay niya sa mga palad ko.
Umurong ako kasi masyado siyang malapit sa akin. "O-okay." Sagot ko na lang bago ako bumalik sa pag-upo.
Nag lean naman si Rose sa akin para bulungan ako. Naglakad na rin si Jin para puntahan kung nasaan si Reed. "Nagiging close na talaga kayo lately, ah?"
"It's because we're in the same group, mag kaklase pa."
Lumayo siya sa akin para bigyan ako ng makabuluhang tingin. "I think you're not stupid enough para 'di mo maintindihan 'yung ibig kong sabihin, ano?" Tanong niya. "Oh, baka talagang stupid ka?" Hindi makapaniwala niyang tanong.
Tumaas bigla ang kaliwa kong kilay dahil sa sinabi niya. "You didn't even hesitate to tell those mean things to me. Ano'ng gusto mong palabasahin, huh?" At ini-stretch ko ang mga pisngi niya. Bahala siya kung maging cheeky siya.
"M-Mashakeeet, Haleeeee." si Rose.
"Ang ingay n'yong dalawa diyan. Para kayong bubuyog." Daing ni Claire habang nakasalong-baba na nakatingin sa projector screen. "Gosh, gusto ko ng matulog." Humikab pa siya 'tapos ay nag heads down. "Good night."
Binigyan namin siya ng walang ganang tingin ni Rose nang may pumasok sa utak ko. Lumapit ako sa tainga niya't bumuga roon kaya napaupo siya kaagad at inis na tiningnan ako habang hawak-hawak na niya ngayon ang tainga niya. "Haley." Pasita niyang tawag sa akin.
"Mapapagalitan ka kapagka nakita ka ni Ma'am na natutulog." Paalala ko saka kami pare-parehong napatingin sa harapan pero nakita ko pa sa peripheral eye view ko ang muling pag heads down ni Claire kaya muli kong ibinalik ang tingin sa kanya.
"Gusto ko ng umuwi. Gusto ko ng umuwi." Paulit-ulit na sabi niya kaya binigyan ko siya ng blankong tingin. Ah, hindi sa inaantok siya. Kinakabahan lang pala. Naalala ko kasi na nahihiya siyang magpakita sa camera. Harvey na Harvey.
Nag-umpisa na 'yong short MV namin.
Nagsimula ang video sa character ko na naghihintay sa wheelchair na tumutugtog ng Piano, isang masayang tugtog kaya tinanong ako ng mga kaklase ko kung ako raw ba ang tumutugtog kaya panay puri naman itong si Rose sa tabi ko. Iyong tipong nagiging exaggerated na masyado kaya tinakpan ko na 'yong bibig niya. Ayaw manahimik, eh.
Pinakita sa video kung paano kasaya ang character ko kasama ang tatlo niyang kaibigan kahit na naiiba siya sa lahat. Hindi siya makalakad o makatakbo.
Kung ano ang nagagawa ng tatlo ay pinaparamdam din nila sa character ko.
May scene din doon na may kanya-kanyang dark past sina Claire pero sa pamamagitan ng pagkanta ko na parang melody of hope nila ay nakatayo rin sila sa pagkakadapa nila. Tatlong grid ang pinakita roon.
Ipinakita rin ang bawat transitions ng bawat good images. Subalit sa isang iglap, napunta ang scenario sa maulan at makidlat na lugar. Hindi ganoon kaganda ang graphic effects niya kumpara sa nagawa nila Reed pero full detailed ang nilalaman nung kwento. Nakahiga ako sa simento habang hinahayaan ang sarili na maulanan.
'Tapos muling nagkaroon ng side effects na unti-unting nababasag ang screen na parang sinasabi na nasisira ang buong pagkatao nung character, may 2 seconds flash, pinakita ang bibig ko na parang may binulong hanggang sa magkalat ang nabasag na salamin at mapunta ulit ako kung nasaan ako kanina noong umpisa.
Nakapula akong bestida at heels. Nakaayos ang buhok na nandoon sa kaliwa kong side habang may Red spider lilies ako bilang clip. Hindi na ako naka-wheel chair at nakaupo lamang sa pulang studio couch. Tumutugtog ako ng nakakapangilabot at malungkot na tugtog na may background ng gitara. Slow motion na nag view ang kanang bahagi.
Pinakita roon ang manika niyang kaibigan na sinasabayan siya sa kanyang tugtugin. Sa kwento ay sinasabi rito na lahat ng mga ipinakita kanina sa video ay mga kathang-isip lamang nung character ko. Isang fake reality na minimithi ngunit hindi mangyayari dahil patay na 'yong mga taong kinakapitan niya.
Bago pa man matapos, sabay-sabay kaming mga tumingin sa camera gayun din ang pagbagsak ko ng mga daliri sa bawat keys ng piano bago magsara ang kurtina.
Nawala na ang na sa video at bumalik sa home screen nung laptop kaya masigabong palakpak din ang aming narinig na parang 'yong kila Reed.
"Whooo… Tumaas balahibo ko sa last part."
"Sino nagsulat nung script?"
Kumento nung iba naming kaklase kaya flattered naman kami pero tumangu-tango lang si Rose.
Bumukas na ang ilaw habang tumayo naman si Ma'am para I-express 'yong appreciation niya sa efforts na ginawa namin sa isang buwan. Medyo mahaba-haba ang speech niya nang ilabas niya ang lipstick niya para lagyan ang kanyang bibig.
Red lips. Meaning, huwag kami makisabay sa kanya dahil seryoso na siya.
Naipaliwanag niya iyan sa amin unang kita pa lang.
Inilagay niya ang dalawang kamay sa kanyang likuran. "That said, I already have the result." Pagtaas niyas sa isang plastic folder na may lamang isang buong papel. Umayos naman kami ng upo at hinintay ang susunod niyang sasabihin. "Dalawang grupo ang babanggitin ko para mabilis tayong matapos at makakain na rin kayo--"
Tinaas ng isa sa kaklase namin ang kanyang kamay na may mataray na mukha dahil sa kanyang nakataas na kilay at paghalukipkip. "Ma'am! May ideya na kami kung sino 'yon. Hindi n'yo na po kailangan sabihin." Pangunguna nito.
"I don't care, mas maganda kung sasabihin ko kaya nga ako pumunta sa harapan dahil may announcement din akong sasabihin."
Tila para namang napahiya ang kaklase namin na iyon kaya ito namang si Aiz ay para rin namang kontrabida na natawa. "Jollibee. Bida-bida." Comment niya kaya tinaasan siya ng kilay nung kaklase namin na nagngangalang Rosette.
Pumaharap na ng tingin si Ma'am at binanggit na nga ang dalawa na pumasa sa standards niya. Nauna ang pangalan sa grupo nila Reed kaya parehong nag fist bump si Jasper at Reed samantalang nag apir naman si Aiz at ang isa naming kaklase.
Ang huli namang binanggit ay ang grupo namin kaya napangiti naman ako habang narinig ko naman ang pagbuga ng hininga ni Jin sa likuran ko na parang may nakawalang tinik sa dibdib niya. Si Claire naman, unti-unting iniaangat ang kanyang ulo 'tapos inangat ang tingin sa akin. "Ano raw?" Tanong niya pero ngiti ko lang siyang tinaasan ng kilay.
Si Rose naman ay tahimik namang humahagikhik sa tabi ko. "At ano ang sabi ko sa inyo?" Humarap siya sa amin na may pagturo sa kanyang sarili gamit ang kanyang hinlalaki.
Pagkatapos ay tumayo siya. "Ma'am! Gusto ko ring malaman kung pang ilang rank ang grupo namin sa grupo nila Reed."
"Are you sure you want to know, Miss Cadano?" Paninigurado ni Ma'am na tinanguan naman ni Rose kaya pumikit ang titser namin sandali bago siya sumang-ayon sa gustong mangyari ng loka-loka kong kaibigan.
Kaya muling binaon ni Claire ang mukha niya. "What an idiot."
Pasimple kong tinakpan ang tainga ko. Sa totoo lang, alam ko na rin talaga ang resulta. May isa kaming mistake na nagawa at napansin ko iyon noong lingunin ko si Ma'am kanina. Nakita ko 'yong ekspresiyon niya na medyo kumunot-noo kaya nagka-ideya na 'ko lalo pa noong binalikan ko ang mechanics.
"Accuracy, Precision, Resolution, and Sensitivity." Nagawa namin lahat nung mga na sa mechanics, maliban sa isa.
Ang accuracy. Ma'am didn't give us clear instructions regarding to our project. Parang sinasabi niya, we have to think it on our own.
Sa pagtitig ko sa "accuracy", doon ko lang na-realize 'yong mistake.
At gaya nga ng inaasahan ko. Kami ang pangalawa at sila Reed ang nangunguna. Siyempre hindi makapaniwala si Rose at pabalik balik ang tingin niya kina Jasper pero tinanggap na lang niya at umupo na lang ulit. "I told you, don't overestimate our team. We're not even perfect." Sabi ko.
Inayos niya ang eye glasses niya. "I'll try to be humble next time."
Ang mistake namin ay ang paglagpas sa accurate duration. Iyong kila Reed kasi, accurate ang short MV nila't saktong sakto sa buong examples na ipinanood sa amin ng titser. At hindi ako nag pay attention sa part na iyon.
Hindi kasi dapat lalagpas sa 4:30 minutes ang video pero ang nangyari, naging 5minutes iyong sa amin.
Nagsimula na ring magbigay ng announcement si Ma'am pero pagkatapos niyon ay tiningnan niya kaming dalawang grupo. "Kayong dalawang grupo na binanggit ko kanina, come to the faculty room." May awtoridad na tono sa kanyang boses kaya para namang kinabahan kami.
Pumaharap na siya ng tingin sa buong klase. "Dismiss."
***
NA SA faculty table na kami nung titser namin na iyon sa Art Appreciation.
Naghihintay kaming walo sa sasabihin niya't nakatayo lang sa kanyang harapan habang takang-taka bakit niya kami pinatawag dito.
Iniisip ko na baka ipapaliwanag niya 'yung mga nagawa namin sa short music video pero nagkakamali pala yata ako.
May kinukuha siya sa table niya bago ipakita sa amin. "The reason why I made you those projects is for me to see students who have the potential to study BS Psychology & Technology. Pinagsamang course iyan at kasalukuyang may seminar training next Thursday until Saturday. 2 nights and 3 days sa Harbarn University." Kinuha naman namin ang form at tiningnan.
"Ergh. May anim na digits akong nakikita. Ganoon kamahal?" Kuwestiyon ko habang binabasa ang na sa form. Huwag na kaya ako sumama?
"Sasama talaga ako rito." Gamit ni Claire 'yung gilid ng mata niya kaya parang ang sama sama nung tingin niya sa akin. "And you should come." Dagdag niya kaya para namang natakot ako nang kaunti kasi masyado siyang seryoso. Parang may umaapoy sa paligid niya.
"Naku, ang ganda sana." Sambit nung kaklase namin kaya lumingon sa kanya si Rose.
"Bakit? 'Di ka makakasama?" Tanong ni Rose.
"Hindi ko sure, pero hangga't maaari susubukan ko talagang makapunta. Maganda ring opportunity 'to, eh." tukoy niya sa offer.
"You can submit me the form tomorrow until Thursday. Kapag wala akong natanggap, automatic hindi na kayo makakasama." Paalala ng titser namin kaya pare-pareho rin kaming mga sumagot. Iniikot na ng guro namin ang swivel chair niya paharap sa laptop niya. "Okay, you may go."
Lumabas na kaming walo sa faculty. Kumapit si Rose sa braso ko. "Ako sa bintana, pwede?" Tinutukoy niya siguro 'yung school bus na gagamitin namin.
"Sino may sabi na sa'yo ako tatabi?" Simangot kong tanong kaya bumusangot din siya.
"Ah, si Reed ba gusto mong makatabi?" Namula kaagad ako pagkabanggit niya sa pangalan ni Reed. Eh, na sa likod lang namin siya.
Sumingit si Jin at tumabi sa akin. "Hindi, sa akin siya tatabi." Mabilis akong tumingala para makita si Jin.
"Jin."
"Caleb." Sabay hawak sa kamay ko na mabilis ko namang inalis. Naramdaman ko ang pag react nung mga tao sa paligid ko pero hindi ko pinagtuunan ng pansin.
Tsk. Hindi talaga siya titigil hangga't hindi niya nagagawa o nakukuha 'yong gusto niya. "Oo na, Caleb." Napipilitan kong sabi dahil naiinis ako sa kanya.
Binigyan niya ako nang matamis na ngiti. "Good." Wika niya at kinindatan ako. "Looking forward to seat with you." Aangal pa sana ako pero patakbo na siyang nauna.
Tinawag niya si Claire dahil didiretsyo na yata sila sa training para sa league nila kaya sumunod na nga rin 'yung babae sa kanya. "Sabihin mo sa 'min kung sasabay kang mag lunch mamaya, ah?" si Rose habang kumakaway.
Lumingon si Claire at tumango. "I'll leave a message." Aniya bago sila patakbong umalis nila Ji-- Caleb. Napabuntong-hininga na lang ako. Heto nanaman ako.
Ngiting huminto ang kaklase namin. "Oh, siya mauna na ako dahil baka hinihintay na rin ako. Kain na kayo." At pakaway na umalis iyon na kinawayan din namin.
Pinitik naman ni Aiz ang buhok niya. "Nagugutom na rin ako kaya aalis na ako," Sabay tabi niya kay Jasper. "Gusto mo sumama sa akin? Special service. Susubuan kita para hindi ka na mangalay." Itong malanding 'to.
Inilagay ko ang kanan kong kamay sa beywang. "Okay ka talagang maging kabet, ano?"
"Ano'ngsabi mong babae ka?!" Nanggagalaiting tanong ni Aiz.
Lumayo naman sa kanya si Jasper. "Hindi rin ako makakasama, binibini. Pasensiya na."
Mabilis na lumingon si Aiz kay Jasper na may pagkinang sa kanyang mata. "Binibini…" Natutuwang ulit ni Aiz sa tawag sa kanya ni Jasper na nagpairap sa akin.
"Okay lang, ginoo. Makakapaghintay naman ako na ikaw naman ang mag-aya sa akin dahil hindi ako susuko na mahalin ka."
Umakto naman akong nasusuka kaya naramdaman ko 'yung inis ni Aiz pero hindi lang niya pinansin at binigyan lang ng flying kiss si Jasper. "Next time na lang." Patalon talon siyang umalis na sinundan ko naman ng tingin. Kairita.
Nagpameywang na ngumiti si Rose. "Mukhang masaya siya." Kumento ni Rose pero binigyan ko siya ng blankong tingin.
Naglakad na palapit sa amin sina Reed. "Sabay-sabay na tayo. Doon tayo sa tambayan." Aya ni Reed kaya nginisihan siya ni Rose.
"Nag-aaya ka kasi wala si Jin." Pang-aasar ni Rose dahilan para kamutin ni Reed ang pisngi niya. Hmm, he's becoming more honest, huh?
If he will be always like this, I might confess to him first before he does.
*****