Chapter 43: Caleb's Route VII - Embrace
Caleb's Point of View
Pinapasok nga ako ni Hailes sa bahay nila gaya ng gusto niyang mangyari pero hindi ko inaasahan na sa mismong kwarto niya ako papupuntahin. Akala ko sa sala lang.
Maayos akong umupo sa edge ng kama niya habang ibinababa lang ni Hailes 'yong bag niya sa ibabaw ng study table niya. Sinusundan ko lang siya ng tingin para panuorin 'yung ginagawa niya.
At habang ginagawa ko 'yon, medyo nadi-distract ako kasi amoy na amoy ko 'yung scent ni Hailes. At mukha namang napansin niya iyon kaya binuksan niya ang air purifier.
Medyo nahiya ako kaya napatikhim ako. "Wala ba si Tita?" Hanap ko sa Mama niya. Naglakad siya papunta sa harapan ng bintana niya para iurong 'yung kurtina pasara.
"Mamaya pa sila uuwi." Simpleng sagot niya at humarap sa akin. Nakatitig lang din ako sa kanya, takang-taka kung bakit niya isinara ang kurtina niya. Pababa na ang araw kaya medyo madilim na.
Not gonna lie, medyo kinakabahan ako. May ideya ako sa sasabihin niya pero mukhang ang seryoso naman yata niya? Balak nanaman ba niya akong pahintuin na mag effort sa kanya?
"Hailes. Ano ba 'yung gusto mo pag-usapan?" Tanong ko tsaka siya nagsimulang maglakad palapit sa akin. Huminto siya sa harapan ko. "Tungkol ba 'to sa kung ano mayroon tayo?" Tanong ko habang nakatingala sa kanya na ngayo'y nakababa lang din ang tingin sa akin.
Nakita ko ang sandali niyang pag-iwas ng tingin. "Well, kasama iyan pero--"
"Hailes. Hindi ba't sabi ko huwag kang mag-alala sa nararamdaman ko?" Pangunguna ko nang makabalik 'yung tingin niya sa akin. "Or ano ba 'yung nararamdaman mo? Nape-pressure ka ba dahil parang nakabantay ako sa'yo? Kung iyan ang nararamdaman mo, wala akong intensiyon na ikulong ka--" Sa pagkakataon na ito, siya naman ang sumabat.
Umiling siya. "Hindi, mali ka." Sagot niya kaya natahimik ako sandali. Hindi pa rin niya inaalis ang tingin sa akin.
Lumuhod siya bigla kaya bigla akong napaurong nang kaunti. "H-Hailes--"
"Caleb, gusto mo talaga ako, ano?" Sinabi niya iyan na may malungkot na tono sa kanyang boses. Bakit siya nalulungkot? Tama ba 'yung iniisip ko? Patitigilin ba niya ako sa ginagawa ko?
Pumikit siya kasabay ang kanyang pagbuntong-hininga niya. "Magiging makulit ako kung uulitin ko pang tanungin sa'yo kung bakit mo 'ko nagustuhan, kaya iibahin natin 'yung tanong." Panimula niya at dahan-dahang iminulat ang mata para muli akong tingnan nang diretsyo. "Paano kung mali na nagustuhan mo 'ko?" Tanong niya na nagpatulala sa akin.
Ngumiti ako. "Paraan mo ba 'yan para hindi kita magustuhan?" Tanong ko sa kanya na nagpatawa rin sa kanya.
"Edi matagal na sanang nawala 'yung pagkagusto mo sa akin." May pagka sarkastiko niyang sagot. Tumingala pa siya lalo sa akin, subalit ngayon. Nag-iba na ang paraan ng kanyang pagtingin. Para itong biglang nawalan ng buhay.
"Gusto mo bang malaman 'yung totoong nangyari kay Mirriam?" Pagkabanggit pa lang niya sa tanong na iyon at lumakas kaagad ang pintig ng puso ko.
Haley's Point of View
Alanganin pero nagawa ko pa ring sabihin kay Caleb 'yung mga pangyayaring matagal ng tapos.
Pero sumagi pa rin sa isip ko na… baka kaya ko rin gustong sabihin sa kanya para wala siyang aasahan sa akin lalo na't alam ko sa sarili ko na ang dami na niyang nagagawa para sa akin. Sabihin nating nakakaramdam ako ng utang na loob kaya parang nagi-guilty ako.
Tahimik lang si Caleb habang nakikinig sa mga sinasabi ko. Sa sobrang dami, umabot na kami ng alas kwatro kaya nag automatic na nagbukas ang lamp shade ko.
Iyon ang nagsilbing liwanag ng kwarto.
Nagsalubong ang kilay ko nang maramdaman ko lalo ang bigat sa mata ko. Kanina ko pa talaga sinusubukang pigilan ang aking pagluha. But it seems any second or minute, lalabas na ang mga iyon. "I'm not quite sure kung maniniwala ka sa mga sinabi ko, pero… mahirap talaga. Maraming nangyari kaya hindi ko maisa-isa. Sinabi ko lang… 'yung dapat na sabihin sa'yo." Napatungo na ako dahil sa pagtulo ng luha ko pero kaagad ko ring pinunasan. "You have the rights to know after all kahit na," Napakagat-labi akong tumangu-tango. "…tapos na." Muli kong ibinalik ang tingin sa kanya.
Hindi na siya nakatingin sa akin at doon pa lang, naiintindihan ko na siya kaya umiwas na ako nang tingin. Pero muli ko ring ibinalik nang magsalita siya.
"I think that settles it."
Nagtaka ako dahil sa sinabi niya habang inilipat niya ang tingin sa akin. "You finally told me what burdens you." Aniya na mas nakapagpataka sa akin lalo pa noong ngumiti siya. "Come here--" Aabutin pa lang niya ako ay mabilis na akong tumayo paatras.
Hindi ako makapaniwalang napatingin sa kanya. "Bakit?" Gulong-gulo kong tanong. "You are supposed to get mad, so why?!" Takang taka kong sabi habang hindi pa rin niya inaalis ang tingin sa akin.
Umayo siya nang upo at tumayo rin para humakbang palapit sa akin. Umatras pa ako ng isang hakbang nang makahinto siya sa mismo kong harapan.
Ang seryoso rin ng paraan ng kanyang pagtingin kaya hindi ko mawari kung ano ang nilalaman ng utak niya.
"Hailes, sinabi mo ba lahat ng mga 'to para magalit ako sa'yo?" Paninigurado niya na hindi ko kaagad naimikan. "Kasi kung oo, imposible 'yung sinasabi mo." Pag-iling niya bago niya hawakan ang likuran ng ulo ko para hilahin ako papunta sa kanya.
Isinubsob niya ako sa dibdib niya habang yakap ako. "You've fought well," Sambit niya. "Both you and my little sister." Dagdag niya na nagpatulala pa lalo sa akin.
Iyong salitang binitawan niya at natanggap ko, hindi ko inaasahan na iyon ang makapagbibigay ng rason para lumuwag 'yong pakiramdam ko. Tila parang nabunot 'yung pinaka malaki't malalim na tinik sa dibdib ko kaya hindi nag-alanganin na nagsunod-sunod na bumagsak ang luha ko habang pinapakinggan ang pagpintig ng puso ni Caleb. Nakadikit kasi ang kanan kong tainga sa kaliwa niyang dibdib.
Tahimik lang ako hanggang sa dahan-dahan ko siyang tinulak paupo sa kanina niyang pwesto.
Pabagsak naman siyang napaupo sa edge ng kama habang napaluhod lang ulit ako. Hinawakan ko ang ibabaw ng tuhod niya tsaka ko ipinatong ang noo ko roon habang humihikbi.
Wala siyang kahit na anong sinasabi pero ramdam ko ang mata niyang nakatingin sa akin.
Mayamaya lang nang hawakan niya ang magkabilaan kong balikat para tingnan ako. Patuloy pa rin ang pagluha ko habang diretsyo lang siyang nakatingin sa akin.
'Tapos ay hinalikan niya ang isang luhang bumagsak na nagpalaki sa mata ko.
Humiwalay siya sa akin. "Thank you," Gumuhit ang isang napakatamis na ngiti sa labi niya. "…for telling me, Hailes." Nawala rin 'yung mata niya sa pag ngiti niya na iyon. Subalit bumalik din sa dati para bigyan ako ng kakaibang tingin na nagpahinto sa aking pag-iyak.
Ilang sandali nang halikan niya ako kasabay ang paghawak sa aking pisngi.
Hindi ko siya pinigilan sa ginawa niya, hindi ko rin alam kung bakit. Nanghihina ako, wala akong lakas na itulak siya at,
…parang gusto ko 'yung comfort na ginagawa niya. Tipong hindi ko na iniisip kung ano 'yong pwede niyang maramdaman pagkatapos.
Hindi ako sigurado kung ano ang nararamdaman ko. Halo-halo kaya parang walang problema sa akin 'yong ginagawa niya sa mga oras na 'to.
Although these lips that touched his are unable to smile well, I will still close my eyes and do this. So don't let go, I'm fine with this for now.
***
KUSOT-KUSOT ko ang mata ko habang papalabas ako ng gate matapos kong makakain at makapagpaalam kay Mama nang tumambad kaagad si Caleb sa akin.
Nakapamulsa siya na may ngiti gaya ng madalas niyang gawin.
"Good morning, princess."
Na creepy-han ako sa tawag niya kaya binigyan ko siya ng nakakadiring tingin. "Wala ka na bang ibang consistent na itatawag sa akin?" Tanong ko.
"Siyempre gusto ko pa rin 'yung pangalan mo dahil espesyal pero kung ilalagay ko 'yung apilyedo ko pagkatapos ng pangalan mo mas maganda." Sabay kindat kaya nauna na nga ako naglakad.
Ayoko lang makita niya na nahihiya na ako sa pinagsasasabi niya. "You're embarrassing me."
Sumunod siya sa akin para silipin ang mukha ko. "And you're blushing."
Taas-noo akong naglayo ng tingin. "Humph. Hindi mo ba pansin na natural na akong rosy cheeks?"
"But if I do this." At iyan nanaman siya sa paghawak-hawak niya sa baba (chin) ko para iangat ang tingin ko sa kanya. Napahinto tuloy kami sa paglalakad. "Won't I make you blush?" And now our lips are too close, it made me hit his head.
"You know how to die?!" Singhal ko sa sobrang hiya. Pulang pula na rin ang mukha ko kaya tumawa siya habang hawak ang ulo niya na binatukan ko.
"Hindi ako magsisising gawin 'to araw-araw."
Napatitig na lang ako sa paraan ng pagtingin niya na inilayo ko rin pagkatapos.
Nagmartsa na lang ulit ako para mauna. "Tara na lang, kung anu-ano pa sinasabi mo."
*****