Chapter 30. Free
RELLIE became well-known in UK almost a year after she signed the contract with Heynette and Company in London. That's where she resided since she left the Philippines.
Imbis na isama pa ang mama niya para i-manage siya ay sinabi niyang kaya na niya at pwede na itong mag-resign sa pagiging manager nito ngayon. Ang h-in-ire niyang personal assistant ay English. Ganoon din ang manager niya na nirekomenda ng Heynette. H&C was a luxury jewelry and specialty retailer headquartered in London. Ever since she signed with them and became their model, the sales skyrocketed, making it possible to open a branch not only in Canada, but in the US as well. Now she got an offer to visit US and accept some contracts from the other fashion lines, too.
Two-year contract ang pinirmahan niya at wala na siyang balak na i-extend ang kontrata bilang modelo, pero sa ngayon ay magfu-full time model muna siya.
Last month kasi, nagpunta siya sa isang Art Museum sa Bloomsbury, nagkataong pamilyar siya sa mga nakasabit na paintings doon. Kinwentuhan niya ang curator nang matapos ang pagtu-tour nito sa kanila.
She asked, "How did you become a curator?"
"I took art classes in college, and I fell in love with art but don't have the talent in painting. So I studied and studied, and decided to be a curator."
Napatango siya. "Do you think I can be one?"
Hindi ito naniwala sa sinabi niya. Kaya pagkatapos niyon at pinilit niyang mag-set up ng meeting sa may-ari ng museum. It was a good thing that she's from H&C because the owner was an old friend of H&C's CEO.
She became a part-time curator.
"Rellie, why do you want to be s curator?" her manager, Oliva, asked. Babae ang manager niya at matanda ng siyam na taon sa kaniya. Ang P. A. naman niyang si Emma ay mas bata sa kaniya ng isang taon.
"I'd love to provide information about the different masterpieces to the viewers."
"You can do that even if you're not one."
"Oh, please, don't tell me I should stop this now. I really want to be one. Besides, this is just a part-time. Don't worry, it won't affect our schedules," she reassured.
Sa tuwing wala siyang schedule ay nasa museum lang siya. Nakilala na nga niya ang mga palaging bumibisita roon. May isang biyuda na laging nakatitig sa isang painting ng ilang minuto, at nalaman niyang paborito iyon ng namaya nitong asawa; mayroon ding mag-ina na palaging nandoon dahil parehong mahilig sa art; there's also this group of college boys, other young men, and even older... pero siya pala ang sadya.
Pero ginawa pa rin niya ang trabaho.
Pagkatapos ay nag-request siya sa boss nila na kung pwede bang mag-set up ng espasyo sa museum dahil iimbitihan niya ang kuya niya na ilagak ang mga paintings doon para i-exhibit ng ilang araw. Pumayag ito nang malamang si Arc Prietto ang tinutukoy niyang kuya.
"Your brother is well-known, how come you didn't follow his footsteps?" kuryosong tanong nito nang imbitahan siyang mag-tsaa sa bahay nito.
Ngumiti muna siya. "I actually love painting, Madam, I created lots of artworks back in the Philippines. I do have some pictures here. Do you want to see?"
Nang tumango ito ay nagmamalaking pinakita niya ang mga kuha niya na naka-save sa cellphone.
"Wow, Ms. Prietto, you have the talent!" puri nito habang zinu-zoom ang ilan sa mga gawa niya. "Your abstract paintings are spectacular!" The old and elegant lady swiped more and more until her artwork of Sinned was revealed.
Napakurap-kurap siya nang tumagal ang titig doon ni Mrs. Hudson.
"This one..." Tinitigan pa muna nito iyon. "...it's not as great as your abstracts but I can tell you made this with pure love." She swiped and a lot of her artworks where Sinned was her subject was shown. "I can feel your emotions here. He must be your boyfriend?"
Nangilid ang luha niya na napansin agad ng ginang.
"Are you alright?"
Tumango siya. "I think I'm having premenstrual syndrome," dahilan na lang niya.
"Oh, you should be heading now, then. And about the exhibit, I want you to display your masterpieces as well. It would be great to have you both in our museum."
And just like that, her hobby became her profession. Ang lahat ng bagay ba maaaring pumunan sa schedule niya ay ginawa niya. There were swimming lessons, martial arts, and even gardening! Basta, lahat ng pwedeng pagkaabalahan. Sa tuwing mag-isa kasi siya ay para siyang idinuduyan pabalik sa nakaraan.
Hanggang sa hindi niya namalayang lumipas na ang isa pang taon, kung saan patapos na ang kontrata niya sa H&C at hindi pa siya nagre-renew. The company could not jus let go of her. They advised her to pause—to take a break from everything. Na baka na-overwork lang siya at sa tingin niya ay pagod siya kaya naisip niyang mag-quit.
Nalaman iyon ng mama niya kaya nagpumilit ito na pauwiin siya. Umuwi siya ng Pilipinas hindi para magbakasyon, kundi para lunurin ang sarili sa pagpipinta at sa kung ano-ano pang bagay.
She tried contacting her brother but he was unreachable. Sasabihin sana niyang gusto niyang lumipat ng studio, pero dahil hassle iyon at ayaw niyang magsayang ng oras ay nagdesisyon na siyang tumira sa bahay nito. Tutal ay wala naman ang kuya niya, at hindi naman ito magagalit kung gagamitin niya ang personal studio nito.
Ito pa nga ang nagsabing welcome siya sa bahay nito sa tuwing uuwi siya ng Pinas.
Pagkabukas niya sa pinto ay bumungad sa kaniya ang abstract painting na gawa niya na nakasabit sa pader. Gusto niyang alisin doon pero parang na-attach na rin kasi siya kaya hinayaan na lang niya.
At least once a week since she went on a vacation a month ago, she visited her parents' mansion. Nandoon din ang tito at tita niya. Sinunod ng mga magulang niya na tumira na lang ang mga ito sa mansiyon. Hindi na rin kasi nakatira sa poder ng mga magulang ang pinsan niyang si JM dahil naging miyembro ito ng isang sikat na idol group at madalang na lang kung makauwi.
Pagkatapos bumisita nang linggong iyon ay nagpasya siyang umuwi na lang sa bahay ng kuya niya. Pagkarating pa lang niya sa gate ay may babaeng lakad-takbong nilapitan siya.
"Miss, wala po iyong nakatira riyan," pukaw nito sa atensiyon niya at humawak sa kaliwa niyang braso.
Kumunot ang noo niya at tiningnan ito mula ulo hanggang paa.
"Alam ko. Ako ang nakatira rito ngayon," pagsusungit niya.
"Huh?"
"This is my brother's house and he always lets me stay in his house whenever I'm here in the Philippines."
Bahagya pa siyang nagtaka nang makita ang pagkamangha sa mukha ng babae; nanatiling nakahawak sa kaniyang braso.
"Excuse me, pero baka pwedeng bitawan mo ang braso ko," mataray na untag niya pero hindi ito natinag. The latter gulped before she asked her a question.
"Nasaan ang kuya mo?"
Mas lalong tumaas ang kilay niya. "I don't know."
"But you told me he always lets you stay in here. Ibig sabihin, nagkakausap kayo, hindi ba?"
"No, we still didn't talk." Nag-iwas siya ng tingin at binawi ang brasong hawak-hawak pa rin ng magandang babae. "I think isa ka sa mga babae ni kuya. Sorry, but I don't have any time for you. Excuse me."
Baka mamaya ay isa lang iyon sa mga fan girls ng kuya niya kaya pinagsungitan niya. But, damn, that lady had the looks. Baka kapag nakita ng kuya niya iyon ay mawala na ang pagiging torpe.
Pero siyempre, joke lang. Kilala kaya niya ang kuya niyang iyon.
Humigit-kumulang apat na buwan mula noong umuwi siya, at kadalasan ay wala siyang ibang ginawa kundi ang ubusin ang oras sa pag-aayos sa sarili kahit na magpipinta lang naman siya.
She also purchased a Lotus Elise Sport—two-seater black sports car, and she joined a racing club. Isa ang racing sa nagkonsumo ng libreng oras niya at masasabi niyang nagustuhan niya iyon. Ang hindi lang niya gusto ay ang pangungulit sa kaniya ng ilang mga kalalakihang miyembro, maging ang mga hindi miyembro, ng Racing Club. But, the hell she cared! She would do whatever activities and hobbies her heart wanted to, without having a room for men.
Sneek peek:
"So... what's your name? I'm Rellie, by the way."
He glanced sideways to think of a name and he answered, "Ash..."