Chapter 23. Changed
NANG sumunod na linggo matapos niyon ay nagsimula na ang renovations sa condominium unit ni Lexin. At sa loob ng halos dalawang buwan ay araw-araw yata siyang dumaraan sa Nievieras' para i-check kung may gusto ba siyang ipadagdag o ano, pero kontentong-kontento na siya sa design. It even exceeded her expectations. Magaling talagang tumrabaho si Architect Velizario. Sa susunod na tatlong linggo ay tapos na ang renovations. Pinabilis niya talaga kaya maraming mga nagtatrabaho para roon.
Ang inhinyerong kinuha niya ay tanyag din sa larangan sa loob at labas ng bansa.
"Nasaan si Engineer?" tanong niya sa isa sa mga construction workers dahil hindi niya namataan ang hinahanap. Nakasuot siya ng hard hat habang naglilibot. Sa mga susunod na araw siguro ay dadalangan na niya ang pagpunta, malaki naman ang tiwala niya kila Engineer. Mas kailangan siya sa trabaho lalo pa't naging mas abala na siya sa ospital. It was always toxic the past few weeks.
"Miss Osmeña, may emergency pala si Engr. Centeno. Nanganak ang misis niya," masayang balita sa kaniya ng electrical engineer.
Ngumiti siya at nagpaalam na. Nagpasyang dadaan sa Dela Costa Mall para bumili ng ireregalo sa anak ni Engr. Centeno. If she wasn't mistaken, it was their second child. Naikwento rin nitong babae ang nasa sinapupunan ng asawa nito nang minsang mag-meeting sila tungkol sa renovations ng unit niya. At habang hinihintay ang iba ay nagkwentuhan sila.
Nag-ring ang cellphone niya, tumatawag si Kieffer. Nakagat niya ang ibabang labi dahil pinigilan niya ang malapad na pagngiti. Naalala niyang sinabi niyang bibilisan niya ang pagkilos sa trabaho subalit sa tuwing kasama na niya ito ay nawawala na sa kaniyang isipan iyon. Para siyang normal kung mamuhay sa piling nito. So she was making excuses to de l'Orage whenever they're asking for updates. Isa lang ang nakahalata sa delaying tactics niya, ang kaniyang kababata.
"Si Mr. Sandoval na yata iyan. Sige, sagutin mo na. Kami nang bahala rito." Kilala pa rin si Kieffer bilang mapapangasawa niya. Hindi na namatay ang balita tungkol doon lalo pa't sa humigit-kumulang na dalawang buwang magkasama sila ay parati silang namamataang magkasama. Lalo na nang magsimula ang renovations sa unit niya. People were speculating once they settled down, they'd live in there.
Idagdag pa na hatid-sundo siya nito sa tuwing hindi gaanong abala kaya mas naniwala ang mga taong ikakasal sila kahit pa nga sinabi nang hindi. Sa Sandoval Hotel pa rin siya tumutuloy at iniisip din ng iba na nagli-live in sila sa penthouse nito. Pero hindi natuloy ang balak niyang sa isang single room maglagi.
Tumango siya at tuluyan na ngang umalis doon. Hindi na niya napigilang mangiti nang sagutin ang tawag nito.
"I miss you," bungad nito.
"Heh! Parang hindi mo ako hinatid sa ospital, ah? Araw-araw rin tayong nagkakasama."
"I miss you already," katwiran nito. "Sa penthouse ka na lang muna kasi tumira," panghihikayat muli nito.
Tinawanan na lang niya. "No way. Baka hindi na tayo makapagpahinga nang husto kapag nagsama tayo sa penthouse."
He groaned.
"Hmm... tapos na ba ang meeting ninyo?"
"Oo, medyo na-extend nga dahil may nagreklamo tungkol sa bagong housekeeper, hindi gaanong nalinisan ang ilalim ng kama't may ilang balat ng chichiryang nandoon."
"Eh? Pero maayos naman na ba?"
"Hm, she already apologized."
"Kumain ka na ba niyan?" pag-iiba niya sa usapan.
"Hindi pa."
"Ha?! Bakit hindi ka pa kumakain? Alas quatro na!" Medyo tumaas ang kaniyang boses.
"Parang ikaw ang gusto kong kainin."
"Hindi ka bubusugin ng kalibugan mo—"
Naputol ang sasabihin niya nang tumawa ito. "Can't wait to eat you."
Kahit hindi siya nito nakikita ay mukhang alam nitong matindi ang pamumula ng kaniyang mga pisngi. Halos dalawang linggo mula nang huling may nangyari sa kanila ay naulit muli. Maraming beses na. Bago iyon ay siniguro niyang nakapagpa-depo shot siya, dahil inasahan na niyang mauulit at mauulit ang pag-angkin nito sa kaniya. Kaya nagdesisyon na siyang pagpa-shot para sa birth control. Nang kahit ilang beses pang mag-isa ang mga katawan nila ni Kieffer ay hindi sila makakabuo nito.
"Nasaan ka ba kasi? Pa-deliver ka na ng pagkain."
"Sabay na tayo. I'm driving now, wait for me there."
Akmang magpapaalam na ito nang pigilan niya.
"Why?"
"Let's just meet at DC Mall. I already booked a cab and it will be here after a few." Tinamad kasi siyang magmaneho. Isa pa, laging nag-i-insist si Kieffer na ihatid siya nito.
"Mall? May bibilhin ka?"
"Oo, kaya roon na tayo magkita. At doon na rin tayo kumain."
Nang matapos ang tawag, lagpas limang minuto lamang ay dumating na ang cab. She was smirking by her sudden wild and worldly thoughts. Yayayain niya ito mamaya na manood ng sine, pero kung maraming tao ay kunwaring magsa-shopping na lang siya.
There was a VIP part in a particular boutique and she had membership for that place wherein she could freely shop without people surrounding everywhere. Maganda rin ang fitting room doon. Lumapad ang pagkakangisi niya. She'd provoke Kieffer later again. Kunwaring magpapaayos ng zipper ng isusukat niyang damit. Syempre sisiguraduhin niyang wala kahit isa sa mga saleslady, makikisuyo siyang ikuha siya ng ibang kulay o sizes ng matitipuhan niyang mga damit.
Then, Kieffer and her would do it quick inside the fitting room. A hot steaming quickie.
Shet... That's so hot and exciting!
She pouted so she'd stop smirking, baka magmukha siyang babaeng nagbabalak na holdup-in si Manong driver dahil sa lapad na ng pagkakangisi niya.
Napasinghap siya nang magtama ang mga mata nila ng driver. Sapagka't mukhang ito ang may balak na masama sa kaniya.
Bahagya niyang kinapa-kapa ang pepper spray na nasa clutch bag, para kung hindi niya ito magamitan ng self-defense techniques ay i-spray-an na lang niya ng pepper spray ang mga mata nitong gusto niyang dukutin dahil para siya niyong hinuhubaran sa paraan ng paninitig nito.
She wasn't wrong when she noticed they're going on a different road and he stopped driving. Iibis na sana siya sa sasakyan pero nagulat siya't manlaki ang mga mata nang biglang may pumasok na isang malaki ang bulto ng lalaki sa tabi niya't isa pa sa passenger's seat.
Hindi maipagkakailang dinamba ng kaba ang dibdib niya pero nang makita ng mukha ng lalaki sa repleksyon nito rearview mirror ay natigil siya sa pagpupumiglas.
Umigting ang mga pangang sinamaan noya ito ng tingin.
"Bakit Nikolaj? Wala ka na naman ba'ng magawa? Bakit hindi mo na lang suyuin ang ex-fiancee mo? Baka sakaling mabilog mo ulit."
Hindi nito pinansin ang panunuya niya. "Pinadala ako para sabihin sa iyong tapos na ang trabaho mo."
Nangunot ang kaniyang noo. Nagsimula naman nang magmaneho ang driver, habang ang katabi niyang parang bouncer sa laki ay dumistansya na rin. Marahil ay dahil nakita namang kalmante na siya.
"The target has been changed. And it's not the Sandovals anymore."
Para siyang nabunutan ng tinik at napasandal sa upuan. "Kung ganoon? Sino na?"
"It's a top secret. Hindi ko rin alam. Sinabihan lang akong iparating sa iyo na tapos na ang trabaho mo."
Natigilan siya. "D-does that mean I should stop seeing him?"
"Do you want to do so?" seryosong tanong ni Nikolaj.
Hindi talaga siya makakapagtago sa best friend niya.
"Mikael said you'll stop filming videos, too. You must focus on your work in VPC instead."
"At pinasabi lang ulit iyan sa iyo, 'no?"
Maging ito ay halatang naiirita dahil wala man lang kaide-ideya sa mga sinasabi nito. Na ang lahat ay pawang mga mensaheng kailangang maipabatid sa kaniya.
Mula nang maglagi kasi siya sa hotel ng mga Sandoval at hindi na siya c-in-ontact pa ni Mikael Dominguez. Palaging si Nikolaj ang nakikipagkita sa kaniya para balitaan o sabihan niya ng updates, vice versa.
"Siguro'y layuan mo na si Sandoval, Lex. Tutal, natigil na rin naman ang trabaho mo."
Umiling siya. "I'll continue seeing him."
Nakauunawang tumingin ito sa kaniya. "Dela Costa Mall," anito sa driver. Mukhang tapos na ang pag-uusap nila.
"Ano pang pakulo ito? Pwede namang tumawag 'tsaka sabihan ako. May pa-kidnap kidnap ka pa. Muntik na akong atakihin sa puso kahit wala naman akong sakit sa puso," sikmat niya.
"Wala naman. Trip lang."
She raised her middle finger and cussed at him.
Halos kalahating minuto pa nang makarating na sila sa mall. Akmang bababa na siya nang tawagin ulit ni Niko ang atensyon niya.
"Ano na naman ba?"
"Do whatever you want to. Half day na lang din pala ang magiging trabaho mo sa VPC."
"Bakit daw?"
"You will know when you go there."
"Why don't you tell me now?"
"Tinatamad na akong magsalita. Now, go, I want to go back to the resort and swim."
May private resort kasi ang pamilya nito at ito ang nangangasiwa roon.
"Oo na, huwag ka nang magpakita sa akin sa mga susunod na araw, naaalibadbaran ako sa iyo. Kung sino-sino na naman ang mga babaeng nababalitang kasa-kasama mo."
"I'm a man with sexual needs. So... yeah."
"Fuck you." At umibis na siya sa sasakyan.
He only smirked then they drove away.