webnovel

Chapter one: The life of Skye

"Ma, alis na po ako!" sigaw ko saka lumabas ng bahay para maghintay ng tricycle.

Last day ng Exam ngayon, buhay pa naman ako! Sabi sa Horoscope ko  "Happy birthday" Walang connect, pero malay mo naman!

Nang makasakay ako ng tricycle ay agad kong tinignan ang sarili ko sa salamin ng cellphone ko. Feeling ko kasi mahahagard ang buhok ko dito eh.

Panay suklay ako ng buhok pagkababa ko dahil sinalimpad lang naman ang buhok ko! May mga tumatama pa sa muka ko, nakakainis.

Maaga ako ng 30 mins kaya naman pumunta muna ako sa Gymnasium, ang pogi kasi ng Captain nila pero masungit eh.

Pagkatambay ko ng konti ay umalis na ako, papunta na akong room pero sa Banking and Finance building ako dadaan, madaming pogi don eh.

Napatigil naman ako sa paglalakad nang may marinig akong naggigitara.

Shit. Favorite ko pa naman ang tinutugtog.

Pinakiramdaman ko kung saan nanggagaling ang tunog

Nagdirediresyo lang ako ng lakad.

Napatigil ako nang makita yung tumutugtog.

Nakaupo sya sa upuan habang tumutugtog, naka headset, kumakanta din sya pero mahina lang. Muka syang nagrerecord ng kanta, tumatawa pa minsan.

Eh? Bakit sya tatawa?

Inulit nya uli ang pagtugtog, this time nakangiti naman sya.

Lalapit pa sana ako ng konti nang marinig ko mag "iloveeyou" sya

Napatitig na naman ako sa kanya.

Ahh, baka may kausap sa cellphone.

Kinakantahan nya siguro yung girlfriend, siguro.

Napasimangot nalang ako saka umalis, sayang naman, ang pogi tapos magaling kumanta at maggitara.

Next time ko nalang sya lalapitan! Hindi ko naman aagawin eh! Friends lang!

Agad akong pumunta sa building namin.

Semi-crush ko na sya! Pero hindi ko alam ang pangalan eh.

Masaya akong nagsagot ng exams, hindi ako na mental block!

"Daisyy, ano kayang pangalan nya?" Excited na sabi ko habang inaayos ang  bag ko, tapos na ang exam! Sa wakas!

"Sabi mo may Girlfriend, wag mo na icrush"

Napasimangot nalang ako, ang bait naman nito.

"Hindi ko naman kasi aagawin, duh, feeling mo papansinin ako non? Mukang loyal na loyal sya" Pagmamaktol ko saka naglakad palabas

"Edi alamin mo ang pangalan pero wag mo nalang lapitan" Sabi nya kaya napangiti ako

"Tara! Samahan mo ko sa building nila!" Sabi ko saka sya hinila

Nagrereklamo pa sya pero aalamin ko lang naman ang pangalan eh!

Tumigil muna ako saka inayos ang sarili ko, dahan dahan akong naglakad sa harap bg building nila habang pasimpleng hinahanap yung lalaki

Nakadalawang balik na kami pero hindi ko pa din makita. Baka umuwi na?

"Tara na Skye, gutom na ako" Reklamo ni Daisy

Nakailang silip pa ako doon sa pwesto nya kaninang umaga pero wala talaga. Bukas ko nalang titignan uli.

"Saan tayo kakain?" tanong ko habang naglalakad kami palabas ng University

"Gilligan's nalang para malapit" Sabi kaya, tumango naman ako

"Sa tingin mo makikita ko pa sya?"

"Baka tinaguan ka na Skye" natatawang sabi ni Daisy

"Dapat nilapitan ko na kanina eh"

"Sabi mo pangalan lang?"

"Hmp, tara na nga, bagal mo maglakad" Sabi ko nalang

Pagdating namin ay pumunta kami sa dati naming pwesto, lagi kami dito kumakain, libre nya naman eh.

Pagkalapag palang ng order ay kumain na ako, gutom na din ako eh

"Ikaw? Wala ka pa ding crush?" Pagtatanong ko

"Wala" Naiiling na sabi nya

"Gusto mo? May irereto ako sayo?"

Umiling uli sya

"Ayaw, dadating din yan skye" Sabi nya

Napanguso nalang ako saka kumain nalang.

Nang matapos na kami kumain ay uuwi na daw sya kaya uuwi na din ako.

"Ma! Nandito na akoo!" Pagsigaw ko kasi paniguradong nasa Graden na naman si Mama sa likod

"May pagkain dyan sa lamesa" sigaw naman din ni mama

"Pupunta na po ako sa kwarto, kumain na ako"

Hindi na nagsalita si Mama kaya naman pumanhik na ako sa kwarto.

Madalas kami lang ni Mama sa bahay, si Papa ay cook sa isang Filipino Restaurant habang si kuya naman ay Seaman.

Walang pagbabago ang nangyayari sakin. Puro ganito lang, wala pa nga akong plano sa future eh.

Nag tourism lang ako kasi doon si Daisy.

Buti sana kung nagka boyfriend na ako, atleast may madadagdag na ako sa Achievement list ko pero wala eh.

Kahit naman madami akong crush, hindi pa ako nagkaka boyfriend kasi ayaw pa ng Kuya ko.

Wala na ba talagang mangyayaring maganda sakin ngayong college?

At dahil wala na akong gagawin! Mag oomegle nalang ako!