webnovel

Perfectly Unordinary (Tag-Lish)

Nothing could be wrong in Rain Azarcon's life. Nasa kanya na lahat, the looks, money, brain and status. But one unimaginable thing ang nagpabago ng buhay nya. No one talks to him anymore nor listen to him, not even look him in the eyes and let him touch them.. No one but.. Faith Fajarah.. Nothing's ever perfect in her life, well, not anymore. She don't talk to anyone unless it's necessary, she don't listen to them, she avoids them and she won't look just anywhere because it's the reason why her life turned upside down. But what will happen when she explodes because someone's so stubborn around her.. in one single touch, nagsimula ng gumuho ang mundong ginawa niya..

IzannahFrame · สยองขวัญ
เรตติ้งไม่พอ
29 Chs

Chapter 23: CONCUSSION

Dahan-dahang nagmulat ng mata si Faith. Nahihilo pa siya at sobrang sakit ng ulo niya. Nilamon ulit ng dilim ang mundo niya. Nakatulog ulit.

"Ma'am, what exactly happened?" Tanong ni Raimer sa guro na kaharap. Ito yung guro ni Faith sa huling klaseng pinasukan. Nasa clinic sila ngayon, nandon din kasi yung guro dahil inatake ng nerbyos sa nangyari daw sa klase nito. Napunta naman siya don dahil nakita niyang buhat ng isang lalaki si Faith papuntang clinic. Nakita nya kasi yun nang napatingin siya sa labas ng room kanina. Kaya sumunod siya pagkatapos ng klase niya.

Nandon din ang kanyang barkada. Nakikisali pa sa pangyayare eh. Kinukutya nga siya ng mga ito. Napapailing nalang siya dahil kung alam lang nilang hindi siya ang tunay na Rain, hindi magiging ganon ang barkada niya. Hindi nga lang nila pinaalam kay Michell dahil alam na nila magiging reaksyon nito at baka magkagulo pa.

Katabi ng kama ni Faith yung guro. Hindi nila sinarado ang partition curtain ng dalaga para mabantayan kung gising na.

Nakasandal nalang yung guro at naiinis na sa kanilang lahat.

"Um.. Sir, baka po nerbyosin na naman si Mrs. Acosta dahil sa inyo. Pwede po--"

"--I want answers now, nurse. Kaya hayaan mo muna kami." Pagputol ni Raimer sa sasabihin ng nurse. Sinamahan pa niya ng nagbabantang tingin.

"Chill, pare." Pagtapik ni Kent sa balikat niya.

Hindi na nagsalita ang nurse, tumango nalang ito at iniwan sila.

Bumuntong-hininga yung guro at nagsalita na rin. "Nagdidiscuss lang ako non nang bigla nalang siyang natumba sa upuan niya. Tapos parang may nakikita siya at hindi siya makagalaw. Nilapitan ko siya at nanginginig katawan niya. Then her chair suddenly flew on her head. Malakas yung pagkakatama dahil napahiga siya non. Nagsigawan na rin yung iba sa takot dahil wala naman kaming nakita na gumawa non. Siya lang ata. Tapos tumayo siya at kumaripas ng takbo. Yun na ang buong pang yayari. Now, can you all leave me alone?"

Tumango si Raimer. Pinoproseso pa rin yung narinig sa utak. "Thanks." He mumbled and turned to look at Faith on her bed.

"That was really weird, you know." Sambit ni Jason.

Lumipat na sila sa pwesto ni Faith at sinarado na rin yung partition curtain para hayaan na yung guro.

Nagkatinginan silang apat. Pareho ang nasa takbo ng isip nila.

"Yeah, we all know that there's really something." Pagsang-ayon niya sa barkada.

"She's really a mystery." Usal naman ni Mike.

"Bro.." Pag-agaw ng atensyon ni Kent at sinundan ng lahat ang tingin nito.

Nagigising na naman si Faith.

"Gising na siya." Bulalas ni Jason. Nasa kabilang side ito ng dalaga, magkatapat sila ni Raimer. Katabi nito si Mike at si Kent ang nasa tabi niya.

Pagkatapos ng ilang segundo ay nakapikit na naman ito.

"I think this is not normal." Pagsasalita ni Mike. "It's almost two hours since she lost consciousness. And she's been on and off. I think she had a concussion."

"Ou nga." Jason agreed. "Look at that kind of bruise on the side of her forehead. That really fuckingly hurts."

"Let's bring her to the hospital right now." Pagpasya agad ni Raimer. Natatakot na din siya sa sinabi ng mga barkada niya. Akmang bubuhatin na niya si Faith pero pinigilan siya ni Jason.

"Wait, sandali lang bro. Di tayo dapat magpadalos-dalos."

Kumunot ang noo niya dito.

"Kailangan timbangin muna natin lahat. Kung makikita ka na naman nila na buhat si Faith, iisipin na nilang may pakialam ka dito. That maybe you have something for her." Paglilinaw nito.

"May something naman talaga siya dito." Pagdidiin ni Kent.

"Yeah, but they don't know that. Panibagong issue na naman to. Malalantad ka dito bro." Dagdag ni Mike.

Napaisip si Raimer. Kung si Michell ito, wala na siyang paki sa iisipin ng lahat. Saka lang siya naliwanagan.

Kinuha niya car keys niya sa bulsa at pinasa kay Kent. "Get my car. Wala na akong paki sa iisipin nila at magiging chismis na naman." This is Rain's girl. Mas importante dito ang kalagayan ng dalaga kesa ang reputasyon nito.

Aminado din siyang may responsibilidad siya dito dahil gusto ito ng kakambal niya, o kaya minahal na talaga nito. Kaso siya ang nasa katawan ni Rain at inexpect ng barkada niya na may paki talaga sya dito.

Hindi rin naman siya napipilitan na tulungan ito dahil gumaan na ang loob niya sa dalaga. Simula nong nagkausap sila, pakiramdam niya mas gumaan ang sitwasyon niya.

"I'll tell the nurse." Sabay talikod na paalam ni Jason.

"Let's bring her to our hospital. I'll make a call while we're going there." Offer ni Mike. Pamilya nito ang may-ari ng isang chain of private hospitals nationwide.

"But guys, kahit okay na tayo sa chismis nyo, let's still minimize this. Kaya sa backdoor tayo dumaan." Sabi ni Kent. "Don nalang ako maghihintay sa inyo."

"Si Michell, maghahanap yun kung nasan tayo." Pag-aalala ni Raimer. Ayaw niyang makita itong nasasaktan sa ginagawa niya. Si Rain kasi ang nakikita nito sa kanya.

"Leave her to me. Baka susunod nalang ako sa inyo sa ospital." Bulontaryo ni Kent. "Kunin ko na yung kotse." Umalis na rin ito.

Bumalik na si Jason sa kanila. "It's settled guys. Walang problema sa nurse. Basta magbigay din daw tayo ng copy dito kung ano man ang magiging record niya sa ospital."

"Okay." Sabi ni Raimer at binuhat na ang dalaga. "Let's go."

Si Jason na ang kusang nagdala ng mga gamit ni Faith. Ang bag at gitara nito.

Lumabas na silang clinic at mabilis ang pagpunta patungong backdoor ng school. May gwardiya din don at mga sasakyan lang pwede dumaan. Nasa labas nga lang ng school mga sasakyan nila.

Hindi pa rin nila naiiwasan na may ilang estudyante ang nakakita sa kanila. Agad silang pinag-usapan nito. Kita na nila ang kotse niya sa labas. Halos lahat ng gamit ni Rain ay ginagamit niya.

Nilapitan sila ng gwardiya nang malapit na sila sa gate.

Si Mike ang humarap dito, sabay kuha ng pera sa wallet at binigay sa guard. "Let us through. We're bringing her to the hospital."

Tinanggap agad ng gwardiya ang pera at ngumiti pa sabay tango. Pinagbuksan sila nito kaagad.

Paglabas nila ay bukas na ang pinto sa backseat ng sasakyan ni Raimer. Binuksan na yun ni Kent para mailagay na si Faith kaagad don.

Inihiga ng maayos ni Raimer si Faith sa upuan.

"Saan kayo sasakay? Sasama pa kayo?" Tanong ni Raimer.

"Don lang ako sa sasakyan ko sasakay." Sabi ni Mike. "I'll make the call to get everything ready there."

"Magpaiwan muna ako. Kanina pa tawag ng tawag si Michell sakin. Nakapatay kasi phone nyo kaya ako ang kinukulit." Ani Kent sabay balik ng susi ni Raimer dito.

"Hindi mo kasi pinatay yung sayo." Jason countered.

"Sunod nalang ako guys." Umalis na si Kent at bumalik sa loob.

"Tara na." Sabi ni Raimer at sumakay na sa kotse. Si Mike ay kanina pa tinungo ang kotse nito. Si Jason naman at sumampa na sa motor na nasa tabi lang ng gate.

Nauna si Mike sa byahe at sumunod na silang lahat.