webnovel

Perfectly Unordinary (Tag-Lish)

Nothing could be wrong in Rain Azarcon's life. Nasa kanya na lahat, the looks, money, brain and status. But one unimaginable thing ang nagpabago ng buhay nya. No one talks to him anymore nor listen to him, not even look him in the eyes and let him touch them.. No one but.. Faith Fajarah.. Nothing's ever perfect in her life, well, not anymore. She don't talk to anyone unless it's necessary, she don't listen to them, she avoids them and she won't look just anywhere because it's the reason why her life turned upside down. But what will happen when she explodes because someone's so stubborn around her.. in one single touch, nagsimula ng gumuho ang mundong ginawa niya..

IzannahFrame · สยองขวัญ
เรตติ้งไม่พอ
29 Chs

Chapter 17: SWEAR

"Rain.." Sambit ni Faith sa pangalan niya. He felt relieved hearing his name on her lips. Gising na nga talaga ito. He's continually gently rubbing his thumb on her cheeks, doing it unconsciously. Saka lang yun natigil nang hinawakan ni Faith ang kamay niya and pushed it away from her.

Binawi rin nito ang kamay na hawak niya. Dahan-dahan itong bumangon paupo. Rain remained kneeling on the floor, facing her. Sumandal si Faith sa pader, ipinikit ang mga mata. Iniisip ang tungkol sa kuya niya, tapos dumagdag pa si Rain na nasa harapan.

Hindi muna nagsalita si Rain, tinititigan lang niya ang mukha ng dalaga. Ramdam niyang may nangyayari, pero hindi alam kung ano yun.

She felt the longing pain. The pain of losing her only brother. Napatango siya, tinatago ang mukha sa kaharap. Tumatabon din ang mahaba niyang buhok. She felt it like it was just yesterday. Sa pagkamatay nito dati, hinintay niyang magpakita ang kaluluwa nito, pero hindi ito nagpakita. After how many years, ay ngayon lang ulit. Ngayon lang at nasa hindi maintindihang sitwasyon pa. Namatay ito dahil sa kanya. It was her fault. Until now, she's blaming and punishing herself.

She bit her trembling lips. She hated herself. She hated what she's able to. Because of their abilities, nawala ang lahat sa kanya. A tear escaped from her eyes, followed by more. Her loving and complete family before, ay nabawasan at nagkawatak-watak na. A sob came out from her.

Nalilito si Rain sa nangyayari. Kahit hindi niya makita ang mukhang natatabunan ng buhok ay rinig niya ang mahinang hagulgul ng pag-iyak nito. Her shoulders are shaking. Dahan-dahan siyang tumayo at sumampa sa kama.

Mabilis ang tibok ng puso niya at parang nahihirapan siyang huminga. "Faith.." Malumanay niyang sambit sa ngalan nito. He slowly moved closer to her. Hindi niya alam bakit, but he feels like his heart is breaking again, seeing her in this situation. Parang hindi ito ang babaeng nakikita niyang masungit sa halos lahat ng tao. Ang babaeng minsan na niyang narinig na tinatawag na 'cold-hearted' sa school nila. Bawat hagulgul nito ay tumutusok sa puso niya.

He's clenching his fist, pinipigilan ang sariling hawakan ito. He knows that she don't want him to touch her. But, damn it! Hindi na niya mapigilan ang sarili.

Rain moved her hair aside, her hands are hiding her face. Kung ayaw nitong ipakita ang mukha, then fine. He pulled her to him and chained in his arms. Mahigpit na lang niya itong niyakap. He don't know why he can't stop himself from her. Sa babaeng ito, lumalabas ang pagiging protective niya. He never want her to get hurt. Gusto niya itong protektahan sa lahat.

Mas nauuna pa ang pag-aalala niya kaysa sa pagtataka kung bakit umiiyak ito.

Then he felt she wanted to get free from him. Kahit ayaw bitawan ay pinakawalan pa rin niya. She moved aside and stood up. Sinundan nalang niya ito ng tingin.

"Umalis ka na, Rain." Napapaos na utos nito. Nanatiling nakatalikod sa kanya.

Napabuntong-hininga siya. Bakit ba hindi na siya nagulat don? Well, ganitong Faith ang kilala niya. He felt somewhat better that in just a moment, naging amasona ulit ito.

Tumayo siya at hinarap ito. Nakapagitan sa kanila ang kaunting liwanag na galing sa buwan, sumisilip sa bintana. Nanatiling nakatango lang ang ulo nito. Ayaw siya tignan.

"What's happening to you earlier?" Hindi niya lang pinansin ang utos nito. Natakot talaga siya kanina, seeing her soul struggling, fighting for something. Nong hinawakan na niya ang kamay nito ay kumalma na rin ang kaluluwa nito at sumanib ulit sa katawan.

"Bakit? Ano bang pakialam mo?" Tinignan na rin siya nito sa mga mata. Kahit namumugto sa pag-iyak ay matalas pa rin makatingin.

"Just tell me, Faith." Pamimilit niya dito. He wanted to know, para alam niya paano ito protektahan at iligtas sa kung anong nangyayari o mangyayari pa lang.

"Why would I? Wag mo kong pakialaman, Rain. Lubayan mo nalang ako. Yun lang ang gusto ko." Naglakad ito patungong pinto at binuksan yun, pati ang ilaw, pinapalayas na nga siya nito.

Sumunod siya dito, akala nito na lalabas siya, pero sinarado niya ang pintuan at nilock ulit. Di ito nakagalaw agad sa pagkabigla sa ginawa niya, kaya sinamantala niyang mas humakbang palapit dito.

Nang makabawi sa pagkagulat ay tumingala ito sa kanya. Nanlilisik ang mga mata. Narealize nitong ang lapit lang nila sa isa't isa kaya humakbang ito paatras.

"Ano ba, Faith?!" Umabante siya sabay lapat ng dalawang palad sa pader na nasasandalan nito. Wala na itong takas sa kanya. "Tell me! Gusto kong malaman anong nangyayari. Hindi mo alam kung ano yung nakita ko kanina. You scared me back there!" Di na niya napigilan ang sarili. Ayaw na niyang pagbigyan ito parati na lubayan at hayaan nalang.

Hindi ito nakapagsalita agad. Nanatiling nakatitig sa kanya. "Anong nakita mo?" Nanginginig ang boses nito, kinakabahan.

"Fuck.." Rain bowed down his head. Ayaw na niyang maalala ang pangyayari. He wanted to forget it. But how can he if it's about Faith? "I saw your soul." He looked at her eyes again. "Struggling, like wanting to fight."

She bit her lips, her eyes are getting watery again, she's ready to cry. Naalala uli ang patay ng kapatid. And what's worst is, kahit siya ay hindi na din alam ang nangyayari.

"I don't know, Rain." Nanghihina siyang napasandal nalang ulit sa dingding. Hindi na tiningnan ang binata. "I don't know what's happening anymore.." Her voice is breaking, umiiling pa siya.

Bigla siyang hinila ni Rain at niyakap ng mahigpit. Nagulat siya sa ginawa nito. Gaya ng kanina. Hindi siya nakapalag agad. She find it very comforting and feel so safe, but she don't want to indulge herself to the things that won't last. Ayaw niyang masanay sa ganon. She'll end up broken again.

His warmth is making her calm. But she still pushed him away, tried to. But he's much too strong to break free from his arms.

"What are you doing, Rain?" Naiinis na siya dito. "Let me go."

"You know what? Gusto kong gawin ito dati pa." Mahigpit pa rin itong nakayakap sa kanya. "Hindi ko man nagawa yun nong buhay pa ko, atleast ngayon nagagawa ko na. I wish i did this while i'm still alive though." May pagsisisi sa boses nito.

"Ano ba, Rain? Please, let me go!" Pabulong niyang sigaw. Ayaw ng makaisturbo pa sa katabing kwarto. Kanina pa siya maingay. Aakalain ng mga nakakarinig na baliw siya dahil wala naman silang naririnig na kausap niya. Siya lang kasi ang nakakarinig kay Rain.

Binitawan nga siya nito pero kinulong ulit sya sa dingding at mas nilapit ang mukha, hindi na siya makalayo kasi nakalapat na ang likod niya at ulo don.

"I don't know why you're acting like this! Kaluluwa ka na nga, nakakainis ka pa rin. At isa pa, hindi ako kagaya ng mga babae mo. I'm not playing hard to get. Hindi lang talaga ako interesado sa kahit sino." Hinihingal na siya sa galit dito.

Napatawa si Rain sa mga sinabi niya. Mas lalo niyang kinagalit yun.

Tumigil na rin ito sa pagtawa pero makikita ang aliw sa mga mata. "Damn right! Talagang hindi ka nila kagaya. You are you. Wala kang katulad, Faith."

"Alam mo naman pala eh. Kaya umalis ka na nga!" Sabay tulak niya sa dibdib nito pero hindi man lang natinag ang binata.

Tumayo ito ng maayos at mas lalong dinikit ang sarili sa kanya. Hindi pa rin nito binababa ang mga brasong nagkukulong sa kanya sa dingding. "Anong binabalak mo?" Matigas niyang tanong, nakatingala siya dito at matalim na tinignan. Damn his height! Hindi naman siya pandak, matangkad na nga siya para sa isang babae. 5'5 siya.

Direktang nakatitig si Rain sa kanyang mga mata, nangungusap ang mga yun. Ang ekspresyon ng mukha nito ay sobrang seryuso. "I won't listen to you anymore."

Nalito siya sa sinabi nito, kumunot ang noo niya don.

"Dati, sinusunod ko ang gusto mo na lubayan ka at hayaan." Dugtong nito. "Ngayon naman, gagawin ko na ang gusto ko. Hindi na kita hahayaan, lalo na sa nasaksihan ko kanina. I've decided to protect you, keep you safe from everything and everyone and that's final." Madiin at matigas nitong sabi. Wala ng makapagbabago sa desisyon nito. Nakasumpa na yun.

[[AN: Thank you so much for reading guys. Keep safe and God Bless us all. 😁]]