1200 Ano, lalaki ba ang gusto ko sa tingin mo?

นักแปล: LiberReverieGroup บรรณาธิการ: LiberReverieGroup

Sa isang mansyon sa Imperial City:

Hinubad ni Han Xian Yu ang kanyang elegante na high-end tailored jacket at naglakad siya patungo sa kanyang wine cabinet. Binuksan niya ang bote ng red wine, bumuhos siya ng isang glass nito, at naglakad siya papunta sa balkonahe.

Sa likuran niya, nagulat si Fei Yang dahil nakita niya si Han Xian Yu na umiinom ng madaling araw.

Ang buhay ni Han Xian Yu ay disiplinado at healthy. Madalang siyang uminom at kadalasan ay umiinom lamang siya tuwing okasyon.

Gayunpaman, ito ay karaniwan lamang. Siguro umiinom siya ng isa hanggang dalawang baso ng wine dahil masaya siya sa pagkapanalo ng kanilang agency.

Hinayaan na lamang ito ni Fei Yang. Bigla niyang sinundan si Han Xian Yu at bigla siyang nag tsismis, "Hay nako! Nakakatakot ang balita ngayong gabi, noh?! Kapatid pala ni Ye Mu Fan si Ye Bai, o si Ye Guan Guan. Ito'y…"

"Wan Wan yung pangalan niya, yung 'Wan' na galing sa 'Long hair wounds a monarch's heart'," umentra si Han Xian Yu kay Fei Yang at tinama niya ang pagkakabigkas nito. Tumayo siya sa balkonahe at tiningnan niya ang mala-inta na kulay ng gabi.

"Oo nga pala! Wan Wan, si Ye Wan Wan! Xian Yu, hindi mo alam pero sumabog ang buong industriya! Ang lahat ng group chats ay pinag-uusapan ito at halos sumabog na ang phone ko dahil andaming tumatawag sa akin! P*ta, nagulat rin ako, okay? Pero, Xian Yu, ikaw alam mo na ito noong una pa lang!"

Habang nagsasalita si Fei Yang, bigla niyang hinampas ang ulo niya dahil may naalala siya. "P*ta! Hindi kaya… hindi kaya si Ye Bai ang babae na nakasama mo noong nagka-iskandalo ka?"

Hinigop ni Han Xian Yu ang kanyang wine at hindi siya sumagot, sumasang-ayon siya dito.

Naliwanagan na si Fei Yang. "T*ng*na! Kaya pala! Nagtataka ako kung bakit may pakialam ka sa babae na iyon! Para sa kanya, may nahuli kang tao na nanloloko at pinaglaban mo siya pata makamit ang hustisya! At tsaka, napansin ko rin na parang mas lalong nagiging kakaiba ang attitude mo kay Ye Bai. Parang naging malumanay at maingat ka sa kanya. Nagtataka ako kung bakit malumanay at maingat ka sa isang lalaki! Muntikan ko nang maisip na, ahem…"

Naging bakla ka na...

Pinigilan kaagad ni Fei Yang ang sarili niya. Maingat niyang tiningnan si Han Xian Yu na parang magugunaw ang mundo niya. "Si Ye… Ye Bai pala ay babae talaga?"

"Kung hindi?" Nagsalita na si Han Xian Yu. Tiningnan niya si Fei Yang at humigop siya ng kanyang red wine bago niya dahan-dahan na sinabi, "Ano, lalaki na ba ang gusto ko sa tingin mo?"

Maririnig sa malamig ng gabing iyon ang malalim na boses ni Han Xian Yu.

Hindi muna naintindihan ni Fei Yang ang salitang ito noong una. Pagkalipas ng tatlong segundo, tumingin siya kay Han Xian Yu at bigkang nag-iba ang kanyang itsura.

Sh*t, sh*t, sh*t!

Anong pinaparating ni Xian Yu?

I-inamin… inamin niya ba na… gusto niya si Ye Bai?!?!?!

Nanatili sa isang lugar si Fei Yang dahil sa sobrang gulat.

Gulat na gulat siya nang tinitigan niya si Han Xian Yu. Mukhang may nadiskubre siyang importanteng impormasyon. "Uh, Xian Yu… gusto… gusto mo si Ye Bai?"

Nanahimik lamang si Han Xian Yu.

Matagal nang kasama ni Fei Yang si Han Xian Yu kaya kilala niya ito kahit nananahimik ito. Nahulaan na kaagad ni Fei Yang ang pinaparating ni Han Xian Yu kahit na gamit niya ay ang mga mata niya lamang.

At tsaka, napansin niya noon pa man na parang nag-iba si Han Xian Yu bago niya pa nalaman na babae si Ye Bai.

Napaisip si Fei Yang noong kalmado na siya, 'Mabuti na lang at babae si Ye Bai at hindi naging bakla si Xian Yu!'

Tinulungan ni Ye Bai si Han Xian Yu noong marami siyang problema. Pagkatapos ay ang kanilang mga isip palaging sumasanib sa isa't isa. Kung iisipin noon, kahit na babae si Ye Bai, hindi maikakaila ang dahilan kung bakit nagustuhan ni Han Xian Yu si Ye Bai.

Biglang umubo si Fei Yang at patuloy siyang nagtanong, "Um… edi anong plano mo? Gusto ma ba… na umamin sa kanya?"

Inubos kaagad ni Han Xian Yu ang isang baso na red wine niya. "Hindi lahat ng nararamdaman ay kailangang sinasabi."

avataravatar
ตอนถัดไป